Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 15

Part 15  How Much is that Dildo in the Window?

"sige kuya samahan ko na muna si Kat dito, nandoon naman si Vanessa" 

Ito ang mga katagang tumatak sa aking panandaliang memorya. Mga katagang nagbigay buhay at pag-asa sa aking natutulog na sanang libog sa katawan. Nagkasundo ang dalawa na magsama muna sa loob ng aming unit habang ako naman ay naghanda upang tumungo sa unit na inuupahan nila Regina. Nag-uusap sila nang ako'y lumisan, hindi ko na inalam pa ang detalye ng kanilang usapan sapagka't ang tanging naiwan sa aking isipan ay ang sinabi ni Regina. "..nadoon naman si Vanessa".

Si Vanessa noong una kong nakilala ay tahimik na dalaga. Di kalaunan ay nagbago na ito dahil naka move-on na daw siya mula noong nakainuman ko sila kasama ang aking hipag at maging si Carina. Kumatok ako sa kanilang pintuan at kaagad namang binuksan ng dalaga. Nabigla pa siya dahil ang inaasahan niya siguro ay kasama ko si Regina na babalik sa kanila upang tignan ang problema sa kanilang bintana. Napahalukipkip bigla ang dalagang si Vanessa na ako'y kanyang makita, tinakpan niya siguro ang kanyang malusog na suso dahil wala siyang suot na bra.

"ay kuya ikaw pala, nasaan si Regina?" bungad ng dalaga.

"ah e naiwan doon at sasamahan daw si Kat, natatakot kasi sa kidlat" paliwanag ko naman.

Tinanong ko kung nasaan ang tumutulong bintana. Pinapasok ako ng dalaga at itinuro ang direksyon ng kanilang kwarto. Halos kasing laki lamang ng aming unit ang inuupahan nila, parehas din ang layout ng interior nito dahil ako rin mismo ang gumuhit. Pumasok kami sa kanilang silid at muling tinukoy ni Vanessa ang tumutulong bintana. Nakita kong basa ang kanilang kobre kama gawa ng tumutulong bintana, ang kama kasi nila ay nakadikit sa pader kung saan naroon ang bintana kagaya din sa aming silid. Sa lakas siguro ng hangin ay sumingit sa maliliit na puwang ang tubig-ulan.

"naku, buti hindi kayo nabasa? teka ilihis muna natin ng konti itong kama" wika ko sa dalaga.

Nang mailihis ko ang kama at nagkaroon ng espasyo para sa akin at itinaas ko ang blinds na tumatabing. Nabigla ako sa aking nakita, maging si Vanessa ay halos magkandarapa sa nakita.

"ay kuya! teka lang hihi!" sigaw ng dalaga.

Kaagad siyang pumunta sa aking kinaroroonan sa mabilis na pagkakataon. Inabot niyang bigla ang isang bagay na akin na rin nakita noon sa kanilang banyo nang aking ayusin naman ang kanilang heater. Halos mapaupo ako sa kanilang kama nang ako'y kanyang hawiin upang kuhanin ang siguro'y importanteng bagay para sa kanila. Dahil sa hiya ay kitang-kita kong namula ang mga pisngi ng dalaga. Kaagad niyang itinago sa kalapit na drawer ang kinuhang bagay, ang dildo.

"kaya pala basa diyan eh haha!" biro ko pa sa dalaga.

"tse!" sagot naman niya.

Kaagad nabuo ang haka-haka sa aking isipan ng mga sandaling iyon. Bakit naroon ang dildo sa pasimano ng bintana? Dati ay nasa banyo ito, mahiwaga pala iyon, kusang lumilipat ng kinalalagyan. Siguro ay sa lamig ng panahon, naisipan nilang dalawa na magpaligaya sa isa't isa. Ano pa nga ba ang aking iisipin na gagawin ng dalawang single na dalaga sa isang laruang pampaligaya? Siguro din ay kaya nalaman ni Regina na tumutulo ang bintana ay nang itinago niya ang kanilang laruan dito sa pasimano ng bintana.

"teka at kukuhanin ko ang plais saka duct tape" paalam ko sa dalaga na hanggang ngayon ay parang kamatis sa pula.

Lumabas ako ng kwarto at nagpaiwan na si Vanessa sa loob. Pagpasok ko naman sa aming unit ay nasalubong ko si Regina na lalabas na daw sana.

"oh kuya nakita mo na?" tanong ni Regina. Halos matawa ako sa tanong ni Regina, ang nasa isipan ko kasing tinatanong niya na nahanap ko na ay ang kanilang dildo.

"ah eh, oo! hindi naman malaki ang damage, pero basa nga" may halong biro kong sagot.

"teka nasaan na si Kat?" dugtong ko pa.

"ah kuya natulog na, pagod daw siya talaga at hindi naman na daw natatakot" sagot ng dalaga.

Hinintay ako ni Regina na makuha ang kailangang gamit pang-kumpuni sa kanilang tumutulong bintana. Ilang saglit pa ay sabay na kaming bumalik sa kanilang unit. Nito ko lang napansin ang matambok na puwitan ni Regina, ang bulaklaking maiksing shorts ay talagang nakakapang-init ng laman. Pinagmasdan ko iyon sa pagkakataong pabalik kami sa kanilang unit nang siya ay nasa aking unahan. Wala siguro sa isip ng dalaga ang aking nakita sa kanilang bintana. Siguro ay si Vanessa ang nagtago doon nito o kaya naman ay si Vanessa lamang talaga ang gumagamit nito.

"Vanessa labas ka muna dyan aayusin na ni kuya Bogs" wika ni Regina sa kaibigan niya.

Paglabas ng kwarto ay tila hindi makatingin sa akin ng diretso ang dalaga. Pero hindi talaga niya maiwasan na magtama ang aming mga mata. Napangiti lamang ang dalaga, tanggap na niya siguro ang aking nakita. Habang aking kinukumpuni ang kanilang bintana ay naririnig kong may ibinubulong itong si Vanessa kay Regina. Bigla na lamang natawa si Regina matapos ang bulong niya, lumingon ako upang sitahin at magkunwaring kung ako ba ang kanyang pinagtatawanan.

"ah sorry kuya, hindi ikaw si Vanessa haha!" tawa nitong muli.

Hindi ko alam kung ano ang ibinulong ni Vanessa, pero sigurado akong tungkol ito sa kanilang dildo. Sa tantsa ko ay hindi naman kalakihan ang laruan nilang iyon, hindi ito gaya noong mga napapanood ko sa mga porno. Nag-alok si Regina na bibili na muna ng kape doon sa ibaba, muli niya kaming iiwan kasama si Vanessa.

"dyan na muna kayo ha, bibili lang ako ng kape para kay kuya Bogs, nakakahiya naman e" paalam ng dalaga.

Walang magawa si Vanessa na kami'y muling mapag-isa. Nasa bandang pintuan siya ng kanilang kwarto habang ako'y abala pa rin sa pag-gawa. Hindi naman kalakihan ang siwang kung saan dumaloy ang tubig ulan, kaya't naayos ko ito nang walang katagalan. Inayos kong muli ang kanilang kama at maging ang aking mga ginamit na kasangkapan. Biniro kong muli ang dalaga.

"oh pwede mo na ibalik dito yun" seryoso ko kunyaring alok sa dalaga.

"sira ka talaga kuya! hihi" sagot naman niya.

Nagpaalam na ako na babalik na sa aming unit ngunit hindi ko inasahang pipigilan niya ako. Nang ako'y papalabas na sana sa kanilang kwarto ay napansin ko ring hindi na tinatakpan ng kanyang mga braso ang malusog niyang hinaharap. Hindi ko naman ito tinitigan, ayokong lumabas na mas manyakis pa ako kesa sa kanya. Sa pag-iwas ko naman ng aking tingin ay naibaling ko ang aking atensyon sa silya katabi ng kama. Nakapatong dito ang ilang pocketbooks, at ang isang piraso ng tela. Piraso ng tela na manipis, ang sagradong sinulid na kadalasang pantakip sa bukana ng langit.

"e kuya paano yung biniling kape ni Regina? dito kana muna hintayin mo na siya" wika ni Vanessa.

"ah oo nga pala, o sige babalik nalang ako ibalik ko lang itong mga gamit ko" paalam ko naman.

Paglabas ko ng kanilang unit ay muling naglaro ang aking imahinasyon. Naalala ko ang panty na nakapatong sa upuan. Ibig sabihin noon ay isa sa kanila ang may-ari nito, isa sa kanila ay walang suot na panty ngayon. Hindi naman siguro si Regina, dahil hindi naman siya mangangahas na bumaba sa coffee shop na walang saplot panloob. Malamang ay si Vanessa ang walang suot na panty, ito ang lalong nakapagpainit ng aking kalamnan. Nagmadali akong makabalik sa kanilang unit, sumilip pa ako sa aming silid upang siguruhing mahimbing ang tulog ng aking hipag maging ang aking anak. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Kat dahil alam niyang sa sofa ako natututlog kapag naroon siya.

"o wala pa si Regina?" tanong ko kay Vanessa pagbalik ko sa kanila.

"wala pa kuya e, baka madaming tao sa baba kaya natagalan" wika naman niya.

Pinatuloy ako ni Vanessa at pinaupo sa kanilang sofa. Napansin kong nagsuot na ng pajama ang dalaga, siguro ay gininaw o di kaya'y nagkubli upang hindi ko masilayan ang kanyang makinis na biyas. Napapangiti lamang ang dalaga tuwing magtatama ang aming mga mata. Mga ngiti niyang nahihiya dahil sa kapabayaan. Gusto ko pa sanang buksan muli ang paksa ukol dito pero hindi ko magawan ng paraan. Kaya naman dinaan ko nalang sa magandang usapan.

"so, uhm...papasok na ba kayo sa lunes?" tanong ko.

"ah oo kuya, sayang di na tayo nakagimik ulit" sagot naman niya.

"matagal na ba kayong magkakilala ni Regina?" tanong ko muli.

"uhm, mag tatatlong taon na kuya bakit?" sagot niya.

Ngumiti lamang ako, ngiting may malalim na kahulugan. Kaagad namang naintindihan ng dalaga ang nais kong patunguhan. Ang buhok ni Vanessa ay 
nakapugong paitaas, kitang kita ko ang makinis niyang leeg patungong batok. Pinagmasdan ko ang dalaga, tinitigan ko na parang malulusaw siya. Sinubukan ko kung hanggang saan tatagal ang dalaga sa ganitong sitwasyon.

"ano yung kinuha mo kanina?" diretsang tanong ko na.

"tse! kunyari ka pa di mo alam!" sagot niya.

"tatanungin ko ba kung alam ko?" wika ko.

"wala yun, display lang" palusot niya.

"display? e bakit nasa likod ng blinds? diba dapat nandito sa eskaparate?" biro ko naman.

Namulang muli ang dalaga, halatang wala na siyang maipalusot sa aking nakita. Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa rin si Regina, kaya't sinamantala ko na ang pagkakataon upang pigain pa si Vanessa.

"kakahiya kuya hihi! wag mo na nga kasi ipaalala!" sagot ni Vanessa nang pilitin ko siyang paaminin.

"o kuya ok na ba?" bungad ni Regina pagpasok niya hawak ang tatlong order ng kape.

"ayos na, basta wag nyo nalang lalagyan ng kung ano-ano" sagot ko pa.

Nagtaka si Regina, hindi niya alam kung ano ang aking tinutukoy. Subalit si Vanessa naman ay hindi maipinta ang mukha sa hiya. Iniabot sa akin ni Regina ang isang kape at naamoy niya ang aking hininga.

"nakainom ka pala kuya?" wika nito.

"ah kanina, bago sana ako matulog" sagot ko naman.

"naku kuya sorry sa istorbo talaga ha?" paumanhin naman niya.

Magkatabi kami ngayon ni Regina sa kanilang sofa, habang si Vanessa naman sa isang plastic na silya sa aming harapan. Tahimik akong humigop ng mainit na kape nang basaging muli ni Regina ang katahimikan. Tila nagulat din si Regina matapos siyang magbanyo.

"Vanessa nasaan yung...oh shit" bulalas ng dalaga.

Dito ay naalala niyang ginamit nila ang dildo kaninang kasagsagan ng ulan. Naalala niyang nasa kwarto nila ito dahil wala siguro ito sa dati nitong lalagyan. Nagtawanan ang dalawa sa nangyari.

"nakakahiya naman kay kuya Bogs haha!" wika pa ni Regina.

"naku, ako nga etong naabutan ng kaburaraan mo e!" sagot naman ni Vanessa.

"ano ba kayo para yun lang haha!" biro ko naman.

"teka kanino ba yun talaga?" dugtong ko pa. Natahimik ang madaldal na si Regina, inamin naman niyang sa kanya iyon.

"sa iyo pala yun e bakit parang si Vanessa ang hiyang hiya?" tanong ko muli.

"hahaha! e pano siya yung huling gumamit! hahaha!" wika ni Regina.

Muling bumalik ang saya sa bawat salita ni Regina, habang si Vanessa naman ay patuloy ang pamumula.

"ano na yung tawag dun?" sabi ko pa.

"alin kuya? yung pang masturbate?" sagot ni Regina.

Hindi na ako nabigla sa mga salitang lumabas sa bibig ng dalaga. Una ay liberated naman talaga siya at pangalawa ay nursing student din siya at natural lamang ang mga ganoong termino sa kanilang kurso gaya ni Kat at Carina.

"dildo yun kuya" sagot muli ni Regina.

Nagkaroon na ako ng lakas ng loob dahil sa naging bukas na ang aming usapan  tungkol sa kamunduhan. Pilit ko namang pinupuntirya ang dalagang si Vanessa dahil tila mas masarap paaminin ang tipo niya. Mas misteroso mas magaling sa kama.

"bakit kaylangan pa niyan? di nalang kayo mag boyfriend" wika kong muli sa kanila.

"naku, sakit lang sa ulo ang mga lalaki, sorry kuya ha hihi" sagot nitong si Vanessa.

"saka baka mabuntis lang kami ng di oras noh" sabat naman ni Regina.

"well, baka hindi magaling ang lalaki kaya mabubuntis ng wala sa oras" sagot ko naman.

Naging mainit ang aming usapan, kahit na paubos na ang aming kape ay patuloy pa rin ang talakayan. Tila nawala na ang kahihiyan sa dalawang dalaga at ginanahan nang magbahagi ng kanilang karanasan.


itutuloy

No comments:

Post a Comment