Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 41

Part 41 Tagaytay II

Lumipas ang ilang araw mula nang ako'y magkasakit, na kahit na may sakit ako ay hindi pa rin ako nabakante dahil sa katayuan ng aking magandang hipag at maging ng kanyang kaibigang si Carina, isama pa natin ang isa naming boarder na si Vanessa. Tuluyan ko nang nabawi ang aking lakas na nawala at naging regular na ang estado ng aking kalusugan. Hindi na nasundan ang aming quikie ni Vanessa nitong nakaraan araw maliban sa isang pagkakataon kung saan nag-abot kami sa elevator isang araw galing ako sa trabaho. Noon na din niya sinabi sa akin na ibinulsa daw niya yung naiwang condom dati, kaya naman naging sentro ito ng aming usapan at muling nauwi sa mabilisang pagtatalik. Pero ganun pa rin, mabilisan, at 




doon naman namin idinaos sa unit nila sa kanilang sala. Gusto ko sana ay at least tatlong oras man lang, sinabi ko din ito sa kanya para kako masulit ko naman ang katawan niya na kanya namang pinaunlakan at kapag hindi na daw siya busy sa school.

Muli akong pinatawag ng aming boss sa opisina upang ibigay ang schedule para sa muli kong pagbalik sa Tagaytay. Hindi ko syempre ipinaalam sa aking amo na isasama ko ang aking asawa maging ang aking hipag dito. Isang linggo akong mananatili sa Tagaytay, pumayag naman ako dahil una kasama ko naman ang aking asawa at hipag, at pangalawa, huli na daw ito para sa taong ito dahil may papalit na sa akin sa susunod na buwan para sa aking pwesto doon. Muli akong maitatalaga sa mga projects dito lamang sa Maynila.

"oh Kat ayos na ba mga gamit mo?" tanong pa ng aking asawa gabi bago ang aming byahe papuntang Tagaytay.

"oo naman ate hihi!" masayang sagot ng aking hipag.

Tatlong araw lang mananatili ang dalawang babae kong kasama, ito lang kasi ang pinakamatagal na bilang ng araw upang mag-leave sila. Ayos na siguro iyon, ang matitirang dalawang araw ay pahinga ko na lang. Ang aming plano ay tutuloy kami sa isang hotel, pagkatapos ay sa umaga tutuloy ako sa aming project site habang sila ay maiiwan sa hotel o di kaya'y maglilibot na saka ako susunod pagsapit ng tanghalian. Planado ang lahat, napagkasunduan ng lahat, at banayad. Sinadya talaga naming magtiis na hindi magtalik ng halos tatlong araw bago kami tumungo sa Tagaytay. Pakana ito ng aking asawa para daw mas mainit ang aming magiging second honeymoon na kasama pa ang kanyang kapatid.

Gaya ng aming plano, naging matiwasay naman ang aming byahe patungo sa malamig na syudad ng Tagaytay. Nagpaiwan na muna sila sa motel na aming tutuluyan upang bisitahin ko muna ang aming project site at suhulan na din ang aking foreman para kung sakaling magtanong ang aming boss sa Manila ay mapapagtakpan niya ako.

"uy arkitek! buti naman bumalik kana agad. may mga supplier na kasi na pumupunta dito e hindi naman ako makapagdecide dahil wala ka, saka may isang arkitekto din daw siya kasama nung supplier na maganda" balita sa akin ni foreman.

Hindi ko alam kung maganda o pangit na balita ang aking natanggap mula sa aking tauhan. Kakaiba na naman kasi ang aking kutob, supplier, arkitekto. Hindi naman kasi natural na ang isang scout supplier, ay may kasamang arkitekto - maliban na lamang kung siya mismo ang naka-assign dito. Isinantabi ko na lamang ang mga bagay na maaaring bumagabag sa aking isipan sa kalagitnaan ng aming pagbabakasyon.

"kuya mauuna na kami sa may starbucks ha?" paalam sa akin ng aking hipag sa tawag niya sa akin sa telepono.

Hindi pa naman ako kaagad makaalis sa aming project site dahil nakapangako naman talaga ako sa aming trabaho na halfday ako dito at sa tanghalian ako aalis. Di ko naman masisi ang aking hipag dahil alam kong hindi rin ito mapakali kapag walang ginagawa o nananatili lamang sa iisang lugar. Sinabihan ko sila na susunod na lang ako doon at pumwesto na sa restaurant na gusto nila upang pagdating ko ay may order na.

Lumipas ang ilang oras dito sa aming construction site at di pa rin ako mapakali. Muli kasing nanumbalik ang aking mga haka-haka, ang supplier na madalas daw pumunta dito na may kasamang arkitekto "daw". Naalala ko ang lahat, ang lahat ng mga aking kaba ay muling bumalik sa aking puso. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi inuudyok ng aking kutob, na ni minsan ay hindi ako nagkamali. Nagpalusot na lamang ako sa aking foreman na may naiwan ako sa hotel kung saan sinabi ko na rin na naroon ang aking asawa at ilang miyembro ng pamilya. Malugod namang tumugon sa akin ang aking kasama sa trabaho, dahil na rin siguro sa "lagay" na aking iniabot sa kanya.

"nasaan na kayo? naka order na ba kayo ng pagkain?" tanong ko sa aking asawa sa telepono habang ako ay nagmamaneho papunta sa kinaroroonan nila.

"ah babe hindi pa, nandito pa rin kami sa starbucks, dito kana muna sumunod" sagot naman ng aking asawa.

Nakarating ako sa lugar kung saan may malaking parking at halos sama-sama ang mga kainan, inuman, kapihan, at iba pa. Mga ilang minuto din akong luminga upang maghanap ng parking slot. Habang tumatagal ay bumibilis ang tibok ng aking puso, alam kong nasa paligid ko na lamang ang nagdudulot nito, hindi ako nagkamali gaya ng aking inaasahan. Nakita ko malapit sa aking pinagparadahan ang isang kotse na pamilyar sa aking isipan. Hindi ako maaaring pagkakamali, kilala ko ang may-ari nito. Habang naglalakad ako palayo sa sasakyang iyon ay malalim pa rin ang aking iniisip, ano kaya ang pakay niya kung bakit naririto din siya? Alam din kaya niya ang aming schedule?

"kuya!...kuyaaaa Bogsss!" sigaw pa sa akin ng aking masayahing hipag.

Hindi ko kasi narinig sa unang tawag niya sa akin kaya't napasigaw ang dalaga. Tila nasa kawalan naman talaga kasi ang aking isipan, hindi ko kasi alam kung ako'y masisiyahan sa aking nakita o ako ba'y matatakot sa pwedeng maganap. Dumulog ako sa kinaroroonan ng aking asawa at ng kanyang kapatid na abala nang muli sa pagsipsip ng kanyang mocha frap. Hindi pinalagpas ng aking asawa ang kanyang napansin sa aking mga mukha, tila daw ako ay namumutla.

"Bogs babe are you ok?" bati sa akin ng aking asawa.

"ah babe oo, medyo toxic lang sa site kanina dami ko inasikaso" palusot ko naman.

Ganunpaman ay nanatiling alerto ang aking mga mata, bawat tao sa loob ng kapihan ay aking iniisa-isa upang alamin kung narito din ba ang taong aking inaasahang makikita. Hindi ko na pinagtagal ang aming pananatili sa loob ng kapihang iyon, nagyaya na akong kumain dahil gutom na din naman ako. Sumang-ayon naman ang aking dalawang babaeng kasama, magkahawak kami ng kamay ng aking asawa habang papalabas ng starbucks. Tiyak na kapag may nakakita ay kaagad malalaman na kami ay mag-asawa o baka mapagkamalan pang mag nobyo at nobya. Si Katherine naman ay kasabay din naming naglalakad hawak naman ang kamay ng ate niya. Muli akong kinabahan dahil tiyak na madadaanan namin ang kotseng nakaparada kanina lang. 

"oh my, is that Carina's car??" wika ni Kat nang kanyang makita ang kakaibang kulay na kotseng nakaparada.

Hindi naman kilala ng aking asawa ang sasakyan ni Carina, tanging ako lang at si hipag ang nakaka-alam kung anong kulay at plate number ng kanyang kotse. Ito ang aking nakita kanina, di ko lang alam kung planado din ng dalawang dalaga ang pagpunta ni Carina dito sa Tagaytay. Hindi ko naman pwedeng pigilan sila dahil unang-una ay hindi ko naman pag-aari ang Tagaytay. Kaagad kinuha ni hipag ang kanyang cellphone at alam kong tatawagan niya ang kaibigang si Carina.

"friend! nandito ka din pala? hihi!" masayang bati ni Kat sa kaibigan habang kausap sa kanyang cellphone.

Para sa aking asawa siguro ay maganda ito, magkakaroon kasi ng kasama ang aking hipag at magiging solo namin ang bawat gabi ng aming pananatili dito. Pero sa akin 
ay parang naguguluhan pa rin ang aking isipan. Para kasing hindi ang pagkakita ko sa sasakyan ni Carina ang dahilan ng aking kaba, suspetsa ko ay may iba pa. Nagpahintay si Kat upang isabay na daw ang kanyang kaibigan para kumain, wala naman daw itong kasama. Ilang minuto lang ang lumipas at isang babaeng maganda ang lumapit sa amin, ito pala si Carina. Hindi ko siya kaagad nakilala dahil sa kanyang kakaibang porma. Tila talagang parang isang turista ang dalaga, ang mapuputi at mabilog niyang mga hita ay nakalantad dahil sa suot niyang maiksing shorts na may kaparehong checkered na blouse. "hi friend! hihi! hi kuya hi ate!" masayang bati ng dalaga.

"oh mag-isa ka lang Carina?" tanong sa kanya ng aking asawa.

"oo ate e, mag a-unwind lang sana hihi! di ko naman alam na nandito din pala kayo nakisabay nalang sana ako sa car nyo haha" biro pa ng dalaga.

Bago pa man humaba ang usapan ay nagtungo na kami sa isa kong paboritong kainan, hindi naman mapili ang aking asawa at maging si hipag, doon kami kumain sa Mahogany Market. Sa dati kong kinakainan noong una kong punta dito, maging noon ding magkasama pa kami ng aking kasamahang si Samantha. Ibinuhos ko ang aking kaba sa paghigop ng mainit na sabaw ng bulalo, halos naka tatlong order ako ng kanin dahil sa gutom at kaba. Napagkasunduan naman ng dalawang dalaga naming kasama na magsama na lang sila pero hindi pumayag ang aking asawa. Dapat daw ay sama-sama kami na akin din namang pinaboran. Matapos ang malusog na tanghalian ay tumulak kami sa ilang tourist spot dito sa Tagaytay, inenjoy namin ang masarap na simoy ng hangin habang pinagmamasdan ang bukana ng bulkan.

Habang patuloy kami sa paglilibot ay napag-usapan naman naming mag-asawa kung paano kami sisingit mamaya, tiyak kasing hindi maghihiwalay ang magkaibigan kahit magdamag pa ang lumipas. Wala din naman daw magagawa ang dalawa kung sakaling magpaalam kami at ikandado ang silid ng hotel upang kami ay magtalik, wala naman kasing masama dahil mag-asawa naman kami at matured naman na daw ang dalawa upang maintindihan ang aming hangaring magsolo ng mga sandali.

Dahil sa dami ng aking nakain kanina, hindi ko maiwasang tawagin ng kalikasan. Nagpaalam ako sa kanila na magbabanyo lamang habang abala silang nagkukuhanan ng picture gamit ang aking camera. Tumungo ako sa pinakamalapit na banyo upang magbawas, dito ay halos umurong ang aking sakit ng tiyan dahil sa aking naabutan.

"akalain mo haha! pare kumusta? hindi kana nagpakita dati ah?" bati sa akin ng aking lumang kaibigang si Estong.

Nagkasalubong kami sa pintuan ng banyo, buti na lang at ako'y natatae na kaya't hindi na kami nagkaroon pa ng mahabang konbersasyon. Nagpaalam ako kaagad na kailangan ko nang magbanyo at saka siya umalis na. Sa loob ng cubicle ay hindi ako mapakali, maaari kasi niyang makita ang aking asawa at maging ang mga kasama naming dalaga. Madali kasing mapansin ang mga babae, lalo na si Carina na mapapatingin ka talaga kahit malayo pa dahil sa maiksing suot niyang shorts at ang mapuputing hita niya. Ganun din naman ang aking hipag na mababa ang neckline na kapag yumuko ay kitang kita ang kalahati ng mga suso niya. At maging ang aking asawa na kung hindi naka-shades ay mapagkakamalan talagang kahawig ng isang artista.

Binilisan ko na lamang ang aking ginagawa at inilabas sa kubeta ang dapat ilabas. Mabilis akong nag-hugas at nag-ayos muli ng sarili. Paglabas ko ng cubicle ay wala na roon ang aking pareng Estong. Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin ang lalakeng maaaring makasira sa aming bakasyon. Kung sakali mang kasing magkita-kita kami kasama ang aking asawa, ayos lang sana dahil alam niyang asawa ko si Angel, pero ang ikinababahala ko ay ang para sa dalawa. Parang isang bulate lang sila sa kawalan na kahit anong oras ay maaaring dagitin ng isang buwitreng gutom na gutom sa laman.

"oh babe parang pinagpapawisan kana naman? e ang lamig dito?" tanong sa akin ng aking mahal na asawa.

"medyo nahirapan lang ako sa banyo hehe" palusot ko na lamang.

Humiwalay kami sa dalawang dalaga naming kasama upang enjoyin naman din namin ang bawat sandali ng aming bakasyon. Iniwan namin sina Kat at Carina sa isang bahagi ng balcony kaharap ang bulkan sa lawa. Hindi ko mapigilan na bantayan ng tingin ang dalawa dahil hindi ko alam kung kelan aatake ang aking kumpare na alam kong naririto pa rin sa paligid namin. Naging malambing sa akin ang aking asawa habang ninanamnam namin ang mabangong simoy ng hangin. Niyayakap niya ako at paminsan-minsan ay humahalik pa sa aking pisngi.

"kuya, ate mag bar naman tayo mamaya?" pagyayaya ni Kat nang sila'y muling lumapit sa aming kinaroroonan.

"oh sige ba! matagal na din akong hindi nakakagimik! haha ito kasing kuya mo ayaw akong palabasin natatakot yata baka ipagpalit ko haha!" biro pa ng aking asawa.

"bakit mo naman ipagpapalit si papa Bogs? haha!" singit naman nitong si Carina.

Hindi naman kaiba sa aking asawa ang mga biro ni Carina. Mula noong naging magkaibigan kasi ang kanyang kapatid at ang dalaga ay ganito na talaga siya, palabiro na may kahalong pagnanasa. Yun nga lang, dahil sa alam na ni Kat ang aming mga nakaraan ng kanyang kaibigan, hindi niya maiwasang bigyan ng kahulugan ang bawat biro ng kanyang kaibigan.

"ikaw Carina, bakit ba wala ka pang ipinapalit sa BF mo? haha! buti pa si Kat may manliligaw na yata" birong muli ng aking asawa.

"naku ate, hayaan mo na, masaya naman akong single diba? tama na muna sa akin ang ganito hihi" sagot muli ni Carina.

Naging masaya ang mga biruan ng aking mga kasamang babae. Pero hindi ko talaga maiwasang mangamba dahil sa aking nakasalubong kanina. Hindi ko naman pwedeng yayain kaagad sila sa hotel dahil baka makahalata na ang aking asawa na may pinagtataguan akong tao dito sa Tagaytay. Inisip ko nalang na bahala na, kilala ko naman ang dalawang dalaga, hindi sila magpapatikim sa iba, lalo na itong si hipag na kahit libog na libog na dati sa kanyang manliligaw ay ako pa rin ang pinili niya upang kumantot sa kanya. Hindi ko lang alam itong si Carina, na tila open sa anumang adventure sa buhay niya. 

Matapos ang aming paglilibot ay muling napagod ang aking mga kasama, nagkayayaan na muli kaming magkape at nagtungo kaming muli doon sa tanyag na kapihan. Magkahiwalay na kami ng sasakyan, kami ni Angel sa aking kotse at ang dalawang dalaga sa isa. Nauna kami sa lugar kung saan nagkape sila kanina lamang, ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na din ang aking hipag at ang kanyang kaibigan.

"ano sa'yo babe?" tanong sa aking oordering kape ng aking asawa.

"caramel machiatto babe" sagot ko naman.

Sa isang maliit na lamesa na may sofa kami pumwesto, muling nagkwentuhan ang mga babae kong kasama. Masaya ako dahil nakita kong muli sa aking asawa ang mga ngiti sa kanyang labi noong kami'y binata at dalaga pa. Bumalik sa aking asawa ang pagkabata niya dahil sa pakikipagkwentuhan niya sa dalawang dalaga. May ilang biruan, mga paksa ukol sa kanilang trabaho, at syempre di mawawala ang tungkol sa mga lalaki.

"ate pano mo ba nadagit si kuya Bogs? haha!" birong muli ni Carina sa aking asawa.

"ginayuma yata ako niyan eh haha!" sagot pa ng aking asawa.

Alam naman ng dalawa ang aming lovestory ni misis, na sa chat kami nagkakilala at nagkamabutihan. Pero ang mga biro talaga ni Carina ay tila may mga pahaging na ako ay kanyang hinahangaan.

"kuya Bogs wala ka ba kasing kapatid? haha!" pahabol pa ni Carina.

"yung kanina yung may kulay ang buhok, malagkit ang tingin sa iyo friend ah? hihi" singit naman nitong si Katherine.

Kinabahan ako sa aking narinig. Tama nga ako at naroon pa kanina ang aking dating kaibigang si Estong. Siya lang naman ang alam kong may kulay o highlights ang buhok sa lugar na aming tinambayan kanina. 

"nyek!? e mukhang matanda na yun noh! haha! tignan mo si kuya kahit matanda na mukhang yummy pa rin haha!" biro naman ni Carina.



itutuloy

No comments:

Post a Comment