Tagalog Sex Stories - Subdivision Part 16

Huling hapon namin noon sa Canyon Cove, bagay na aming sinulit dahil matatagalan pa siguro itong maulit. Babad kung babad talaga kami sa tubig, wala nito sa Maynila kaya kailangang magpakasawa. Paglubog ng araw ay naroon pa din kami sa ibabaw ng dagat, masasayang mga biruan ang aming ipinakita sa isa't isa, pagkakaibigang siguro'y wala nang hihigit pa. Siguro kung walang nagyaya na maghapunan na ay wala ni isa ang balak umahon pa.

"tara tara na guys!"
 paanyaya ng aking asawa.

Sa pangalawang pagkakataon kami ay naghapunan, tila para sa akin ay isang malakihang pagtitipon. Pinagmasdan ko ang bawat isa, lalo na ang mga babae naming kasama. Batid sa kanilang mga mukha ang tuwa at saya, isang bagay na aking maitatala sa aking talambuhay.



"got any plans tonight babe?" tanong sa akin ng aking asawa matapos kaming kumain.

"huh? ikaw? ano ba plano mo?" tanong ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang nais ipahiwatig ni Angel sa akin, siyempre muling naglaro sa aking isip ang gusto niya na muling makasiping ang dalaga naming kasama. Sa isang banda nama'y naisip ko rin na naghihintay lamang siya na baka ako naman ang pwedeng humiling, ewan ko pero mahirap mangarap ng gising.

"may natira pa bang alak babe?"
 bulong muli niya sa akin.

"may isa pa yata...inom ulit?" tanong ko muli sa kanya.

"pwede, oo ubusin na natin yun...minsan lang naman babe e" sagot ng aking asawa.

"eh sana babe no more 'games' or any stuff like that...I'm not being KJ pero hindi kasi natin kilala yung iba nating kasama" hiling ko sa kanya.

"sorry babe. sorry about that. promise behave na ako" sagot ni Angel.

Ayos lang naman sa akin ang ginawa nila ni Regina kagabi, ang hindi lang yata tama para sa akin ay ang lantaran niyang paglalandi. Lalo pa't kaharap ang taong masasabi ko pang "iba" para sa amin - si Mulong. Siguro si Katherine lang ang makapagsasabing kilala na siya, pero sa iba lalo na sa akin ay hindi pa siya lubusang nakakapasok sa aming pamilya. Isa pang rason kung bakit ako'y umiiwas sa ganong sitwasyon ay baka mabanggit nga ng dalawang dalaga ang nangyari sa amin, alam kong iba pa rin ang nais ni misis, ang ako ay tuluyang mabuking.

Muling nagsalu-salo ang grupo, sa huling gabi namin sa resort ay hindi katulad ng kahapon. Isang bote nalang ng alak ang aming itutumba, alam kong hindi ito sapat upang mapukaw ulit ang libog ng bawat isa. Kaunting kwentuhan at ilang mga kuru-kuro lang ang pumagitna sa aming lahat, walang bahid ng anumang kabastusan, puro pawang pang-prupesyunal na lamang.

Hindi ko na din nakitaan ng anumang kakaiba ang mag-syota, marahil napagtanto na siguro ni Mulong ang mali niya. Ang aking asawa nama'y tumupad gaya ng aming usapan, isinarado namin ang gabi na kami lamang.

Kinabukasan, hindi namin pwedeng pigilin ang panahon, kailangang lisanin na namin ang resort na yaon. Kailangang bumalik na kaming muli sa katotohanan, kailangang harapin na ang tunay na buhay, tama na ang bakasyon. Bago mag-alas onse ng tanghali ay nakagayak na ang lahat, inayos namin ni Angel ang mga bayarin sa front desk.

"ready guys?"
 tanong ni misis nang kami'y handa na din upang umalis.

"ate Angel, di ba tayo kakain muna ng lunch?" narinig kong tanong ni Carina habang kami'y nag-aayos ng gamit sa aming sasakyan.

"let's eat nalang at Tagaytay, maaga pa naman..."
 wika ni misis.

Sa loob ng nirentahan naming van ay masaya muli ang lahat, kanilang binalikan ang mga kasaysayang nagawa, may mga narinig din akong plano mula sa kanila na sa susunod daw ay sa iba naman kami magpupunta. Mga isang oras din mula sa aming pinanggalingan at narating na din namin ang Tagaytay. Dati ang aming mga pwesto, ako ang katabi ni Mulong habang siya ay nagmamaneho, paglingon ko sa aking likuran nito ko lamang napansin na ang katabi pala ni Angel ngayon ay si Regina na rin.

"ate Angel, saan po tayo?" tanong ng aming tsuper na si Mulong.

"uhm, kayo? saan nyo gusto mag-lunch girls?"
 tanong ni misis.

"ate sa Leslie's nalang!"
 sigaw ni Carina mula sa likurang bahagi ng sasakyan.

Ilang minuto pa'y narating na din namin ang isa sa mga tanyag na kainan sa Tagaytay. Pagbaba ko ng sasakyan ay dumampi kaagad sa aking mga balat ang malamig na simoy ng hangin kahit pa tirik ang haring araw. Kaysarap ng pakiramdam, talagang nakaka-relax ng aking kalamnan. Isa-isang nagpasukan ang aking mga kasama, marahil gutom na din sila. Magkasabay ang magkakapareha, si Mulong at hipag, sila Regina at Vanessa, tapos kaming mag-asawa. Si Carina na kanina pa gutom ay sa amin piniling sumabay sa paglalakad mula sa parking papunta sa restaurant. Habang hawak ko ang kamay ni Angel ay nabigla ako nang humawak din si Carina sa kabila kong braso. 

"ang lamig kuya hihi!" paunang bati nito.

Ayos lang ang ganoon, alam naman ng mga kasama naming nauna na sadyang likas na malambing ang dalaga, bukod doo'y talaga namang malapit siya sa aming mag-asawa. Hindi nila ito magagawan ng anumang kahulugan maliban sa sadyang pagiging magkakaibigan.

"remember Carina?"
 wika ni Angel.

"alin ate?"
 sagot ng dalaga naming kasama.

"hindi mo na matandaan? here at Tagaytay?"
 patuloy ng aking asawa.

Sa aking isipa'y mabilis na nanumbalik ang gustong iparating ni Angel kay Carina. Tagaytay, bukod sa Baguio ay ito na yata ang isa sa malamig na bahagi ng Pilinas kung saan minsang naging bahagi ng aking buhay. Dito ko iginuhit ang aking, or rather aming, makulay na nakaraan. Naalala ko sa isang iglap ang mga naganap dito, mula sa aking kasama noon sa trabahong si Samantha, hanggang sa ngayo'y kapiling na naming si Carina. Dito sa lugar na ito binigyan ng permiso ng aking maybahay si Carina, dito niya binuksan ang aming pintuan, dito una kong natikman si Carina na wala ni isang hadlang.

"ahhh...I get it...hihi!"
 sagot ni Carina na lalong humigpit pa ang pagkakakapit sa akin.

"..dito nga pala tayo unang nag-ano hahaha!" patuloy pa ng dalaga.

Habang inaantabayanan namin ang aming pananghalia'y nagpatuloy ang kani-kanilang mga kwentuhan. Katabi ko si Carina noon, sa kabila ko nama'y si misis na katabi naman ang dalagang si Regina. May pagkakataong nagtatama ang aming mga hita ni Carina, nagkakatinginan kami at ngumingiti pa tuwing malalaman naming dikit na pala ang aming mga balat. Ilang beses din niyang pasimpleng hinawakan ang aking kamay, para bang lalong naging malambing si Carina dahil sa mga naalala niya dito sa Tagaytay.

Ganunpama'y kalahati ng aking isip ay nasa iba, naglalaro sa aking isipan ang mapangahas na mga bagay. Posibleng kasing dito rin magdesisyon si Angel na si Regina ay aming isali na, pwedeng maging kabilang ang dalaga sa aming larong mag-asawa. Nag-uusap sila ni Regina, sa aking pandinig e hindi ko ito maunawaan dahil sa tingin ko'y tungkol ito sa kanilang pagkakahalintulad - ang nursing. May mga termino akong narinig na hindi likas sa aking bakuran, pero kapag ako'y sumusulyap sa kanila e para bang may pinaplano na naman sila.

"yehey kain na tayo hihi!"
 masayang wika ni Carina nang isa-isang ihain ng waiter ang aming mga pagkain.

Hapon na din nang kami'y makarating sa Kamaynilaan, medyo na-traffic kasi kami sa SLEX gawa ng isang aksidente. Una naming inihatid si Carina, masaya siyang nagpaalam sa lahat saka kami tumulak pauwi na. Dumaan muna kami sa bahay nila byenan upang kuhanin ang aming anak na naiwan, matapos iyon ay inihatid na din kami ni Mulong sa condo namin bago niya isinoli ang nirentahan naming saksakyan.

"ate sabay na din tayong mag-dinner nila kuya, sagot namin ni Vanessa bilang thank you sa inyo sa isang masayang outing!" masayang wika ni Regina bago kami pumasok sa aming mga unit.

"ah o sige, pahinga muna tayo then dinner time tawagan mo lang ako" paalam ng aking asawa.

Habang hawak ni Angel ang aming anak ako nama'y naging abala sa pag-aayos ng aming gamit na dinala. Nagkaroon kami ng ilang salitaan ni Angel, hindi naman tungkol sa anumang bagay kundi sa regular naming mga pinag-uusapang mag-asawa tulad ng kung anong oras ko ba siya ihahatid bukas, kelan ba kami mamamalengke, at iba pang para sa aming pamilya.

Alam ko na parang may gustong sabihin o hilingin sa akin si Angel, nararamdaman ko ito. Isa lang ang kaagad pumasok sa aking isip noon, alam kong gusto pa niyang umulit kay Regina pero siguro'y nahihiya sa akin. Marahil gusto niyang maging open kay Regina ngunit gusto rin niyang mapanitili ang pader sa pagitan namin. Alam ko na ganoon nga, halata ito dahil kakaiba ang kanyang paglalambing sa akin.


itutuloy

5 comments: