Tagalog Sex Stories - "Gusali" Part 26

Part 26 Street Foods
Sabi nila, kapag daw lagi mong iniisip ang gusto mong mangyari, ito ay matutupad. Tama ba? Una kong nakita si Tricia noong kasal ni hipag, hindi ko siya lubusang kilala at hindi ko alam na asawa pala siya ng mayabang na pinsan ni misis. Huwag nating itanggi, alam naman nating lahat na kahit pa may GF o asawa kana na sa tingin mo'y pinaka-magandang nilalang sa ibabaw ng lupa ay may pagkakataon pa rin talaga na ika'y mapapalingon sa iba. Likas ito sa ating mga kalalakihan. Natural na kapag nakakita ng Eba na mukhang diwata ay siguradong titigasan.

So eto na nga, kaharap at literal ko nang kasama ang babaeng dati ay pinagmamasdan ko lamang sa selebrasyon ng kasal ni hipag. Mula noon, noong kasal, noong unang pagbisita nila sa aming condo, at kaninang hapon lang, ay puro ngiti at kaunting salita lang ang nasasaksihan ko mula kay Tricia. Ako rin ay parang nabigla nang siya mismo ang magyaya na manatili muna ako sa kanilang lugar, hindi naman pala siya totoong suplada, may social life din pala ika nga.

"so mahilig ka rin pala sa street foods?"
 tanong ni Tricia habang paakyat kaming muli sa hagdanan.

"ah oo naman, laking kalye din naman ako hehe...and paborito ko itong pulutan talaga"
 sagot ko naman.

Muling natuon ang atensyon ko sa likod nitong si Tricia. Ang ipinalit niya sa pantalon niyang hapit na hapit ay pang-ibaba na parang pantulog o pang-ehersisyo, hapit na hapit din sa kanyang puwet. Noon ko lang din nakita ang makinis na braso ni Tricia, madalas kasi ang suot niya ay parang pormal o mahahabang manggas. Sabagay, hindi naman niya talaga kailangang magpakita ng laman kung ang mukha pa lang niya ay solb kana.

"...halika, pasok ka ulit..." wika ni Tricia.

"salamat" tugon ko naman.

Gayung nabuo nang tuluyan ang aking pagnanasa sa asawa ni Edong, hindi naman ako nagpakita kaagad ng motibo o labis na paghanga, sa madali't sabi, hindi ako naging manyak. Nagpatuloy ako sa aking asal, kunyari'y tahimik at mahiyain din.

"saglit lang ha, uhm, gusto mo ba ng maiinom? juice?" alok pa niya sa akin.

"..oh sorry, hihi! pulutan mo nga pala iyan, merong beer dito si Edong, sandali lang" patuloy ni Tricia.

Sa 'di kalayuan ay muli kong pinagmasdan ang katawan ni Tricia. Napaka-swerte talaga nitong pinsan ni misis, nakadamit pa nga si Tricia e talagang kalibog-libog na. Sabi ko nga, hindi siya ganoon ka-seksi subalit may kakaibang dating talaga sa akin itong babaeng ito.

"eto Bogs oh, madami pa dyan pag nabitin ka"
 sabay abot ni Tricia sa akin ng dalawang lata ng malamig na beer.

"salamat...ikaw? hindi ka ba umiinom?"
 tanong ko naman.

"umiinom din naman, pero parang gutom ako e, mamaya na siguro" 
sagot nito.

"oh by the way, baka magalit si Edong ha? I mean, okay lang ba nandito ako?" naitanong ko sa kanya.

Napangiting muli si Tricia, ngiti na talagang parang nang-aakit pa. Alam kong naunawaan niya ang naitanong ko sa kanya, alam kong naintindihan niya ang aking tanong kanina.

"bakit naman? may ginagawa ba tayong masama?"
 diretsa niyang tanong.

Nahiya ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya noon. Ako naman kasi kung bakit ang dumi ng aking isip. Buti na lang at hindi na-offend si Tricia. Muli siyang bumalik sa may kusina upang kumuha ng mangkok at plato upang ilipat ang aming biniling inihaw mula sa supot. Pagbalik niya, inabot ko ang supot.

"no ako na Bogs..." wika ni Tricia.

Pinigil niya ako at hinayaang ibaba ko nalang sa maliit na mesa sa kanilang sala ang aming kakainin. Inilapag niya ang dala-dalang lalagyan, doo'y napayuko siya at kitang-kita ko ang kanyang makinis na suso na sumilip sa aking mga mata. Nabigla ako. Ang puti nito, at ang una kong naalala ay ang suso ni Carina. Hindi malaki, hindi maliit, eksakto lang sa panlasa.

Pilit kong sinilip pa sa maliit na anggulo kung masisilayan ko ba ang mga utong niya, sa isip ko'y nagpupustahan na, ano kaya ang kulay nito pink ba o brown? Hindi ko alam kung sinasadya ba niya itong ipasilip, o nagkataong bumuyangyang lang dahil sa kanyang ginagawa. Ang importante e nasilayan ko ito kahit paano. Bumalik sa pagtigas ang alaga ko noong sandaling iyon. Gusto ko nang lamasin, gusto ko na itong dambahin.

"Bogs?" tanong ni Tricia.

Hindi ko alam ako pala'y natulala na ng ilang segundo dahil sa aking nakita. Hindi ko alam na kanina pa pala ako tinatanong ni Tricia.

"ha?" gulat ko.

"I was asking if you want the sauce to be with the inihaw or isa-sawsaw na lang..."
 inulit niya ang kanyang tanong.

"anyway, anyway you want.." sagot ko nalang.

"...ah okay...uhm, ayos ka lang ba Bogs? parang natulala ka?" pahabol nitong tanong.

"ah wala, wala may naisip lang ako..." palusot ko na lang.

"you must be very busy sa work or stressed?" tanong muli niya.

Akala ko hindi niya mapapansin ang "aksidenteng" pagkakasilip ko sa mga suso niya. Akala ko e lipas na at hindi na niya ako sisitahin pa. Matapos niyang maayos ang aming kakaining inihaw ay dinampot niya isa-isa ang mga supot na pinaglagyan nito.

"sandali lang ulit ha, itatapon ko lang ito ulit...magpapalit na rin ako ng damit, amoy usok e" paalam ni Tricia.

Bago siya tumayo, tinukoy niya ang kanyang suot na itim na sando. Bahagyang dumuro ang kanyang nguso sa direksyon ng kanyang dibdib, bagay na muling nagpakaba sa akin. Hindi ko alam kung amoy usok ba talaga ang dahilan o sadyang hindi rin niya kayang diretsahin sa akin na ang suso niya kanina ay bumuyangyang.

Bago siya muling makabalik, nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-isip ng aking idadahilan. Tama, hihingi ako ng paumanhin at talaga namang hindi ko ito sinasadya. Bahala na, basta ang alam ko'y wala naman talaga akong ginagawang masama. Ilang saglit pa, matapos ang paghihintay at paghahanda ng aking sasabihin, tuluyan nang natuyo ang aking laway. Muli, tila may bara ang aking lalamunan at hindi na ako nakapagsalita pa.

"oh tara, kain na tayo Bogs!" masayang bati muli ni Tricia.

Ako'y namangha sa asawa ni Edong. Siguro sanay siya talaga ng ganito, siguro natural lang ito sa bansang kinalakihan niya. Palibhasa laki sa kulturang liberal, walang kyeme kung anuman ang sabihin ng ilan. Lumabas si Tricia mula sa kanilang silid, nagpalit siya ng damit gaya ng kanyang sinabi, ang ipinalit niya ay mas maluwag na sando at kaiba sa kanina na hapit na hapit. Pero hindi ito ang nais kong ipahiwatig, gayung maluwag sa katawan niya ang dark blue na sando niyang suot, tuwing hahapit ang ilang bahagi nito sa kanyang dibdib ay babakat ang kanyang utong. Walang bra si Tricia.

"are you sure okay ka lang?" tanong muli ng ginang.

"yeah. yes I'm fine..." sagot ko kaagad.

Inilihis ko kaagad ang aking tingin, doon sa malayo, sa ibang bagay, na hangga't maari'y hindi ako paratangang nangma-manyak. Kinuha ko ang beer na ibinigay niya kanina, binuksan ko ito at tinungga.

"pasensya na Bogs ha, limited lang damit kong dala...I think okay lang naman sa iyo kung ito ang suot ko...kumportable kasi e..." sabi pa niya.

"ah okay lang Tricia..." sagot ko.

"so, uhm, nakita ko yung mga ginawa mo kanina..." wika niyang muli.

Kinabahan na naman ako. Akala ko sisitahin na niya ako sa mga ginawa kong paninilip sa kanya at akala ko rin ay tungkol na sa pagtitig ko sa katawan niya. Hihingi na sana ako ng tawad, maganda na yung walang itinatago.

"ha? naku Tricia, sorry ha..."
 naputol kong salita.

"anong sorry? hihi! sabi ko nakita ko yung mga ginawa mo, ang gaganda...yung nasa laptop mo..."paliwanag niya.

Buti na lang at medyo mabagal akong magsalita dahil sa kaba, kung nagkataon pala e ako mismo ang bubuking sa aking mga kasalanan sa kanya. Napangiti na lang ako muling tumagay pa.

"ah yun ba, hehe, thank you...hayaan mo, mas maganda pa dun ang gagawin ko para sa project nyo" balik ko naman.

"alin pa ba? hahaha! alam mo Bogs, parang asiwa ka? sure ka ba okay ka lang?" wika ni Tricia.

"...uhm, I know parang naiilang ka, feel at home Bogs..." patuloy niya.

"hindi naman, medyo nanibago lang ako..." sagot ko naman.

Kinuha ni Tricia ang isang stick na pinagtuhugan ng inihaw, pinuntirya ang nakahain at tinusok niya ito pagkatapos ay isinawsaw. Muli, naka-tiyempo ako ng pagkakataon. Sa isang anggulo nang bahagya siyang yumuko at abutin ang sawsawan sa maliit na mesa ay bumuka ang bandang kili-kili niya. Ang kinis. Ang puti. Halos parehas ang kutis nito sa kanyang makinis na pisngi. At dahil na rin sa wala siyang suot na bra, ilang pulgada pa'y masisilip mo ang gilid ng kanyang suso.

"ang sarap noh?" wika ni Tricia.

"oo masarap!"
 bigla kong nasabi.

"hahaha! paano mo nalaman e hindi ka pa nga tumitikim??"
 sagot niya.

"ah e, mukhang masarap, kitang-kita kasi sa pagsubo mo hehe"
 palusot ko naman.

"hihi! so you are saying something kanina...ano na nga yun? naninibago ka kamo?" 
tanong muli niya.

"ah kasi, parang ngayon lang kita narinig nagsalita..dati puro ngiti lang...ngayon ko lang talaga narinig boses mo..." paliwanag ko.

"ay yun ba...e alangan namang hindi ako magsalita ngayon? hihi! ano ka ba Bogs, normal na tao din naman ako haha!" masaya nitong sagot.

Ilang oras din kaming nagkwentuhan, matagal din ang aming usapan. Karamihan dito ay tungkol nga sa ipapatayo nilang apartment, ang ilan nama'y sa personal na buhay rin. Masaya palang kausap itong asawa ni Edong, malambing, pala-tawa, laging nakangiti kahit na malungkot ang kanyang ikinukwento. Gusto ko pa sanang magtagal at manatili, pero nagpasya akong lumisan na dahil baka abutan pa kami ni Edong. Ganung si Tricia naman ang nag-imbita, iba pa rin mag-isip ang lalaki sa lalaki.

"well hindi na talaga kita mapipigilan...but so you know, I enjoyed your company...uhm, next time?" wika ni Tricia.

"oh sure, basta ikaw..." sagot ko.

"ah oo nga, malamang magkikita pa ulit tayo, kasi yung tseke diba? hihi!"
 pahabol niya.

Muli akong ginulat ni Tricia, bago niya isinarado ang kanilang pintuan ay bigla siyang lumapit sa akin upang mag-beso. Hindi ito normal para sa isang konserbatibong tao, pero siguro nga ganito ang nakaugalian nila sa Canada. Pero teka, bakit kapag may ibang tao e hindi niya ito ginagawa kahit pa sa aking asawa?

"bye Bogs..." 
malambing niyang tinig.
 
itutuloy

No comments:

Post a Comment