Tagalog Sex Stories - "Room for Rent" Part 54

Part 54 Tuhog

Isa sa mga napuna ni Pola sa kanyang kinakasama ay ang pagkupas ng kanyang amor, hindi naman para sa anak nila ngunit para mismo sa dalaga. Sumapit ang araw ng binyag, isang simpleng okasyon upang italaga ang bata sa pagiging Kristyano at maging katanggap-tanggap sa mata ng madla. Kung tutuusin ay parang mas "tatay" pa si Eros para sa kanyang inaanak na ngayong supling ni Pola. Si Aeron naman sa kabilang banda ay mas abala pa sa mga kasosyo sa kanyang lumalagong negosyo. Doon mismo ginanap ang handaan sa activity hall ng condo ni Aeron, kung hindi dahil sa mga malalapit na kaibigan ni Pola ay parang business meeting ang dating nito dahil sa mga bisita ni Aeron.


Noong una'y medyo kabado pa si Pola dahil akala niya ay imbitado si Mr. Fu na minsan nang nakasaksi sa kanyang iniwang buhay. Subalit hindi naman na niya ito pinuna ng dalaga, ang importante'y naidaos nila ang isa sa mga dapat makamtan ng isang bata.

"nasaan na ba yun?" nalilitong bulong ni Pola sa sarili at palinga-linga na tila may hinahanap.

Lumapit siya sa lupon ng ilang bisita kung saan naroon din ang ama ng kanyang anak na si Itoy. Malalaking mga tao sa mundo ng mga negosyante, panandalian niyang inantala ang seryosong usapan nila.

"uhm, excuse me po...Aeron, yung mga souvenirs?" bulong ni Pola sa kanyang kapareha.

"ah babe, kindly ask nalang si yaya, ibinilin ko sa kanya..." sagot ni Aeron.

Pakiramdam ni Pola ay hindi talaga siya kabilang, mas mataas ang kinalalagyan ng negosyo para kay Aeron kasya sa kanya. Sa sandaling iyon ay tila naglaho ang mga pag-aarugang ipinakita dati ng binata sa kanya. Naisip niyang kung hindi lang dahil sa kanilang anak, siguro'y burado na siya sa kanyang kinakasama, at maaaring maibilang sa mga babaeng kanyang natikman.

Napa-ismid na lamang si Pola, tumalikod at hinagilap ang yaya ng kanilang anak. Waka ito sa bulwagan, kanyang ibinilin ang anak sa isang kaibigan upang siya na lang mismo ang tumungo sa kanilang unit at kuhanin ang naiwang souvenirs.

"ahhhhh..oohhhhh...sir....uhhmmmmm..." ungol na galing mula sa tinig ng isang babae.

Ito ang narinig ni Pola habang siya ay nasa loob ng unit nila ni Aeron, kanya itong naulinigan sa gitna ng katahimikan. Bahagya siyang napatigil, ini-angat ang isang tenga at sinundan ang pinagmumulan ng malanding ungol ng babae.

Samantala, sa loob ng silid ng yaya ni Itoy...

"ahhhh sirr....uhhhhhh...ang laki...ang taba...." usal pa ni yaya.

"uhmmm...ang sikip mo yaya..hindi ko akalaing masarap ka pala" sagot ni Eros.

Sa loob mismo ng unit nila Aeron at Pola, doon sa silid na dating ginamit ni Eros, na ngayo'y tinutuluyan ng yaya ni Itoy ay may nagkakantutan. Sa makapangyarihang tukso at lukso ng laman ay nabihag ng kasambahay ang marupok na pagtitimpi ng kapatid na binata ni Aeron. Sa bawat paghagod ni Eros sa murang katawan ng yaya ay may kadahilanan, hindi niya iyon ginusto o pinlano, maging ang babaeng walang laban ay biktima lamang ng kalibugan.

Isang oras bago ito naganap ay nagtungo si Eros mismo sa unit, napagdesisyunan niya na kuhanin ang souvenirs na nalimutan nila ni Pola. Hands-on si Eros, kahit pa sa isip niya'y iiwasan na ang sekswal na relasyon ng kanyang hipag na hilaw ay naroon pa din ang kanyang pagiging mabait lalo na sa kanyang pamangkin at inaanak na si Itoy.

Sa hindi inaasahang tagpo nama'y nauna roon si yaya, bilang abala sa paghahanda at pag-aayos kanina bago magsimula ang handaan para sa binyag ay humingi siya ng permiso sa mga amo na maliligo na muna upang maging kaaya-aya din naman ang kanyang presensya sa mga bisita dahil ang pangunahing trabaho niya ay mag-alaga sa bata.

Mabilis ang pangyayari, sa isang iglap ay kaagad nagdikit ang kanilang katawan, walang pwersahang naganap. Naabutan ni Eros na nagpupunas ng basang katawan ang dalagang yaya, doon din sa silid kung saan ibinilin ni Pola na nakatabi ang mga regalo sa mga bisita.

"ohhhh sirrrr...ikaw naka-una sa akin...ang sarap kahit masakit...uhhh" ungol muli ni yaya.

"pasensya kana yaya, huwag ka mag-alala sa atin lang ito ha?" bilin ni Eros.

Nagpatuloy ang paghindot ni Eros sa aliping si yaya, labis ang kanyang pananabik, ang libog na bahagyang naimpit. Maituturing niyang ispesyal ang pagtatalik nilang iyon dahil first time niyang makatuhog ng isang birhen. Oo nga't marami na siyang nakantot at kabilang doon si Pola, subalit ang makatikim ng birhen ay talaga namang kakaiba para sa kanya. Sa Amerika nanirahan, mahirap humanap ng virgin lalo na sa mga banyagang kababaihan.

Sa mabuhok na puki ni yaya si Eros ay nagpakasasa, tipikal na kutis ng isang pinay, kayumanggi ngunit makinis, dark brown ang mga utong nito ngunit sadyang mabilog at matigas na gaya ng ibang dalaga. Ibinaba man ni Eros ang kanyang paningin sa kalidad ng mga babaeng nakakasiping subalit birhen ito, madalang, rare, masarap.

"ooohhhh...puta sir...uhhhh...naiihi na akoooo!" sigaw pa ni yaya.

Sa kabila ng dingding at pintuang kahoy ay naroon si Pola, pinakikinggan ang mga bawat kataga at halinghing na nagmumula sa malibog na yaya. Nanumbalik sa kanyang alaala ang bawat sandali nilang pinagsaluhan ni Eros, ang mga hapdi at kiliti na dulot ng matabang titi ng lalaki. Subalit kasabay nito'y poot at hinagpis, ang pag-aaruga dati'y biglang naglaho.

"oooohhh...uhhhhh.oohhh...." ungol muli ni yaya sa loob.

Naramdaman ni Eros ang lagkit at labis na dulas mula sa kanyang titing nakapasok sa kiki ng dalagang kasambahay. Pinaghalong dugo at dagta ni yaya ang dumaloy, at ilang saglit pa'y tumugon na din si Eros at pinaputok ang kanyang namumuong tamod. Ito'y sumirit sa tiyan ni yaya, mangmang man ay tila likas sa kababaihang laruin ang tamod ng lalaki. Ikanalat niya ito sa kanyang katawan, sa tiyan, sa ibaba ng suso, at saka sinubukang dilaan ang daliring ginamit.

"hihi! sir ang hapdi ng kiki ko! pero ang sarap pala!" bulalas pa ng dalaga.

"sige na neng, bihis kana..." wika ni Eros.

"Eros!!! Eros!!! buksan mo ito!" sigaw ni Pola mula sa labas ng pintuan.

Nang marinig ni Pola na humupa na ang mga ungol ay sinubukan na niyang umentra, sa lakas ng kalabog ng kamay ni Pola sa pintuan ay tila talagang may nilalaman, galit, paninita, at selos. Lalong nagalit si Pola, ayaw magbukas ng pintuan ng dalawa. Bumalik siya sa kanilang silid ni Aeron upang kuhanin ang kopya ng susi.

"naku ser, si ma'am Pola yun patay tayo! huhuhu!" natatakot na tinig ng yaya.

"shhhhh...ako bahala" wika ni Eros.

*click*

Bumukas ang pintuan, ang pintuang patungo sa kamang makasalanan. Minsan na din siyang naihain dito at hindi maitatangging nag-enjoy din siya gaya ng nararamdaman ngayon ni yaya. Nakita ni Pola ang kapatid ng kanyang kinakasama na kalaguyo din niya, sa likod ay ang yaya ng kanyang anak at pilit binabalot ng kumot ang katawan.

"ma'am...sorry po...sorry..." mahinang boses ng tagapag-alaga ng bata.

"hey Pola, i can explain..." singit ni Eros.

Sinampal ni Pola ang binata, nanggigilid ang kanyang mga luha nang dumapo ang malambot niyang palad sa pisngi ni Eros. Sampal na malutong kung ituring, sampal na may nilalaman. Nasaktan si Pola, mali man ang kanilang relasyon ay kahit paano'y nabihag na siya nito. Aminado si Pola sa sarili na mas lamang naman talaga sa puso niya si Eros kumpara sa kapatid nitong si Aeron. Subalit hindi niya masisi ang binata, hindi naman ito sa kanya, hindi niya pag-aari, at lalong hindi niya karelasyon pa man. six lang ang tanging salitang nag-uugnay sa kanilang dalawa.

"yaya yung souvenir, dalhin mo sa hall bilis!" masungit na wika ni Pola.

"Pola..." patuloy na pag-alo ni Eros sa galit na si Pola.

Bumalik si Pola sa hall kung saan may kaunting salu-salo para sa binyag ng kanyang anak kay Aeron. Natural ang lahat, masaya, kwentuhan, ganun pa din ang ayos at tila walang nangyari maliban sa kanyang nasaksihan. Muli niyang hinanap ang yaya nila na kinantot ni Eros kanina. Nakita niyang abala na ito sa pamimigay ng mga regalo para sa mga panauhin.

"oh Pola, ang tagal mo namang bumalik, yung ibang friends natin e hindi kana nahintay, umalis na at may lakad pa daw sila" wika ng isang kaibigan ng dalaga kung saan hawak din ang kanyang anak.

"ah ganun ba, pasensya na natabunan kasi sa stock room yung mga souvenirs e...akina muna si Itoy" sagot ni Pola.

Kanyang kinargang muli ang lalaking supling, niyakap na parang pinoprotektahan mula sa mapanganib na sanlibutan. Kung anong saya ng kapaligiran ay siya namang pagkaka-gusot ng kanyang isipan. Lalo pa nang pumasok na din si Eros sa kanilang kinaroroonan. Lalapitan siya sana nito, ngunit alisto ang dalaga at biglang bumalik sa grupo ng kanyang mga kaibigan. Pilit niyang iniwasan ang kapatid ni Aeron.

"Pola..." wika ni Eros na parang humihingi pa din ng paumanhin.

"uhm, Eros, please help YAYA to distribute the souvenirs?" istriktong tugon ng dalaga.

Sa mga pangungusap ni Pola ay tila nasindak si Eros, malamang ang takot din niya na isumbong siya ni Pola sa kapatid niya. Ngunit sa isip ni Eros ay hindi papatalo, naroon din ang kanyang alas, ang alas na maaari ding makapagdulot ng isang malaking iskandalo.
 
itutuloy

1 comment: