Tagalog Sex Stories - Subdivision Part 29

Part 29 Textmates

"ah thank you nalang Alex, may pasok pa kasi ako..." sagot ko sa dalaga.

"ay, hindi mo na nga ako sinundo eh...hihi! siya sige po kuya, see you around"
 biro pa niya.

Oo nga pala, wala kasing pasok si Angel kaya't hindi kami ulit nagkaroon ng chance na magkasabay muli pauwi. Sadyang mabait naman talaga si Alex, malambing tulad ni Carina ko.


"hehe oo nga no? off kasi si Angel ngayon kaya hindi mo ako nakita...sorry po, sige bukas isasabay kita"sagot ko nalang.

Iniwan kong nakangiti si Alex, may panghihinayang din sa aking isipan kung bakit hindi ko pinaunlakan ang paanyaya niya. Wala talaga sa intensyon ko na siya ay aking galawin, ang laman ng isip ko noon ay ang mga napag-usapan namin kagabi ni misis. Saglit na nawalay sa aking utak ang presensya ni Alex nang muli kong maalala ang pantasya ng aking asawa.

Sinubukan kong ito ay iwaksi, ayokong magkaroon ng pagkakataong makagawa ng haka-haka ang aking mapaglarong isipan. Sinubukan kong isipin ang iba, si Carina, si Kat, o maging si Alex. Subalit tila ang tadhana'y nagsisimula na, nang ako'y pumarada sa harapan ng aming proyekto ako'y may nakitang isang piraso ng papel na may nakasulat.

"cellphone number ito ah?" bulong ko pa.

Pinulot ko ito at siniyasat. Hindi ako nagkakamali at sigurado akong kay Angel ang papel. May tatak kasi ito ng kanilang ospital, dito ako'y nagdudang muli. Pwede kasing galing ito kay Kevin na kanyang kagabi ay nabanggit, eto na at umarangkada na ang aking pagdududa.

Matapos ang isang oras, matapos kong gawin ang aking routine sa site ako ay namahinga na. Dinukot ko ang kapirasong papel na aking napulot sa loob mismo ng aking kotse. Habang hinihigop ko ang aking kape ay muli akong nag-isip, tatawagan ko ba ang numero at ito'y aawayin?

"tang ina baka number ito ni Kevin, baka pinopormahan na naman niya si Angel" wika kong muli sa aking sarili.

Kinuha ko ang aking telepono, tinipa ang numero at inisip ko muna kung paano ko sisimulan ang aking pagsisiyasat dito.

"kapag tinawagan ko kaagad, pwedeng i-deny na niya kaagad. siguro ite-text ko na muna, at magpapanggap ako"
 plano ko pa sa aking isipan.

"hi! kmusta?"
 text ko sa numero.

Ako'y nag-antabay, hinintay ko kung sino ito. Nagdesisyon akong makipaglaro, kunyari ako'y makikipag-textmate at siguro malalaman ko kung sino at kanino ang numerong hawak ko. Hindi ako makahintay, gagawa na sana ako ulit ng mensahe upang siya ay kulitin. Maaari kasing dinedma lang niya ito, pwede ring nag-iisip siya kung sino ba ako. Ako'y nabuhayan ng loob ng tumunog ang aking telepono, isang mensahe ang aking natanggap.

"hu u?"
 sabi nito.

Mabilis kong isinulat ang aking sagot.

"pwede ba makipag-textmate?"
 reply ko.

"cno ka nga??" sagot kaagad nito.

Nag-isip ako ng pangalan, medyo natagalan ako kasi hindi ko alam kung ano ang bagay.

"Angela"
 ito ang pakilala ko.

"hi, nice 2 meet u Angela..pro sori girl dn kc me" 
reply ng aking ka-text.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagpapanggap, pwede rin kasi na sa una siya ay magpapanggap din para iwas huli. Laman talaga ng aking isipan noon ay si Kevin ito.

"ay gnun? e ano po name mo?" mensahe ko uli.

"Alex." sagot niya.

Pusang gala, muntik na akong matapunan ng kapeng iniinom ko. Si Alex as in Alyssa pala ang aking ka-text. Noon naisip kong baka ibinigay niya ito sa aking asawa at nakaligtaan lamang niya ito o di kaya nama'y nahulog sa sahig ng aking sasakyan. Biglang nawala ang aking kaba, biglang nagbago ang takbo ng aking isip. Ganunpaman, pinanindigan ko pa din ang pagiging "textmate" sa kanya.

"Alex? edi boy ka nga?"
 sagot ko pa.

"Alex as in Alyssa, nickname k lng yn" sagot niya.

"ah ok...e kht na, hnd ba pwd tyo magtxt?" reply ko ulit.

"teka, sn m b nkuha number ko??" sagot naman niya.

"wla, hinulaan k lng" sagot ko naman.

Yun ang huling mensahe na aking binitawan, hindi na din siya nagreply pa sa aking pangungulit. Naging panatag naman na ang aking isipan nang mapatunayan kong hindi kay Kevin ang numerong naiwan. Ganunpaman, ang interes ko ay nag-iba, ngayon alam kong si Alex ang aking kausap. Sinubukan kong kulitin pa din ang dalaga pero hindi na talaga siya nagrereply. Ang ginawa ko ay ginamit ko ang landline sa construction site, tinawagan ko si Alex.

"hello?" sagot niya.

"hello?? sino toh??!" masungit na niyang tinig.

Tila musika sa aking pangdinig ang kanyang mga tinig, ang sarap sa tenga ang kanyang boses.

"hi...Alex?"
 sagot kong mahina.

"sino to?" wika niyang muli sa telepono.

"si...si Bogs ito..." pagpapakilala ko.

"ay kuya? kuya Bogs? hihi! sorry ha, may nangungulit kasi sa akin, akala ko ikaw hihi! oh napatawag ka?"
sagot ni Alex sa akin.

"hehe, actually ako nga yun haha! ako si Angela!"
 pag-amin ko na.

"sira ka talaga! hihi! textmate-textmate ka pa ha! saan mo nakuha number ko kay ate?"
 tanong pa niya.

"no actually napulot ko sa car ko, nakasulat sa papel"
 sagot ko.

"ah yung binigay ko siguro kay ate...so number mo ba yung kanina?" balik ng dalaga.

"oo sa akin yun...so textmate na tayo? heheh!" biro ko pa.

"eh oo hihi! ikaw kuya talaga! hihi!"
 masaya niyang wika.

Tumagal din ng halos kalahating oras ang aming usapan, hindi ko akalaing mas madami pala kaming mapag-uusapan ng hindi harapan. Siguro mas may tapang si Alex na makipag-usap sa akin sa telepono kumpara kapag kami'y magkasamang talaga.

"kuya, inaantok na ako e, matutulog na sana ako" 
wika pa niya.

"ah o sige, pasensya na sa abala hehe...sige po tulog kana"
 sagot ko pa.

"okay kuya Bogs...ay bukas ba ihahatid mo si ate?" 
tanong pa niya.

"oo, ano sasabay ka ba pauwi?" sabi ko pa.

"o sige kuya, pasabay na din...sige na po, bye!" 
paalam ng dalaga.

Tila nabuo na ang araw kong mahaba, tila nakumpleto na ni Alex ang aking saya. Ganun pala ang pakiramdam kapag may kaibigan kang babae na hindi mo pinagnanasahan.

Nang matapos ang maghapon ay aking hinintay ang text ni Alex, siguro hindi pa siya nagigising kaya't hinayaan ko nalang ito at hindi na nanghinayang. Siguro tama na din iyon, baka mamaya makita pa ni misis ang mensahe ng dalaga at siguradong malaki itong gulo. Binura ko na din ang text messages ko kanina sa kanya bago ako umuwi ng bahay.


itutuloy...

3 comments:

  1. shit.. tagal ng alexa....

    ReplyDelete
  2. heheh pidi pakidali naman yong kasunod kc nkkbitin eh..

    ReplyDelete
  3. tama tagal ni alexa. Bka tigang na c alexa, kailangan na ulit paputukan sa loob or bka mabuntis na sya haha

    ReplyDelete