Tagalog Sex Stories - "Sana Akin Ka Na Lang" Part 16

Anak ng putakti, hindi ako sinagot bagkus hinubad niya ang suot niyang sando habang tumatakbo sabay abot sa akin nito. Parang gustong lumuwa ng mga mata ko sa ganda ng kanyang katawan at kinis ng kanyang napakaputing kutis. Tapos sandali siyang huminto upang hubarin naman ang kanyang suot na shorts at whow, hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan mula ulo hanggang sa kanyang mamula-mulang mga sakong. Bagay na bagay sa kanya ang two piece swim suit na kulay blue.

“Balik na lang kaya tayo at wag na lang tayong maligo. Pinagtitinginan ka na nila eh.” Para kasi akong nakadama ng selos ng mapansin kong nakatingin na lahat sa kanya ang mga tao sa beach na iyon mapababae, lalake o kahit mga bata.

Gusto ko sana siyang balutin ng kumot upang maitago mula sa mga matang nagnanasa sa kanyang mala-diyosang kagandahan. 

“Hayaan mo silang tumingin, maglaway sila hindi nila ako matitikman.” Sagot niya sa akin sabay abot din ng kanyang hinubad na shorts. 

Hindi ko siya hiniwalayan sa buong araw na iyon kahit noong nakabihis na siya. Parang gusto ko siyang protektahan lagi o mas tamang sabihin na parang ayaw kong may ibang lalakeng kumausap sa kanya kahit tumingin man lamang. Buti na lang at ako lang guwapo sa lahat ng mga lalake sa lugar at oras na iyon .

“Depensang Jaworski tayo ah. Ingat ka jan, huwag na huwag mo akong maidadamay pag nagkaproblema ka jan babatukan lang kita.” Biglang sabi ni Rhea sa akin ng hindi ko namamalayan at nasa likod ko na pala siya habang sinusubaybayan ko ng tingin si Joan na kumukuha ng punch.

“Naman, sa halip na tulungan at palakasin ang loob ko tinakot mo pa ako. Parang gusto ko na ngang mag-asawa sa lagay nayan eh.” Sagot ko naman sa kanya.

“Pinapaalala….”

“Tutulungan mo ako o sesermunan mo ako?” biglang putol ko sa dapat sanang sasabihin niya.

“Okay, tutulungan kita sir tiyakin mo lang sa sarili mo na hindi ka…”

“Oo na anu man yan sige na sigurado ako mahal ko siya bestfriend.” Agaw ko na naman sa dapat na sasabihin niya.

Kinagabihan ay gumawa ako ng paraan para masolo ko si Joan. Natatakot kasi akong magkahiwalay kami ng hindi man lang ako nakaka first base sa kanya. Matindi talaga ang tama ko naman o. pagkatapos naming kumain ay niyaya ko siyang maglakad-lakad sa dalampasigan at agad naman siyang sumama sa akin.

“Dito kayo nakaupo ni Vivian kagabi diba?” Tanong niya sa akin ng umabot kami sa dalampasigan sa mismong inupuan namin ni Vivian kagabi.

“Oo, nakita mo pala talaga kami. Nakakahiya tuloy sayo baka sabihin mo chicboy ako.” Sagot ko naman sa kanya. 

“Bakit hindi ba? E kita naman sa hitsura mo na marami kang chic. Sa guapo mong yan tiyak kong hindi ka nawawalan ng babae.” Sabi niya sa akin na kung totoo lang sana di mabuti kaso hindi totoo. Minsan pa lang akong nagka girlfriend sa edad kong ito. 

“Chicboy? Pwede sa chic pwede sa boy hindi kaya.” Biro ko sa kanya at grabe ang tawa niya nahampas pa niya ako sa braso.

“Sa totoo lang minsan pa lang akong nagka-girlfriend ng tunay.” Medyo nahihiya kong amin sa kanya at nakayuko pa ako. 

“Owsss? Sinungaling, hindi ako naniniwala sayo sa guwapo mong yan babae pa ang maghahabol sayo.” Sagot niya sa akin.

“Totoo, seryoso ako Joan, maniwala ka sana.” Sabi ko na lamang sa kanya kahit nakakahiya sanang sabihin pero nandito na ako nasukol na ako kumbaga so aminin na lang.

Hindi ko rin naman alam kung bakit nasabi ko sa kanya to. Siguro nga dahil may tiwala ako sa kanya at gustong maging open ang buhay ko sa kanya.

“Pwede ba kitang maging girlfriend Joan? Hindi ko alam kung paano kita liligawan kasi mahina ako pagdating sa ganyang bagay pero gagawin ko.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Shit napaka- lame ko naman, bobo mo talaga Weng. Napakahirap ng ganitong walang praktis sa panliligaw eh. Bakit ba kasi napakatorpe mo Ruel ka.
“Okay, nagsisimula kanaba niyan?” Tanong niya sa akin na hindi ko alam kung paano ko sasagutin dahil lalo akong kinabahan sa tanong niyang may kasamang pagtitig sa mukha ko na bagamat liwanag lamang ng buwan ang tumatanglaw sa amin ay sapat upang maaninag ang damdamin ng iyong kaharap.

Pero ako hindi  ko alam kung ano ang damdamin ni Joan sa mga sandaling ito. Hindi ako marunong nito. Ang piping dalangin ko lamang ay sana may katugon na parehong damdamin ang aking nararamdaman sa kanya.

Dahan- dahan kong kinapa ang kamay niya at hinawakan ko ito sabay titig sa kanyang mga mata na puno ng pagsusumamo at pag-ibig. Nais kong sabihin kung gaano ko siya kamahal kahit sa sandaling panahon pa lamang ng aming pagkakakilala ngunit parang naumid ang aking mga dila ng matitigan ko ang kanyang mapupulang mga labi na parang nangangako ng isang libo’t isang kaligayahan.

Dahan- dahan kong inilapait ang aking mukha sa kanyang mukha upang gawaran siya ng masuyong halik. Nanginginig ako habang palapit ng palapit ang aming mga labi na hindi ko naman naramdaman kagabi noong kahalikan ko si Vivian. Parang napakatagal at napakalayo ng aming pagitan kung bakit ayaw magtagpo ng aming mga labi. Hanggang sa wakas ay naramdaman ko na lamang na magkahinang na ang aming mga labi at ninanamnam ko na ang lambot at sarap ng kanyang mabangong bibig.

Nakatikom ang kanyang labi at hinahayaan niya akong gagarin ito parang nanginginig siya ng akin siyang yakapin upang mahalikan ko siya ng mabuti. Sinubukan kung buksan ang kanyang bibig pero ayaw. Tumutugon siya sa halik ko ngunit nakatikom parin ito.

“Sorry hindi ako marunong ngayon lang ako nahalikan sa bibig.” Sabi niya sa akin habang nakayoko pagkatapos naming magbitaw para sumagap ng hangin.

“Pero, diba…”

“Liberated ako? Malandi ako? Yon kasi ang pagkakakilala ng mga tao sa akin kaya pinanindigan ko na lang saka depensa ko lang yon para hindi ako magmukhang naive. Nasasaktan ako noong una pero noong tumagal ay nasanay na rin ako. Tuloy hindi ako nagkaboyfriend dahil doon. Walang magulang o kapatid ng mga binata sa amin na magkagusto sa akin para sa kanilang anak o kapatid dahil nga malandi ako. So what maglaway sila hindi nila ako matitikman. Karamihan naman ng mga nakikilala ko ang gusto lang ay makasix ako dahil ang akala nila palaban ako, hmm kung alam lang nila. Ikaw pa lang ang nagtrato sa akin ng ganito at sana hindi ako magsisi.” Mahabang paliwanag niya na bagamat kulang para sa akin ay hinayaan ko na lang. Bahala na ang panahong magpaliwanag lahat sa akin para maunawaan ko ng lubusan.

Hindi mo nga naman pwedeng i-judge ang isang bagay base sa nakikita mo lamang. Minsan kase may mga bagay na nakikita natin pero hindi pala iyon ang totoo, abstract. Halimbawa na lamang si Vivian at si Joan. Hay naku ewan, ang alam ko lang kailangan ako ni Joan sa buhay niya kung paanong kailangan ko din siya.

“Praktis pa tayo para matuto.” Sabi ko sa kanya sabay lapat ng aking labi sa kanyang mga labi.

Madali naman niyang natutunan kung paano tumugon sa halik ko, siyempre. At for the record, napakasarap niyang halikan ibang- iba ang dating, parang langit. Ganito yata talaga pag mahal mo ang isang tao. O kapag malinis ang intensyon mo sa kanya at may halong pagpapahalaga at pag-ibig.

Sa lahat ng pag-aaya sa akin ni Rhea, ito ang pinakagusto ko sa lahat dahil ramdam ko at alam ng puso ko na dito ko nakita ang babaeng mamahalin ko ng habang buhay.

No comments:

Post a Comment