Tagalog Sex Stories - "Pagbangon" Part 7

Chapter VII 

Alas siete ng gabi ng dumating kami sa bahay nila Chelle para mamanhikan. Kasama ko ang nanay ko, si Gretch, at si Mike. Hiniram nila yong owner type jeep ni kuya Choy at iyon ang kanilang sinakyan dahil may mga dala silang pagkain. Isang litsong baboy, puto, pansit, kanin, inihaw na isda, vegetable salad, ginataang bilo-bilo at tatlong case ng coke. Tinanong ko din sila noong daanan nila ako sa apartment bakit ang dami na sinagot lamang nila ng hindi kasi nila alam dahil first time na mamanhikan at kinakabahan sila. 


Mas mabuti na rin daw yon para walang problema kung malaki ang pamilya ni Chelle. Nandoon si Dado at Liza pati na rin si Queenie. Nakaupo sila sa isang tabi na parang audience lang. Walang imik at patingin-tingin lang. Pagkatapos ng pakilala ay nagsimula na silang mag-usap-usap tungkol sa mga bagay na mga dapat gawin at sa gastos. Magkatabi kami ni Chelle na nakikinig lang muna. Kung saang simbahan, petsa ng kasal na halos hindi naman nila madesisyunan. 

Binulungan ko si Chelle. "Tignan mo sila walang natatapos kasi parang mas excited pa sila oh." Ang sabi ko dahil alang nangyayari sa usapan nila na bagamat hindi nagkokotrahan ay hindi naman nila malaman kung paano. 

Maya-maya pa ay nag- set sila ng date. Sinusubukan nilang i- organized ang plano nila. At nagsimula na silang hindi magkasundo sa mga petsa dahil sa pamahiin. Napunta ang usapan sa gastos na dapat daw ay hati, hindi dapat ay gastos lahat ng lalake. 

"Excuse me ho. Tanungin po ninyo yong ikakasal sila po ang nakakaalam niyan. Sorry nag- suggest lang gutom na po kasi ako eh." Biglang sabi ni Queenie at parang nabunutan ng tinik ang mga magulang namin. 

Biglang dumating ang mama ni May kasama si may na may dala-dalang pagkain na nakalagay sa malalaking container na parang tupperware. "Hay salamat makakakain ng walang gastos. Opsssss...sorry gutom na rin po kasi ako eh." Biglang sabi ni Liza at nagtawanan kaming lahat. 

"Kumain muna kasi tayo para madaling maayos to. Hindi kasi makapag-isip ng tama kung gutom ang tiyan." Suggestion ng mama ni may na sinang-ayunan naman ng lahat. 

"Ang sarap naman ng mga ito. Pwedeng mag-uwi." ang sabi ni Queenie na agad binara ni Liza. 

"Kumain ka na nga muna, ang tanga nito." Sabi ni Liza at nagtawanan kaming lahat. 

"Ayan may nadagdag tiga- ubos ng handa ang dami kasi."Ang sabi ulit ni Liza habang papasok si Jonathan kasama ang asawa nito. 

"Mga nanay at tatay may sasabihin po sana kami ni Chelle. Sana po magustuhan niyo ang plano namin. May 27 po ngayon at sa june 18 ay kasal ni Liza at Dado. June 22 po ay birthday ni Chelle. Gusto po sana namin na sa July 28 na po ang kasal namin para makapaghanda naman po kami para sa ibang mga kakailanganin. Sa Simbahan jan sa bayan, sa school po nila Chelle kami ikakasal tapos dito po ang kainan. Simple lang po sana ang gusto namin basta lahat kayo nandoon okay na po sa amin yon. Yon pong sinasabi nyong gastos e kung pwede ibigay nyo na lamang sa amin para may pagsisimulan po kami." Wala kaagad umimik kaya ang akala ko ay hindi nila nagustuhan ang sinabi ko. 

Kaya agad ding nagsalita si Chelle. "Ano po? Kami naman po ang importante diyan. kahit po gawin nating bongga yan kung wala kami di wala din. Yon po ang gusto namin kaya sana i- consider nyo naman." Parang nakikiusap na sabi ni Chelle. 

"Kung sa akin balae, tama naman ang sinabi ng mga bata. Para sa kanila naman to. Tayo ay dapat na gumabay lamang sa mga plano nila dahil bandang huli sila naman ang magsasama." Ang paliwanag ng nanay ko. 

Proud naman ako sa kanya dahil nasabi nya yon. Sabagay matalino ang nanay ko, kung hindi ba, hindi nya kami maitataguyod mag-isa dahil nagloko sa babae ang tatay ko noong katatapos ko pa lang ng high school at hanggang ngayon e hindi pa din namin nakikita. 

"Oo nga tama balae, yan din ang naiisip ko kanina pa eh kaya lang mas nanaig kasi ang pride at pataasan." Sagot ng nanay ni Chelle. 

"Hayaan niyo sa akin na ang dalawang cavan ng bigas at isda. Regalo ko na yon sa inyo ha, anak, Chelle." Sabi ng mama ni May. 

Nakita ko yong kapatid ko na panay ang sulyap kanina akala ko ay sa mama ni May nakatingin. Kay May pala mismo. Hay naku panibagong gastos yata to sabi ko sa isip ko. 

"Tol, hati kami ni Vincent sa isang baboy. Umuo ka na Queenie." Ang sabi ni Jonathan na nagpatawa sa lahat. 

"Ayaw ko Jonathan. Solohin mo ang isang baboy dahil bukas tatawag si Vince, sasabihin kong isang baboy sa amin." Ang sabi naman agad ni Queenie. Ooppppsss... Tapos ang problema. Ang sarap ng ganitong mga barkada. 

"Bakit sa amin wala?" Ang biglang sabi ni Liza na nagpatapik sa noo ni Dado. 

"Meron tanga, napag-usapan na namin ni Vincent yong sa inyo ano, saka hindi kayo ang bida dito sila." Sabi ni Queenie at napatawa kaming lahat biglng nanahimik ang mga magulang namin ng bumanat na ang mga kaibigan namin. 

"Nag-iisip ako kung ano ang maitutulong ko pero iba nag sinabi ng sweetheart ko. Nainggit pala." Sabi ni Dado na agad kinontra ni Liza. 

"I was about to say na bakit sa amin walang contribution eh, biglang umentrada ang tangang ito." Sabi ni Liza at muli kaming tumawa. 

"Sa amin na tol mantika. Iipunin ko na lang mga pinaglutaan sa handa namin ni Liza." Napatawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Dado. Ikakasal nga din kasi sila at parang kulang pa yata ang budget nila. 

"Hindi tol, isang baboy na rin sa amin." Ang sabi niyang seryoso kayat tumahimik kaming lahat. 

Dito ko napatunayan na talagang tunay silang kaibigan. Handa silang dumamay. Siguro kung alam din nila at hindi ko ihiniwalay ang sarili ko sa kanila baka mas naging magaan ang mga problemang pinagdaanan ko noon. 

"Tol okay lang tol kung wala alam ko naman na kailangan mo rin ng panggastos." Sabi ko kay Dado na sinangayunan naman ni Jonathan at Queenie. 

"Okay lang yon tol ano ka ba may pera na kami nun mula sa mga ninong at ninang." Tawanan ulit. 

At dahil sa banat  ng mga kaibigan namin ay muling nasagi ang pride ng mga magulang namin kaya muling nagkagulo. "Sige mga anak, papalitson kami ng baka tapos arkilahin namin yong Philrage band para may live music tayo. Gawin nating isang araw ang okasyon. Kasal sa umaga tapos sa gabi ay sayawan para sa mga binata at dalaga. Huwag niyo ng kontrahin at nakakahiya naman sa mga barkada nyo halos sinagot na nila ang handa niyo." Ang hirit naman ng nanay ko na alam kong baka fifty percent nun eh sa akin din galing. 

Pero nagkibit balikat na lang ako upang wala ng diskusyon pa ngunitnagkamali ako dahil. "Aba hindi kami papayag niyan ni Pedring balae. Kung isang litson baka sa inyo. Isa din sa amin, lugi naman kasi kami niyan." Hirit ng Nanay ni Chelle. 

Ayon at nagsimula na ulit silang mag-usap tungkol sa mga detalye ng kasal namin, this time ay maayos na. 

"Ate pahiram ng ballpen at papel. Ililista  ko ang mga detalye ng kasal pati na rin ang mga kontribution tuloy ako na rin maniningil sa hindi magbibigay." Nagtawanan kami at yon si Gretch nga ang naging secretary nila. 

Marunong nga kasi si gretch ng stenography. May kasama yata kasing secretary sa boarding house nya noon. Habang nag-uusap usap ang mga magulang namin at mga barkada ay bigla akong nagsabi. 

"Angel I will be giving you the grandest wedding Baler has ever seen." Tumawa sila dahil ang totoo ay maraming mapapakain ang handa namin. 

"Thank you Angel." yumakap sya sa akin. 

"Sweet naman ng dalawang tangang ito. Alam na wala si Vincent eh nang-iinggit. Paano yan di sariling sikap na naman ako mamaya?" Biglang sabi ni Queenie at naghiwalay kami ni Chelle. 

Binatukan ni Liza si Queenie dahil sa sinabi nito. "Tanga ka talaga. Alam mong may minor dito kung anu-ano sinasabi mo. Bakit di mo na lang sarilinin?" Namula si Queenie kahit sa liwanag ng flourescent ay halata dahil maputi sya. 

"Sino si May? Eh panay nga ang titig sa kapatid ni Ace. Baka bukas tita Fely mamanhikan na naman kayo niyan." Tawanan kami dahil sa pagbawi ni Queenie ng pagkapahiya at tuloy si May naman ang nagblush at talagang pulang-pula ganun na rin ang kapatid ko. 

"Naku e wag naman sana, saka ngayon lang naman nagkita yan." Sabi ng nanay ko na hindi nakasakay sa biruan. 

"Tita, si Ace nga po at si Chelle wala pang isang linggo na nagkita." Tawanan ulit at hindi kami nakaimik ni Chelle dahil totoo. Kami na yata ang magsyota na saglit lang mag-on kasal na agad. 

"Naku lulunurin ko sa dagat ang dalawang yan kung nagkataon. Mag-aral muna sila. Fourth year high school pa lang si May sa pasukan." Protesta naman ng mama ni May. Maya-maya pa ay nagserve na ng kape si May at asawa ni Jonathan na si Rochelle. Inuna pa ni May na bigyan si Mike na tahimik lang na nagpapacute sa kanya. Nagkagustuhan talaga yata sabi ko sa isip-isip ko. 

Habang nagkakape kami ay ipinakilala ni Chelle ang mga barkada namin sa nanay at mga kapatid ko. Pinakilala rin niya si May at ang mama niya maging kung sino sila sa buhay ko noon at niyakap ito ng nanay ko nagpasalamat sa pagpapahalagang ibinigay nila sa akin noon hanggang ngayon. 

Madaling araw na noong matapos ang usapan dahil sa naging takbo nito at banat ng barkada ay naging maayos at masaya ang kinalabasan. Hindi na sila pumayag na umuwi pa kami dahil delikado na raw. Makikitulog ang nanay at kapatid ko kina May. Si Jonathan at Rochelle kina Liza. Dahil sa bayan pa rin kasi ang bahay ni Jonathan. 

"Pahiram naman ng bihisan  Angel." Ang sabi ko kay Chelle ng mahihiga na kami sa kuarto niya. 

"Huwag ka ng magbihis aalisin ko din naman." Pilyang sabi nito habang hinuhubad ang suot nyang damit. 

Nakatalikod sya sa akin at kitang- kita ko ng alisin niya ang suot niyang damit at pantalon. Ang sixy talaga ng Angel ko. Inaantok na ako that time pero nagising maging ang pinakamaliit na ugat sa katawan ko. Lalo akong nag-init ng hubarin din niya ang kanyang bra at ilaglag ito sa kanyang paanan sabay nanunuksong tumingin sa akin. Tumuwad siya at ibinaba nya ang kanyang panty. Wow sumilip sa akin ang dalawang pintuan ng langit na tila ba nagsasabing ayos ba tayo diyan. Binuksan niya ang kanyang cabinet at tila ba may hinahanap ito sa loob. 

Nakatuwad pa rin siya ng akma akong lalapit ay bigla niyang sinabi. "Diyan ka lang huwag kang lalapit. Akong bahala sayo." Shet naramdaman niya ang paglapit ko sana o na- anticipate lang niya ang aking dapat na gagawin dahil sa alam niyang nag-iinit na ako. 

Hubo't hubad siyang lumapit sa tabi ng kama at sinenyasan nya akong lumapit kayat naupo ako sa gilid ng kama na nakababa ang paa sa sahig. 

"Huwag kang gagalaw, huwag mo akong hahawakan." Ang sabi niya habang hinuhubad niya ang aking t shirt. 

Halos dumikit sa mukha ko ang kanyang suso na nagtitigasan ang mga utong. Akmang isusubo ko sana pero inilayo nya naman. Shit ano kaya ang plano ng babaeng ito? Umupo sya at binuksan ang sinturon at butones ng pantalon ko sabay baba ng siper. Hinila nya pababa ang pantalon ko hanggang mahubad ito. 

Maya-maya ay isinunod naman niya ang brief ko. Pareho na kaming hubo't hubad. Itinulak niya ako pahiga pumwesto naman ako sa gitna at dumagan siya sa akin. Tapos hinalikan nya ako saglit sa labi. At humiga sa tabi ko. Tapos may iniabot sya sa akin. Ng tignan ko ay panty at manipis na short na pambabae. 

"Aanhin ko to?" Tanong ko sa kanyang naguguluhan. 

"Isuot mo, hihihi. Nasa kabila lang kuarto nila tatay. Loko ka ba eh ang lakas kaya ng ungol mo." Ang pilya niyang sabi sa akin habang humahagikhik at nagsusuot ng mahabang damit ngunit alang panty.  

"Sino kaya ang malakas ang ungol?" Bulong ko sa kanya habang marahan kong dinidilaan ang kanyang tenga. 

"He, Angel ha? Wag mo akong tuksuhin naman nag-iinit na ako." Ang sabi niya habang marahan kong hinihimas ang kanyang dibdib sa ibabaw ng kanyang damit. 

"Sino kaya ang unang nanukso ha?" Tanong ko sa kanya habang inililipat ko ang himas ko sa kanyang mga hita. 

Pataas sa kanyang singit. "Hmp...." kinagat nya ang unan upang hindi sya mapaungol dahil kinakapa ko na ang kanyang kaselanan. 

"Angel naman eh...bukas na lang ohhh....hmp.." Protesta niya habang muli niyang kinagat ang unan dahil ipinasok ko ang gitnang daliri ko sa kanyang basa ng pakpak. 

"Goodnight Angel! I love you so much!" Ang sabi ko habang inaayos ko ang kanyang damit sabay hila sa kumot at kinumutan ko ang katawan namin. 

"Ump...bad ka." Sabi niya sa akin pagkatapos nya akong kurutin sa tagiliran. 

Niyakap ko siya tapos hinalikan sa labi. "Tulog na tayo. Sabi ko ng maramdaman ko ang kanyang kamay na pumapasok sa shorts at panting suot ko.

 Marahang hinaplos ang matigas kong uten sabay sakal dito at marahang sinalsal. Kung kanina ay natiis ko ngayon ewan ko na lang. Umibabaw ako sa kanya. Hinalikan ko ang kanyang mga labi. Itinaas ko ang kanyang damit at sinuso ko ng salitan ang kanyang dibdib. 

"Mmmmpppp....” Muli nyang kinagat ang unan habang sinisipa nya pababa ang suot kong short at panti. 

Itinutok ko ang aking uten sa kanyang basang puke. Inalis ko ang unan at nilips to lips ko sya upang hindi kami mapaungol pareho. Umindayog ako habang sakmal-sakmal ko pa rin ang labi nya. "Haaaa....umppppp... ." Mga ungol naming nakakaalpas pa rin. 

Tuloy ako sa pagbayo ng mabilis sa ibabaw nya. Kinuha nya ang unan at muli itong kinagat, ako naman ay sumubsob sa leeg nya. Sige ako sa pagbayo hanggang maramdaman kong malapit na akong labasan. Ganun din siya dahil yumayakap na ang kanyang mga hita sa puwet ko at iba na ang giling ng balakang niya. Humihigpit na rin ang kanyang puke. 

Hinila nya ang ulo ko at hinalikan nya ako ng mariin "Uump.....haaaaaa.." Sabay kaming nilabasan at damang dama ko ang kakaibang sarap ng mga sandaling iyon dahil sa sobrang pagpipigil na hindi mapaungol at makalikha ng eskandalosong tunog. 

Ng bumitaw ang kanyang mga hita sa pagkakayakap sa puwet ko ay humiga na ako sa tabi niya. Tumagilid naman siya at inunan ang braso ko sabay yakap sa dibdib ko. Humalik sya sa akin. 

"I love you. Ang sarap grabe ka hirap na hirap akong magpigil sa ungol ko." bulong niya sa akin.

"Ako din naman ah. Pero masarap di ba?" 

"Oo, hihihi." Ang sagot niya sa akin. 

"Goodnight Angel! I love you!" niyakap ko sya at natulog na kaming parehong may ngiti sa labi. 

"Ate, gising na daw kayo. Ateeeee....gising na daw kayo."Sigaw ng bunsong kapatid ni Chelle. 

Alas otso na pala ng umaga. Hinaplos ko ang mukha ng Anghel na nakaakap sa akin. 

"Yaan mo yon tulog pa tayo antok pa ako eh." sabi ni Chelle tapos hinawakan ang palad ko at iniunan nya.

"Hindi ka ba gutom?" Ang tanong ko sa kanya para sana bumangon na siya. 

"Hindi, inaantok ako Angel. Gutom ka na ba?" Hindi naman ako nagugutom at inaantok din ako kaya niyakap ko siya at maya-maya pa nga ay nakatulog na naman kami. 

"Hoy bunutin nyo na yan, hindi ba kayo sasama?" Ang tanong ng nambubulahaw na si Liza. 

"Saan?" Sagot na pasigaw ni Chelle. 

"Sa beach nandun na sila. Picnikin daw natin yong dala nila kagabi sayang kasi ang dami. Ano una na kami doon. Sunod na lang kayo ha." Ang sabi ni Liza at bumangon na kami. 

Sarap naman nito. Karamihan ng alam kong namanhikan umuwi agad ang pamilya ng lalake dahil maraming hindi napagkasunduan. Kaiba naman ito at magpipicnic pa. Nagmotor kami papunta sa lugar kung saan daw magpipicnic. Doon din yong lugar na pinag-inuman namin noong sagutin ako ni Chelle. 

Pagdating namin doon ay nagkakainan na sila. Inabutan kami ni May ng plato at kumuha kami ng pagkain. Pagkakain namin ay humiwalay kami sa karamihan. Umupo kaming dalawa sa sea wall na magkaakbay. 

"Ano sa tingin mo Angel?" Ang tanong ko sa kanya. 

"Alin?" Balik tanong nya sa akin. 

"Sila, sa palagay mo ba magiging close ang mga pamilya natin. Kasi tignan mo oh. Ang saya-saya nila, walang pader sa pagitan nila." Ang sabi ko base sa nakikita kong nangyayari sa ngayon. 

"Dapat lang naman di ba. Kasi nga magkasundo tayo. Natutuwa ako sa mga ugok na yan oh, Angel." Ang sabi niya habang yumayakap sa akin. 

"Kanino? Sinong mga ugok?"Ang tanong ko dahil hindi ko agad na gets ang ibig nyang sabihin. 

"Sila oh, di ba nga sasagutin nila yong tatlong baboy para sa handa natin sa kasal. Ayon na challenge tuloy mga nanay natin. Magiging bongga pa yata kasal natin noh?"

"Oo nga eh, nag-iisip nga ako kung ano pwede natin ibigay sa kasal ni Dado. Ano pa bang kulang sa kasal nila?" Sagot ko agad sa tanong niya. 

Gusto ko kasing makatulong din naman sa kanila. "Problema yata nila mga susuotin nila. Wedding dress ni Liza pati na rin sa mga abay na babae. Atleast sa lalake kasi madaling gawan ng paraan yan. Bakit Angel?"

"Ano sa palagay mo arkila na lang tayo ng mga damit para sa kanila?"Ang tanong na sggestion ko sa kanya. 

"Kaya ba natin? Ang alam ko kasi Angel aabot ng mga six to eight thousand yata ang complete set ng arkila kasama na ang para sa mga flower girls. Ewan ko pero parang ganun yata. Kasi yong co-teacher ko ganun ang ginawa nila." Ang mahabang sabi niya sa akin. 

Kaya ko namang ibigay yon alang- alang na lang sa pagiging magkakaibigan namin at sila nga din handang tumulong kaya gasino lang naman ang walong libo kumpara sa halaga ng friendship.

"Gusto mo bang yon na lang ang itulong natin sa kanila?" Ang tanong ko sa kanya. 

"May pera ba tayo Angel? Gustung- gusto ko syempre noon pa, kaya lang wala akong pera noh." Sagot niya sa akin. 

Maliit lang din naman kasi ang sahod sa school na pinagtuturuan nya sapat lang para sa pangangailangan. Ewan ko pero siguro may ipon naman siya dahil may pinagkukunan naman ang pamilya nya at bata pa naman ang bunsong kapatid na elementarya pa lamang. Hindi nga lang siguro sapat para gumastos ng malakihan. Siya nga pala ang gumastos lahat sa mga gamit sa apartment. Ngayon ko lang naalala. Kaya siguro wala siyang pera ngayon. 

"Hoy join naman kayo dito kanina pa kayo naglalampungan diyan. Alam naman namin na sweet kayo noh. Kaya lang sali naman kayo dito." Ang sigaw ni Liza sa amin na kinawayan na lang namin. 

Hinayaan namin silang mag-enjoy at pinanood lang namin sila. 

"Paano na tayo Angel pag kasal na tayo? Di ba mag-aaral ka pa? Tapos kasi Angel maliit lang ang sahod ko." Sabi niya sa akin na parang may pag-aalala sa kanyang tinig habang nakasandal sa akin. 

"Nagsisisi ka ba?" Ang tanong ko sa kanya upang tiyakin ang kanyang desisyon. 

"Alam mong hindi, gusto ko na rin kasing makasama ka. Katabi sa pagtulog at paggising nandoon pa rin. Katuwang sa buhay. Wala akong pinangarap kundi ang makasama ang lalaking mahal ko at ikaw yon. Ngayon na yong katuparan ng pangarap ko. Ang ipinag-aalala ko lang ay ang magiging bukas natin." Nauunawaan ko ang kanyang ibig sabihin. 

Pero para sa akin ang tingin ko sa magiging bukas namin ay maaliwalas. May pera naman ako. Malaki naman ang naipon ko sa pag- aabroad ko at may pera mula sa ipon namin ni Melanie noon. Akin naman na ang perang iyon. Share ko na rin siguro sa tindahan ng isda na ako naman ang nagpundar. 

"Kaya natin yan trust me, may Angel yata ako na nagpapalakas ng loob ko. At syempre yong Angel ko ring iyon ang magbibigay sa akin ng will para magsikap. Di ba yong speech ko nung dinalaw kita. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sayo?" Ang sabi ko na nagpangiti sa kanya. 

"Ok Angel ipinagkakatiwala ko sayo ang buhay ko." Sabi nya at niyaya nya akong maglakad-lakad muna kami. 

Malayo na rin ang narating namin sa paglalakd habang namumulot ng mga shells. Ng mapagod sya sa paglalakad ay bumalik na kami sa pwesto namin at naupo kami sa may inaabot ng alon. Gumagawa sya ng kastilyong buhangin na halos hindi nya mabuo-buo dahil sa winawasak ito ng alon. 

"Tulungan mo naman ako Angel." Ang sabi niya kasi paulit-ulit nyang ginagawa pero paulit-ulit ding sinisira ng alon. 

Gumawa ako ng harang na buhangin sa gilid upang mailihis ang agos ng tubig sa ginagawa nya at nabuo nya ang kastilyong buhangin ngunit hindi rin nagtagal at napapansin kong unti-unti ng kinakain ng tubig ang buhanging harang kaya dinagdagan ko ang dating harang niya at nilagyan  ko ng malaking kahoy sa harapan at yon nga naka-survive ang kastilyong buhangin na tuwang- tuwang kinunan ng picture ni Gretch kasama kaming dalawa.

Pagkatapos ng picnic bandang alas tres ng hapon ay umuwi na sina nanay. Umuwi muna kami ni Chelle sa kanila dahil mangunguha daw sya ng gamit nya tapos saka kami uuwi sa apartment. Wala namang tutol ang magulang niya dahil nakaset naman na daw ang kasal namin kaya panatag na din naman sila.

Alas sais y media na ng makauwi kami sa apartment. Kumain kami ng light dinner mula sa binili namin sa labas. Pagkatpos nyang magligpit ay nagyaya na syang matulog.

"Tulog na tayo Angel inaantok ako." Ang aya nya sa akin habang humihikab siya.

"Tulog lang talaga ang gusto mo?" Tanong ko naman sa kanya na nanunukso. 

"Ay hihihi, ligo muna ako ha bago mo ako iyotin. Nabitin ako kagabi kaya." At dali dali na syang pumasok sa banyo. After 15 minutes naiinip na ako ng sumungaw sya sa pinto.

"Angel paki-abot naman ng tuwalya oh." Pagkaabot ko ng tuwalya ay hinila niya ako sa loob ng banyo at bigla nya akong binubusan ng isang tabong tubig na tumatawa. Hinubo nya ang shorts ko dahil 

 "Ay, nakakagulat naman tong titi na ito." Marahan niyang hinawakan ang kahabaan nito na parang sinusukat. 

 "Ang haba tapos mataba pa. Akala ko noong una hindi ko kakayanin. Ngayon hinahanap- hanap ko. Hihihi" Muli siyang tumayo at binuhusan ulit ako ng tubig. 

 "Ligo ka muna ha. Paliliguan kita wag kang humawak sa akin, ako lang hahawak sayo." Sabi niya habang kinukuha yong sabon at nagsimula siyang sabunin ako sa dibdib, sa leeg pababa sa tyan hanggang sa mga paa pero iniwasan niya ang aking uten. Tapos pumunta sa likod ko at sinabon ng buo pati puwet ko. 

 "Pikit ka sasabunin kita sa mukha." Pumikit naman ako, pagkasabon nya sa mukha ko ay sinabon na rin niya ang uten ko taas-baba tapos sa bayag. 

Ang sarap ng ginagawa nya. Madulas ang sabon na nakakadagdag ng kiliti. Gusto kong tignan any ginagawa nya pero hilam sa sabon ang mukha ko. Maya-maya pa ay binuhusan na nya ako ng tubig tapos iniabot nya sa akin ang tabo na may tubig. Binuhos ko sa sarili ko. Pagmulat ko wala na sya. Dali-dali na akong nagbuhos hanggang sa matapos ako. Pagkatapos ko ay agad akong pumunta sa kuarto na hubo't hubad. Nakahiga na sya sa kama at nakakumot hanggang leeg. Ang sarap ng pagkakangiti nya sa akin. 

"Halika na kasi pinasasabik mo naman ako eh." Ang tawag niyang nang-aakit sa akin. 

Nahiga na rin ako at pumasok sa loob ng kumot. Pagpasok ko ay sinalubong nya ako ng mariing halik sa mga labi. Nagkuyumusan kami ng halik habang gumagala ang mga kamay namin sa katawan ng bawat isa. Hubo't hubad pa rin sya. Minasahe ko ang kanyang mga suso at nilalapirot ang kanyang mga utong. Hinalikan ko sya pababa hanggang dibdib habang lamas-lamas pa rin ang magkabilang suso niya. Palitan kong isinusubo ang kanyang namumulang utong. Pinaliguan ko sya ng halik pati sa kili-kili nya. 

"Ihhh...wag diyan Angel...hihihi..... nakikiliti ako diyannnn...ohhhhhhh.. ." Pinababa ko ang halik ko sa kanyang tiyan hanggang puson. 

Patuloy naman ang mya kamay ko sa pagmasa sa dalawang bundok ng kaligayahan. Tapos sinisid ko na ang kanyang kaselanan. Hinimod pati butas ng kanyang puwet na lalong nagpalikot sa kanya. 

"Ohhhhh.....ohhhhhhh ....ang saraappppppp.....ahhhhhhh...." Mga ungol at daing niya na nagpapasaya sa akin. 

"Angel halika na tama na yannnnnnn......" Hinila nya ako pataas at hinalikan ako sa labi. 

Tapos hinawakan nya ang titi ko at iniumang sa bukana ng kanyang lagusan. Idiniin ko ang harapan ko at pumasok ang aking kahabaan sa kanyang mainit at masikip na lagusan.

"Ohhhhhh.....uhmmmmm mmm......ohhhhhhh.. " Tuluy- tuloy ang aming ungol na sumasabay sa aking pagayuda. 

"Ang sarappppp.....ahhhh hhhh....unngggggggg ......ahhhhhhh..... "

"Malapit na ako Angel.....ahhhhhhhh h....ayannnnnnnnn.. ...naaaaaaaaaa..." Ang sabi niya at ako man ay malapit na ring labasan kaya pinaspasan ko na ang pag-ayuda hanggang naramdaman ko na lamang na naliligo na sa katas ang uten ko at nakayakap ang mga hita niya sa pwet ko, sabay kaming nilabasan. 

Umaagos ang pinaghalong katas namin sa bukana ng kanyang kaselanan hanggang sa kanyang puwetan. Binigyan ko sya ng torrid na halik na kanya namang sinagot. Sinisipsip ko ang kanyang dila at ganun din ang ginagawa nya. 

"Masaya ka ba Angel?" Ang tanong ko habang nakapatong pa rin ako sa kanya at nakapasak ang medyo malambot ng ari ko. 

"Sobra, masayang- masaya Angel." Sagot naman niya. Nahiga ako sa tabi niya at nakatulog kaming magkayakap na hubo't hubad.

2 comments:

  1. I love this story update naman sir ang tagal sinusubaybayan ko ang kwentongnto

    ReplyDelete
  2. Update po sir ang tagal nman hehehe

    ReplyDelete