Tagalog Sex Stories - Subdivision Part 31

Part 31 Cradle of Life

Naging madalas ang pagpunta ko ng maaga sa ospital para sunduin si misis pati na rin si Alex. Naging madalas din ang aming kwentuhan lalo na kapag wala na siyang ginagawa. Hindi ko na nakitaan ng mali ang presensya ni Kevin, marahil natuon na talaga ang aking pansin kay Alex. Hindi ko siya pinagnanasahan, basta ako'y masaya lang tuwing naroon siya. Ganunpaman, hindi ko ito maintindihan, lalo na kapag kami ay nagtatalik ni Carina. Alam natin na parehas sila ng gamit na pabango kaya't hindi ko maiwasang maisip din si Alex tuwing si Carina ay nasa ilalim ko. Hindi ko naman magawang pagnasahan si Alex kapag siya na ang kaharap ko.


"kuya! hihi! buti maaga ka ulit ngayon, pasama naman sa ano, dyan sa mall saglit lang...bibili kasi ako ng gift ko para kay tita, sa isang araw na kasi yung birthday niya e..."
 wika ni Alex.

"ah e, nasaan ba si Angel?"
 tanong ko kaagad.

"sinabi ko na, nagpaalam na ako. actually siya nga nag-suggest na ikaw daw isama ko dahil alam mo yung magandang gamit sa bahay, yun yung bibilhin ko sanang regalo..." paliwanag pa ng dalaga.

Noong una ako ay duda, tatanggi sana ako pero sadyang hindi yata pwedeng gawin ang pagtanggi sa babaeng tulad niya. Eksakto namang dumating si Angel sa lounge nila at sinabing samahan ko si Alex.

"babe, pakisamahan mo nga si Alex...tapos bumili kana din ng gift natin para sa tita niya...sige na at marami pa akong aasikasuhin" wika ng aking asawa.

Kung aking iisipin, pwede namang pagkatapos na ng duty nila kami magpunta sa bilihan ng gamit. Pero ano pa nga ba ang aking magagawa, kundi sundin nalang ang aking magandang asawa.

Sigurado akong kapag nakita ni Carina ang dalagang aking kasama ay magseselos siya. Alam naman natin ang kamandag ni Carina, maliban kay Angel at Kat, sa ibang babae ay asiwa siya lalo na kapag aking kasama. Hindi ko napansin na ang pagiging close namin ni Alex sa isa't isa ay higit pa sa tunay na magkaibigan. Lalake ako at babae siya, pero hindi alintana sa dalaga na kumapit sa akin habang kami ay naglalakad sa loob ng mall.

"eto kuya maganda ba?" turo ni Alex sa isang lampara.

"huwag yan, ito nalang...ito magugustuhan ni tita mo yan"
 suhestyon ko naman.

Mga kalahating oras lang kami na nagtagal, sa saglit na oras ay parang sa akin ay matagal. Bumalik din kami kaagad, buhat ko ang pinamili naming regalo at siya nama'y masayang naglalakad pabalik ng parking.

"kuya may kapatid ka ba?"
 tanong ni Alex.

"oo bakit?"
 tanong ko naman.

"hihi...ipakilala mo naman ako?" biro ng dalaga.

"oo ba..."
 pagsakay ko sa trip niya.

"wow talaga? siguro pogi din yun kapatid mo ano?"
 masaya niyang tugon.

Napangiti lang ako, napagtanto ko na tila desperado na yata si Alex na magkaroon ng BF. Nang makasakay na kaming muli sa aking kotse ay muli siyang nagtanong sa akin.

"gusto mo talaga makilala?" 
patuloy ko pa.

"oo kuya, hihi..." sagot pa niya.

"di ko alam tomboy ka pala? haha!"
 sagot ko ulit.

"bakit naman?? tomboy ka dyan!" masungit niyang sagot.

"Alex, babae ang kapatid ko...haha!"
 wika ko.

Napakurot sa aking tagiliran si Alex, bagay na aking ikinatuwa. Naalala ko kasi noong una kong nakasama si Carina, parehas na parehas. Sa mall, sa parking, at dito din sa loob ng aking sasakyan.

"ahaha! akala ko boy din! grabe ka! haha!"
 sagot ng dalaga.

"ah siguro kaya wala ka pang BF e GF ang hinahanap mo! hahaha!"
 pagpapatuloy ko ng biro sa dalaga.

Humalukipkip pa si Alex habang naka-upo, para bang bata na nagtatampo. Napatingin tuloy ako, sa ibabaw kasi ng kanyang nakayakap na braso ay umibabaw ang malulusog niyang suso. Ayokong pagnasahan si Alex, ito ang nasa isipan ko, subalit ang pisikal kong katawan ang nakikinabang dito. Oo ako'y tinigasan dahil sa aking nasaksihan, nasilip ko pa kasi ang bra niya sa leeg at damit na pagitan.

"babae ako noh! hmp!" patampong wika ni Alex.

"uuuy...babae daw oh..." biro kong muli.

Muli niya akong kinurot, siguro napipikon na sa aking mga biro. Halos mamula na ang aking isang braso kakasampal din niya dito.

"tse! kainis ka kuya talaga!"
 sagot niya sa akin.

"eh bakit nga wala kang BF?"
 tanong ko pa.

"eh wala na e! nagkaroon naman ako dati a!"
 depensa pa niya.

"e bakit ngayon wala na? ano nangyari?"
 tanong ko ulit.

Napansin siguro ni Alex na ang braso ko na pinagkukurot niya at pinagsasampal ay namumula na. Siguro natakot pa siya nang ito ay makita, kaagad nawala ang pagkasungit ni Alex at muling bumalik ang malambing na dalaga.

"ay kuya sorry...sorry po, naku lagot ako kay ate Angel nito..." paumanhin ng dalaga.

"ikaw kasi e, parang lalake kung manakit..hehe" hindi pa ako lumubay ng biro.

"sorry na nga...kuya naman e..." patuloy niya habang hinihimas ang aking balat.

"hindi babalik sa dati yan, dapat i-kiss mo haha!" banat ko pa.

Napataas ang kilay ni Alex, bahagyang napaatras ang mukha niya sa akin. Siguro sinuri muna niya kung totoo ba ang aking hiling.

"kiss? haha! sira ka talaga! hmp!" sabay tapik ulit nito.

"aray! huhuhu!" pagkukunyari ko pa.

"hihi! sigurado magagalit si ate kapag kiniss ko yan! haha! mabuti pa e bumalik na tayo o mag-aalas singko na kaya!" wika ni Alex.

Habang daan ay muli na kaming nagkwentuhan, naibalik namin muli ang masayang samahan. Akala ko makaka-isa na ako kay Alex, pero sa sarili ko naman talaga ito'y biro lang. Muli kong naitanong sa dalaga ang tungkol sa dati niyang kasintahan, nagulat ako sa mga kanyang pahayag.

"kasi naman, pinilit niya ako...yun, pinilit niya ko mag-ano.."
 nahihiyang turing nito.

"mag ano??"
 tanong ko.

Alam ko namang hindi ganoon ka "vocal" si Alex pagdating sa personalan, lalo pa babae siya. Pero alam ko na ang mga nurse ay liberal pagdating sa ganitong mga usapan, normal na ito at aking napatunayan. Ilan ba ang nurse na kilala ko? Si Angel, Kat, Carina, maging sila Regina at Vanessa. Lahat sila ay hindi nahihiya kapag parte ng katawan ang pinag-uusapan.

"ano ka ba, don't tell me hindi niyo ginagawa ni ate dati yun noong magsyota palang kayo?" sagot ni Alex.

"ano nga yun? bakit di mo masabi?"
 hamon ko pa.

"hmp! edi six! ano pa ba!" sambit niya.

"so dahil dun naghiwalay kayo?"
 tanong ko na seryoso.

"eh oo, natakot ako e, pumayag na ako, pero the deed itself parang hindi pa ako handa...so yun, dun nagsimula yung away namin..."
 kwento pa niya sa akin.

Naisip ko tuloy, birhen pa pala si Alex. Birhen na minsan nang nagbukas ng pintuan ngunit tinutulan. Mahirap pala ang aking kalagayan kung sakaling siya ay aking matikman.

"erase! erase! erase!" sigaw ng aking isipan.

Ayoko talagang pag-isipan siya ng ganun, pero kapag hinahaplos niya ang aking braso kanina pa ay ang ulo ko sa ibaba na ang nagwiwika.

"kuya huwag mo sasabihin kahit kanino yun ha? promise ka sa akin!"
 wika pa niya.

"alin? yung pagiging tomboy mo? haha!"
 biro ko ulit.

"hmp! ikaw talaga! hindi nga ako tomboy!"
 sagot ng dalaga.

Siguro hanggang sa kami'y makabalik sa ospital ay walang humpay ang aming asaran at biruan. Pero isa lang ang nahalata ko kay Alex noong pagkakataong iyon. Pagbaba namin ng kotse ay bigla siyang nagbago, kung gaano kami ka-close kanina sa loob ng kotse ay parang hindi na kami magkakilala paglabas niya dito. Siguro na-pikon na nga siya, pero nang kausapin ko ay normal lang naman ang dalaga. Naisip ko, magaling siyang magtago. Magaling lumugar ang dalaga dahil alam niyang hindi naaayon ang kilos kanina sa loob kung ito'y ipapakita niya sa madla.

"oh ano nabili niyo?"
 tanong ni Angel.

"ah ate yung sa akin e lampshade, si kuya Bogs yata parang maliit na lalagyan ng kung anu-ano..." wika ni Alex.

"ah okay, o tara na? uwi na tayo babe"
 sabi pa ng aking asawa.

Muli ay inihatid namin si Alex sa kanilang bahay, hindi ko na nakitaan ng anumang kakaiba ang dalaga maliban nung siya ay magpaalam.

"bye ate! bye kuya! salamat po ulit!"
 paalam niya.

Nang ako'y tumingin sa rearview mirror ng kotse nakatitig siya sa akin. Parang pinalaki niya ang mga mata niya, tila gusto niyang iparating na huwag kong sasabihin sa iba ang aming mga napag-usapan kanina. Ngumiti lang ako at simpleng paalam ang ipinakita sa dalaga.

"Bogs, tumawag sa akin si pareng Estong mo kanina ah, bakit daw naka-off yang cell mo?" wika ni Angel.

Pagtingin ko sa aking telepono ay patay na nga ito, hindi ko siguro napansin kanina dahil ako'y abala sa iba.

"ah bakit daw?"
 sagot ko.

"nangungumusta lang...nag-aaya, minsan daw dinner dun sa kanila" sagot ng aking asawa.


itutuloy

No comments:

Post a Comment