Tagalog Sex Stories - Boarding House Part 20

Pinili ko ang alam kong tama, hindi ko ginalaw si Jona. Nangibabaw sa aking sarili ang pagiging kaibigan, nakuntento ako sa kanyang mga yakap at nag-iisang halik. Sa tindi ng aking kalibugan ay naging kakaiba sa akin si Jona, nakita ko na ang kanyang puwit, nakita ko na siyang nakapanty, naramdaman ko na ang kanyang mga suso, ngunit hindi ito naging dahilan upang siya ay aking pagnasahan.

"good morning Bogart..." bati sa akin ni Jona kinabukasan at nakayakap pa din siya.

Ibig-sabihhin nito ay alam niya ang kanyang ginawa kagabi. Alam niya na siya ay humalik at yumakap sa akin.

"good morning Jona..." balik ko naman.

"hindi ba nakakahiya kay manang dito ako nakitulog? hihi!" tanong niya sa akin.


"ah hindi naman siguro, saka nakatulog ka naman na e heheh" sagot ko.

Inialis ni Jona ang pagkakayakap niya sa akin, bumangon at muling nagsalita. Halos hindi ko naintindihan ang mga salitang kanyang binitiwan, nakatitig kasi ako sa kanyang angking kagandahan. Tama ang kasabihan, malalaman mo ang tunay na gandang pisikal ng isang babae kapag nakita mo siya pagkagising sa umaga.

"huy! natulala kana naman!" biro pa niya sabay tapik sa aking tiyan.

"ang ganda mo pala pag umaga bagong gising Jona hehe!" pabiro kong wika.

"bola na naman yan! hihi!" sagot niya.

"wala ba akong good morning kiss?" pahabol ko naman.

Tumaas ang kilay niya, akala ko ay magagalit ang dalaga. Sa kanyang pagkakaupo sa aking kama ay muli siyang humiga at inilapit ang kanyang mukha sa aking pisngi. Napapikit ako sa kanyang paglapit, inasahan ang pagdamping muli ng kanyang malambot na labi. Hinalikan akong muli ni Jona sa aking pisngi.

"oh ayan ha, nakarami kana..." sambit pa niya.

Hindi na muling nagsalita si Jona, hindi siya galit, hindi niya inisip na nag take-advantage ako. Tila normal ang lahat sa amin, at alam kong nadagdagan pa ang tibay ng aming samahan. Simula noong umagang iyon ay tanging mga ngiti ang namutawi sa aming mga sarili. Nagkaunawaan na kami kahit walang usapan, sabi nga nila - the feeling is mutual. Hindi naman kami naging magsyota, walang holding hands, walang PDA, ngunit paglabas namin ng aking silid ay alam namin sa aming sarili na ang isa't isa ay aming itinatangi.

"hatid na kita?" wika ko pa sa kanya matapos niyang magpalit muli ng kanyang pantalon.

"oh sige, kahit sa kanto nalang Bogart, magtataxi nalang ako" sagot naman niya.

"no hindi, gusto ko makita na safe ka nakauwi sa bahay ninyo" wika kong muli.

Siguro ay batid na niya ang antas ng aking "care" sa kanya, pinayagan naman niya akong maihatid ko siya sa kanilang bahay. Matapos akong maligo ay mabilis kaming umalis ng aming boarding house. Hindi ko na nakita si manang Monica noong umaga na iyon pero may nakahain namang pagkain sa lamesa nang kami ay umalis. Tuluyan kong naisantabi ang alindog ni manang Monica, maging ang sarap ng katawan ng kanyang kapatid na si ate Mimi.

Sa loob ng taxi ay hindi naman kami nailang sa isa't isa ni Jona, dati pa rin sabi ko nga, walang pagbabago. Hindi naman na namin napagusapan ang nangyari kagabi, siguro dahil liberated ang paglaki niya ay hindi ito big deal para sa kanya. Muli naman niyang ipinakita ng kanyang paglalambing, ihinilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat, ipinatong ko naman ang aking kamay sa kanyang isang hita bilang pagtugon sa kanyang paglalambing.

"kain na muna tayo kaya Bogart?" wika ni Jona.

"ah o sige, saan?" sagot ko naman.

"manong sa Session nalang po, sa mcdo" wika ni Jona sa driver ng taxi na aming sinasakyan.

Pinagsaluhan namin ang masarap na umagahan, hindi man ako mahilig sa fastfood noon ay tila bawat subo ko ay mahalaga. Naging mas "sweet" pa si Jona sa palagay ko, tama ba itong nararamdaman ko?

Dahil sa wala pang cellphone noon, meron man ay ito yung parang pangkudkod ng yelo na may kamahalan pa, halos ayoko nang kami ay maghiwalay. Hindi ko kasi alam kung kelan kami magkikitang muli, tiyak kasing mami-miss ko ang dalaga lalo pa ngayong kami ay nagkakaigihan na. Muli kaming sumakay ng taxi, papunta na sa kanilang bahay sa Green Valley. Sa loob ng sasakyan ay tahimik ako maging ang aking kasama. Kinausap ni manong ang driver sa wikang Ilokano, matapos nito ay tila nagkasundo sila at sinabi naman din niya sa akin ang kanilang pinagusapan.

"kay manong kana din sumakay pabalik, mahirap maghintay ng taxi sa lugar namin e" wika niya.

Sumangayon naman ako, ano ba ito, tila kahit maliit na bagay na kanyang ginagawa ay akin nang pinapahalagahan. Naging masaya naman ako dahil pagbaba ni Jona ay nag-iwan naman siya ng isang matamis na ngiti. Hindi man niya ako hinalikang muli ay tama na ang tamis sa kanyang mga labi, hindi pa kasali dito ang kanyang muling plano.

"aalis ka ba bukas? punta nalang ako sa inyo pag wala akong gagawin" paalam niya.

Halos ako ay nasa ibabaw ng mga ulap. Lumilipad ang aking isipan habang ako'y lulan ng taxi pabalik sa aming tahanan. Sinariwa kong muli ang bawat sandaling magkasama kami ni Jona. Mas masarap pala ang feeling, paano pa kaya kapag may libog nang kasama?

Lumipas ang ilang araw, hindi ko naman nakitaan ng anumang kakaibang asal si manang Monica. Hindi naman din siya umiwas sa akin dahil sa pag-uuwi ko ng babae sa aming boarding house. Sumapit ang unang linggo ng pangalawang semester at ang pagiging close namin ni Jona sa isa't isa ay hindi nagbago, napagkakamalang magsyota nga kami ng aming mga kaklase dahil sa pagiging malapit at kung minsan ay sweet namin sa isa't isa. Hindi naman na naulit ang pagpunta niya sa aming boarding house, pero sapat na ang makita ko siya sa araw-araw.

"bye Bogart..." paalam niya sa akin isang hapon matapos ang aming klase.

Oo at nagpahatid sa akin si Jona sa kanilang bahay dati, pero hindi na din naulit iyon. Tuwing matatapos ang aming araw ay lagi nalang niyang sinasabing wag ko na siyang ihatid, hindi ko naman na iyon kinwestyon bilang pag-galang na din. Subalit isang hapon ay hindi ko alam kung bakit naisipan kong sundan si Jona at alamin kung ano ang kanyang ginagawa kapag kami ay naghihiwalay na ng daan. Dati pa din naman, nakita ko ang isang kotse na makapal ang tint. Sabi niya dati ay kapatid niya iyon at madalas siyang sinusundo. Ngunit sa pagkakataong ito ay bumaba ang "kapatid" ni Jona, sa unang pagkakataon ay akin itong nakita.

Nabuong muli ang aking hinala, hindi niya iyon kapatid. Sa kilos at galaw kasi ng lalaki ay tila inaaway niya si Jona. Sa distansya ng aking pwesto ay naririnig ko ang wikang Ilokano, pero batid ko na sila ay nag-aaway dahil sa mataas ang boses nila. Pinili ko nalang na manatili sa aking kinaroroonan, baka kasi kapag nilapitan ko sila ay magalit pa sa akin si Jona dahil sinusundan ko pa siya. Nagsindi ako ng isang sigarilyo habang pinapanuod ang kanilang salitaan, nang biglang may lumapit sa akin na dalawang lalaki. Sa tantsa ko ay ka-edad ko lang sila dahil hindi halata sa kanilang mukha ang katandaan ng itsura.

"pre, kilala mo ba yun?" tanong ng isa sa akin.

"oo e, kaklase ko yung babae" sagot ko naman.

Hindi ko naman alam na ang dalawang lalake pala na kausap ko ay kasabwat nung "kapatid" ni Jona. Yung nagtanong sa akin ay maayos naman subalit nang sumabat ang isa ay dito ko napagtanto na may masamang mangyayari.

"ukinam! kunyari ka pa!" sabay sapak sa aking mukha ng lalaki.

Nagkaroon ng kumosyon, nagkagulo sa harap ng tindahan sa may Bonifacio. Hindi naman sa akin iba ang suntukan, sanay na ako dito dahil sa aking kinalakihang paaralan dati ay napabilang din ako sa maliit na fraternity. Lumaban ako at nakasapak naman kahit paano, yun nga lang, dahil sa dalawa sila ay hindi ko talaga kaya. Narinig ko nalang ang sigaw ni Jona habang nagpapambuno kami ng aking mga kaaway.

"tama na yan! JP awatin mo naman!" sigaw ni Jona.

Siguro dahil sa gulo ay nakita ni Jona na ako pala ang kasali dito. Ngunit sa halip na umawat ang "kapatid" ni Jona ay siya pa itong humawak sa aking isang braso, dahilan upang malugi ako, tatlo laban sa isa. Hindi naman nagtagal ay may ilang kalalakihang tumatakbo palapit sa amin. Sinapak nung isang mestiso yung "JP", napabitiw sa aking braso at yung dalawa ay kumaripas na ng takbo.

Ilang sigawan ang aking narinig, hindi ko maintindihan ang salita pero ang tanging narinig ko lang ay ang pangalan ng isang frat. Nagkatitigan kami ni Jona nang humupa ang gulo, kita kong umiiyak si Jona, may luha sa kanyang mga mata. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil kaagad siyang hinatak ng "kapatid" daw niyang si JP at sapilitang isinakay ng kotse. Duguan ang aking nguso, binigyan ako ng panyo ng isang lalaki na sumugod din kanina upang itaboy ang mga nambugbog sa akin.

"pare ok ka lang? kaaway mo ba yun? kilala mo ba yung babae?" tanong sa akin.

"classmate ko yun babae, salamat pare tinulungan nyo ako" sagot ko naman.

"mga gago talaga mga yun, kaaway ng frat namin yun, sabi ko naman wag sila mang-gugulo dito sa teritoryo namin" patuloy niya.

Napag-alaman kong taga kabilang unibersidad pala ang dalawang lalaki at maging ang "kapatid" ni Jona. Kaaway na frat nila iyon sa UB.

"siguro pare nakita kang kasama mo yung babae, seloso yata yung hayup na JP na yun e" wikang muli ng lalaki.

Inalalayan nila ako patayo, at kinalinga. Hulog sa akin ng langit ang kalalakihang tumulong sa akin, kung hindi dahil sa kanila ay malamang sa ospital na ako pupulutin. Taos puso akong nagpasalamat, laking tuwa ko pa nang ang isa pala sa kanila ay kaparehas ko ng kurso.

"diba arki ka? oo arki ka, nakikita kita sa 7th floor e" wika nang isa.

"ako nga pala si Estong..." pakilala niya sabay abot ng kamay.

"ah, Bogart pare, salamat ulit" wika ko.

Nagkaroon ako ng kaibigan ng di oras, hindi na muna ako umuwi noong gabing iyon. Sa itsura kasi ng aking mukha ay tiyak na tampulan ng tukso ang magaganap sa aming boarding house. Niyaya at isinama ako ni Estong sa kanilang apartment, ipinakilala din niya ako sa kanilang frat at hindi ko naman alam kung bakit parang binigyan nila ako ng "proteksyon". Bilang pagpapasalamat na din ay ako ang naging taya sa inuman, daan na din iyon upang pag-isipan ko at unawain ang mga nangyari. Nagsinungaling kasi sa akin si Jona, kung kailan nahuhulog na ako sa kanya ay saka pa magiging malala. Ang "kapatid" niyang sinasabi ay BF pala niya, na miyembro ng kaaway na frat nila Estong.

Nanghinayang talaga ako, akala ko jackpot na. Ganunpaman ay hindi naman ako nangamba, nagbigay daan ang gulong iyon sa panibagong yugto ng aking buhay. Siguradong magiging malapit kami ni Estong, dahil sa parehas kami ng kurso.


itutuloy

3 comments: