Tagalog Sex Stories - "Teacher Natasha" Part 57

Isang hapit na dress at may manipis na tela, black and white stripes, ang napiling isuot ni Natasha. Lumulan siya sa jeep na umiikot dako roon sa nakasaad na lugar. Habang nasa jeep ay pinagtitinginan siya ng mga estudyante at iba pang kalalakihang nakasabay. May mga construction workers pa na pauwi na yata noon. Halata sa mga hitsura nila na libog na libog sila sa nakikitang kaseksihan. Lantad na lantad ang legs ng dalagang guro nang mga sandaling iyon. Ito namang katabi niya ay nabibistahan ang malalim na cleavage niya habang sinasadyang makiskis ang braso nito. Nakipaglaro pa ng tinginan ang guro sa mga nasa tapat niya na sinasadya niyang kunwari ay mahuling nakatingin sa kaniya. Nginingitian niya nang pino at iyong timo ng ngiti na mainit sa pakiramdam.

Hindi rin naman kalayuhan at nakuha nang bumaba ng dalaga. Ihinatid siya ng tingin ng lahat ng naiwan sa jeep habang parang tulala pa ang ilang nakasabay niyang bumaba. Kamuntik pang mahagip ng kotse ang isang estudyante na hindi nilubayan ng tingin ang pinakaseksing babae na nakita niya. Panigurado ay magmamasturbate ito mamaya pag-uwi, gaya ng sinasabi ng bumubukol sa slacks nito.

Malayo na ang lugar na ito sa pagkakaalala ni Natasha sa dati rin namang pinaglalagihan nila ng tropa. Maraming mga boarding house at dorm sa paligid kaya patok ang karinderya dito. Luminga-linga ang dalaga at nahagilap ang pila ng tricycle. Hindi magkandaugaga ang mga manyak na driver na nakangisi pa ang ilan. Lumulan siya at agad naman umabante ito patungo sa kantong binanggit niya. Kinailangan niyang i-cross ang legs niya para maipit nang kaunti ang tela at hindi liparin kung hindi ay public view ever ang peg ng hiyas niya. Samantala sa puwesto ng driver ay masarap na legs ang matatanaw. Kitang-kita niya ang malaporselanang kutis na parang kumikinang pa. Ganito yung tipo ng legs ng mga artista at model na nagshoot dito kamakailan. Hindi! mas higit pa ito!

Hindi nagawang humarurot nang mabilis ni Jay dahil pinaninigasan siya ng ari sa natatanaw na kaseksihan ng pasahero niya. Isa pa, kung maaari, ay ayaw nga niyang makaabot sila sa destinasyon. Gusto pa niyang makita ito. Sinadya pa niyang umikot sa ibang kanto para lang humaba ang biyahe. Pero, siyempre, darating at darating naman sila sa destinasyon. Heto na nga at lalo pa siyang natutulala dahil muli niyang nakita ang nakangiting mukha ng pasahero niya.

Nakangiting nagbayad si Natasha sa manong na naghatid sa kanya. Tingin niya ay nasa mid-twenties ang driver na matipuno. "Kuya! Magkano?" Pagkuha nito ng atensyon sa lalaki dahil nakatitig lang sa kanya. "Kuya naman oh, may dumi ba sa mukha ko?" Panunudyo niya rito na nakakaloko talaga ang ngiting lalong nagpaganda sa kanya.

Kinse ang kinuhang bayad ng tricycle driver. Mula sa binabaan ay may kaunting lakad pa. Malapit lang naman, isang minuto o mas kaunti pa. Heto nga at tanaw na niya. Kaunti lang ang ipinagbago ng lugar subalit halatang nagdaan nga ang panahon. Noon ay medyo bago pa ang mismong karinderya. Ngayon, heto at makikitang may sirang upuan, sirang dingding, lumang mga kahoy, atbp. Siguro ay naapektuhan rin naman ng mga nakaraang bagyo.

Padilim na rin noon. Panghapunan at mga karaniwang lutong pinoy ang naroon. Mapapansing paubos na ang ibang mga putahe - may adobo, dinuguan, nilaga, munggo, galunggong, ginataang kalabasa, dalagang bukid, giniling, at iba pa. Dinuguan at kalabasa ang inorder ni Natasha. "Dalawang kanin na rin ho" Dagdag niyang sabi sa kumuha ng order niya. 

"Dalawampu't anim na taon na ang karinderyang ito na minana ko kay tatay at hindi na bago ang mga naggagandahang kolehiyala na dumarayo rito para kumain dahil masarap ang mga putahe. Subalit madalang pa sa tandang na lumilipad ang eksenang gaya nito kung saan mala-artistang babae na mag-isa ang kakain dito. Pwede pa siguro kung take-out ng mga nagdodorm diyan sa malapit" Bubulong-bulong sa sarili si Mang Daniel habang sumasandok ng inorder ng magandang babae. Napansin na niya ito habang naglalakad pa lamang. Akala niya ay dumaraan lang ito at papunta sa malapit na bahay ng mayamang si Dr. Quesada. Laking gulat niya nang sumilip ito sa karinderya at pumuwesto.

"Aha! Puwesto... " May naalala ang edad kuwarentang may-ari ng karinderya.

Ihinatid niya ang order ng dalagang maganda at hinatiran na rin ang iba pang umorder. Habang ginagawa niya ito ay hindi niya kinakaligtaang panooring kumain ang babae, palihim. Sa istilo ng pagkain nito ay mapapansin ang arte nito. O hindi naman siguro arte pero yung class. Hayun, class. Halata naman sa hitsura nito na mataas ang antas nito sa lipunan. Nagpalinga-linga pa nga siya dahil baka may biglang lalabas at magsasabing nasa Wow Mali lang pala siya o anuman. Pero wala.

Nang malibre siya ay hindi niya napigilang ituloy ang naisip kanina. Nagtungo siya sa katapat ng dalaga at nagkunwaring kumukuha ng mga kubyertos sa ilalim. Oo, kumuha nga siya ng dagdag kubyertos, pero muli siyang yumuko at tuluyang napanganga roon dahil mula sa siwang/butas doon sa babay kitang-kita niya nang malapitan ang napakapuputing legs ng babae. Hindi nga niya masigurado kung singit na ba itong nakikita niya dahil nakadecuatro kasi ang babae, yung de-cuatro ng mga babae na magkapatong ang mga biyas at halos magkapulupot ang mga binti. Maya-maya pa ay naglipat ng de-cuatro ang babae. 

"Teka! Ano yun?" Muntik mapalakas ang usal ng lalaki. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya dala ng libog o ano pero tila yata kuwan yung nakita niya. "kuwan yun,.. kuwan ampota kuwan yun ata" Nanlalaki pa ang mata niyang napatuon sa madilim na parte roon sa ilalim.

Kinailangan din niyang tumayo na at may mga nagbabayad at bagong kustomer. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang hinala niyang nakita niya at pinagmamasdan pa ring kumain ang seksing babae. Napakapino talaga gumalaw ng babaeng yun. Hindi niya alam pero naglalaway siya at literal na namumula.

Kumakain pa rin ang babae nang halos ay ubos na ang mga ulam. 

"Miss, excuse me lang ho, ano ho kasi ahhmm matatagalan ka pa ba? Paubos na kasi ang paninda at baka magsara ako e napapansin ko kasi marami pa yata kayong kinakain" Nagawang umusap ni Daniel. Ang totoo naman kasi ay hindi siya nagsasara hangga't may kumakain pa. Minsan nga ay nahihiritan pa siyang maghabol ng mga madaling lutuin gaya ng prito o adobo. Gusto lang niyang marinig magsalita ang babae ulit.

"Naku! Ipagpaumanhin niyo ho.. ahhh Mang.."

"Daniel"

"Ayun, sorry po Mang Daniel ha? Medyo nabigla yata ako at umorder ako ng pangdalawang tao. Dati rin ho kasi akong dito kumakain noong estudyante pa ako eh namiss ko lang siguro kaya ako napadaan." Paliwananag niya sa lalaki. Totoo naman kasing madami masyado ang order. Hindi naman siya ganun kalakas kumain.

"Gusto niyo po bang ibalot?" Gusto lang makatulong ng lalaki at ipakitang mabait siya lalo at ganitong anghel ang kaharap niya. "Puwede ko pa ngang dagdagan yan at may natira pa naman sa kaserola." 

"Hindi na ho, Mang Daniel. Eh, mukhang hindi ko na nga mauubos e. Magkano ho ba itong nakuha ko?" Saka lang niya napagtantong hindi siya handang itanong iyon nang maalalang ipinaiwan pala ni MyMaster ang lahat ng gamit niya sa office, kasama ang pera niya. Kanina kasi habang kumakain ay mistulang nasa memory lane lang siya. Naalala niya ang mga masasayang sandali kasama ng mga ka-org at mga sorority sisters niya. Iyong malaking bahay na matatanaw mula rito ay bahay ng isa sa mga sister niya dati. Kadalasan ay doon ginaganap ang initiation ng mga neophytes nila.

"Kasama po yang t-ice e 168 php po." 

Katahimikan.

"Ma'am? E pano po, ibalot natin? May iba pa ho kayong kukunin kaya?" 

Katahimikan.

Awkward. Nablangkong nakatingin nang diretso ang dalaga sa mata ni Mang Daniel. Napapaiwas ng tingin ang lalaki pero pagbalik na tingin sa mukha ng dalaga ay ganun ulit.

Ilang beses pang ganun.

Awkward talaga. Hindi malaman ni Natasha kung ano ang susunod na sasabihin o gagawin. Hindi niya talaga napaghandaan ang oras na ito kung kailan sisingilin siya. Akala kasi niya ay "nakahandang dinner" as in kakain lang siya or what, di na magbabayad kaya nga ipinaiwan ang mga gamit sa kaniya.

Parehong hindi mapalagay ang dalawa, sa magkaibang rason. 

Parang nahihinuha na niya ang gustong mangyari ni MyMaster. Pero paano? Mukha rin namang walang alam sa nangyayari ang lalaking ito. Inoobserbahan niya ito kanina pa at tinitingnan ang mga ginagawa. Wala rin siyang nakitang mga posibilidad na kasabwat ito.

Pero paano nga? Daanin sa charm at sabihing balikan  bukas? Nakakahiya.

"Mura pa rin pala dito ano ho?" Pinapatagal lang niya nang kaunti para makapag-isip ng gagawin.

"Eh oo, lalo kapag tanghali kasi combo meals yun para sa mga estudyante" Benta naman ni Daniel sa business niya.

Nagpalitan pa sila ng ilang mga pangungusap, mostly e tanong ni Natasha at sagot ni Daniel lang. Hindi kasi magawang manguna ng lalaki sa usapan dala ng labis na hiya.

"Pero mula rito, paano ang diskarte?" Napapaisip si Natasha.

1 comment: