Tagalog Sex Stories - "Teacher Natasha" Part 62


Habang nagsusukat ng damit ay naulinigan niyang nagkakagulo sa labas. Tiyak na malapit lamang ito sa bahay niya. SInubukan ni Tasha na sumilip sa may bintana pero mga usisero lamang ang nakikita niya. Napilitan siyang buksan saglit ang pintuan para na rin malaman kung ano ang nangyayari sa labas. Nakita niya ang isang lalaki na napalibutan ng mga tao at may mga pulis na naroon din, kasama ang isang patrol car.

Namukhaan ni Natasha ang lalaki na parang hinuli. Ito yung nagdeliver kanina. Pero bakit? Nahihiya naman siyang magtanong pero mukhang nakatingin sa direksyon niya ang mga usisero pati na rin ang mga nasa gitna.

"Miss, mawalang galang na, nahuli kasi namin itong lalaking ito na nakasilip diyan sa bintana niyo. Wala po bang nawawala sa mga gamit niyo o baka may kasamahan ito at lookout lang?" DIrektang tanong ng lalaki na noong una ay nahiyang magtanong at medyo nautal din. Pagkakita kasi niya sa nagbukas sa pinto ay nahinuha niyang isa yata itong artista o modelo. Napakaganda gayong ang simple naman ng suot nito... bagama't napakaseksi yatang pambahay nun. Baka naman sinisilipan lang ito ni manong?

Napatingin ang dalaga sa lalaking itinuturo nilang nakasilip sa bahay. Tiningnan niya ito ulo hanggang paa at palipat-lipat din ng tingin sa mga pulis na rumesponde. Naririnig rin niya ang bulungan ng mga usisero. Pero ang hindi niya maunawaan, na hindi niya napansin kanina, ay ang suot na shirt ng manong delivery boy. Nakasulat dito ang salitang "MASTER" padiagonal. Mukha namang seryoso ang nangyayari at mukha namang hindi totoong magnanakaw ang lalaki gaya ng suspetsa ng mga pulis.

"Eh, wala naman pong nawawala at saka awla pong ginagawang masama si kuya. Actually po, may ipinagagawa ako sa kanya at siguro e kanina pa siya kumakatok kaya sumisilip at tumatawag doon sa may bintana. Nagkataon po kasi na napaidlip ako sa kuwarto. Pasensya na po kayo kuya, sir." Pagsisinungaling ng dalaga. Sa isipan niya, inaakala niyang may kaugnayan itong nagaganap kay MyMaster. O siguro ang lalaking ito ay si MyMaster kung hindi man ay alalay ni MyMaster.

Halatang hindi tuluyang naniniwala ang mga tao pero maririnig na may pumupuri at may tumututuya rin sa kabaitan ng seksing guro na kapitbahay nila. Ito yung mga usiserong hindi naman talaga kalapit ng bahay ni tasha kundi ay sa ikalawang kanto pa. Malamang sa hindi ay nakatambay ang ilan sa kalapit na tindahan. Ang mga katabi kasi ni tasha ng bahay ay mga masasabi ring may class. Napakamot naman ng ulo ang pulis. "Ahy, ganun ho ba ma'am? Naku sorry tsong, napagkamalan ka namin. Eh, alam mo naman kasi sa panahon ngayon e maraming mga kawatan at masasamang loob"

Masama man ang loob ay unti-unting naglakad palapit sa gurong kanina lamang ay sinisilipan niya. Hiyang-hiya ang delivery boy dahil sa kabila ng kalokohang ginawa niya ay heto, ang biktima pa niya ang nakatulong sa kanya.

Samantala ay puno naman ang isipan ni Natasha ng kung anu-anong mga scenario. Posible kayang alam lahat ito ni MyMaster? O itong mamang ito si MyMaster? Pakulo kaya niya ito? O baka naman gusto niyang itong lalaking ito ang makapareha niya, kasabay ng mga damit na bagong hatid?

Hindi niya malaman kung ano na naman ang gagawin pero hindi maipagkakailang naeexcite siyang malaman ang susunod na mangyayari sa tunggaliang ito. Alam niyang malapit na niyang mahuli ang MyMaster na ito. At kapag nangyari yun, hindi niya patatawarin ito at nang maibaon na sa limot ang lahat ng kaganapang may kaugnayan dito.

4 comments: