Tagalog Sex Stories - "Teacher natasha" Part 46

Biyernes ng gabi, kagagaling sa eskwela ng dalagang guro. Pagod ito sa maghapon na gawain sa pinagtuturuan, hindi lang dahil sa trabaho kung hindi dahil sa pagdalo rin niya sa rally noong umaga. Kilala ang paaralan nila na pinagmumulan ng karamihan sa mga sumasali sa rally. Dito rin siya nag-aral at talagang ramdam ang pagkamakabayan at ang masidhing pagmamahal sa bansa. "Hayyy" napabuntonghininga pa ito at nahiga na muna sa sofa. Agad na binuksan ang TV at sakto namang oras na para sa mga balita.

Interesado sa balita si Natasha, hindi lang dahil sa damdaming makabayan kung hindi dahil na rin sa alam niyang kilala ng ama ang ngayon ay laging laman ng balita - si Napoles. Sa pagkakaalala nga niya ay nagpunta ito sa bahay nila noong kaarawan ng ama. Ipinapanalangin na lang ng dalagang guro na hindi kabilang ang ama sa mga ganid na nagbubulsa sa pera ng bayan. Ang ninong niyang dati ring naging kabilang sa kongreso, malamang ay dati ring nakinabang sa ganiyan pero huwag sana ang kaniyang ama.

Isa pang nagpatigil sa araw ni Natasha ay ang umano ay pagsalakay ng MNLF sa Zamboanga. Sa takbo ng pag-uusap nila kanina sa faculty office ay hindi lang siya ang nag-iisip na pakana ito ng gobyerno para mailihis ang usapin mula sa PDAF patungo sa nagaganap na karahasan at napipintong paglala pa nito. Posible pa nga na ang mga sundalo mismo ng gobyernoa ng tumayo bilang mga kasapi ng MNLF, sa basbas ni Nur Misuari.

"Baluuuuut!"

Hindi niya alam kung bakit siya medyo napangiti pero may naalala kasi siya sa sigaw ng mga nagbebenta ng balut na ganyan. Hindi naman niya ikinalibog ngayon pero naaalala pa niya ang malamig na Disyembreng iyon nang sa sofa pa na ito ay hindi magkandaugaga ang magbabalut. 

Tutal ay patalastas pa naman, tumayo na siya upang magsaing at makapagbihis.  Bumili na siya kanina ng ulam na lechong manok at mainit pa nga hanggang ngayon dahil nakabalot sa foil. Isang seksing Natasha ang makikita sa kusina sa mga oras na iyon. Seksi hindi lang dahil sa hubog ng katawan nito kung hindi dahil sa suot niyang pink na pang-itaas : literal na pang-itaas lang dahil sando iyon na ginupit niya. Kita ang napakagandang hugis ng bandang tiyan niya hanggang sa may taas ng puson at sa baba pa ay ang dilaw na shorts na sapat lang tumakip sa pisngi ng puwet niya. 

Nakatuon pa rin ang mata niya at pandinig sa telebisyon. Minsan ay napapabulalas pa siya ng kaniyang opinyon ukol sa mga balita. Habang hinihintay na maluto ang sinaing ay ihinanda naman niya ang ilan sa mga kailangan niyang tapusin bago dumating ang Lunes. Planado dapat ang mga oras niya para maging maayos ang mga araw at hindi siya nagkukumahog kapag natambakan. Siyempre, kalkulado na rin pati ang mga oras para sa ibang bagay na posibleng mangyari. Parte na rin ng routine niya na icheck ang mga camera sa bahay.

Kapag nanonood siya ng balita ay palipat-lipat siya ng istasyon. At habang patalastas ay inaaliw naman siya ng mga palabas sa NatGeo, Discovery o History. Gusto niya ang mga palabas na nagbibigay ng impormasyon o kaya naman ay may ipinapasilip na bagong kaalaman, ideya, o mga batis ng kaalamang pangkasaysayan. 

Hindi niya namalayang naidlip siya at nang magmulat nga ng mata ay mag-aalas-diyes y medya na. Ininit na lang niya ang lumamig na litsong manok at naghapunan. Hindi naman malungkot ang buhay niyang mag-isa roon pero minsan naiisip niyang mas masaya sana kung may kasama siya. Out of the question ang kung bakit hindi siya magboyfriend, lalo na sa sitwasyong kinasadlakan niya. Speaking of which...

"Oh ehmm GEE!" Halos pasigaw na nasabi niya nang mapagtanto na may brown paper bag na kanina pang nakalapag sa mesa, katabi ng pinaglagyan niya sa manok kanina. Muntik pa nga niyang mailuwa ang kinakain. Tiningnan niya lang ito habang bumagal ang pagkain niya. Feeling niya, ayaw niyang umandar ang oras. Gusto niya at ineenjoy pa niya ang payapang mga sandali. Nitong mga nakaraang araw nga ay malayo sa isip niya ang blackmailer niya pati ang mga sekswal an kaganapan, kahit pa sukdulan ang mga pangyayaring iyon.

Kahit nang matapos kumain at hinugasan ang mga kinainan ay tila sinakluban ng madilim na kalangitan ang kaniyang mundo. Nililingon niya ang paper bag at iniisip na sana ay hindi totoo. Pero nang matapos ang mga ginagawa ay dumating ang sandaling kailangan niyang harapin ito. Tiningnan niya, at sure enough, may lamang mga damit at mensahe sa isang tarheta para sa kaniya:

"As usual, you're in good shape and your outfit shows it. Heto ang susuotin mo for this weekend, my loves. Destination: Trinoma."

Pinanlakihan ng mata ang dalagang guro at nanlalamig ang mga kamay, parang nais niyang panawan ng ulirat. Bukod sa hahakab sa katawan at manipis ang tela ng ipinapasuot sa kaniya, malapit ang Trinoma sa paaralang pinagtuturuan niya. Siguradong mayroong makakakilala sa kaniya roon, maliban na lang kung suwertehin siya na imposible since this whole ordeal ay MALAS. Hindi niya alam kung saan siya titingin. Naiisip kasi niya ang mga posibleng mangyari. Kapag mga manyak na estudyante niya ang nakakita sa kaniya, lalo siyang mababastos. Kapag mga estudyanteng matitino naman, bababa ang tingin sa kaniya. At kung mga estudyanteng open-minded, all sorts of possibilities and opinions. Mas maraming open-minded sa school na ito.



Iniayos pa rin niya ang susuoting damit. Dahil walang nakalaang pang-ibaba, pumili na lang siya ng isa sa mga shorts niyang maong. Mas mahaba lang ito ng kaunti sa suot niya ngayon. Ang pangalawa namang damit doon ay tila pambahay ng isang ginang - daster. Ang isa pa ay simpleng baby tee na may manipis na tela at kaparehong pang-ibaba na tight-fit at sa kabutihang palad ay lampas tuhod.

Tulala pa rin siyang nakahiga sa kama matapos ang lahat. Hindi niya makuha kung paano nakalusot si MyMaster sa mga camera niya. Pero ang sigurado, nakapuslit ito kanina noong naidlip siya sa sala. Sa mga cctv kasi niya ay wala pa ang paper bag noong pagdating niya. Isa pang ipinanlumo niya ay ang katotohanang alam rin naman pala ni Mymaster na may camera siya dahil noong umabot na sa puntong nakaidlip siya sa sala, naputol ang recording saglit at nang magbalik ay nandoon na ang paper bag. Tiningnan niyang maigi ang hanggang tatlong recording ng iba't-ibang camera at pare-pareho ang nakita niya. Saglit lang nawala ang cctv sa pagrerecord pero eksaktong sampung minuto ang lumipas ayon sa timer doon.

Hindi niya namalayan kung ilang minuto o oras pa siyang nakatingin sa kisame bago tuluyang nakatulog nang hubad, mula sa pagshoshower.

No comments:

Post a Comment