Tagalog Sex Stories - Subdivision Part 23

                                Part 23 Point of Interest
Lumipas pa ang mga araw, naging maayos naman ang takbo ng aking buhay, partikular na rin ang buhay naming mag-asawa. Sumapit na muli ang pasukan, napansin kong medyo mas naging mas masaya si misis gawa nang narito nang muli ang kalaro niyang si Regina. Magaling gumawa ng pagkakataon si misis, hindi niya pinahalata kay Regina na alam ko ang kanilang relasyon. Tama lang ito, unti-unti na din namang nabubura ang kartada ng dalaga sa aking isipan. Bakit nga ba?

Kahit pa naging bukas ako sa pantasya ng aking asawa, hindi naman nagbago ang pansarili naming mga ginagawa. Bukod sa patuloy niyang pagpuno sa aking pangangailangan bilang kanyang asawa, buo pa rin ang kanyang suporta lalo na kapag gusto kong masolo si Carina. Naging madalas ang pagpunta ko sa kanila, tila naging totoo kami sa mata ng kanyang tita. Buong akala niya talaga ay



 manliligaw ako ng pamangkin niyang maganda.

Normal na ito para sa amin, maging si Katherine, ang pangako niya dati noon sa resort ay kanyang nagampanan. Kapag may pagkakataon, siya na din mismo ang nagyayaya sa akin upang sa motel siya ay aking dalhin.

"bye babe...I love you!"
 paalam sa akin ni misis isang araw nang siya ay aking ihatid.

"...ah Bogs, dadaan ka ba kila Carina?"
 pahabol pa niyang tanong.

"e hindi ko sure babe, di ko alam kung may pasok siya hindi naman nagtext e.." sagot ko. Kadalasan kasi tuwing wala akong pasok ay alam ni misis na kay Carina muna ako dumideretso.

"ah okay...sige ingat ka babe ha" paalam niyang muli.

Hindi ko akalain na yung araw pala na iyon ang "normal" ko nang buhay ay mababago pa ng pagkakataon.

"A-Alex! Alex!" sigaw ko mula sa aking kotse.

Hindi ko alam kung bakit nagkataon, umaga noon, siguro pang-gabi si Alex kaya't papasok pa lang si misis ay pauwi na siya. Ilang beses na din naming naisabay ang dalagang kasamahan ni Angel sa kanilang bahay, madalas kasi ay malakas ang ulan, isa pa'y malapit lang naman sa amin ang kanilang tirahan. Kaya siguro hindi namin siya naisasabay nitong mga nakaraang mga araw ay nagbago na nga ang kanilang schedule sa duty. Noong una'y ayaw pa niyang lumingon sa mga tawag ko, napatingin na lang siya nang ako'y bumusina, napatingin siya sa plate number siguro kaya't nakilala niya kung sino ako.

"ay sir, I mean kuya Bogs!" gulat pa niya.

"uuwi kana ba? tara sabay kana" paanyaya ko.

Kawang-gawa ang nasa isip ko noon, dahil umaga at rush hour ay siguradong mahihirapan siyang sumakay para makauwi na sa kanilang bahay. Wala namang ulan noong oras na iyon, pero komo nakasanayan na nga naming mag-asawa na siya ay isabay, wala naman sigurong masama kung ulitin ko iyon kahit wala ang aking asawa.

"si ate Angel?"
 tanong niya.

"kakapasok lang, pang-umaga siya e" sagot ko pa.

"ah ganun ba, okay lang ba kuya? wala ka ba pasok? baka nakaka-istorbo ako?" wika pa ni Alex.

"ah e, talagang makakaistorbo ako, istorbo sa kalye hehe! tara na!" biro ko pa dahil ang mga sasakyan sa aking likura'y bumubusina na.

Doon mismo umupo si Alex sa tabi ko, tabi ng driver's seat, upuan kung saan si misis lang ang may teritoryo. Ah hindi pala, si Carina at Kat ay naupo na din dito.

"thank you kuya...ang bait mo talaga!"
 muli niyang wika nang maisuot ang seatbelt niya.

Binuksan ko ang radyo ng aking kotse upang makinig ng balita, paraan ko na din ito para hindi naman kami mabingi sa katahimikan sa loob. Kahit na madalas na namin siya dating nakakasabay, alam kong nahihiya siyang magsalita dahil wala ang aking asawa.

"anu ba yan, holdapan na naman...tsk!"
 bulong ni Alex ukol sa narinig na balita sa radyo.

"oo nga e, kailangan talaga magkaroon kana ng BF, para kapag wala kami ni Angel e may kasabay ka pauwi"
hindi ko alam kung bakit nasabi ko ito.

"hihi! parehas talaga kayo ni ate Angel! pinipilit na akong mag-BF e wala pa nga haha!" masayang tugon naman ni Alex.

Bahagyan nalagyan ng saya ang loob ng aking sasakyan, alam kong pagod ang kasama kong dalaga kaya't hindi ko na ito pwersahang kinausap pa, subalit siya na din mismo ang unang tumawa. Noon lang nasakay sa harapan si Alex, madalas siyempre doon siya sa likuran dahil si misis ay doon sa kanya ngayong inuupuan. Noon ko lang natitigan ng malapitan si Alex, kakatingin ko sa side mirror ng kotse ay nahahagip ng aking mata ang kanyang mukha. Hindi siya yung tipong pansinin, hindi siya yung kapag isinama mo sa mataong lugar ay sisipulan ng mga tambay. Siya yung babae na simple lang, hindi maputi gaya ni misis, hindi naman siya maitim - sa madali't sabi'y katamtaman lang.

"mukhang puyat ka a? madami bang pasyente?" muli kong wika.

"medyo kuya e, bakit mukha na ba akong zombie? hahaha!" sagot ng dalaga.

"ah hindi, hindi naman...maganda pa rin" akalain mo, nakuha ko pa mambola talaga.

"weeehhh...kaya pala naging asawa mo si ate Angel e, bolero ka hahaha!"
 biro pa niya.

"aba? bakit sa tingin mo dahil lang sa bola?" pagyayabang ko naman.

"hihi! sorry naman! joke lang po kuya hehe! syempre bagay kayo, pogi saka maganda" sabay bawi naman niya.

Itutuloy ko pa sana ang mga hirit, pero siya na din mismo ang nauna sa muling pagsasalita.

"kuya, okay lang ba?"
 tanong niya.

"na ano?" sagot ko.

"okay lang ba, lulubusin ko na...pwede ba tayo dumaan dyan sa may Mcdo? pasensya na ha, gutom na gutom na talaga ko e...alam mo naman walang malapit na kainan dun sa amin...hindi ko kasi sure kung may naiwang ulam sa bahay" 
paliwanag niya.

"ah walang problema..."
 tugon ko nalang.

Wala sa baraha ko ang itsura ni Alex, hindi siya pweden i-kumpara sa "level" nila Carina at Katherine. Pero hindi ko alam, para bang may kakaibang "dating" ang babaeng ito sa akin. Siguro dahil mabait, siguro dahil masayahin. Ewan ko ba, lahat naman iyan e nakita ko na sa dalawang una kong nabanggit.

"drive thru ba?"
 tanong ko pa.

"sana, para mabilis...pero kuya wala namang drive thru yan e" sabay turo nya sa fastfood na aming bibilhan sana.

"ah oo nga noh, dun nga pala sa kabila yun..."
 wika ko.

"di bale, ako nalang bababa..take-out ko nalang...ano nga pala gusto mo?" tanong niya sa akin nang ako'y pumarada na sa harap ng Mcdo.

"ah sige, kumain na ko..."
 sagot ko.

"eh...nakakahiya naman kung ako lang ang kakain, sige na po kuya..." pagpupumilit ng dalaga.

Pinatay ko ang makina, bumaba ako at sumang-ayon nalang sa gusto niya.

"kape nalang ako..."
 sabi ko pa.

"ay yun lang? hihi!"
 wika naman ni Alex.

Habang naka-pila, muli akong kinausap ng dalaga.

"kuya, dito nalang kaya tayo kumain, mabilis lang naman...saka hindi ka naman makakapag-kape habang nagmamaneho diba?"
 sabi muli niya sa akin.

Oo nga naman, pumayag na din ako sa hiling ni Alex. Bilang maginoo, inantabayanan ko siyang umorder saka ako na din ang nagdala ng kanyang kakainin.

"umorder na din ako ng pancake, oh huwag kana tatanggi ha!"
 biro pa niya.

Hindi karamihan ang kumakain noon sa fastfood na iyon, bago ako umupo ay inabot ko na din ang pahayagan upang aking basahin. Nakita ko pang pumikit si Alex bago ito kumain, "aba, madasalin" sabi ko pa sa aking isip.

"oh game na? hihi! sorry kuya ha, gutom lang po...hehe!"
 biro niyang muli.

Habang ako'y nagbabasa ng dyaryo ay hindi ko alam na tinititigan pala niya ako. Napansin ko lang yun nang muli niya akong kinausap.

"iba pala ang feeling kapag may arkitekto kang kasama hihi!" 
wika niya.

"bakit naman?" tanong ko.

"wala lang, parang napaka-serious mo eh..."
 sagot ni Alex.

Nawala tuloy ako sa aking binabasa, hindi ko alam pero parang na-conscious ako sa mga sinasabi niya. Ibinaba ko ang pahayagan at sa kanya ako'y nakipag-kwentuhan nalang. Engineer pala ang tatay ni Alex, OFW ito, kaya naman pala hindi malayo ang loob niya sa akin e siguro'y halos parehas kami ng trabaho ng kanyang tatay. Sa isipan ko'y nami-miss na niya siguro ang kanyang ama kaya siya ganito sa akin.

Habang nagku-kwentuhan kami ni Alex ay muli ko siyang natitigan, hindi nga siya kagandahan, pero tiyak na ang magiging kasintahan niya ay masisiyahan. Sa maliit na tsansa'y nasilip ko ang hubog ng kanyang katawan, may dating din pala ang dalaga. Nang tumayo siya upang mag-CR ay nahabol ko ng tingin ang kanyang likuran, bilugan din pala ang tumbong nito at hindi rin nakalagpas ang bakat niyang panty sa puting uniporme ng nurse.

"tara na kuya?" wika niya matapos mag-CR.

"oh sige, nabusog ka ba?" tanong ko pa.

Ngumiti lang ang dalaga, siguro sa sobrang busog e nakatulog pa siya habang pauwi na kami sa kanila.

"Alex...Alex...huy dito na tayo"
 pag-gising ko pa sa dalaga.

Aba at parang mantika din pala ito kung matulog, napilitan akong yugyugin pa si Alex para lang magising. Hindi ko sinasadya ngunit ang seatbelt na suot niya ay pumagitna sa kanyang dibdib, bumakat tuloy doon ang dalawa niyang mga suso.

"shit, may ipinagmamalaki din pala ito." wika ko pa sa sarili ko.

Hindi naman malusog ang suso ni Alex sa aking tantsa, sakto lamang ito para sa kanyang katawan at tangkad. Muli kong tinapik ang braso niya upang gisingin ang dalaga.

"ay sorry...sorry kuya nakatulog ako.."
 sabi niya nang siya ay magising na.

"naghihilik ka pa nga e hehe!"
 biro ko naman.

Pinalo niya ako sa aking balikat, palo na para bang nainis sa aking biro, palo na para bang close na magkaibigan. Humingi naman siya kaagad ng paumanhin nang mapagtanto niya na hindi pala kami ganoon ka-close.

"hihi sorry po...salamat ulit kuya ha?" 
paalam pa niya.

"no problem...bukas ba ganun ulit duty mo?"
 tanong ko.

"opo, bakit?" sagot nito.

"o sige sabay kana lang ulit sa akin."
 wika ko.

Pumayag naman si Alex sa aking alok, wala naman sigurong masama kung muli ko siyang isasabay, "kawang-gawa lang" sabi pa ng aking isipan.


itutuloy

2 comments:

  1. meron po ba bukas ng alexa? ala pasok kasi, sa bahay lang :)

    ReplyDelete
  2. just wait for updates boss (y) mejo matatagalan pa siguro..
    nanjan naman ang "Subdivision" ♥

    ReplyDelete