Tagalog Sex Stories - Subdivision Part 30

Part 30 Bantay Salakay

Kinabukasa'y muli ko itong sinalubong ng tuwa, gaya ng dati, maaga akong bumangon upang maghanda. Ihahatid ko kasi si misis sa kanyang trabaho, at siyempre, muling umaasa na maisasabay ko ang dalagang si Alex.

Naging normal lang naman ang aming turingan ni Angel hanggang sa siya ay aking maihatid na, ni hindi na namin nabanggit sa isa't isa ang pakay kung saan kabilang ang kasamahan niyang lalaki na si Kevin. Siguro nga hanggang doon na lang iyon, siguro hindi ito palalakihin pa ng aking asawa.


Gaya din ng dati, bahagya akong nanatili sa compound ng ospital upang hanapin na din si Alex. Hindi ko alam kung ito'y kanyang sinasadya, alam naman niya na may usapan kami kung saan hihintayin niya ako sa dating tagpuan at siya ay sasabay. Pero inisa-isa ko na lahat ng mga nakatambay sa may labasan, maging doon sa dati niyang pinaghihintayan ngunit wala ang dalaga doon. Madami pa akong oras, sa site naman ang diretso ko kaya't hindi ako nangangambang mahuli ng pasok. Pero ako'y nawalan ng tyaga sa paghihintay, para saan pa ang aking telepono kung hindi ko ito gagamitin.

"Alex? hello?" sabi ko nang siya ay aking tawagan.

"hello...hi kuya..." sagot ni Alex na para bang kagigising lang.

"uhm nasaan ka? dito ako sa may tapat ng 7-eleven" sabi kong muli.

"ay kuya pasensya na, kagigising ko lang...sorry ha, kagabi kasi tumawag sa akin si ate Angel, binago na niya ulit yung sched ng duty ko e..off ko ngayon tapos bukas parehas na kami ng pasok ulit..." paliwanag ng dalaga.

"ah ganun ba, akala ko parehas pa din...sige okay lang..." wika ko naman.

Pero teka, tama ba ang narinig ko? Binago ni Angel ang schedule niya? Mukha yatang kaduda-duda, or rather, nagdududa ang aking asawa. Dahil mas "senior" si Angel ay may kapangyarihan siya at siya din naman talaga ang nakatakda sa mga schedules ng duty nila.

"oh mukhang puyat ka yata?" tanong ko pa sa dalaga.

"ah eh, hihi! napainom lang kagabi hehe!" sagot naman ni Alyssa.

"ah ikaw ha, hindi ka nagyayaya"
 biro ko naman.

"hihi! bakit umiinom ka din ba kuya? sige sabihin ko kay ate Angel sama kayo sa akin minsan" paalam pa niya.

Hindi ko na pinahaba pa ang usapan, sumang-ayon nalang ako sa kanyang plano. Hindi ko na inisip kung para saan pa ito dahil medyo nadismaya ako noong umagang iyon.

Sa sumunod na araw ako ay hindi na nagplano, naisip kong pinapaasa ko lang ang aking sarili sa hindi pwede. Natutuwa nga ako oo, pero kung susumahin ko, para saan ba talaga ang mga ginagawa ko? Sinubukan kong limutin kaagad ang dalagang si Alex, sinubukan kong iwaksi na ito sa aking isipan at imahinasyon. Pero tila ang mga tao sa aking paligid pa talaga ang nagsusubo, tila senyales nga yata talaga ito na kailangan ko ng pagbabago.

"babe si Alex daanan na din natin..." wika ni misis isang umaga ulit.

"ah o sige babe, maaga pa naman." sabi ko sa aking asawa.

"actually sinabihan ko na siya dati pa diba, na kapag sabay yung duty namin e sa atin na sasabay...mabait naman kasi yung bata, ano ba yung makatulong na din tayo sa kanya"
 paliwanag pa ni Angel.

Nang aming marating ang kalye kung saan naroon ang bahay nila Alex, malayo pa lang ay kita ko na siyang nag-aabang sa harap ng kanilang gate. Habang papalapit ay naaninag ko ang matamis niyang ngiti na isinalubong sa amin. Nalimutan ko tuloy ang "tampo" ko sa kanya noong isang araw, iba nga talaga ang dating sa akin ng dalagang ito.

"hi ate Angel! hi kuya! hihi salamat po sa pagsundo nyo sa akin!" masayang entrada ng dalaga.

"you're welcome my dear!" malugod namang wika ni misis.

Pagsakay ni Alex ay muling natahimik ang paligid, minarapat ko nalang buksan ang radyo upang hindi naman maging "awkward" ang sitwasyon namin. Walang nabanggit o walang balak banggitin si Alex tungkol sa dati naming pagkikita o ang "aksidenteng" paghahatid ko sa kanya, marahil alam niyang "bawal" yata ang mga aking ginawa.

Kinahapunan, mas maaga akong tumungong muli sa kanilang ospital, ewan ko ba pero tinamaan ako ng katamaran. Dati ay isinasagad ko ang aking oras sa trabaho, kahit na wala na akong ginagawa ay alasingko impunto akong lumilisan. Noong hapon na iyon ay alas-kwatro yata akong nakarating sa ospital, para bang may nag-udyok sa akin na tumambay muna sa kanilang departamento.

"hi sir Bogs!"
 bati ng ilan.

"ay sir Bogs nag-rounds lang po si ma'am Angel, dito na muna kayo sa lounge"
 sabat naman ni mang Panyong, yung janitor nila na madalas ko dating nakaka-kwentuhan.

Habang ako'y nakaupo sa isang mahabang upuan, inilabas ko ang aking cellphone at naglaro nalang bilang pamatay ng oras. Di kalaunan ay may pumasok na isang nurse, una ay hindi ko ito pinansin dahil ako'y abala sa aking nilalarong app sa aking telepono. Pero pakiramdam ko'y may tila nakatingin sa akin, nang ako'y tumango upang alamin, nabigla ako kung sino ang taong dumaan sa akin.

Bihira ko siyang makita, ang alam ko nga ay nalipat na ito ng departamento. Pinagmasdan ko ang lalakeng nurse na nakita ko habang papalabas na siyang muli sa lounge na kinaroroonan ko. Maputi, mas matangkad sa akin, pamilyar ang itsura. Kalbo. Si Kevin nga. Si Kevin na dating manliligaw ni misis. Noon naisip kong ito pala ang tungkulin ko, ang magbantay dito mismo. Kaya pala naisipan kong umuwi ng maaga para masundo ang aking asawa, siya pala ang dahilan.

Noon din itinakda ko na sa aking isipan, dahil na rin sa mga nasabi ni misis noong isang gabi, may dahilan na ako upang dito ay manatili. Babantayan ko si misis, aalamin ko din kung may kakaiba bang nagaganap sa kanilang ospital. Pero paano ko ito mapapatunayan, siguradong kapag naririto ako si Kevin ay mananahimik. Kung sakali mang nilalandi nga niya si misis, siguradong hindi niya ito gagawin kapag alam niyang nagbabantay ako.

"hi kuya! ang aga mo naman?"
 bati ni Alex.

"uy Alex! hi...wala na kasi magawa sa site, dito nalang ako tatambay..." sagot ko sa dalaga.

"ah ganun ba, ang saya naman...hihi...nakita mo na ba si ate? nasa itaas pa yata e, gusto mo ng miryenda?"alok pa ni Alex.

Tama. Si Alex ang aking kailangan. Pero paano ko sasabihin sa kanya na kailangan ko ng mata at tenga sa ospital nila? Siguradong magagalit si misis sa akin kung ito'y kanyang malalaman. Siguradong kukulo ang kanyang dugo sa oras na malaman niyang kinukwestyon ko ang aking tiwala sa kanya bilang aking asawa.

"babe?! ang aga mo yata?" sabat ni misis nang siya ay pumasok sa lounge.

"hi babe, e medyo walang magawa sa site e..." wika ko naman.

Kasunod na pumasok ni Angel ang lalake kanina, tahimik lang ito nang ako'y kanyang makita.

"hi kuya Kevin! gusto mo?" wika ni Alex inaalok ang kinakaing sitserya.

"thank you, sige lang busog pa ako e"
 sagot ni Kevin.

Siguro hindi ganoon karami ang kanilang pasyente noon, ang ilan sa mga naka-duty na nurse ay nakatambay lang. Si Alex ay isa na doon kaya't nagkaroon kami ng pagkakataong makapag-kwentuhan.

"babe wait lang ha, may tatapusin lang ako...maaga pa naman diba? ...uhm Alex paki-entertain mo muna si Bogs ha? medyo mainipin yan e hehe!"
 biro pa ng aking asawa.

"sure ate, ako bahala sa hubby mo hihi!" sagot ng dalaga.

Minsan naisip ko, mahirap din pala ang sitwasyon ko. Ang pagiging bukas ni Angel sa lahat ng bagay ay may disadvantage din yata. Tulad nito, ibinilin niya ako sa isang babae, isang dalaga na hindi ko naman lubos na kilala. Iisipin mong normal lang ito bilang isang kaibigan, pero kung susuriin mong mabuti, pwede itong magsilbing patibong. Bakit nga ba ako o bakit nga ba pinagdaraanan namin ang mga pagsubok na ito? Bakit nga ba hindi ko maalis sa isip ko na ang mga aksyon ng aking asawa ay palagi kong iniisip na isang "test" ng aking pagiging tapat sa kanya? Ang alam ko lang ay dahil doon sa pakikipag-inuman ko kila Regina at Vanessa noon.

"oh paano ba yan kuya, ako daw bahala sa iyo?"
 birong muli ni Alex.

"hehe, e ano naman gagawin mo para ma-entertain ako?" sakay ko naman.

Tila talaga masarap pagmasdan si Alex, gaya ng sabi ko dati, hindi siya yung tipong babae na makikita mo sa bar at pag nalasing ay saka kayo magsisiping. Siya yung babae na kahit tahimik, walang patay na sandali kapag nagsalita naman, siya yung babae na hindi mo lilingunin kaagad bagkus ay kapag natitigan mo saka lalabas ang tunay na kulay.

"sino pala yung lalake kanina?" tanong ko sa kanya.

"sino? yung matangkad?" sagot niya.

"so pandak ako?" biro ko.

"hihi! kuya talaga! si Kevin yun, nurse din dito..."
 sagot muli ni Alex.

"ah...parang ngayon ko lang nakita e"
 tugon ko pa.

"ganun? e matagal nang nurse dito yan e, kasabay pa nga yata ni ate Angel dito na napasok" paliwanag pa niya.

Hindi na ako nagtanong pa, ayokong mahalata ni Alex na ako'y "nagbabantay" sa aking asawa. Sa tingin ko kumagat naman siya sa unti-unti kong plano, tama ito, hindi ko dapat biglain baka pa dumugo.

"ay kuya, hindi ba magaling ka magdrawing? I mean photoshop?" tanong ni Alex.

"uhm, why? paano mo nalaman?" sagot ko naman.

"ah e nabanggit kasi ni ate Angel...hihi, baka pwede humingi ng favor?" 
patuloy ni Alex.

"o sige, ano ba yun?" tugon ko.

Tumayo si Alex, doon siya tumungo sa may lalagyan nila ng mga gamit na may kandado. Kinuha niya ang bag niya at muling bumalik sa akin, tumabi siya sa akin. Habang inilalabas ni Alex ang kanyang laptop, sinamantala ko naman ang pagkakataong siya ay aking malanghap. Tuwing naaamoy ko ang kanyang pabango ay naaalala ko kaagad si Carina. Pero habang si Carina ang nanunumbalik sa aking isipan ay hinahaluan din ito ni Alex ng kanyang katauhan.

"medyo nag-aaral pa lang kasi ako nyan, birthday kasi ng tita ko next week, gusto ko sana gawan ng banner...patulong naman okay lang?" malambing na wika ng dalaga.

Sino ba naman ang makakatanggi sa kanya, mabango, malambing, at paminsan-minsan ay nakiki-tapik na din. Matapos buksan ang file na inumpisahan niya ay kinuha ko ang laptop at sa aking kandungan ko ito inilapat. Ginawa ko ang kanyang nais, tinuruan ko din siya ng ilang tips base sa aking mga nalalaman doon.

"wow ang sweet naman, naku baka makita kayo ni ma'am Angel ha hahaha!" 
biro ng isa nilang kasama.

"sira! nagpapaturo lang ako ng photoshop noh!" depensa kaagad ni Alex.

Siguro kung ibang tao nga ang makakakita sa aming pwesto e mapagkakamalan mong "sweet" ang aming estado. Halos dumikit na din kasi ang mukha niya sa aking isang braso habang ako'y nagtuturo at nakatingin siya sa screen ng kanyang laptop. Hindi ko naman ito sinasadya, hindi ko sinasadya na minsan pa nga e dumunggol ang aking siko sa gilid ng kanyang suso. Siguro hindi niya ito napansin, wala naman talaga sa isip naming dalawa ang kamanyakan, nagkataon lamang. Masaya ako, masaya ako hindi dahil sa tsansing, masaya ako dahil kasama ko si Alex.


itutuloy

No comments:

Post a Comment