Tagalog Sex Stories - "Gusali" Part 3

Part 3 I Do

Makulimlim, maiitim ang mga ulap at ang simoy ng hangi'y hindi banayad. Ito ang itinakdang araw ng tadhana para sa akin, alam ng sanlibutan na ako'y nagsusumamo sa araw na iyon at nakikiayon sa mga hinagpis ng aking puso. Pero sino nga ba ako upang tumutol sa pag-iisang dibdib ng pinaka-mamahal kong hipag at ng kanyang nobyong si Mulong.

"wow dalagang-dalaga na ang baby natin oh!"
 wika ng ilang mga kamag-anak ng aking asawa tungkol sa aming anak na taga-bitbit ng bulaklak noong araw na iyon.


Siguro nga ang aming anak ang nagsilbing ngiti ko noong mga oras na iyon. Parang kailan lang sabi nga nila, parang kahapon lang noong nasa sinapupunan pa ng aking maybahay ang aming anak. Na noong pinagbubuntis niya ay nabuo ang isang hindi-ordinaryong pamamaraan. Buntis noon si misis nang imulat niya ang aking kalibugan para sa kanyang kapatid na si Katherine na ngayo'y handa nang lumakad patungo sa altar.

Kung hindi siguro ako pinigilan ng aking asawang si Angel ay mas maiiyak pa ako kesa kay Mulong na naghihintay sa kanyang papakasalan. Nang tumugtog ang musika na hudyat sa pagpasok ni Katherine ay nagtayuan ang lahat. Minarapat kong maging matatag, pinigilan ko ang malungkot na mga naganap at sinubukang maging masaya para sa isang babaeng sa akin ay minsang nagpaligaya.

"ang ganda ng kapatid mo..." bulong ko kay Angel.

"...so mas maganda pa sa akin?"
 biro pa niya.

"uhm, pagbigyan mo na today, kasal naman niya e" balik ko naman.

Parang isang diwata, parang isang diyosa. Ganyan ang tingin ko sa naglalakad na babae sa gitna ng simbahan. Hindi halata sa kanyang katawan ang halos dalawang buwang sanggol na kanyang dinadala. Lintik naman kasing Mulong ito, nakakantot na nga ang maganda kong hipag e binuntis pa.

Pinaghalong lungkot at saya ang laman ng aking puso noong araw na iyon. Ang aking atensyon ay daig pa ng sa biyenan kong lalake. Mula simbahan hanggang sa may kainan ay hindi yata mawalay ang tingin ko sa aking hipag. Para bang binabantayan ko ang kilos niya at lalo na ng kanyang bagong asawa na si Mulong. Ni hindi ko nga napansin si Carina, na ayon sa aking asawa'y "blooming" din daw kanina sa paglalakad.

Samantala, nagkaroon ako ng ilang pagkakataon na luminga-linga. Ang selebrasyon ay simple lamang, pili lang ang mga bisita sa kadahilanang biglaan nga. Ganunpaman, may mga ilang panauhin ding hindi ko kilala. Hawak ko ang isang baso ng alak matapos kumain upang lumibot at istimahin ang ilang mga bisita kasama ang aking asawa.

"oh hi! hello!" bati ng ilan.

Mga kasama sa trabaho, kapitbahay na malapit sa aking mga biyenan, ilang piling kaibigan ng aking hipag at maging ng kanyang asawa, at mga pinsan ni Angel na kadalasang nananatili sa ibang bansa at nagkataong narito sa ating bansa.

"..parang dati ikaw ang ikinasal kay Bogs ah? look at the time now, si Kat naman ang naka-gown!" wika pa ng isa nilang tiyahin.

Di kalayuan, bilang alagad ni Mang Kanor, may naispatan akong isang dalaga. Sigurado ako na hindi si Carina iyon kahit pa may hawig ang hubog ng kanilang katawan. Kahit pa parehas ang kanilang haba ng buhok at kulay ng balat ay natatantsa kong hindi ito ang dalagang umipot sa aking ulo.

"Bogs! huy!"
 sabi ni Angel.

"bakit??" 
sagot ko kaagad habang sa malayo pa rin ako nakatingin.

"saan ka ba nakatingin??" patuloy niya at ako nama'y lumingon na din.

"ah eh, wala, hinahanap ko lang yung waiter at hihingi pa sana ako ng alak"
 palusot ko nalang.

"naku ikaw, tigilan mo na nga yan...by the way, Bogs babe, I think na-meet mo na si Kuya Edong, pinsan ko from Canada"
 banggit ng aking asawa.

"uy Kuya Edong, kumusta?"
 bati ko naman.

Naalala ko itong lalakeng ito, una at huli ko itong nakita ay noong naniningalang pugad pa lamang ako sa aking asawa. Akala noo'y nakatatandang kapatid ito ng aking asawa sa sobrang sungit, iyon pala'y pinakamatandang pinsan lamang niya na nag-migrate na sa Canada at nito lang nakauwing muli.

"so ikaw din pala naka-tuluyan ni Angel...swerte mo brad, magaling magluto yang pinsan ko"
 biro pa ni Edong.

"sira ka talaga, hindi lang luto noh! hihihi!" sabat naman ng aking asawa.

Hindi na ako nakipag-diskusyon pa sa pinsan ni Angel, lalo na nang ako'y tanungin niya tungkol sa propesyon at trabaho ko sa kasalukuyan. Alam kong may hangin din kasi ang taong ito lalo pa't nakatuntong na sa ibang lupa at nakaranas na ng snow.

Nagpatuloy kami sa pag-iikot, ang mukha ko'y naging mas maaliwalas nang sumapit kami sa lamesa kung saan naroon ang mga kasamahan ni Angel. Si Alex.

"ayos lang ba kayo dyan guys?...uy Alex halika sama ka muna sa amin ni kuya mo"
 wika ni misis.

"hi ate and kuya! saan ba tayo pupunta?" tanong naman ng dalaga.

"mukha kasing out of place ka sa mga 'matatanda' nating kasama sa work kaya hinatak na kita...dito kana sa table namin at mag-inuman tayo" paliwanag ng aking asawa.

"oh sige po ate!"
 tugon naman ng dalaga.

Siyempre hindi ako nagpahalata, lalo na't noong isang araw lamang ay nakantot ko siya. Alam na namin ni Alex ang usapan namin, kabisado na naming dalawa ang mga isasagot, mga sasabihin, o ano pa man na makapaglalagay sa amin sa alanganin.

"gwapo nun ate ah? pinsan mo?" hirit ni Alex sabay sulyap sa akin.

"sira! may asawa na yan noh...hayaan mo ihahanap kita ng magiging BF mo" tugon naman ng aking asawa.

Napa-iling na lang ako sa pagiging "single" ni Alex. Siguro paraan lang din niya ito upang hindi maghinala ang aking asawa sa aming patagong relasyon. Dumating ang waiter dala ang isa pang bote ng whisky, kasunod nito ay ang pagdating ng isang babaeng hindi malalayong makihalubilo sa amin.

"hi ate! hi kuya!...uhm hi...Alex right?" bati ni Carina.

"hello! come join us"
 paanyaya naman ng aking asawa.

"oh I would love to, but I was trying to find my BF...hindi ko alam saan napunta..." pahayag ng dalaga.

"what?? tama ba narinig ko? may BF kana??" gulat ng aking asawa.

"hihi! you heard it right ate..." masayang tugon ni Carina.

"so I insist, dito ka na muna sa table namin at marami tayong pagtsi-tsikahan! hehe!" wika naman ni Angel.

So ano pa nga ba magagawa ko, utos ni kumander e. Awkward man, pero kailangang panindigan. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa isa naming kasama na si Alex. Hindi nagtagal, gaya ng aking inaasahan, susubukan talaga nitong si Carina na ako'y makausap man lang kahit pa may "BF" na siya.

"close ba sila talga?" narinig kong bulong niya sa aking asawa.

"uhm, somehow yes. lagi kasi namin kasabay itong si Alex tuwing papasok at uuwi.." paliwanag ni misis.

"Alex, di ba yung house nyo is malapit sa amin?" tanong ni Carina.

"ah opo ate, sa kabilang baranggay lang ako"
 sagot naman ni Alex.

"maybe you should give me your number para minsan labas tayo, you know, night life, gimik, dinner..." suhestyon pa ni Carina.

Wala naman akong masabi, ayokong maghinala sila lalo na si Carina na mas matindi pa sa aso ang pang-amoy. Hindi ko madepensahan si Alex na huwag sumama kay Carina upang wala itong matuklasan. Alam ko ang likaw ng bituka ni Carina, kahit pa may pauna na akong babala kay Alex tungkol sa dalaga ay mahirap pa rin lalo na kung magiging close sila.

"oh sure ate, eto po number ko..." sagot ni Alex.

Makalipas ang ilang minuto, nagpatuloy ang aming munting inuman at salu-salo. Patuloy si Carina sa pagku-kwento tungkol sa bago niyang kasintahan. Kita ko sa mata ng aking asawa ang kahit paano'y panghihinayang para sa dalagang minsan nang naging bahagi ng aming buhay. Alam kong kung pwede lamang ay pipigilan din niya si Carina na magkaroon ng syota, alam kong gusto pa ring maibalik ni Angel ang dati naming nakagawian.

"well, I met him from a friend of friend...then yun na, I think meant to be na, well sana hihi!"
 kwento pa ni Carina.

"...how about you Alex, may BF kana ba?"
 tanong ni Carina sa aking katabi.

"ah eh, wala pa ate..." sagot ni Alex.

"good! I can help you with that...well I may not had a perfect BF before, pero I think from those experiences e may maitutulong ako sa pagpili mo"
 payo pa ni Carina.

"wow. just wow. hihi! the happy single girl is now into serious relationship! good job Carina! I'm happy for you!"
 bati naman ng aking asawa.

"oo naman ate, maybe sapat na yung pag-eenjoy ko being single these last few years...kita mo naman, Kat is married na...ayoko namang mapag-iwanan diba?"
 tugon pa niya.

Tinik. parang may maliit na tinik na tumusok sa aking puso noong sandaling iyon. Hindi maintindihan, ang alam ko'y lipas na ang sa amin ni Carina. Pero sa mga salita niya ay tila mas nauna pa siyang maka-usad galing sa lubak ng kabiguan. Tama ba ito? Siguro kung nababasa lang ni Alex ang nasa isipan ko'y pagtatawanan na lamang niya ako.

"oh there he is! Cid! Cid! come here please!" sigaw ni Carina.

Kapwa kami'y napalingon sa tinatawag na tao ni Carina. Yung BF niya. Nakangiti itong lumapit sa aming kinaroroonan, di kalayuan ay akin din itong inispatan. Sinuri ko ang kanyang mga hakbang, sa sandaling iyon ay inalam ko kung totoo ba ito o napulot lang ni Carina kung saan.

"guys, this is my boyfriend, Cid...Cid, this is ate Angel...kapatid siya ni Kat. this is kuya Bogs, her hubby...his the architect I am talking about by the way..then this is Alex..." paliwanang at pagpapakilala ni Carina.

"hi, nice to meet all of you" mahinang sagot ng lalake.

Nag-request pa ng isang baso ang aking asawa upang ibigay sa bago naming kasama. Ako nama'y halos mapadami na ang tagay. Batid ito ni Alex dahil wala naman siyang ibang kausap maliban sa akin. Alam ni Alex ang aking nararamdaman. Alam niya na ang puso ko'y may kaunting tibok pa para kay Carina.

"guys kukuha lang ako ng pulutan..." paalam ko sa kanila.

"just ask the waiter babe..." sambit naman ni Angel.

"uhm, ako na, ako pipili, dyan lang naman sa buffet table"
 dahilan ko nalang.

Sa totoo ay gusto ko lang naman talagang lumayo. Gusto kong umiwas. Hindi ko tanggap ang mga nagaganap. Ngumiti lang sa akin si Alex nang ako'y tumayo.

"...uhm nagseselos ka noh?"
 bulong ni Alex sa akin habang ako'y sumasandok ng ulam.

"hey, bakit ka sumunod?" bulong ko habang patuloy akong nakatuon sa lamesa ng mga pagkain.

"ok lang kuya, kesa utusan kita kunyari mas halata yun" sagot niya.

Nag-usap kami na parang mga espiya, walang eye contact at hangga't maaari ay bulungan lamang. Alam ko na ang isang mata ni Carina ay nakatingin sa akin, nararamdaman ko na may pinaplano din ang dalaga. Hindi ako naniniwalang BF niya talaga ang kanyang kasama. Siguro paraan lang niya ito upang subukin ang aking sarili kung may pagtingin pa ako talaga sa kanya. Meron.

"ikaw naman kasi, halatang affected ka. buti hindi ka napapansin ni ate Angel. stop it kuya, tara sa likod gusto mo?"
 alok pa ni Alex sa akin.

Tinanggihan ko ang alok ni Alex, mas magdududa naman si misis kung pauunlakan ko ang libog ng dalaga. Mas pinili ko na lang na tiisin ang munting hapdi, dadaanin ko na lang sa alak. Nauna akong bumalik sa aming lamesa upang pag-tiyagaan ang sitwasyon. Naabutan ko naman doon ang aking hipag na masaya pa sa fiesta ang mukha.

"kuya! hihihi!" bati niya kaagad sa akin.

"oh hi Mrs. Castro! hehehe!"
 sagot ko naman.

"hahah! nakakapanibago!" balik ni Kat.

Nakipag-kamay naman ako sa kanyang asawa na si Mulong. Kasabay nito ang pag-abiso ng photographer sa amin.

"mam, sir, dito po, compress lang po ng kaunti" 
utos ni manong.

"Alex hurry! join us!" pahabol pa ni misis.

Hindi ako ang nag-ayos ng posisyon kundi si manong photographer. Hindi ko alam kung pati ba si manong ay kasabwat ni Carina sapagkat ang aming pwesto'y magkatabi pa. Pilit ko mang iwasan, halos magdikit muli ang aming mga braso. Bahagya kaming nagkatinginan ni Carina dahil sa pagtatama ng aming mga balat, nginitian na lang niya ako at lumingon na kaagad sa camera na nakatutok.

 
itutuloy

No comments:

Post a Comment