Tagalog Sex Stories - Driver Ni Trisha Part 10

Samantala habang bumibyahe si Mang Berto may napapansin sya sa side at center mirror nya na parang may sumusunod sa kanila kanina pa buhat ng pumasok sila sa Skyway at pagliko nila ng Governor’s Drive hanggang pagsapit nila sa bayan ng Silang ay nakabuntot pa rin ang sasakyan sa kanila. Di na nakatiis si mang Berto ay tinanong na nya ang amo nya kung may kasabay daw ba silang kasamahan sa pupuntahan nila. Wala ang sagot ng kanyang among babae sa kanya.
Kinutuban na si Mang Berto at binagalan nya ang sasakyan nya para malaman nya kung totoo ang kutob nya, pag bumagal ang hinihinala nyang sasakyan na sumusunod sa kanila ay papaharurutin nya ito at idadaan sa pinakamalapit na pulis station. Pero sa pagbagal nya inoberteykan sila ng hinihinala nyang sumusunod sa kanya at lumiko ng Kiamson. Nakahinga ng maluwag si Mang Berto sa pangyayaring iyon. Diniretso na nya ang sasakyan patungong Emilio Aguinaldo highway at diretso na sila ng Tagaytay. Nang matapos ang mga transaksyones ng amo nya ay bumiyahe na agad sila patungong Naga. Habang bunibyahe na naman sila, may naramdaman na naman si mang Berto na parang may sumusunod na naman sa kanila. Nasa Talisay-Tanauan Rd. na sila nuon at hapon na kaya di nya matantya kung yun din ba ang sasakyan na sumusunod na kanila kanina. Pag kanan nya sa may Southern Tagalog Arterial Road ay kumanan din ung sumusunod na sasakyan sa kanila, sa kalagitnaan ng hiway nagsalita ang amo nya. “Mang Berto sa Atimonan lang tayo at di na tayo tutuloy ng Naga”.”Ho?!”, gulat ni Mang Berto dahil kanina pa siya pasilip silip sa side mirror nya,”Anu ba kasi ang sinisilip mo jan at baka mabangga tayo sa pinaggagagawa mo” askad ng amo nya. “Eh Mam kasi ho nung nasa Skyway pa tayo, may napansin akong sumusunod sa atin pero nung nasa Silang na tayo ay parang di naman, pero kaninang nasa Talisay-Tanauan Rd tayo hanggang dito ay parang ito rin ung sumusunod sa atin” kwento ni Mang Berto na nag-aalala.Para naming kinabahan ang amo nya sa sinabi ni Mang Berto at tinanong nito ang driver nya kung papaano na.”Mam wag kayong mag-alala ako ho ang bahala, kung anu man ho ang mangyari tawag ho agad kayo ke sir. Maya-maya pa ay biglang bumilis ang sumusunod sa kanila at huli nan g mapansin ni mang Berto na naunahan na sila at bigla silang hinarangan sa daan. Sadsad ang sasakyan nila na mintik nang mabangga ang sasakyan sumusunod sa kanila. Nagbabaan ang tatlong sakay ng Van na humarang sa kanila na bitbit ang mga baril. Napansin ni Mang Berto na mga pistol lang ang mga dala ng mga lalake at sa isip nya ay pwede siyang makipag sabayan sa kanila. Bigla nyang kinuha ang kwarenta’y singkong baril na inisyu sa kanya ng sir nya at sabay sabing “ Mam dapa lang kayo at wag kayong lalabas ng sasakyan”.

No comments:

Post a Comment