Tagalog Sex Stories - "Teacher Natasha" Part 63


"Uy.. hindi mo ba ako naririnig, kuya? Kako po, ano po ba kasi ang ginagawa mo dun sa may bintana ko daw kaya nagdatingan ang mga pulis?" Nakailang tanong muna si Natasha bago nagrehistro sa utak ng lalaki na heto siya at kapapasok lang sa kasasarang pintuan ng bahay ng magandang dalaga. Muli niyang nakita nang malapitan ang babae at talaga namang nasisilaw siya sa kaputian nito at makinis pa ang kutis. Gayunpaman ay hindi mawala ang hiya sa loob niya dala ng kaganapan kanina. Bantulot pa nga siya ng bulungan at yakagin ng dalaga na pumasok muna sa bahay at doon na hintaying mawala ang mga tao bago siya lumarga na muli sa trabahong paghahatid ng mga padala/sulat.

Nakangiti pa ang babae sa manong delivery boy at itong lalaki ay nabibighani. Maputi at pantay-pantay na ngipin, pinong ngiti, magandang mata... artista nga yata ang kanina ay sinisilipan niya. Sa pagkakaalala sa sinisilip niya kanina ay napababa sa dibdib ng babae ang tingin niya. Hindi yata at nakabakat ang utong nito! Wala yatang bra ito! Lihim na kumislot ang sandata niya bagaman at pinipigilan niya ito dahil hiyang-hiya pa rin siya sa kabaitang natamo mula sa dalaga. 

"MASTER" 

Bakit nga ba? Nagkataon lang ba talaga na may nakasulat na master sa damit nitong naghatid sa mga suot niya ngayon at sa mga isinusukat niya kanina. Hindi kaya... "Kuya, sinisilip mo kanina nung nagsusukat ako ng damit ano?" Panghuhuli ng dalaga sa lalaki gayong mas malamang sa hindi ay tama siya.

"Ma'am sorry po sorry po.. lalaki lang po. Kahit sino naman po kasi ang makakita sa inyo maaano po.. ano. basta alam niyo na po yun" Paputol-putol ang pagkakasabi nito pero naintindihan naman ni Natasha. Lalo siyang napangiti pero nag-iisip pa rin na posibleng palabas ang lahat ng ito at nakahanda ang mga isasagot. Sinubukan niyang ipush, "nakakaanong ano po ba kuya?" Habang tinanong niya ito ay umupo siya sa sofa para naman mapatagilid siya at mas mabistahan ng lalaki ang legs niya. Napansin nga niya itong napalunok kaya nginitian niya at nagmuwestrang maupo rin.

Habang paupo ang lalaki ay lalo naman itong hindi nakapagsalita. Nang ulitin pa ng babae ang tanong ay lalo pa siyang nahiya. "Kung sino mang lalaki malilibugan po sa inyo sa seksi at ganda niyong yan" Ayan po yung totoo ma'am. Sorry po talaga, hindi na mauulit" Makatotohanang pagmamakaawa ng lalaki.

Hinihintay ni Natasha na tumunog ang selpon niya para sa posibleng utos ni MyMaster pero nakakailang minuto na siya ng pagpapatagal sa usapan ay wala pa ring mensahe o tawag. "Saglit lang kuya silipin ko kung may mga usisero pa sa labas" Anito at kunwang sumisilip sa labas pero ang totoo ay nag-iisip siya ng kung paano panatilihin muna sa bahay itong isang posibleng link kay MyMaster. Sa pagkakasilip niya sa may bintana ay para syang medyo nakatuwad kaya nanlaki ang mata ng lalaki at hindi na mabilang kung ilang beses syang napalunok. Naiimagine niya sa posisyon na iyon ang pagsasayaw ng Mocha Girls sa mga bar. Yung tipong lap dance na talaga namang tigas na tigas na siya. Sinaktuhan niyang nakatalikod ang babae at inayos ang ari niyang tirik na tirik. 

Hindi naman nakalampas sa paningin ni Tasha ang ginawa ng lalaki at ang totoo ay medyo namamasa na naman sa baba dahil kung gaano katagal na rin namang walang nakaulayaw. Pero dito? Sa lalaking ito? Oo may mga nakaniig siyang ganito pati magbabalut pa nga pero hindi sa kagustuhan niya... well medyho kagustuham. "Basta, napilitan lang ako nun" Pangungumbinsi pa niya sa sarili.

"Saglit lang kuya ha, ipagtimpla na rin kita ng juice. Hintay lang tayo mga 5 minutes siguro wala na tong mga uzi sa labas"  Habang nasa may kusina siya ay sinusulyapan niya ang lalaki. Nakita niya itong hinahaplos haplos ang nakapamukol na ari. Sa sapantaha ni Tasha ay malaki ang itinatago ng delivery boy. Pero hindi. Hindi siya papayag na muling mahulog sa patibong ni MyMaster. Kung may gusto siya, siya ang pumunta rito! TUmapang ang loob ng ating bida habang palapit na muli sa sala dala ang miryenda at inalok ang lalaki.

"Naku! Nakakahiya naman po. Ako na ang gumawa ng mali sa inyo, niligtas niyo pa ako tapos pamimiryendahin pa. Ano po.. nakakahiya na po sobra." Bantulot ang lalaki na sumalo sa miryenda.

Tagalog Sex Stories - "Teacher Natasha" Part 62


Habang nagsusukat ng damit ay naulinigan niyang nagkakagulo sa labas. Tiyak na malapit lamang ito sa bahay niya. SInubukan ni Tasha na sumilip sa may bintana pero mga usisero lamang ang nakikita niya. Napilitan siyang buksan saglit ang pintuan para na rin malaman kung ano ang nangyayari sa labas. Nakita niya ang isang lalaki na napalibutan ng mga tao at may mga pulis na naroon din, kasama ang isang patrol car.

Namukhaan ni Natasha ang lalaki na parang hinuli. Ito yung nagdeliver kanina. Pero bakit? Nahihiya naman siyang magtanong pero mukhang nakatingin sa direksyon niya ang mga usisero pati na rin ang mga nasa gitna.

"Miss, mawalang galang na, nahuli kasi namin itong lalaking ito na nakasilip diyan sa bintana niyo. Wala po bang nawawala sa mga gamit niyo o baka may kasamahan ito at lookout lang?" DIrektang tanong ng lalaki na noong una ay nahiyang magtanong at medyo nautal din. Pagkakita kasi niya sa nagbukas sa pinto ay nahinuha niyang isa yata itong artista o modelo. Napakaganda gayong ang simple naman ng suot nito... bagama't napakaseksi yatang pambahay nun. Baka naman sinisilipan lang ito ni manong?

Napatingin ang dalaga sa lalaking itinuturo nilang nakasilip sa bahay. Tiningnan niya ito ulo hanggang paa at palipat-lipat din ng tingin sa mga pulis na rumesponde. Naririnig rin niya ang bulungan ng mga usisero. Pero ang hindi niya maunawaan, na hindi niya napansin kanina, ay ang suot na shirt ng manong delivery boy. Nakasulat dito ang salitang "MASTER" padiagonal. Mukha namang seryoso ang nangyayari at mukha namang hindi totoong magnanakaw ang lalaki gaya ng suspetsa ng mga pulis.

"Eh, wala naman pong nawawala at saka awla pong ginagawang masama si kuya. Actually po, may ipinagagawa ako sa kanya at siguro e kanina pa siya kumakatok kaya sumisilip at tumatawag doon sa may bintana. Nagkataon po kasi na napaidlip ako sa kuwarto. Pasensya na po kayo kuya, sir." Pagsisinungaling ng dalaga. Sa isipan niya, inaakala niyang may kaugnayan itong nagaganap kay MyMaster. O siguro ang lalaking ito ay si MyMaster kung hindi man ay alalay ni MyMaster.

Halatang hindi tuluyang naniniwala ang mga tao pero maririnig na may pumupuri at may tumututuya rin sa kabaitan ng seksing guro na kapitbahay nila. Ito yung mga usiserong hindi naman talaga kalapit ng bahay ni tasha kundi ay sa ikalawang kanto pa. Malamang sa hindi ay nakatambay ang ilan sa kalapit na tindahan. Ang mga katabi kasi ni tasha ng bahay ay mga masasabi ring may class. Napakamot naman ng ulo ang pulis. "Ahy, ganun ho ba ma'am? Naku sorry tsong, napagkamalan ka namin. Eh, alam mo naman kasi sa panahon ngayon e maraming mga kawatan at masasamang loob"

Masama man ang loob ay unti-unting naglakad palapit sa gurong kanina lamang ay sinisilipan niya. Hiyang-hiya ang delivery boy dahil sa kabila ng kalokohang ginawa niya ay heto, ang biktima pa niya ang nakatulong sa kanya.

Samantala ay puno naman ang isipan ni Natasha ng kung anu-anong mga scenario. Posible kayang alam lahat ito ni MyMaster? O itong mamang ito si MyMaster? Pakulo kaya niya ito? O baka naman gusto niyang itong lalaking ito ang makapareha niya, kasabay ng mga damit na bagong hatid?

Hindi niya malaman kung ano na naman ang gagawin pero hindi maipagkakailang naeexcite siyang malaman ang susunod na mangyayari sa tunggaliang ito. Alam niyang malapit na niyang mahuli ang MyMaster na ito. At kapag nangyari yun, hindi niya patatawarin ito at nang maibaon na sa limot ang lahat ng kaganapang may kaugnayan dito.