Tagalog Sex Stories - "Room For Rent" Part 58

Part 58 Commencement Exercises

"...Espiritu, Paula..." tawag ng dean ng kanilang departamento sa kolehiyo.

Hindi maihahalintulad saan man ang nararamdaman ni Pola nang mga sandaling iyon, nang tawagin ang kanyang pangalan upang umakyat sa entablado at tanggapin ang papel na simbulo ng kanyang pagtatapos ng kurso. Dala ang isang maliit na larawan ng namayapang kinakasama, marahang umakyat si Pola upang tanggapin at i-alay ang lahat para sa kay Aeron.


"Salamat babe, salamat...para sa iyo ito" bulong ni Pola sa sarili.

Sa puntong ito'y maituturing ni Pola na siya ay nagtagumpay na, naging masalimuot man ang kanyang nakaraan, bumagsak man sa lupa, sa pag-ahong napalitan ng kaunlaran, ngayon ay ganap na ang kanyang pangarap na kaylanman ay hindi matutumbasan ng salapi.

"ma'am saan po tayo?" tanong ng tsuper ni Pola.

"tara muna sa mall manong..." utos ng dalagang ina.

Naging kanang-kamay ni Pola si yaya, ang babaeng nagsilbing larawan ng kanyang nakaraan. Itinuring niya itong kapatid, at pangalawang ina ng kanyang anak na si Itoy. Sa pagbabalik ni Eros sa Amerika'y naging tahimik ang kanilang buhay, tanging si yaya at tsuper na lang ang naging katuwang niya sa pang araw-araw niyang buhay.

"ma'am, tawag nalang po kayo kapag tapos na kayo, doon lang po ako sa parking" wika pa ng drayber matapos maibaba ang mag-ina at si yaya.

"no manong, hihintayin ka namin, sige iparada mo muna yan tapos sumunod ka sa amin ok?" bilin ng dalaga.

"naku ma'am salamat nalang po...may baon po akong dala" depensa naman ng tsuper.

"i insist. manong, kahit driver lang kita e parang kuya na din ang turing ko sa iyo. dapat sama-sama na tayo mula ngayon, parang isang pamilya" wikang muli ni Pola.

"ah eh, sige po ma'am...salamat po" tugon ni manong.

Sandata ang edukasyon at ang naiwang yaman ni Aeron, masasabing malaki ang puwang para sa gastos. Karapat-dapat naman talagang ibahagi ang iyong biyaya, lalo na sa mga taong ganoon na lamang ang kita. Isa ito sa namanang katangian ni Pola mula sa kanyang ina, ang babaeng nagpalaking mag-isa sa kanya. Pinagsaluhan nila ang masarap na pagkain, doon mismo sa isang pamosong restaurant sa loob ng mall.

"ate, sorry, pero nagtataka lang po ako...wala na po ba kayong kamag-anak?" tanong ni yaya habang sila'y kumakain.

"no its ok..." paunang wika ng dalaga.

Sa puntong iyon ay napaisip si Pola, naroon na ang kaginhawaan sa buhay, ang yaman, ang mga ari-arian at maging ang kinabukasan ng kanyang anak na iniwan ng namayapang si Aeron. Subalit hindi ito maituturing na pamilya, kulang.

"ano na kaya ang lagay ni mama..." wika ni Pola sa kanyang isipan.

Mula noong nalaman niyang kapatid niya si Mitoy ay hindi na muling nakita ng kanyang ina ang dalagang ina. Walang kumunikasyon, walang sulat, wala lahat. Maging ang matalik niyang kaibigan na ngayo'y kapatid pala niya ay hindi na din siya nakita.

"graduate na din malamang si Mitoy...nami-miss ko na si mama..." bulong muli ni Pola sa sarili.

"ate? ate Pola? ok lang po ba kayo?" wika ni yaya at parang nagulat pa si Pola.

Napansin ni yaya na may luhang pumatak mula sa isang mata ni Pola. Hindi ito alam ni Pola, ang nasa isip nya kasi ay ang mga munting alaala. Malayo na din ang kanyang narating, oras na siguro upang balikan na niya ang mapait na nakaraan at tangkaing maayos ang mga gusot na naiwan niya.

"ah wala, may naalala lang ako yaya, tapos na ba kayo? tara umuwi na tayo" wika ni Pola sa kanyang mga kasama.

Muli namang bumalik ang sigla ni Pola habang pauwi na sila, sa bawat sulyap niya sa diploma ay kapalit ang ngiti na abot langit. Samahan pa ito ng mga matatamis na lambing ng kanyang natatanging anak.

"ate Pola, pwede po ba akong mag day-off? kahit sa araw lang po, babalik din ako sa gabi..." paalam ni yaya nang sila'y makauwi na sa condo.

"ah o sige yaya, mamayang gabi pag-dating ko galing sa bar e pwede ka na mag-off" sagot naman ng mabait na dalaga.

"salamat po ate, sige po kahit bukas na ng umaga ako umalis pagkatapos ko magluto ng agahan ninyo" patuloy pa ni yaya.

"hmmm...ikaw talaga..hihi...oo may bonus ka...hihihi" biro naman ni Pola.

Makalipas ang ilang oras ay tumungo na si Pola sa isa sa mga bar niya, ngayong gabi'y doon siya sa beerhouse kung saan katulad ng kanyang pinasukan dati, doon sa may mga sumasayaw at may mga pribadong silid na pinagdarausan ng mga maiinit na mga sandali. Noong una'y gusto na din niya sanang i-convert ito sa isang pang-matronang bahay aliwan, subalit ang mga manggagawa dito lalo na ang mga kababaihan ay tiyak na mawawalan ng pagkakakitaan kung sakali man. Malapit ang puso ni Pola sa mga ganoong nilalang, alam niya ang kanilang pinagdaraanan.

Ganunpaman ay hindi ganoon kadalas ang pagdalaw ni Pola sa establisyimentong iyon, kung pwede nga lang ay sa iba na niya ito ipamahala.

"madam, may bago po tayong waiter, di na po kasi bumalik yung isa kaya napilitan na po akong kumuha" salubong sa kanya ng kanyang assistant.

"hindi mo man lang itinawag sa akin?" masungit na sagot ni Pola.

"ah eh, sabi nyo po kasi e bawal kayong tawagan ngayong araw..." palusot naman ng assistant niyang babae.

"ah oo nga pala...nasaan ba, kausapin ko" sagot ng dalaga.

Hangga't maaari ay gusto ni Pola na maging malapit sa lahat ng kanyang mga tauhan. Ito ay ang kabilin-bilinan sa kanya ni Aeron maging ang nanay nitong si Susan na naging successful din sa kaniyang negosyo.

"magandang gabi po madam Pola..." bungad ng isang lalake sa kanyang opisina.

"hi, upo ka muna" utos ni Pola.

Sa una'y mapagkakamalang masungit si Pola, sa simpleng make-up at mapulang labi, kasama pa ang suot na pang-manager talaga ang porma'y masisindak ka. Lahat ng kanyang empleyado ay dumaan sa ganitong pananaw, subalit paglabas nila ng opisina'y malapad na ngiti na ang kanilang dala.

"oh shit." bulong ng baguhang waiter.

Napamura sa sarili ang waiter, hindi niya sinasadyang makita ang makinis na tiyan ni Pola. Makinis at maputi, walang bakas ng stretch marks, hindi mo iisiping nanganak na ang dalaga. Bahagya kasing umangat ito nang kanyang hubarin ang coat at iniwan na lamang ang sleeveless na puting blusa.

"ah sorry, mainit e...uhm, ok, you are?" wika ni Pola.

"i'm Carmito Castillo po..." sagot ng waiter.

Bahagyang natulala si Pola, Carmito Castillo. Tadhana ba ito o nagkataon lamang? Nanumbalik sa kanyang alaala si Mitoy. Si Mitoy na ang tunay na pangala'y Carmito Castro naman.

"madam?" tanong muli ng waiter.

"ah sorry, medyo masama pakiramdam ko e, mainit yata itong aircon" palusot nalang ni Pola.

"so ano nickname mo?" tanong pa niya.

"ah ang tawag po sa akin ng mga friends ko e Mito..." sagot nito.

"working student ka din? kaya mo ba ito isabay sa studies mo?" pagsisiyasat ni Pola.

Naging mahusay naman sa pagsagot si Mito, pasado naman na siya malamang at ang nais lamang ni Pola ay ang maging malapit siya sa mga tao niya. Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay hindi niya maiwasang balikan ang kanyang mga nakaraan. Carmito, Mito, working student, waiter...kulang nalang ay ang maging magkahawig siguro sila ng kanyang dating kaibigan.

"ok sige na, bumalik kana sa duty mo...basta kung may problema ka huwag ka mahihiya lumapit sa akin ha?" mabait na bilin ni Pola.

"salamat po madam Pola" tugon ni Mito.

"no...Pola nalang, tumatanda ako sa madam e hihi" pahabol pa ni Pola.

Ngiti ang nagsarado sa kanilang kwentuhan. Saglit na sumandal si Pola sa kanyang upuan, napatingin sa larawan ni Aeron at ni Itoy sa kanyang lamesa.

"siguro oras na talaga para ayusin ko ang natitirang gulo sa buhay ko..." bulong ni Pola.

Agad niyang kinuha ang telepono, tinawagan ang yayang kasama ng kanyang anak sa bahay.

"ya, pwede paki-ayos mga gamit ni Itoy bago ka umalis bukas? bibisita kasi kami sa lola niya sa probinsya" wika ni Pola.
 
itutuloya

No comments:

Post a Comment