“Dad, pwede po ba kayong pumunta dito sa bahay sa Biyernes ng gabi?” ika ng aking manugang sa telepono.
“Sige
Jun. Wala naman akong gágawin dito. Pupunta ko dyan”. Mula ng ako ay
mag early retirement ay mga ilang beses na nakiusap ang aking anak na si
Lisa at asawa niyang si Jun na magbantay ako ng kanilang bahay tuwing
gusto nilang magbakasyon sa probinsya. Okay lang naman sa akin yon
dahil bukod sa paglalaro ko ng mahjong kasama ang aking mga kaibigan ay
nakakabagot na dito sa bahay. Isa pa ay madalas ding wala ang asawa ko
sa bahay dahil abala lagi ito sa kanilang charismatic church. Parang
iyon na ang kanyang buhay at ako ay pangalawa na lang sa kanya. Mula ng
lumaki ang aming mga anak at nagsipagasawa na, natuon na sa simbahan
ang buong attensyon ni misis. Hinayaan ko na lang siya kesya magtitìgan
na lang kami dito sa bahay.