Tagalog Sex Stories - "Sana Akin Ka Na Lang" Part 22

“Huwag po ate maawa po kayo sa akin. Ibibigay ko po ang lahat huwag lang po ang puri ko.” Napabunghalit siya ng tawa dahil sa sinabi ko.

“Loko- loko ka mamaya makita tayo ni mama lagot ako. Lagot ka rin kasi pakakasalan mo ako.” Protesta niya sa ginagawa ko sa kanya.

Ramdam kong bumibigay na siya sa ginagawa ko dahil humihigpit ang hawak niya sa braso ko at malalim na rin ang kanyang hininga. Hinagkan ko siya sa labi na agad naman niyang tinugon  at tuloy napayakap na siya sa batok ko. Ewan ko kung sadyang mabango ang hininga niya at matamis ang kanyang laway dahil iyon talaga ang nalalasahan ko sa bibig niya. 

“Tama na muna oh, ayan tuloy tumitigas na nipple ko. Naa-arouse ako sa ginagawa natin tapos hindi ko pa alam kung ano ang tawagan natin puro kana tsansing diyan.” Sabi niya sa akin ng magbitiw ang aming mga labi.

“May cellphone naman ako di doon mo ako tawagan.” Biro ko sa kanya habang patuloy kong pinagpapala ang kanyang dalawang matayog na kabundukan ng salitan.

“Puro ka naman biro eh, endearment ang ibig ko pong sabihin.” Sagot niya sa akin.

Nakayakap pa rin siya sa batok ko habang paminsan- minsan ay tinutuka niya ang labi ko. Napaka- sweet din naman nitong babaeng ito at naiisip niya ang endearment sa ganitong nakakalibog na sitwasyon. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa dibdib niya at niyakap ko siya sa likod doon pa rin sa loob ng damit niya. Hinagkan ko siya sa leeg pababa sa kanyang balikat paakyat sa kanyang mga labi tapos sa tenga niya. Tinutukso ko talaga siya para bumigay pero matibay ang kanyang paninindigan.

“Ayaw mo ba ng honey? Kasi parang gusto ko ang honey sweet pakinggan parang ikaw sweet ka.” Sabi ko sa kanya kasabay ng pagtanggal ko sa lock ng kanyang bra.

“Naku ayan na po, ngeeehh, nakakakaba naman yang ginagawa mo. Huwag muna please hindi ako handa para sa ganito eh.” Pakiusap niya na may kasamang panginginig.

Ayaw ko din namang pilitin siya sa isang bagay na bagamat gusto rin niya ay hindi naman siya willing na gawin. Isa pa mahal ko si Joan at hindi six ang habol ko sa kanya kaya lang anak ng patis sigurado yari na naman nito si Mariang palad.

“Gusto ko lang tatakan ang aking property.” Sabi ko sa kanya sabay hawak muli sa suso niyang damit na lang ang nakatakip dahil lumuwag na ang kanyang bra 

Tinanggal niya ang bra niya ng hindi inaalis ang damit. Pinadaan lang niya ito sa manggas ng kanyang t- shirt. Medyo nagtaka pa nga ako dahil ang akala ay hindi siya handa sa sitwasyong ito pero siya naman mismo ang nagtanggal ng bra niya na bagamat inalis ko sa pagkaka-lock siya naman naghubad. Sabi ko na nga ba at bumigay na rin siya.

“Para lang mas malaya mong magawa yang ginagawa mo but don’t think beyond okay. Haplos lang ha, haplos dahil nandito tayo sa bahay at anytime ay pwede tayong mahuli ni mama.” Sabi niya sa aking nangangatal pa.

Humiga ako sa duyan tapos niyakap ko siya sa likod niya at ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa loob ng kanyang t-shirt at pinaglaro ko sa kanyang dibdib. Minamasahe ko ito at tinatandaan ko ang bawat detalye firm at may maliliit na nipple na naninigas. Haplos lang ang ginagawa ko walang lamas haplos lang. masarap pala ang pakiramdam ng ganito. Sinubukan kong haplusin ang hita niya at hindi naman siya tumutol pero ng itaas ko sa singit ay kinurot niya ang kamay ko at sinabi niyang huwag na diyan.

Napaka- intimate din naman ng moment na yon para sa aming dalawa. Kumuha siya ng kumot sa kuarto niya at doon na kami nakatulog ng gabing iyon. Naramdaman ko na lamang na may nagwawalis na sa paligid kaya nagising ako. Medyo madilim pa pero aninag ko ang mukha ng anghel na nakadikit sa pisngi ko. Hinagkan ko siya sa pisngi dahilan para siya magising. Ngumiti siya sa akin at humalik din sa pisngi ko.

“Good morning honey. Hindi ba ako badbreath?” Tanong niya sa akin sabay dapa sa ibabaw ko.

“Hindi naman. Ako hindi ba?” sabi ko naman sa kanya.

Humalik siya sa lips ko sabay sabing hindi at humalukipkip na sa aking dibdib. Hindi ko alam kong anong mas masarap sa pakiramdam. Kung iyon bang katabi at kayakap mo sa pagtulog ang mahal mo o iyong  magigisnan mo siya sa paggising mo. Oh, yeah I’m inlove sa kapatid ng babaeng dati kong pinangarap at parang mayroon yata kaming anak na hindi ko ngayon sigurado dahil sa mga kwento ni Joan sa akin and now, oh my God its complicated. Pero ayaw ko munang isipin ang mga bagay na iyon. Mahalaga ang ngayon dahil kapiling ko ang babaeng mahal ko higit kaninuman.

Inabutan kami ng dalagitang nagwawalis kanina lang ng kape. Sabi ni Joan ay araw- araw daw nagwawalis sa kanila ang mga iyon para may pangbaon sa eskwela. Maluwang ang lote nila at maraming mga tanim na puno sa paligid kaya marami ding kalat na mga dahong tuyo sa umaga.

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila ay naabutan na namin ang mama ni Joan na nagkakape habang may isa pang naghahanda ng almusal. Humalik si Joan sa mama at bumati naman ako ng good morning sa kanila.

“Gigisingin ko sana kayo kagabi kaya lang ang sarap na ng tulog niyo. Ano bang ginawa niyo at doon na kayo natulog?” Tanong ng mama ni Joan sa amin na parang nang-uusig.

“Natulog, mama okay lang yon ang masama kung hindi kami natulog, diba aling Belen?” Katuwiran naman ni Joan. Hindi na ako umimik pa dahil wala naman akong alam isagot sa mga ganong sitwasyon.

“Iyon na nga, kung sa kuarto sana kayo di may nagawa kayo, di ba aling Belen?” Sagot naman ng mama niya. Sarap naman ng ganitong samahan ng mag-ina.

“Alam mo ba iho na ikaw pa lang ang pangalawang boyfriend niyan. Akala nga namin tatandang dalaga na yan eh. Sobrang mapili at ayaw magpaligaw pero kung kumilos naman napakagaslaw.” Sabi ng mama niya sa akin ng pumasok sa banyo si Joan.

Umuwi din kami agad sa Santiago city pagkakain namin dahil kailangan kong magreport sa trabaho sa lunes dahil may monthly meeting kami at kailangan ng report sa bawat department. 


Read more at kalibugan.net

No comments:

Post a Comment