Tagalog Sex Stories - Subdivision Part 21

Part 21 Panibagong Bagyo

Inaasahan ko noong hapon na tumawag si Vanessa na magkakaroon muli ako ng pagkakataong matikman siya. Eksakto ang panahon, makulimlim, malamig ang simoy ng hangin. Subalit tila talagang hindi na ito naaakma sa amin, kahit pa sobra sa tingin ko ang kanyang paglalambing ay lagi kong naiisip si Angel na aking asawa at maging ang "girlfriend" kong si Carina na aking binitiwan ng mga salita.

"hi kuya! hihi! pasensya na sa abala ha?" bati sa akin ni Vanessa nang abutan ko siyang nakaupo sa sahig ng pasilyo.

"no no it's okay, dapat doon ka nalang sa lobby naghintay kesa naka-upo ka dito sa hallway" bati ko naman.




Pinapasok ko muna si Vanessa sa aming unit upang maghintay habang hinahagilap ko ang kanilang kopya ng susi. Ganitong-ganito ang nangyari dati, tag-ulan din noon, walang ibang tao maliban sa aming dalawa kaya't kami'y nadarang at tuluyang natukso ng pagkakataon.

"how's your vacation?" tanong ko pa sa dalaga.

"great! bitin nga kuya e, parang ang bilis ng panahon.." sagot niya.

"here you go..." abot ko ang susi nila.

Tinulungan ko si Vanessa na buhatin ang isang bag niya, pumasok din ako sa kanilang unit na para bang nakalimutan ko na ang itsura sa tagal kong hindi nakapasok doon.

"kuya may lakad ka ba? why don't you stay for a while with me?..ah may pasalubong pala ako sa inyo teka..."
 wika niya sabay paanyaya.

Gusto ko ito, pakiramdam ko noo'y sarado man ang aming bahay-kalibugan makasama ko lang ang dalaga ay parang ako'y masaya na. Subalit hindi talaga pwedeng ipilit, bago pa man ako makatugon sa kanyang paanyaya'y tumunog na muli ang aking cellphone.

"yes babe, papunta na ako dyan, medyo traffic lang at umuulan"
 wika ko.

"..sorry Vanessa, as much as I want to e kailangan ko nang sunduin yung mag-ina ko..." sabi ko sa kanya.

"ay oo nga pala, sige kuya...maybe next time? hihi! thank you po ulit" sagot ni Vanessa.

Nagagawa ko nang magsinungaling ngayon sa aking asawa, alam kong mali ito ngunit kung sasabihin kong naririto ako sa aming condo upang ang hinihinging tulong ni Vanessa ay paunlakan e malamang pagmulan pa ng aming away. Tumulak ako sa bahay nila byenan upang sunduin na ang aking mag-ina.

"babe, daan muna tayo kila Alex...may ibibigay lang ako" wika ni Angel nang kami'y makasakay na sa kotse.

Nagtaka ako, sino si Alex?

"huh? sino at saan yun?"
 tanong ko kay misis.

"ah dyan lang, malapit sa bahay nila Carina...bago naming staff yun, bagong lipat" paliwanag ni Angel.

Hindi na ako nagtanong pa, kahit na ako'y nagtataka dahil sa tagal na niyang nagtatrabaho doon sa ospital ay parang ngayon lang siya pumunta sa bahay ng isang kasamahan, at take note, lalake pa. Naisip ko sabi nga nya bagong lipat ito, sa hawak niyang papel malamang tungkol ito sa kanilang trabaho.

"dyan sa may pulang gate babe, teka tatawagan ko..."
 wikang muli ng aking asawa nang marating na namin ang bahay nila "Alex".

"...oo dito na kami, dito sa harap ng gate ninyo my dear..."
 nadinig kong sabi pa ni misis.

"my dear"?? Aba't ang sweet pa ng tawagan nila ha? Ako sana ay kokontra na, kukwestyunin ko na sana ang kahina-hinala sa pagitan nila. Ang aking ipinagtataka, kung ito'y lalake nga, bakit tatawagin niya sa matamis na pangalan na alam niyang ako'y naroroon lamang. Harapang bastusan ba ang tema?

"ma'am Angel! hihi pasensya na po sa abala!"
 narinig kong sigaw ng isang dalaga.

Napalingon ako kung saan nanggagaling ang tinig, mahina lang naman ang ulan noon. Lumabas ang isang nakapayong doon din sa pulang gate na aming hinintuan.

"oh Alex, fill this up and submit mo din sa akin tomorrow morning ha?" bilin pa ni misis.

"opo ma'am Angel..."
 sagot ng dalaga.

"ate nalang, ayoko ng ma'am haha!" biro pa ng aking asawa.

"ah okay po hihi! oh si baby! hi baby! hihihi!"
 masayang bati nito ng makita ang aming anak na kasama.

"..ay si sir pala, hi sir!"
 bati naman nito sa akin.

Siya si Alex. Si Alex na isang babae pala. Me and my dirty mind. Kung pala nauna akong maghimutok ay tiyak na ako'y mapapahiya sa aking asawa. Alex, marahil galing sa tunay na pangalang Alexa, o Alexandra, ewan ko basta babae din siya.

"saan galing yun? I mean saan department?" tanong ko nang kami'y papauwi na.

"si Alex? dati na din yun, sa NICU siya dati...nalipat ngayon sa amin kaya kailangang ayusin pa ulit yung mga papeles niya.."
 paliwanag ni misis.

"ah...akala ko kanina lalake hehe, panglalake kasi name nya e" biro ko nalang.

"hindi ko nga din alam full name niya e, bukas malalaman ko pag na-fill up na niya yung mga forms..."patuloy ng aking asawa.

Siguro humupa na din sa katawan ni misis ang kalibugan niya kay Regina, hindi na niya ito nababanggit at medyo matagal na. Kadalasan tuwing kami'y maghahapunan ay hindi nawawala sa usapan ang pangalan ng dalaga. Malamang dahil wala pa nga at nasa bakasyon pa si Regina, nang minsang siyasatin ko din ang telepono ni misis ay noong isang buwan pa ang huling mensahe galing sa kanya.

"babe maaga ako bukas ha, hatid mo ako ha?"
 wika ni misis.

"sure babe, e si ate ba anong oras pupunta dito?" tanong ko tungkol sa aming stay-out na kasambahay.

"ay oo nga noh, isang linggo din akong maaga ang duty e..."
 sabi ni misis.

"..yung dalawang dalaga wala pa ba dyan?" pahabol niyang tanong.

"ah si Vanessa dumating kanina.." sagot ko.

"paano mo nalaman??"
 medyo duda niyang tanong.

"kanina tumawag sa akin, nanghiram ng susi..."
 diretsa ko namang sagot.

Akala ko magagalit sa akin si Angel, akala ko ako ay kanyang sisitahin dahil sa hindi ko sinabi na nanghiram pala ng susi at aking nakasama kanina si Vanessa.

"gising pa kaya siya?"
 sagot ni Angel.

"tignan ko?"
 suhestyon ko pa.

"hindi ako nalang..."
 mahina niyang tugon.

Habang inililigpit ko ang aming pinagkainan ay narinig kong pinagbuksan na siya ni Vanessa sa kabila. Bukas maging ang aming pintuan, narinig kong ipinaki-suyo ni misis ang aming anak para bukas. Kapag siya ay aking inihatid, sa kanya muna namin iiwan ang aming anak. Maganda ito para sa akin, mukhang bumabalik na ang tiwala sa akin ni misis. Kung sa bagay ay wala naman talagang dapat ipagalala, ang alam lang naman ni Angel talaga ay minsan ko na silang nakainuman at hanggang doon lang.

"thanks Vanessa! thank you din sa pasalubong ha! goodnight!"
 paalam ni Angel sa kanya.

"..oh babe, si Vanessa na lang ang titingin kay baby kapag hinatid mo ako...pero kapag nagising ng maaga si baby e pwede din naman nating isama"
 pahayag ng aking asawa.

Sumang-ayon nalang ako, baka kasi kapag tinanong ko pa kung bakit si Vanessa pa ang napili niya ay maaaring magkaroon pa ng ibang kahulugan sa kanya. Medyo maaga din naman ang dating ng aming kasambahay, madalas ay kalahating oras bago ako naman ay pumasok sa aking trabaho. Ginawa lang naman ni misis ito dahil sa madaling araw ang kanyang alis at bihira lang ang ganito.


itutuloy

No comments:

Post a Comment