Tagalog Sex Stories - Subdivision Part 24

Part 24 Basta't Driver, Sweet Lover

Kinabukasan, muli ko na namang inihatid si misis sa kanyang pinagtatrabahuhang ospital. Pangalawang araw noon na ako'y walang pasok, dahil sa ang trabaho ng aking asawa'y sa ospital nga, dahil dito'y hindi palaging weekends ang bakasyon niya. Mas maaga pa nga akong nagising sa kanya, kadalasan kasi siya ang nauuna at ako'y gigising na lamang kapag kami ay aalis na. Noong araw na iyon ay parang may kakaiba akong sigla, nakaligo pa nga ako pero hindi naman niya ito gaanong nahalata.


"aba, maaga ka yatang naligo ngayon? may lakad?" tanong pa ni Angel.

"ah wala naman babe, bakit ayaw mo bang mabango ako? hehe"
biro ko pa.

"hindi naman, nanibago lang ako...magkikita ba kayo ni Carina mamaya? or ni Kat?"
 tanong muli niya.

"si Carina nag-text kagabi, mamaya nagpapasama sa mall. isama ko na din yung anak natin ha" sabi ko naman.

Hindi ko na nabanggit ang tungkol kay Alex, hindi naman niya siguro gagawan pa ng isyu yun dahil natural na naman sa amin na ang dalaga ay makisabay. Dahil araw iyon ng Linggo at walang ulan, mas maaga kaming nakarating kumpara sa inaasahan.

"sige babe ingat kayo mamaya ha? I love you!" paalam sa akin ng aking asawa.

Pagkababa ni Angel sa aming kotse ay mabagal akong umabante, luminga-linga ako upang hanapin ang aking susunduing babae. Mukhang nakalimutan na yata ni Alex ang aming usapan, siguro ay nauna na siya, baka mas maaga siyang nakalabas o di kaya nama'y may ibang kasamahan siyang nakasabay. Nakaramdam ako noon ng panghihinayang, hindi ko mawari subalit ito talaga ang aking naramdaman. Inisip ko, hindi naman talaga siya ganoon ka-importante, pero tila mayroon talagang isang bagay na taglay niya ang parang hinahanap-hanap ko.

Ilang minuto pa akong naghintay, umikot pa nga ako sa parking para lang pumatay ng oras. Nang ako'y nawalan na talaga ng pag-asa, nagpasya na din akong lumisan. Naisip ko pa na siguro hindi talaga ito iginuhit ng tadhana, siguro hanggang doon nalang talaga. Paglabas ko ng compound ng ospital ay bigla akong nabuhayan, di kalayua'y natanaw ko si Alex, sumakay siya ng isang taxi. Mabilis kong hinabol ang sinakyan niya, ewan ko ba pero gusto ko siyang makasama.

"beep beep! beep beep!" tunog ng aking busina.

Nagtaka pa yung driver ng taxi, ilang metro na din siguro ang tinakbo nila bago ko iniharang sa kanyang harapan ang aking sasakyan. Galit pa nga si manong driver kasi akala niya ako'y makikipag-away.

"Alex! Alex!"
 sigaw ko pa.

"ay kuya! bakit??"
 wika niya.

"tara sa akin kana sumabay, tara na!"
 pagpupumilit ko pa.

Para hindi na din magalit si manong taxi driver ay inabutan ko na kaagad siya ng limampung piso, bayad sa ilang metro niyang pagsasakay kay Alex. Nagtataka naman si Alex kung bakit ko iyon ginawa, pero sumunod naman siya sa aking hiling na sa akin na sumabay.

"pasensya na manong ha, eto o fifty pesos, salamat po"
 sabi ko pa.

Kibit-balikat namang sumakay sa aking kotse si Alex, nagtataka pa din sa ginawa kong hakbang. Noon ko lang yata ginawa iyon, para akong action star na humarang sa harapan ng taxi at inagaw ang pasahero na parang kini-kidnap.

"kanina ka pa ba dyan sa labas?" tanong ko sa dalaga.

"hindi naman kuya, bakit?" wika niya.

"eh sabi mo kasi sa akin ka ulit sasabay diba?"
 paliwanag ko pa.

"ay oo nga pala noh? hihi! sorry po kuya Bogs! nawala sa isip ko e...pasensya na ha" sagot naman niya.

Bumalik ang aking sigla. Nagbunga ang pag-gising ko ng maaga. Eto ngayon lulan muli ng aking kotse ang isang binibini. Kahapon hindi ko ito naramdaman, siguro kanina ay may sobrang oras pa siya upang makapag-ayos ng sarili, sumamyo kasi sa aking ilong ang mabango niyang halimuyak na kaparehas ng pabango ni Carina.

"tara kain tayo ulit?" paanyaya ko.

"aba? hindi ka ba nag-agahan kuya?" 
tanong ng dalaga.

"eh baka sabihin mo tatanggi na naman ako, kaya hindi na talaga ako kumain para may kasabay kana...saan sa Mcdo ulit?"
masaya ko pang alok.

"hihi! ang sweet mo naman, swerte talaga ni ate Angel! hihi! uhm, kasi kuya may niluto ako kagabi, doon nalang siguro ako kakain sa amin..." sabi ni Alex.

"ay ganun? nagugutom na ako e.."
 sagot kong muli.

Sa tingin ko ayaw niya akong makasabay kumain noong umagang iyon, sa tingin ko din ay ayaw niya akong imbitahan sa kanilang tahanan upang doon kumain ng agahan. Pero epektibo yata ang aking drama, napilitan siyang ako ay isama.

"oh sige na nga, pero huwag na sa Mcdo kuya, sayang pa pera natin e may niluto naman ako...pero nakakahiya, magulo sa bahay hihi!" 
wika niya.

"pagkain ang pakay ko, hindi yung bahay niyo hehe.." 
biro ko nalang.

Napangiti kong muli ang kasama kong dalaga, pangalawang beses pa lang ito na siya ay aking makasama ng malapitan. Pasimple ko na siyang tinititigan, sa may stoplight naman siya ay aking napagmamasdan lalo na kapag napapapikit siya sa antok. Naisip ko pa na makaka-tsansing ako kung sakaling tuluyan siyang makatulog at gigisingin ko siya mamaya pag-dating.

Sa aking pagliko sa kurbada'y napahilig ang natutulog kong kasama, kaagad kong nasalo ang kanyang balikat upang hindi lumaylay ang kanyang ulo habang natutulog.

"Alex...Alex..huy!"
 wika ko upang gising muna siya.

"ay! hihi! sorry po ulit! nakatulog na pala ako hihi!" sagot niya kaagad nang magising.

"dapat yata lagi na kita susunduin e? paano kapag sa taxi ka makatulog e baka kung ano pa gawin sa iyon nun" sabi ko sa kanya.

"ano naman gagawin niya sa akin??" tanong pa ni Alex.

"eh hindi natin alam, baka pagnakawan ka, o baka pagsamantalahan..iba na panahon ngayon"
 wika kong muli.

"ah okay...bakit ikaw hindi mo ba ako gagawan ng masama? hihi! JOKE!"
 sabay tawa pa niya.

Minarapat niyang makipagbiruan nalang upang siguro para hindi na muling makatulog. Natutuwa ako dahil alam kong napapalapit na sa akin ang kanyang loob, wala sa isip ko noon ang libog, pero nang aking maalala ang itsura niya kahapon ay muling nabuhay ang aking dugo. Medyo may pagka-careless si Alex, careless sa kanyang katawan. Hindi siya yung tipo ng babae na pino kung kumilos, sa tingin ko may pagka "boyish" ang mga galaw niya. Kapag siya ay yuyuko siguradong makikita mo ang cleavage niya, napagmasdan ko din ang pag-upo niya sa kotse ay parang sa binata.

"tara kuya Bogs, pasok ka"
 sabi niya sa akin nang kami'y makarating na.

"sa tita mo itong bahay diba?" 
tanong ko habang nagbubukas na siya ng pintuan.

"ah opo, pero ganitong oras wala siya pati mga pinsan ko kasi umaga ang trabaho nila" sagot niya.

Hindi ko balak alamin noon kung may kasama ba siya, sa kanya mismo nanggaling ang sagot kahit na ito'y hindi ko naman tinanong. Ang gusto ko sanang alamin ay kung sino ang gumawa ng bahay ng tita niya, bilang arkitekto ay ito ang una kong napapansin tuwing sa ibang bahay o gusali ako ay tutungo.

"no I mean, sa tita mo ito diba, ang ganda kasi ng pagkakagawa..."
 patuloy ko pa.

"ahhh..di ko po alam kung sino yung gumawa nito, pero ang alam ko si papa yung nag-design ng mga poste nyan..."
 patuloy niya.

"maupo muna kayo kuya Bogs..." 
aniya.

Maayos naman ang loob ng bahay, halatang mga kababaihan ang nakatira dito. Pero pagtingin ko naman sa isang pader ay may ilang larawan din ng lalake, pinsan din niya yata ito.

"..kuya Bogs, dito nalang tayo kumain sa sala ha? medyo magulo kasi sa dining area...okay lang ba?"
 wika ni Alex.

"ah okay lang, kahit saan ayos lang" tugon ko naman.

Inihain ni Alex ang niluto daw niyang pagkain, muli, wala siyang paki kung masilipan man siya ng ibang tao. Habang inaayos kasi ni Alex ang plato sa may lamesita ay nakayuko siya dahil mababa ito, ayokong titigan, baka ako ay kanyang mabisto. Pero tila ba parang sinasadya niya ito o hindi talaga niya alam kung paano ito itago. Ano pa ba ang gagawin ko? Lalake ako at obligadong tumingin sa katawan ng babae. Nasilip ko tuloy ang itim na bra ni Alex, salu-salo nito ang malulusog niyang mga suso.

"kuya saglit lang ha, magbibihis lang muna ako..mauna kana baka gutom kana e" wika ni Alex matapos maihain ang pagkain namin.

"ah hindi, hihintayin na din kita...sige lang"
 sagot ko naman.

Nabuking niya kaya ako? Nakita kaya niya na nakatingin ako sa mga suso niya kaya siya magpapalit na ng damit? Bahala na sabi ko sa sarili ko, hindi ko naman talaga sinasadya e, siya naman ang yumuko at ako'y napatingin lang doon. Habang hinihintay ko siya ay nag-isip na kaagad ako ng palusot kung sakali ngang sitahin niya ako. Laking gulat ko nang siya ay bumalik, akala ko babalik siya na balot na balot ang katawan.

"oh tara na kuya, kain na po"
 wika ni Alex.

Hindi ako kaagad nakasagot, ako'y namangha sa kanyang bagong suot. Kung kanina nasilip ko ang kanyang mga suso sa pagyuko suot ang uniporme ng nurse gaya ng kay misis, ngayon sigurado konting yuko lang nya e kitang-kita ko na siguro ang buong suso nito. Hindi ko na inisip pa ang pagiging "boyish" ni Alex, sa basketball sando niyang suot e talaga namang nakakalibog.

"huwag mo pagtatawanan ha? hindi naman talaga ako nagluluto, pero sa panlasa ko e sakto sa akin yan hihi!"
 biro pa ng dalaga.

Gutom naman talaga ako, pero sa tanawin sa aking harapa'y halos hindi ako makasubo. Magkaharap kami nuon sa sala nila, sa gitna namin ang maliit na lamesa. Sa bawat pag-subo ni Alex ay sinasamantala ko, bawat yuko niya upang isubo ang pagkain ang dalawang bundok niya sa akin ay naghe-hello.

"ano kuya? ano lasa? masarap ba?"
 tanong pa nito.

"ah oo, ang sarap! dito nalang kaya ako lagi mag-agahan? hehe"
biro ko naman.

Ilang saglit pa'y inabot niya ang remote ng telebisyon, binuksan niya ito upang kami ay manuod.

"diba lagi ka din nakikinig sa balita?"
 tanong pa niya.

"oo, sige okay lang kahit wag na" 
wika ko pa.

Ayoko kasing buksan niya ito, ayokong maiba ang aking atensyon. Pero hinayaan ko nalang din ang kanyang gusto. Nagpatuloy ang aming pagkain, nagkaroon din kami ng kaunting pagkukwentuhan tungkol sa kung anu-ano. Hindi ko talaga maiwasang titigan ang kanyang katawan, mula paanan niya na makinis at kumpleto pa sa pedicure, suot ang puting pantalon na uniporme at sa itaas nito ang pangbasketbol namang jersey pa ng Miami Heat.

"idol mo pala si Lebron?"
 tanong ko.

Hindi ko natiis na ako'y magtanong, hindi ko naisip na bakit ko ito napansin na kanyang suot, baka mamaya e isipin niyang pinagmamasdan ko pala ang kanyang katawan at suso.

"ah hindi naman, bigay lang ni kuya Empoy yan yun pinsan ko. Mahilig kasi akong mag-ganito kapag nasa bahay lang...okay lang ba? ang laki nga ng braso ko hihi!"
 sagot ni Alex.

"bagay nga e, alam mo kahit si Angel mahilig sa ganyan, sa mga damit ng lalaki...cute nga tignan e"
 bola ko naman.

"so cute din ako? haha!"
 biro naman ni Alex.

"hindi, yung jersey lang haha!" 
hirit ko naman.

"nye! hahaha! akala ko ako haha!"
 sagot pa niya.

Ayoko pa sanang umalis noon, sa katunayan ay binagalan ko pa nga ang aking pagkain. Pero napansin kong inaantok na talaga si Alex, ayos lang naman din sa akin, masaya ako at nakasama ko siyang muli. Ang totoo'y wala akong pagnanasa, basta talagang alam ko na kapag kasama siya ako ay masaya. Siguro bonus na lang ang siya ay aking masilipan, bukod doo'y wala na talaga.

"oh sige Alex, maiwan na kita para makapag-rest kana..."
paalam ko sa kanya.

"oh sige kuya Bogs, gusto ko pa sana din makipag-kwentuhan sa iyo e, pero antok na din talaga ako" sagot niya.

Tama ba? gusto pa daw niya sana? Bwisit sayang naman, kung ipipilit ko pala ay ayos lang sa kanya. Pero talagang ganun, gumawa nalang ako ng ibang paraan para ito'y maulit pa.

"oh bukas sasabay ka ba ulit?" tanong ko pa.

"e diba may pasok ka na din?"
 tanong naman niya.

"oo pero maaga ko naman inihahatid si Angel e, tapos pauwi sabay ka ulit..."
 sabi ko.

"ah ok, akala ko kasi sabay ulit tayo kakain...o sige kuya Bogs, salamat ulit!" 
sagot ng dalaga.

Aba, akalain mo hindi lang pala hatid ang pinaglalaanan niya ng pansin, pati na rin pala ang sabay kaming kumain.

"sige Alex...teka, ano nga pala real name mo?" pahabol ko pa.

"hihi, akala ko hindi mo tatanungin...Alex nalang..."
 sagot ng dalaga.

"for the record lang..."
 hirit ko pa.

"...uhm, ayoko kasi ng name ko, babaeng-babae ang dating...pero promise mo wag mo ko tatawagin sa real name ko ha?"
 paliwanag niya.

"promise." 
sagot ko.

"it's Alyssa..." wika niya.


itutuloy

1 comment: