Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 38

Part 38 Server Maintenance

Sa paglipas ng ilang araw, matapos ang makulay na pahina ng aking buhay, matapos kong matikman na parang nirasyunan ko ng aking katas ang bawat babae sa aking buhay, may mga matamlay din namang pagkakataon. Tao din lang ako at hindi imortal na kayang gawin ang lahat. Nahimpil ako sa aming condo ng ilang araw upang magpagaling. Dahil na rin siguro sa pabagu-bagong yugto ng panahon sa ating bansa, sa umaga ay maayos, sa tanghali ay mainit, at sa gabi naman ay maulan. Hindi ko na din isinantabi ang pagod ko sa trabaho, at maging sa mga babae. Sa halos tatlong araw kong pamamalagi sa aming condo upang magpahinga ay hindi naging madali. Ang aking asawa kasi ay hindi makapag-leave para ako ay bantayan at alagaan niya dahil nirereserba 




niya ang araw para sa aming bakasyon sa Tagaytay. Ganun din naman ang aking hipag na panggabi din ang pasok kaya't mag-isa lamang ako sa bahay sa maghapon. Hindi naman ito malala, kaunting pahinga lang ay tama na.

Dahil sa may sakit ako, walang magawa ang aking asawa at maging si hipag kundi matigang. Tama lang naman siguro ito upang kahit paano'y makaipon muli ako ng tamod na naubos ko nitong mga nakaraang araw. Ganun din ang pananabik ng dalawa sa akin na lalong madaragdagan kapag ako'y gumaling na. Sa ikalawang araw ng aking "sick leave" ay muli kaming nagkita ni Vanessa. Nabalitaan daw niya na may sakit ako kaya't dinalaw ako ng boarder namin.

"aww kawawa naman si kuya, wala nagbabantay sa iyo?" tanong pa sa akin ng dalaga matapos kong buksan ang pintuan.

"eto kuya, pinagluto kita ng soup" paglalambing pa niya.

Nasurpresa ako sa asal ng dalaga, ngayon lang kasi kami ulit nagkita mula noong kami ay nakapaginuman at nagtikiman. Ang buong akala ko ay karaniwang "one night stand" lang ang nangyari sa amin ni Vanessa, na alam kong di na kaiba sa mga kabataan ngayon - na matapos magtalik ay hindi na kilala kinabukasan.

"ay salamat Vanessa, wala ka bang pasok?" tanong ko pa sa dalaga.

"ah mamaya pa kuya" sagot naman niya.

Dahil sa kanyang ginawa ay napatunayan kong hindi isang gabing pagtatalik lamang ang tingin niya sa nangyari. May pagmamalasakit kasi siya, bilang isang batang kaibigan siguro.

"ikaw kasi kuya eh, wag kasi araw-araw hihi!" biro pa sa akin ng dalaga.

"haha ikaw talaga!" sagot ko naman.

Hinawakan pa ng malambot na palad ng dalaga ang aking pisngi upang alamin kung ako ay may lagnat pa. Ginagawa din naman sa akin ng aking asawa at maging ni hipag ang ganitong pag-aaruga, ngunit para sa isang hindi ko lubos na kakilalang babae ay ito ay kakaiba. "naku kuya, parang lalo kang uminit nang kainin mo yung soup na dala ko ah?" wika niya.

"e talagang mag-iinit ako kapag nandito ka" biro ko naman.

"tse! wag kana nga mambola dyan kuya! hihi! nasaan yung bimpo mo at pupunasan kita?" sagot naman niya.

Naka-uniporme pa na kulay puti that day ang dalagang si Vanessa, ito ay nakabuhay sa aking laman dahil isa ito sa aking kahinaan. Nagtungo siya sa banyo upang kuhanin ang bimpo at ilagay sa mainit na tubig sa planggana. Nasa dugo na talaga ng mga nurse ang pagiging maalaga, lalo sa may sakit na tulad ko. Tahimik lang ako habang pinupunasan ng dalaga ang aking mukha. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang muling makatsansing man lang sa dalaga. Nasisilip ko pa ang makinis na kili-kili niya habang ako'y kanyang pinupunasan.

"uhm, Vanessa, kumusta kana?" seryoso kong tanong sa dalaga.

"ok lang ako kuya bakit?" sagot niya agad.

"akala ko galit ka sa akin e, ngayon ka lang kasi nagpakita ulit pagkatapos nung gabing nag-inuman tayo" wika kong muli.

Tinapos ni Vanessa ang kanyang pagpunas na ginagawa, pinilipitan ang bimpo at isinampay muli sa aming banyo. Magkatabi kaming muli ngayon sa sofa kung saan namin ginawa ang una naming pagtatalik. Muli niyang hinawakan ang aking pisngi at sinabing medyo hindi na ako mainit, pero hindi pa rin niya sinagot ang aking itinanong sa kanya.

"bakit naman ako magagalit? ginusto ko naman yun kuya hihi! busy lang ako sa school saka prelims na e" paliwanag ng dalaga.

"ah ganun ba, akala ko nagalit ka kasi nilasing kita" pahabol ko pa.

"ha? baka ikaw lasing? haha!" pagmamayabang pa niya.

"e ngayon hindi tayo nakainom, gagawin mo ba yun?" hamon ko sa dalaga.

Tinampal ako sa aking braso ng dalaga, tila natuwa pa sa aking biro na may halong totoo.

"kuya may lagnat ka, baka mabinat ka pa e mapagalitan pa ako ni ate Angel haha!" sagot niya.

"e kung wala akong lagnat?" tanong ko ulit.

Napaisip ang dalaga, hindi ko alam kung bibigay na siya. Kung maaalala ay nahirapan din ako sa kanya kahit na noong siya ay nakainom pa.

"why not? hihi! nag enjoy naman din ako that night, ikaw ba?" tusong tanong sa akin ng dalaga.

Hinawakan ko ang hita ni Vanessa, sa ibabaw ng paldang puti na hanggang tuhod ay ipinatong ko ang aking kamay na hindi naman niya tinutulan. Nagtinginan kami, malagkit na tingin, hahalikan ko na sana siya ngunit ako ay nagpigil baka kasi mahawa pa siya sa aking trangkaso. "ang sarap mo nga e" sagot ko sa tanong niya. Tumingin sa kanyang relo ang dalaga, tila tinantsa ang oras na libre pa siya.

"are you trying to seduce me again kuya?" masungit na tanong niya.

"am i?" sagot ko.

"ikaw talaga may sakit ka na e napakalibog mo pa rin!" biro naman niya kaagad.

"...don't tell me matigas na naman yan haha!" sabay turo pa niya sa aking pundya.

Medyo nahihilo pa ako noon dahil sa aking lagnat, ngunit ang pag-uusap namin ni Vanessa ay nakatulong sa akin upang medyo bumuti ang lagay ng aking pakiramdam. Sa mga nakakalibog na biro pa lang niya ay tinigasan din naman ako talaga.

"gusto mo makita kung matigas nga?" biro ko naman.

"naku kuya tumigil ka na, saka na kapag magaling kana" wika niya.

Saka na daw, meaning susundan pa niya ang una at huling pagtatalik namin. Sumaya ang aking pakiramdam sa kanyang pangako. Muli ko na naman kasing matitikman ang sariwang katawan ng dalaga. Ang mga suso niyang kay lusog na may utong na mabilog. Ang sariwa niyang amoy gamit ang isang cologne at mga ngiti ng kanyang malambot na labi ay muli na namang dadampi sa aking titi.

"eh kelan?" pangungulit ko pa.

"atat? hihi! basta..." sagot naman niya.

"eh sabi mo prelims nyo na, tiyak na magiging abala kana nyan" pahabol ko pa.

"ako bahala kuya, ikaw talaga ang hilig mo pala!" biro muli niya.

Inayos ng dalaga ang aking pinagkainan, nagpaalam na siya ay babalik na sa kanilang unit dahil baka daw dumating na si Regina. Alam kong ayaw niyang malaman ng kanyang kaibigan ang namuong pagtitinginan namin ng dalaga. Bitin man ay hinayaan ko nalang, inisip ko nalang ang pangako niyang pagbibigyan niya akong muling makapasok sa kanyang puki, siguro kapag ako'y magaling na.

"sige kuya, aalis na ako, pagaling ka ha? para makuha mo na premyo mo hihi!" paalam pa niya.

Inihatid ko siya sa pintuan, pero hindi ko natiis ang aking sarili, ako na mismo ang humiling sa kanya. "Vanessa thanks ha?" sabay lapit ko sa kanyang mukha. Hahalikan ko sana ang dalaga sa labi ngunit iniiwas niya ito.

"kuya baka mahawa ako hihi! ito nalang o para gumaling kana" kinuha niya ang aking kamay at ihinawak niya sa kanyang isang suso. Ipinalamas ni Vanessa ang kanyang suso sa akin para daw mabilis na akong gumaling. Hindi ko naman ito pinalagpas at nilamas na rin ang kanyang malusog na dede sa ibabaw ng kanyang puting uniporme. Halos humulagpos ang aking alaga sa loob ng aking shorts, na agad naman niyang mapansin dahil nadunggol ko ang kanyang katawan.

"oh reserve mo na muna yan, hihi!" sabay tapik niya sa aking nakabukol na ari.

Magaling din itong si Vanessa na mambitin, parang si Carina din noong una. Umalis ang dalaga at naiwan akong muli sa aming sofa. Habang ako ay muling nagpapahinga, naalala ko tuloy itong si Carina, lalo noong may sakit din siya. Nagpunta ako noon sa kanila at inalagaan ang dalaga, hindi lang pag-aalaga kundi nagkantutan din kami kahit na may sakit pa siya. Gustuhin ko mang lumabas upang gumala o puntahan si Carina ay hindi ko magawa baka kasi lalong lumala pa ang aking sakit. Tiniis ko na lang ang sakit ng aking puson dahil sa mga nabitin naming pagkikita ni Vanessa, ang sakit ng aking puson kakaisip kay Carina. Sana ay dumating na ang aking asawa at si hipag upang ako ay makaraos na.

Naktanggap naman ako ng tawag mula kay hipag, may surpresa daw siya sa akin mamaya pag uwi niya. Dahil sa masama pa rin ang aking pakiramdam ay hindi ko na inisip pa kung ano man ang kanyang surpresa para sa akin, basta ang alam ko ay maganda ito at kaaya-aya. Matapos kong makausap ang aking hipag ay nakatulog akong muli habang nanunuod ng palabas sa TV, dito sa sofa na mismo ako nakatulog. Nagising na lang ako mag-aalas tres ng hapon, parang pinawisan na ako at senyales na ako ay magaling na. Kasabay nito ang doorbell sa aming pintuan at kaagad ko naman itong binuksan upang tignan kung sino ang tao.

Tila sakto yata ang aking pag-galing, si Vanessa ang nasa pintuan, pero kasama si Regina.

"oww my dear kuya Bogs is sick..." paawa effect na bati sa akin ng dalagang si Regina.

"...kulang yata sa ano ah hihi!" pahabol pa niya.

Kahit anong pagkakataon ay talagang walang pagbabago itong si Regina, palabiro pa rin na may kahalong libog. Nang napatingin naman ako kay Vanessa ay tahimik lamang siya, magaling magbalatkayo ang dalaga, hindi niya pinapahalata talagang may pagkakaunawaan kami.

"sabi ni Vanessa may sakit ka daw, sorry hindi man lang ako nakabili ng prutas saka balloons hihi!" birong muli ni Regina.

Mahaba pa ang oras, mamaya pa ang dating ng aking asawa at ng aking hipag na may dala daw na surpresa. Pinapasok ko ang dalawang dalaga sa aming pintuan at ako naman ay nakipagkwentuhan. Sa pagka-kalog ni Regina ay tila nakakawala talaga ng sakit, lalo pa't may kahalo itong libog na karga. Kung pipilitin ko siguro siya ay gagawin niyang muli ang ginawa niya dati sa akin, ang pagtsupa na walang malisya.

"kuya pagaling ka ha isasama pa naman kita sa pictorial ko hihi" paalala pa ni Regina.

"magaling na ako, binigyan kasi ako ng soup kanina ni Vanessa" nadulas kong nasabi sa kanila.

Hindi ko naman gustong sabihin iyon pero ang ginawang pag-aaruga sa akin kaninang umaga ni Vanessa ay talagang hindi ko malilimutan. Kahit na ilang buwan pa lang kami magkakakilala ay naging palagay na din ang loob ko sa kanya, hindi naman bilang isang iniirog kundi isang tagapaghatid ng libog. Napatitig naman sa akin si Vanessa dahil sa aking sinabi, ayaw nga pala niyang malaman ng kanyang kaibigan ang anumang ginawa niya sa akin. Ngunit ang mga titig ng dalaga ay hindi nakakatakot, wala yatang anggulo sa mukha niya ang hindi maganda.

"aba at inunahan mo pa akong maglambing kay kuya ha!" biro na naman ni Regina sa kaibigan niya.

"nagkaabot lang kami sa pintuan kanina nung bumaba ako, e napansin kong matamlay si kuya may sakit pala" palusot naman ni Vanessa.

Tunay na mabilis ang utak ni Vanessa, hindi nalalayo kay Carina, magaling magpalusot at walang sabit ika nga. Ganun din naman sa pagtatalik, parehas silang masarap at sariwa. Sa aking pag-daydream ay inabala ako ng dalawa.

"huy! kuya! ok ka lang ba? hihi!" wika ni Regina.

"ah eh, ha? oo!" sagot ko sa kanila.

"tutuloy na muna kami kuya, magsho-shower hihi! gusto mo sumama?" birong muli ni Regina.

Talaga yatang sinusubukan ako nitong si Regina, ngunit sa bawat salitang lumalabas sa kanya ay siya ding pag-irap sa akin ni Vanessa. Tila gusto ni Vanessa na magsalita upang kumontra, pero hindi niya ito magawa. Nakikita ko sa mga mapungay na mata ng dalaga na may plano siya kaya't tinanggihan ko na lang ang biro ni Regina na hindi naman ako sigurado at baka puro biro lang.

"sya sige at maligo kana, amoy pawis kana oh haha! salamat sa pagdalaw" biro ko pa.

Naunang lumabas si Regina, bago ko pa man naisarado ang aming pintuan paglabas nila ay lumingon sa akin si Vanessa. Hindi ko alam kung ang tingin niya ay nagagalit sa akin dahil sa biruan namin ni Regina o di kaya nama'y nagsasabing "kuya halika na".



itutuloy

No comments:

Post a Comment