Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 35

Part 35 Sa mga Ungol ni Vanessa

Tumigil si Vanessa sa pag-tsupa sa aking matigas na titi. Tila kasi nasabik siya sa aking suhestyon na kainin ang pekpek nya. Marahil first time niya itong mararanasan ng personal, maaari kasing napanuod na niya ang ganoong gawain sa internet o di kaya naman ay naranasan na niya ito sa pamamagitan ng bunganga ni Regina. Kaagad siyang umayos ng pwesto sa ibabaw ng sofa, pinaghiwalay niya ang dalawa niyang hita upang makita kong lubos ang kanyang pinaka-iingatang lagusan.

Ang mga manipis na bulbol ng dalaga ay hindi balakid para sa aking pagsisid. Masasabi kong sariwang sariwa ang paninda ng dalaga, mamula-mula pa ito at medyo basa na. Nakagitna ang kanyang mapulang puki sa pagitan ng kanyang maputing singit. Sinimulan ko muling paligayahin si Vanessa, inuna kong hinalikan ang kanyang bilugang biyas, sa binti niyang alaga sa wax at hindi kinakitaan ng anumang balahibo. Nagpatuloy ako sa paghimod sa kanyang mga binti papuntang hita na kay lambot at sing-kinis ng kanyang kutis sa dibdib.

"oohhh kuya....sooo goooddd... hihih!" pagsasaya pa niya bago ako lumapit na sa kanyang pwerta.

Hindi ko naman siya pinigilan sa lumalakas na niyang mga ungol at sigaw. Kami lang naman dalawa ang nasa loob ng condo at ang kalapit na unit ay sa kanila. Alam ko din naman na ang aming kapitbahay na isa ay wala dahil nasa Laguna. Halos maubos ang likas na halimuyak ng katawan ni Vanessa sa ginawa kong pagsimsim sa kanya. Ang malambot na kutis ng dalaga ay talagang nakakapagpawala ng tama ng alak.

"be careful kuya, ikaw pa lang makakakain dyan" bilin pa niya.

Tila inihanda na niya ang kanyang sarili para sa susunod kong gagawin sa kanya, ang pagkain sa kanyang puki. Bago ako dumako sa kanya mismong labi ng langit ay inuna ko na muna ang maputing singit ng dalaga, ang mga munting buhok sa kanyang hiyas ay tila nakakakiliti din sa aking mukha. Napansin kong nanginginig ng bahagya ang kanyang mga hita, tila kinakabahan siguro ang dalaga o di kaya'y nae-excite. Hindi ko na pinatagal pa, ako‎'y dumako na sa kanyang puki. Kung ano ang amoy ng kanyang mga suso kanina ay siya rin namang halimuyak ng kanyang pinaka-iingatang yaman. Ang kaunting katas sa butas ng kanyang lagusan ay parang sarsa sa aking kinakaing isda.

"ooohhh shiiiittt...uhhhhhmmmm kuyaaaaa oooooohhh..." mahabang ungol ng dalaga.

Napasabunot sa aking buhok ang dalaga habang ako‎'y nasa pagitan ng kanyang mga hita. Habang nakasubsob ako sa kanyang pwerta ay inabot naman ng isa kong kamay ang kanyang malusog na suso. Iginabay pa niya ito upang lubos kong masapo ang malambot niyang mga bundok. Nang mahawakan ko din ang kanyang utong ay tila matigas na ito dahil na rin siguro sa wagas na libog na kanyang nararamdaman dahil sa pagkain ko sa kanyang puki. Nakaupo ang dalaga sa aming sofa, ako naman ay nakaluhod sa carpet sa ibaba. Isinaklay pa niya ang kanyang isang hita sa aking balikat dahilan upang lalong bumuka ang kanyang hiyas na basang-basa na. Para akong asong ulol sa walang habas na pagdila at paghimod sa kanyang puki. Ngayon lang kasi ako nakatikim muli ng luto ng isang bata sa matagal na panahon.

"ahhh kuyaaaa...tamaa naahhh uuuhhhmmmm...ooooohhhh" pakiusap pa ng dalagang si Vanessa.

Tumigil ako at tumingala upang titigan siya, nagtama ang aming mga mata na parang naghihitayan kung ano ang susunod na hakbang. Muli ko namang hinagkan ang makinis niyang hita na nakasampay sa aking balikat. Ang lambot ng kanyang kutis ay sadyang kaaya-aya. Muling napa-ungol muli ng mahina si Vanessa. Hinimas at nilamas naman niya ang sariling suso at tiyak kong handa na siya sa susunod na hakbang ng aming mainit na pagsasalo.

"masarap ba?" tanong ko sa dalaga.

"oo kuya hihi! grabe nakakapraning! hihi!" sagot naman niya.

"gusto mo mas masarap pa?" tanong ko sa kanya.

Napaisip ang dalaga, alam kong alam niya ang aking tinutukoy, ang ipasok na ang aking titing matigas na kanina pa.

"uhm, what do you mean? six?" tanong niya na parang inosenteng bata.

"yup, kung ok lang sa iyo" sagot ko naman.

"eh kuya, hindi ba pwedeng oral na lang? hihi! natatakot ako baka mabuntis ako eh" paliwanag pa niya.

Dinukot ko sa bulsa ng aking hinubad na shorts ang biniling condom kanina. Ipinakita ko ito sa kanya at tila natawa pa ang dalaga. "hahaha! handa kana ngayon ha! hihi!" biro pa ni Vanessa.

"mas masarap ito kesa sa laruan nyo" dagdag ko pa.

Umangat ako mula sa carpet sa ibaba upang tabihan si Vanessa. Muli kong nilamas ang kanyang malusog na suso na kanya namang ipinaubaya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha upang ipaalam na gusto ko siyang halikan. Wala namang pagtutol muli mula sa dalaga at bahagya pa niyang ibinuka ang kanyang labi upang kami'y maghalikan. Marahang french kiss ang aming ginawa habang hawak pa rin ng aking isang kamay ay malambot niyang dede. Siya naman ay muling hinagilap ang matigas kong titi upang salsalin ito.

"uhmmm...oooohhhmmm..." mahinang ungol ni Vanessa.

Nang magkalas ang aming mga labi ay muli kaming nagtitigan, hinihintay ko ang kanyang go-signal upang kami ay magtalik na talaga. Tinignan niya ang aking ari na hawak pa rin niya at tila sinusukat ang kanyang kakayahan kung masasarapan ba siya sa tunay na sandata.

"ang laki ng titi mo kuya hihi! kaya ko kaya ito?" tanong pa ng dalaga.

"paano natin malalaman kung hindi natin susubukan" biro ko naman.

"may punto ka kuya haha! ikaw talaga! hihi!" sagot naman ng dalaga.

Siya na mismo ang nagsabi na iabot ko sa kanya ang karton ng condom upang buksan ito. "wow i can't believe we are doing this kuya" pabulong pa niya habang binubuksan ang isang sachet ng condom.

"kung di ka kampante wag na natin ituloy Vanessa" paalala ko naman. Ang paalala kong ito ay tila isang sugal, maaari kasing magbago ang kanyang isipan at hindi na ituloy ang aming pagtatalik. Subalit ito ang sadyang lumabas na salita sa aking bibig, ayoko kasing namimilit ng isang babae lalo na sa pagtatalik.

"ngayon pa? e bukas na itong condom haha! sayang naman kung hindi natin gagamitin" biro pa ng dalaga.

Napangiti na lang ako sa sinabing iyon ni Vanessa. Hinawakan niyang muli ang aking sandata at inihanda upang isuot ang condom. Halos nawala na ang aking tama, napalitan na ito ng libog na aming pinagsaluhan ng dalaga. Mas masarap man ang walang kapote o proteksyon ay tama na din ito dahil hindi ko naman lubos na kilala ang dalaga. Hindi man mararamdaman ng aking titi ang loob ng kanyang puki ay ayos na ito sa akin, ang importante ay natikman ko siya. Hinayaan ko siyang magmando sa aming gawain, alam naman niya ang susunod na gagawin dahil matapos niyang mailagay ang condom sa aking titi ay tumayo siya at akmang uupo sa aking harapan.

"ready kuya? hihi! sorry ha ngayon lang ulit ako makikipag-six sa tunay na lalake haha!" biro pa niya patungkol sa kanilang laruang titi ni Regina.

Sa aking pagkakaupo ay kumandong ang dalaga, hinawakan niya muna ang aking matigas na titi upang igabay ito sa bukana ng kanyang lagusan. Halos parehas ang itsura ng kanyang puki at ng kay hipag, sariwang sariwa at konti palang ang nakagamit. Napapikit pa si Vanessa nang maitutok na ang aking titi sa kanyang puki, dahan-dahan siyang bumaba upang maipasok hanggang gitna ang aking matigas na ari. Sa tulong ng lubricant ng condom ay mabilis namang nakapasok ang aking titi sa kanyang basa na ring puki.

"ahhhh shiiiittt....uuhhhhhhmmm sakit kuyaaa uhhhmmppp" ungol ni Vanessa.

Hinawakan ko siya sa kanyang bewang at iginabay sa kanyang pagkantot na ginagawa. Naroong abutin ko din ng aking nguso ang kanyang malulusog na suso sa aking harapan. Napayakap si Vanessa sa akin nang maisagad na niya hanggang puno ng aking titi ang kanyang puki. Sa pagkakayakap ay halos malunod ako sa pagitan ng kanyang mabilog na suso. Nagsimulang gumiling ang dalaga sa aking kandungan, alam kong nawawala na siguro ang unang sakit na kanyang naramdaman. Dito na inilabas ni Vanessa ang kanyang angking kakayanan sa pagkantot. Gaya ng sinabi ko noon kay Carina, bakit kaya iniwan pa siya ng kanyang BF kung ganito naman kahusay sa kantutan ang dalaga?

"ahhh...uhhmmm...ayos ba kuya? uhhhmmm" tanong pa niya habang umiindayog sa aking harapan.

"sarap Vanessa...uhhmmm.." sagot ko naman sa kanya.

Hinugot niya ang aking titi makalipas ang ilang saglit, pinahiga niya ako sa aming sofa dahil gusto daw niyang siya ay nakadapa sa aking katawan. Sinunod ko naman ang hiling ng dalaga. Muli niyang iginabay ng kanyang kamay ang pagpasok ng aking titi sa kanyang lagusan. Sa bawat pag-ulos niya ay siya ding pagkiskis ng kanyang katawan sa aking katawan. Ang kanyang malusog na suso ay naglalaro ngayon sa aking harapan. Ibinaba ko ng kaunti ang aking mukha upang sa susunod na pag-angat niya ay matyempuhan ko ang kanyang suso at halikan muli ito. Nag-enjoy ang dalaga, ganun din naman ako.

"oohhhhh kuyaaa ahhhhh...uhhhhmmmm" ungol muli ni Vanessa.

Mula pagkakadapa sa aking katawan ay umangat siyang muli, habang nasa cowgirl position ay kinuha niya ang aking mga kamay upang ipalamas muli ang kanyang dalawang mabilog na suso.

"lamasin mo pa kuya uhhhh...ooohhh...malapit na din ako kuya ahhhhh" bilin pa niya.

Pagkasabi niyang malapit na siyang labasan ay bumilis ng bumilis naman ang kanyang pag-indayog sa aking ibabaw. Muli siyang dumapa at nakipaghalikan sa akin, sa lamig ng panahon sa labas at kahit na may aircon ay nagsimula na kaming pawisan.

"oohhh kuya...uhhmmm...cum with mee kuyaaa Bogsss...ooohhh" ungol muli ni Vanessa nang siya ay nilalabasan na.

Hindi na rin nagtagal at halos mag-abot kami sa rurok ng kaligayahan ay pinalabas ko na rin ang aking tamod sa kanyang loob. Kampante ang dalaga dahil may suot naman akong condom. Manginig-nginig pa ang katawan niya habang nagpapahinga sa aking ibabaw. Magkasugpong pa rin ang aming mga ari nang kami‎'y muling naghalikan. Halikan na pagpapasalamat sa aming binigay na sarap sa isa't isa. Yumakap si Vanessa sa akin at muling nagpahinga.

"hugutin na natin" wika ko sa kanya nang maramdaman kong lumalambot na ang aking alaga. Baka kasi may makalusot pang tamod kapag pinatagal ko pa.

"kakapagod! hihi! di ko akalain kaya ko pala yan kuya!" biro pa ng dalaga.

Nagpaalam si Vanessa na maghuhugas muna sa aming banyo, ako naman ay inayos ko na din ang aking sarili. Tumagay akong mag-isa habang hinihintay ang dalaga. Ang dalagang tahimik dati ay tila isang sirena kung maka-ungol kapag siya ay katalik na. Paglabas ni Vanessa sa aming banyo ay naka-ayos na siya, suot na niyang muli ang maiksing shorts at ang manipis na sleeveless na pang-itaas habang ako naman ay naka shorts lamang. Muling dumulog ang dalaga sa aming inuman at desididong ubusin ang natirang tequila.

"kuya secret lang ha, wag mo sasabihin kay Regina na nakipagsix ako sayo" pakiusap pa ni Vanessa.

Noong una ay ako pa ang duda, alam ko kasing close talaga ang magkaibigan, alam kong nagsasalo sila sa iisang laruan, kaya hindi malayong mabanggit ni Vanessa sa kaibigan ang aming naganap na pagtatalik. Pero ganunpaman, may tiwala naman akong binigay sa dalaga, na wala talagang makakaalam ng aming pagsasama noong gabing iyon. Tila nawala naman na ang aking pagnanasa kay Regina, kahit hindi ko pa siya natikman ay parang mas masarap pa rin si Vanessa.

"oh tagay na ulit! hihi!" wika pa ng dalaga.

Halos naubos din namin ang biniling tequila, pinili na naming magpahinga na matapos ang ilang tagay pa. Gusto ko sanang katabi pa siya sa aming pagtulog pero pinili niyang lumisan na dahil baka daw maabutan pa kami ng aking asawa o di kaya'y ng kanyang kaibigang si Regina. Hinalikan kong muli ang dalaga bago kami naghiwalay, nilamas kong muli ang kanyang suso na malusog. Naramdaman niya sa aking suot na shorts habang kami ay magkayakap na tumitigas na naman.

"oh tama na muna kuya hihi! sa susunod nalang ulit!" masayang wika pa ni Vanessa.

Gusto ko pa sanang makaisa bago man lang kami magpahinga, pero sa kanyang sinabi na sa susunod nalang ay ayos na sa akin. Paniniguro niya ito na may susunod pa at hindi ito ang aming huling pagtatalik. Malugod kong sinunod ang hiling ni Vanessa, hindi ko na siya inihatid sa kanila baka hindi talaga ako makapagpigil ay makaisa pa ako sa dalaga. Nilinis ko ang aming pinag-inuman, siniguro kong walang ebidensyang makikita ang aking asawa dito sa loob ng aming condo kung saan may ibang babae na naman akong natikman.



itutuloy

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 34

Part 34 Habagat

Sa lakas ng buhos ng ulan at pagaspas ng hangin sa labas ay masaya kaming nag-inuman ni Vanessa. Tanging kami lang ang tao sa aming unit, wala ang kanyang kaibigang si Regina na mas masaya sana kung naroon noong gabing iyon. Wala din si hipag na sana'y aking kapiling sa ganitong pagkakataon.

"patingin nga ulit kuya?" hiling niya sa akin patungkol sa aking ari na minsan na rin niyang nakita at naisubo pa nga.

Siguro ay nasagad ko na ang antas ng kanyang pagpipigil upang mailabas na ang kanyang libog sa katawan. Dito ko napatunayan na kung anong tahimik niya noong una ay tiyak na sigurong maingay siya sa kama.

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 33

Part 33 Body Shots

Sa bawat palapag na na aming tinahak patungo sa aming condo unit habang nasa loob ng elevator ay siya ring unti-unting pagbilis ng tibok ng aking puso. Alam ko kasing mayroong mangyayari sa amin ng dalagang si Vanessa. Ano pa nga ba ang magaganap kapag nagsama ang babae at lalake sa harap ng alak. Patunay dito ang nangyari noong nakaraang linggo kung saan halos makantot ko na ang kaibigan niyang si Regina kung di lang sa kawalan ng proteksyon. Ang naging paksa naman kasi noon ay ang kalibugan nilang laruan na aking aksidenteng nakita sa pasimano ng kanilang bintana. Ang aking balak noong gabing iyon ay hindi ko mamadaliin, hawak ko ngayon ang oras, walang hinahabol na susunduin o anumang abala na dadating.

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 32

Part 32 The Encounter

Sa ikatlong araw ng aking pananatili sa malamig na syudad ay nagsimula na naman akong ma-excite. Ito na kasi ang aking huling araw dito ngayong linggong ito, maaari pa akong bumalik dito kung sasapit na ang ilang importanteng bahagi ng construction. Halos natapos ko na din ang aking isang obra na isinulat dito sa aking laptop. Tanghalian ay nagtungo ako sa Mahogany Market upang kumain ng mainit na bulalo kapartner ang inihaw na tawilis. Bumili na din ako ng mga pasalubong para sa aking pamilya. Dumaan muli ako sa aming site upang magpaalam sa aming foreman para sa aking paglisan. Hindi na ako nagpagabi pa at excited na din kasi akong makasamang muli ang aking mahal na asawa.

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 31

Part 31 O Pare Ko

Ayoko mang mapalapit muli sa aking lumang kaibigan, dala na siguro ng pagkabagot, pinili ko pa ring umalis muna sa aming construction site pag-dating ng hapon. Wala namang gaanong major step na magaganap at ang mga trabahador ay pagbabaluktot pa lamang ng bakal ang ginagawa, bukas pa kasi ulit ang susunod na pagbubuhos ng semento. Noong hapong iyon ay kasabay ang paglamig ng simoy ng hangin, sakto ito para magpainit. Sa mga ganitong panahon ay lalo kong namiss ang aking mahal na asawa, ganun din siyempre ang aking hipag na si Kat na laging naroon sa aming condo. Tumulak ako sa kapihang pinuntahan ko din kahapon, umupo sa halos dating pwesto at itinuloy ko ang aking ginagawang storya sa aking laptop.

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 30

Part 30 Meis Vitae Praeteritae

Sa SLEX pa lang ay nalungkot na ako, parang hindi na kasi ako sanay na mawalay sa piling ng aking asawa at siyempre sa aking hipag. Parang kulang kasi para sa akin ang paglalambing na isinusukli ko sa kapatid ng aking asawa, parang bitin. Gusto ko kasing ibalik yung dati, yung masayahin siya kahit anong oras kahit anong araw. Subalit wala naman na akong nagawa, dasal ko nalang na ang huling pagtatalik namin kanina ay sapat na upang muli ko siyang mapasaya. Ganunpaman ay kakaiba din naman ang aking naramdaman nitong nakaraang araw, lalo na noong gabing muli kaming nagkita ni Samantha. Para bang ibinabalik talaga ng tadhana ang aking nakaraan, sana lang ay yung mga magandang nakaraan lang dahil 


Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 29

Part 29 Sa Simoy ng Malamig na Hangin


Matapos kong maihatid ang aking kaibigang si Samantha ay kaagad naman na akong dumiretso pauwi ng aming condo. Sa bawat kilometro ng aking paglalakbay pabalik ng aming bahay ay isa-isa kong iniwan ang masasayang alaala ng aking matalik na kaibigan. Hindi kasi pwedeng manatili dito sa aking puso at isipan ang aming alaala, siguro yung fact na ako ang naka devirginized sa kanya ay talagang nakatatak na. Pero ang maaaring mabuong pagtingin mula noon pa ay hindi na tama. Kilala din naman ng aking asawang si Angel ang aking kaibigang si Samantha, na-meet naman niya ito noong mga huling buwan ko sa dati naming kumpanya. Syempre, dahil sa hindi naman 


Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 28

Part 28 Farewell to You My Friend

"We used to be frightened and scared to try
Of things we don't really understand why,
We laugh for a moment and start to cry
We were crazy..."


Ito ang linya sa kanta na tumutugtog sa isang music channel sa telebisyon nang ako'y magising mula sa pagkakahimbing. Isang kanta na tila umakma sa aming dalawa ni Samantha. Oo nga at muli kaming nagkita makalipas ang halos limang taon, muli naming sinariwa ang mga matatamis naming nakaraan. Kahit na kami'y magkaibigan lang, kahit tanungin nyo pa sa kanya ay siguradong ako ang lamang. Pero kailangan pa rin naming harapin ang katotohanan, parehas na kaming may asawa. Ganunpaman ay nagawa pa rin 


Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 27

Part 27 Ang Aking Mabuting Kaibigan

"Bogs tol na-miss mo ba?" mahinang tinig ni Samantha habang papalapit ang isang branch ng aming dating paboritong motel.

"oo naman tol na-miss din kita" wika ko naman.

"no, the deed tol, na-miss mo ba? o nakalimutan mo na yun ano ko?" tanong niyang muli.

Mapangahas ang tanong ni Sam nang sandaling iyon. Tila muli na niyang binubuksan ang pintuan ng kanyang sinapupunan. Tinitigan ko siya habang usad pagong pa rin ang mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA.

"oo naman tol, i hope masikip pa rin yan hehe" biro ko pa na may halong pagbabadya.

"take the next u-turn" utos ni Samantha.

Ang motel ay nasa kabilang bahagi ng EDSA kung patungo ka ng Monumento, bago sumapit ang isang mall sa North EDSA ay may u-turn slot upang marating mo ang naturang motel. Nag-swerve ako sa bandang kaliwa upang paghandaan ang pagbalik ko sa kabilang linya patungong motel. Tahimik kaming dalawa, ganito pala ang feeling ng dalawang magkaibigan na may nakaraan at ngayo‎'y balak sariwain. Napahawak sa aking kamay ang aking kaibigang si Samantha. Bumulong siya at muling nagtanong sa akin.

"tell me if ok pa rin sa'yo ang ganito Bogs tol" wika niya.

"what are friends for?" maikli kong sagot sa kanya.

Medyo awkward ang sandaling iyon para sa akin, o maging sa kanya na rin siguro. Dahil sa matured na kaming pareho, tapos na ang mga masasayang araw namin kung baga, parehas na kaming may asawa. Ngunit ang advantage ko na ako ang nakauna sa kanya ay ang siya sigurong naging daan upang muli kaming magkayayaang magtalik. Bago kami makaliko sa u-turn ay kinuha ni Samantha ang kanyang cellphone, nagtext siya nang medyo mahaba, siguro ay para sa kanyang asawa na naiwan sa kanilang bahay.

"ano nga pala number mo tol?" tanong ko naman.

"dati pa rin tol, ikaw nagpalit kana e" sagot naman niya.

Nagpalit talaga ako ng aking numero mula ng makilala ko ang aking maybahay ngayon. Tinalikuran ko na kasi ang aking nakaraan nang magtagpo ang aming landas ni Angel. Kasama sa aking natalikuran ay ang aking matalik na kaibigang si Samantha. Hindi ko naman sinabi ito sa kanya dahil alam kong masasaktan siya, ginawa ko din iyon dahil noong magseryoso kasi ako sa aking asawa ay ayoko na talagang maglaro pa. Pero ganun din pala, eto pa nga ngayon at kasama ko na mismo ang isa sa aking na-donselya. Nagpalusot na lamang ako na nawala ang aking cellphone dati kaya't di ko na nagawang makontak pa siya. Muling ibinigay ni Samantha ang kanyang numero, akin itong isi-nave sa aking cellphone.

Pumarada ako sa ilalim na parking area ng naturang motel, mabilis naming narating iyon dahil hindi ganoon ka tindi ang traffic pabalik ng Makati. Agad namang kaming in-assist ng gwardya na naroon sa ibaba, medyo puno pa nga ang parking area dahil siguro sa madami din nagpasyang tumigil dito dahil sa sama ng panahon, o "ganda" ng panahon upang magniig.

"sir wala pa pong available na de-luxe room, meron sir executive room" wika sa akin ng babae sa reception ng motel.

Pinili ko na lang ang mas mahal ng kaunti na kwarto, kapag hinintay ko pa kasi ang mas mura ay baka gabihin pa kami at ang aking hipag ay magduda. Matapos kong magbayad ng renta, inakay ko si Samantha papunta sa elevator. Itinuring ko siyang aking kasintahan, ipinadama ko sa kanya ang importansya na malamang na aking nakaligtaan noong panahong kami'y magkatrabaho pa. Naging sweet din naman siya sa akin. Niyapos niya ang aking braso habang sakay kami ng elevator. Ang tagpong ito ay hindi malayo sa aming nakaraan, lalo na kapag araw noon ng sweldo ay tiyak na laman kami ng motel.

"anong number ng room tol?" tanong pa niya.

"402 doon oh" sagot ko naman.

Madali kaming nakapasok sa magandang silid ng isang di-gaanong pamosong motel dito sa Kamaynilaan. Binuksan ko ang ilaw, maging ang telebisyon. Si Samantha naman ay kaagad kinuha ang puting tuwalya at naghanda na upang maligo. Sa liwanag ngayon ng ilaw ay lalo ko nang napagmasdan ang kanyang katawan. sixy pa rin si Samantha, malinamnam pa rin ito sigurado. Inalis ni Sam ang pugong ng kanyang buhok, hinubad ang t-shirt na aking pinahiram, at maging ang palda niyang suot. Ngayon ay naka bra at panty na lamang ang aking kaibigan. Tila napako ako sa pagkakaupo dito sa gilid ng kama, pinagmasdan ko ang kanyang mahubog na katawan.

"shower lang ako tol ha" paalam pa niya.

Hindi ako nakasagot, parang natuyan ako ng laway. Hindi naman na asiwa si Sam na ilantad sa aking harapan ang kanyang makinis na katawan. Medyo lumaki pa nga ang suso ni Sam sa aking tantsa, di ko alam kung mas bumilog dahil lang sa suot niyang bra. Isinampay ni Samantha ang hinubad niyang damit sa silya na katabi ng isang maliit na lamesa. Hindi naman ako niyaya ng aking kaibigan upang samahan siyang magshower, parang wala lang sa kanya at tumalikod na siya at nagtungo sa banyo. Bawat galaw niya ay aking pinagmasdan, napansin ko ding hindi niya ni-lock ang pintuan ng banyo. Isa itong paanyaya kung tutuusin, kung sa bagay naisip ko pa, bakit ba kailangan ng kandado ng banyo sa loob ng isang motel? Sa tingin ko'y di naman ito kailangan dahil magsyota o mag-asawa lang naman ang laging pumupunta dito.

Nagtanggal ako ng aking sapatos na medyo nabasa din dahil sa ulan. Nahiga ako sa kama at binuksan ang tv habang naghihintay. Nang akin namang silipin ang aking cellphone ay may isa akong mensaheng natanggap. Galing kay Carina.

"kuya nanjan b c Kat?" text ng dalaga.

Kaagad kong sinagot ang text message ng dalaga. Sinabi kong wala ako sa aming condo at nasa labas pa ako. Ilang saglit pa ay kaagad siyang nagreply.

"e nsan k kuya?" tanong ng dalagang si Carina.

Sa mga sumunod pang mensahe ng kaibigan ng aking hipag ay alam ko nang hinahanap niya ang kalinga ko. Marahil dahil gusto na niyang bumawi sa pagkabitin noong nakaraang gabi. Nagtiis kasi si Carina at hinayaan lamang niya na si Katherine lamang ang aking makantot nang sila'y magkasama. Nanghihinayang man ay sinabihan ko siya na hindi ako pwede sa kanyang hiling dahil nga nasa convention pa ako palusot ko. Hindi na muling nagtext ang dalaga, sakto namang paglabas ni Samantha sa banyo. Sa muling pagkakataon ay namangha ako sa babaeng aking nadonselya.

"oh? bakit nakadamit ka pa?" masungit na biro ng aking dating kasamahan.

Nakatapis lamang si Sam nang matapos siyang maligo sa mainit na shower. Bitbit niya ang kaninang suot niyang bra at panty, inilapag nya ito sa lamesa at nagtungo sa aking kinaroroonan.

"nahihiya ka yata tol ha? haha! gusto mo ba o magbibihis na ulit ako?" wika pa niya.

"no hindi, hehe, ang ganda mo pa rin Sam tol" bati ko naman sa kanya.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Samantha, pagtabi niya sa akin sa kama ay dinakot na niya kaagad ang aking titi. Naglapat ang aming mga labi, muli kong nahagkan ang kaibigan kong minsan ko nang iniwan. Ang espiritu ng alak sa aming hininga ay muling humalimuyak sa bawat palitan namin ng laway. Masarap at lalo pang sumarap humalik si Sam, beterana na ika nga. Pilit niyang pinahubo ang aking suot na pantalon, kasunod nito ang aking damit. Sabik na sabik si Samantha, tunay ngang na-miss niya ang aking presensya.

"uhmm...umppp..." mahinang ungol niya.

"let's do it?" tanong pa niya matapos maghabol ng hininga.

Hawak na ngayon ni Samantha ang aking nagsisimula nang tumigas na sandata. Marahan niya itong sinasalsal kagaya ng kanya ginawa sa akin noong una pa. Ang makinis na palad niya ay sakto sa aking pandama, banayad at malambot na kamay. Nakatapis pa rin siya ng tuwalya, nagtanong akong muli sa kanya.

"wala ako dala condom tol..." wika ko sa kanya.

"duh? parang hindi natin to ginawa dati!" sagot niya.

Kaagad siyang tumungo sa aking titi, nakahiga ako sa kama at siya naman ay nakayuko sa aking pundya. Hindi ako kumilos, hinayaan ko lang ang kanyang ginagawa. Hindi pa rin naaalis ang tapis niya habang siya ay magsimula nang tsumupa.

"parang lumaki tol ha?" bati pa niya bago tuluyang isubo ang aking sandata.

"glurrkk...uhmmmppp..slurrrpp" ungol pa niya.

Sinimulang kong ilibot ang aking isang kamay, sa likuran niya pababa sa puwitan. Lalong naging malambot at makinis ang pandama ko sa kanyang kutis dahil kaliligo lamang niya. Hindi maputi si Sam, pero hindi rin naman maitim, ito yata yung tinatawag na morena. Hindi naman nagtagal ay tumigil din siya sa kanyang ginagawa, muling tumungo sa aking mukha at hinalikan pa niya ang aking dibdib.

"tol, dahan dahan ulit ha? gaya dati para masarap..." bilin pa niya.

Pumatong sa akin si Sam, nakaupo siya ngayon sa aking tiyan at unti unting inalis ang nakatapis na twalya. Makalipas ang halos limang taon na hindi pagkikita ay eto nang muli ang katawan ng aking matalik na kaibigan. Bumuyangyang sa aking harapan ang malusog na suso ni Samantha, ang light brown niyang utong ay talagang kayganda. Kaagad kong sinalo ang dalawang bundok niya at hinimas na parang bola.

"tol ang sixy mo pa rin, na-miss ko itong suso mo" paliwanag ko pa.

"nababaliw nga asawa ko dyan haha!" biro pa niya.

Pagtingin ko naman sa bandang ibaba, nakalapat ang kanyang puki sa aking tiyan. Hindi talaga nag-aahit itong si Sam kahit noon pa, pero nag-gugupit naman siya para hindi mukhang gubat. Gusto ko sanang kainin ang kanyang kaselanan pero inunahan na niya ang aking balak. Itinutok na niya kaagad ang aking matigas na titi sa kanyang lagusan, hindi na ako kumontra sa kanyang kasabikan.

"shit tol ang laki talaga, i can't imagine dati nakapasok ito sa akin haha!" wika pa niya.

Dahan-dahan ay bumaba si Samantha sa aking matigas na titi, una ay ulo lamang ang nakapasok, pero di nagtagal ay naisagad din niya. Ako naman ay hindi pa rin nakabitaw sa kanyang malusog na suso, niyaya ko siyang dumapa na sa akin para naman madama kong muli ang malambot niyang katawan. Sumunod naman siya, humalik sa aking leeg at muling humalinghing.

"ooohhh Bogart...uhmmmm...ahhhhhh...ang sarap talaga tol kooohhhh" ungol ni Samantha.

Sa bawat pag-ulos niya sa aking ari ay parang naibalik namin ang nakaraan, ang unang pagtatalik namin. Tila kaysikip pa kasi ng puki niya, parang hindi madalas gamitin ng kanyang asawa. Niyakap ko si Sam habang siya ay nasa aking ibabaw. Muli kaming naghalikan, naglaban ang aming mga dila, palitan ng laway. Ilang sandali pa ay muli na naman siyang umangat. Habang pinagmamasdan ko ang magandang katawan niya ay sinasabayan pa niya ng pag-giling ng kanyang balakang.

"do you like it? uhhhmmm...ooohh..." sambit pa niya.

Tumango lamang ako at inenjoy ang bawat sandali ng aming pagtatalik. Nagpalit kami ng pwesto, gusto ko naman ay ako sa ibabaw. Pero nabigla naman ako nang hilingin niya ang kantutan na parang aso. Mula sa kanyang likuran ay pinasok kong muli ang kanyang basang lagusan. Sinampal-sampal ko pa ang kanyang tumbong na makinis habang muli siyang umungol.

"sagad mo pa tol Bogs...oohhh...uhhm...inside me architect Bogart...ooooohh..." tuso pa niya.

Sinalo kong muli ang kanyang malusog na suso mula sa aking pwesto. Pinisil-pisil ko ang munting utong niya para siya ay makiliti pa.

"Bogs tol bilisan mo ng konti, lalabasan na akoooo...ooohhhh.." hiling pa niya.

Lalo akong ginanahan sa mga trash talk ni Samantha, para tuloy akong artista sa isang bombang pelikula. Mula sa dogstyle posistion ay napadapang tuluyan si Samantha sa kama nang siya ay labasan na. Malakas ang hingal niya nang marating ang unang orgasmo. Dumapa din ako sa kanyang likuran upang pupugin siya ng halik, sa batok, sa likuran, sa pisngi.

"grabe Bogs, wala kang kupas! haha!" wika niya.

Hinugot ko ang aking matigas pa rin sandata, tumihaya siya matapos ang ilang segundo ng pamamahinga. Ibinuka niya ang kanyang mga hita upang bigyang daan ang muli kong pagpasok sa kanyang pwerta. Hindi ako nakatiis, bago ko pa man muling pasukin siya ay sumubsob akong bigla sa kanyang puki. Kahit na may manipis na buhok sa paligin ng kanyang lagusan ay kita ko pa rin naman ang mapulang labi ng kanyang puki. Dinilaan ko ito at hinalikan, sinipsip at talaga namang amoy pinipig.

"aaahh! Bogs! ooohhhh! wag ganyan tol ooohh!" di mapigilang sigaw ng aking kaibigan.

Halos masabunutan niya ako sa aking ginawang pagkain sa kanyang puki. Kaya naman hindi na rin ako nagtagal at pinasok ko na ang aking titi na matigas pa rin. Isinaklay ni Samantha ang kanyang mga binti sa aking balakang, dumapa ako upang madama kong muli ang malulusog niyang suso sa aking katawan. Nakakandado ang aming titigan, ang hininga niya ay naaamoy ko habang magkalapit ang aming mga mukha.

"uhmm...Bogs...uhmm...ang sarap talaga! ooohhh" wika niyang muli.

"tol malapit na din ako..." sabi ko naman.

"ooohhh.. tol...uhmmmm..sa loob mo iputok...uhmmmm..." hiling pa niya.

Walang takot si Samantha na maaari siyang mabuntis, pero may tiwala naman ako sa kanya na safe siya kaya pinahintulutan niyang sa loob ng kanyang puki ako magpalabas ng aking malapot na tamod. Bihira namin itong nagawa dati, kadalasan ay may condom kami noon at withdrawal method. 

"oohhhh....aaahhh....uhmmmmmm" ungol ko nang aking iputok sa loob ng kanyang kaselanan ang aking katas ng kalibugan.

Parang nag muscle control pa siya dahil feeling ko ay parang iniipit ang aking titi sa loob ng kanyang puki. Nagyakap kaming muli at naghalikan, ilang segundo naming ninamnam ang bunga ng aming kaligayahan. Mula sa kanyang ibabaw ay bumaling ako upang kami ngayon ay magkaharap sa ibabaw ng kama. Nanatiling nakapasok ang aking alaga sa loob ng kanyang puki sa kanya na ring kahilingan.

"hope nag enjoy ka Bogs..." lambing pa niya.

"ikaw din tol Sam...ang sarap mo parin!" wika ko naman.

Makalipas ang halos isang oras, kasama ang kantutan at pahinga. Naidlip kami saglit at nang muling magising ay tinig niya ang aking narinig.

"tol Bogs, ano uwi na tayo o isa pa?" wika niya.



itutuloy

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 26

Part 26 Highway 54

Isang oras ang lumipas at ilang bote pa ng alak ay nagdesisyon na din na uuwi na daw ang aking dating kasamahang si Samantha. Ayoko pa sanang matapos ang gabing iyon dahil sa noon lang kami muling nagkita matapos ang ilang taon. Madami naman kaming kakilala at ka-batch sa convention na iyon pero tila pinagtagpo talaga kami ng tadhana at itinalagang maging magkapareha that night. Kaya naman ang mga alaala na aming pinagsaluhan dati ay naging sariwang muli. Nalimutan ko ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw at napalitan ng mga imahe ni Samantha sa aking isipan.

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 25

Part 25 Pinagbuklod na mga Arkitekto ng Pilipinas
Tahimik kaming naghapunan linggo ng gabi, salu-salo naming kinain ang nilutong ulam ng aking hipag. Bihirang magluto ang kapatid ng aking asawa, pero napakasarap naman talaga nito, swerte talaga ang makakabihag ng kanyang puso. Dahil sa maliit at pang apatan lamang ang aming lamesa, minarapat nang tatlong dalaga na sa sala na lamang maghapunan. Kami naman ng aking asawa ay pigil ang mga ngiti dahil alam naming narinig nila ang aming mainit na pagtatalik kanina lamang tanghali. Kung sa aking asawa ay ayos lamang o trip nya lang ito ay ok na din sa akin.

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 24

Part 24 Ang Punong Himpilan

Mag-aalas onse na ng umaga nang ako'y muling nagising. Nagising ako sa lambing na talaga namang hindi ko matatanggihan, ang mga lambing na sadyang ganap na para sa akin at itinakdang magpaligaya sa aking sangkatauhan. Ang babaeng gumising sa aking nagpapahingang katawang lupa ay walang iba kundi ang tanging laman ng aking puso. Matagal nang natutunan ng aking asawa, na sinabi ko na rin naman sa kanya, ang tamang pag-gising sa akin kung sakaling siya ang magyaya. Ito ay ang hubuan na niya ako kaagad, isubo ang aking burat, hanggang sa ito'y tumigas at ako'y tuluyang mamulat sa ulirat.

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 23

Part 23 Tunay na Magkaibigan

Mahina ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng dalawang dalaga. Kapwa nila alam na kapag nagising ang aking asawa ay tiyak na magkakaroon ng giyera. Tanging si Kat lamang kasi ang alam ni Angel na nakakatalik ko bukod sa kanya. Hindi alam ni misis na hindi lamang bestfriend ni Katherine ang bisita niya, kundi akin ding kasiping. Mabilis namang nakaraos ang aking hipag, kanina pa kasi habang nanunuod sila ay niroromansa na siya ng kanyang kaibigang si Carina. Kaya naman nang pumatong na si Kat sa aking titi ay talaga namang basang-basa na ang kanyang puki. Ilang indayog lamang at mahihinang ungol ay kaagad din siyang nilabasan.

Inalok naman ng aking hipag ang kanyang bestfriend na si Carina upang ipagpatuloy ang nabitin kong pagnanasa. Dahil sa maaaring abutan kami dito sa sala ng aking asawa ay mabilis nagparaos ang aking hipag, hindi ko naman ito nagawa dahil ganito talaga ako kapag nakainom, lalo pa't nakaraos na rin ako kanina nang ako'y tsupain ni Regina. Pagkahugot ni Katherine ay nasadlak siya sa tabi ko dito sa sofa, katabi niya ang dalagang si Carina at tila hinihimas pa niya ang tiyan at puson ng aking hipag habang nagpapahinga.

Hindi naman ako pinabayaan ni Carina, nakita niyang matigas pa rin kasi ang aking ari nang iwan ito ni Katherine. Halos may latak pa ng katas ni Kat ang katawan ng aking titi, hindi naman ito alintana para kay Carina, kaagad din niyang hinawakan ng kanyang malambot na palad ang aking matigas na sandata. Sinalsal ni Carina ang aking ari, marahan at sensual. Tumitingin pa ito sa akin habang siya ay nakaluhod sa aming carpet at nasa pagitan ng aking mga hita.

"tagal ka pa ba kuya?" bulong ng dalaga.

"upuan mo na Carina..." hiling ko sa kaibigan ni hipag na ibaba na rin nya muna ang pinahiram na shorts ni Kat upang ipasok ko na din sa kanyang puki ang aking matigas pang titi.

Umalis saglit si Kat upang maghugas sa banyo. Iniwan kaming dalawa ni Carina dito sa sofa na talaga namang wala nang kawala kung sakaling magising at lumabas ang aking asawa.

"di pwede kuya, nandyan lang si ate sa kwarto diba?" paliwanag ni Carina.

Gusto ko sanang pwersahin si Carina noong mga sandaling iyon. Kabisado ko na kasi ang aking katawan, na kapag ang dalaga ang aking katapat ay hindi ko mapigilan ang aking libog. Pero sa isang banda ay naisip ko din na tama si Carina, hindi ko pwedeng isugal ang tiwala ng aking asawa.

"hand job nalang kuya, gusto mo ba mahuli tayo ni ate Angel tapos hindi mo na ako matikman sa susunod?" pahabol pa ng dalaga.

Gustuhin ko man ay wala akong magawa, alam ko namang magaling gumawa ng plano si Carina kaya't ipinagpaliban ko nalang muna ang libog para sa kanya. At sigurado din akong hindi lilipas ang isang araw na hindi niya ako kokontakin dahil isa rin siyang babaeng hindi makapagpigil. Umangat si Carina mula pagkakaluhod, hawak pa rin ang aking ari ay lumipat siya dito sa aking tabi. Hindi lang naman handjob ang napala ko sa dalaga, sa kanya kasing pagkakaupo at pagtabi sa akin ay nagawa naming maghalikan. Alam na alam na niya talaga ang aking mga hilig, hindi siya pokpok o kabit na six lang ang habol, magaling din talaga siyang maglambing.

"hindi pa tapos si kuya?" pabulong na tanong ng aking hipag na si Katherine matapos siyang manggaling sa banyo.

"hindi pa friend eh...sayang kung tayo lang ang nandito..." pahaging pa ni Carina.

Kinuha ng Carina ang aking isang kamay upang ilapat sa mga suso niya, hinayaan niyang lamasin ko ang mga malusog niyang alaga upang mapabilis ang aking rurok ng ligaya. Hindi naman ako nakuntento at ipinasok ko sa loob ng medyo maluwag na damit at sa ilalim ng kanyang bra. Dito ay dinama kong muli ang makinis na kutis ng kanyang isang suso maging ang nakatayo na pala niyang utong. Dahil sa aking ginawa ay muling napahalik sa aking mga labi ang dalaga.

"uhhmmmm...kuya wag masyado..ooohhhmmmm...di tayo pwede all the way ngayon..." bulong at sabay ungol pa ni Carina.

Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis dahil sa ayaw niyang magpakantot noong gabing iyon. Naaawa ako dahil alam kong mataas na din ang antas ng kanyang libog, alam ko ito dahil sa mga halik pa lamang niya ay halos malipat na ang aking laway sa kanyang bibig. Naiinis naman ako kung bakit ba libog na libog na din siya at ako naman ay bitin na bitin ay ayaw pa niyang pasukin ko ang kaselanan niya.

"kuya, isubo ko na yan ha, tapos lalabasan kana dapat..." hiling ni Carina.

"kung ipapasok natin sa pussy mo mas mabilis" suhestyon ko naman baka sakaling magbago ang isip ng dalaga.

"red flag..." maiksing sambit niya at tumungo na sa aking pundya upang ako'y kanyang tsupain.

Dito ay naunawaan ko na ang dahilan ng dalaga. Nagtalik na din kami minsan kahit may buwanang dalaw siya, yun nga lang ay sa bahay nila at sa may banyo pa. Hindi namin ito pwedeng gawin dito dahil kung magising nga naman ang aking asawa ay parehas kaming nasa banyo ay hindi tama. Kung dito naman mismo sa aming sofa ay baka naman matalsikan pa ang aming carpet o anumang pwedeng mamantsahan. Napasandal nalang ako sa sofa at hinayaang gawin na lamang niya ang dapat.

"hindi mo naman sinabi agad, nireserba ko pa naman ang lakas ko sayo hehe" biro ko naman sa kanya.

"ayos lang kuya, next time" sagot naman niya.

"bilisan nyo na guys..." sabat naman nitong si Katherine.

Pinalapit ko ang aking hipag sa akin, habang nasa aking ibaba ang dalagang si Carina at ako‎'y kanyang tsinutsupa. Pinalapit ko ang kapatid ng aking asawa upang muli ko siyang hagkan. Nilamas kong muli ang mga suso ng aking hipag na wala nang suot na bra, tanging sandong puti na lamang ang suot niya na natural at madalas niyang suotin kapag narito sa  loob ng condo namin.

"kuya cum on my mouth ok? don't bother taking it out" paalala pa ni Carina sa akin.

Ang pagsubo ng titi ko ni Carina ay hindi parang mga napapanuod ko sa mga porn movies. Marahan at banayad ang pagtsupa ni Carina, halos parehas sila ni Kat gumawa nun. Naroong laruin pa ng kanyang dila ang ulo ng aking alaga, habang ang isang kamay naman niya ay nakasapo sa aking bayag. Ilang saglit pa ay naramdaman ko nang ako ay lalabasan na. Gaya ng bilin ng dalaga, huwag ko daw hugutin sa kanyang bibig ang aking titi at sasaluhin niya ang aking tamod bilang gatimpala.

"ummm...uhmmmmm..." pigil kong ungol nang ako'y nagsimulang labasan.

"gulk...gulkk...uhmmmp..." ungol ni Carina habang patuloy pa rin siya sa pagtsupa sa aking sandata habang ako'y nilalabasan na.

"nice friend...di ko kaya yan hihi!" biro pa ni Kat sa kaibigan niya.

Sa sinag ng TV na dumadapo sa kanyang mukha ay makikita kong namumula ang dalaga. Siguro ay halos mabilaukan na siya, bihirang gawin ito sa akin ni Carina, pangatlong beses palang yata. Kung hinahayaan niya akong labasan dati sa kanyang bibig ay kaagad naman niya itong iniluluwa, pero sa pagkakataong ito ay halos lunukin niyang lahat ang lumabas sa aking alaga.

"sigh! wow that was plenty kuya! hihi" wika ni Carina matapos masimot ang aking tamod.

Totoong hindi niya hinyaang mamantsahan ang aming carpet kahit isang patak lang, hindi naman siya makakapag salita na may laman ang kanyang bibig kaya't sigurado akong nilunok niyang lahat ang tamod na lumabas sa akin. Kaagad namang nagtungo si Carina sa may kusina, nagmumog ang dalaga at ako nama'y dumiretso sa aming kubeta upang linisin na rin ang aking alaga.

"may popcorn nga pala dyan gusto mo friend?" alok ng aking hipag sa kanyang magandang kaibigan.

Tinutukoy ni Katherine ay ang microwavable na popcorn na nabili namin noong isang linggo. Tumango lang si Carina at nagtungo naman kaagad si Kat sa kusina upang ihanda ito. Mukhang wala pang balak matulog ang dalawa, pinalitan pa kasi ni Kat kanina ng ibang palabas ang DVD. Ako naman ay nakaramdam na ng pagod at antok kaya't minarapat ko nang magpaalam sa dalawa.

"Kat kayo na bahala dito ha, magpapahinga na ako sa loob" paalam ko sa aking hipag habang abala sa pag hahanda ng kakainin nila.

"uhm, Carina, ok ka lang ba?" tanong ko muna sa dalaga.

"oh yes kuya, im ok...no worries" sagot naman niya.

Ayoko kasing nabibitin ang isang babae, lalo na si Carina. Pero sigurado akong babawi talaga siya sa ibang pagkakataon. Nilapitan ko muna siya at hinalikan sa pisngi upang magpaalam ng magandang gabi.

"you owe me one kuya Bogs...hihi" bulong pa ng dalaga.

Pagpasok ko ng aming silid ay tila nakangiti pa ako. Kung makikita siguro ako ng aking asawa ay pagkakamalan pa akong nahihibang na. Tumabi ako sa aking magandang asawa, nakatagilid siya at nakaharap sa aking anak sa kabilang gilid ng aming kama. Ang puwit niya ang naka-umang sa akin, kung siguro gustuhin ko ay pwedeng-pwede ko itong pasukin, ibaba ko lang ng bahagya ang suot niyang pajama ay lantad na ang kanyang pwerta. Kahit na mag-asawa na kami ay hindi nagbabago ang pagnanasa ko sa kanya. Pero dahil na rin sa alam kong pagod ang aking asawa ay hindi na ako nangahas pang romansahin siya. May bukas pa naman para sa kanya at alam kong sabik na din siya sa akin dahil ilang araw na din kaming hindi nakapagtalik.

Kinabukasan ay maagang nagising ang mga babae, si Kat, si Carina at ang aking asawang si Angel. Narinig ko nalang silang nagkukwentuhan sa kabas ng aming silid kasama na rin ang aming anak. Dahil sa pagod ko ay hindi pa din ako bumangon at muli akong nakatulog, halos magtatanghalian na ng ako'y muling nagising noong araw ng Linggo.

"Bogs babe gising nah..." malambing na tinig na aking narinig nang aking imulat ang aking mga mata.

"good morning babes..." sagot ko naman sa aking magandang asawa.

Kakaligo lang pala ng aking asawa, medyo basa pa kasi ang kanyang buhok na mahaba. Muling kuminang ang natural na ganda ng aking asawa na medyo hawig pa sa isang sikat na artista. Kung kahapon ay parang lantang gulay na siya dahil sa pagod sa trabaho, ngayon naman ay parang bagong aning gulay na sariwang sariwa.

"pagod ka pa ba babes?...gising nah..." muling wika niya.

"nasaan si baby? sila Kat?" tanong ko pa.

Alam kong may balak ang aking asawa gaya ng naisip ko kagabi, sabik siya sa akin. Kaya naman tinanong ko kung nasaan ang ibang tao sa loob ng aming condo.

"kahit nandyan pa sila sa labas, asawa naman kita, kung kelan ko gusto masusunod..." tusong sagot ng aking asawa.



itutuloy

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 22

Part 22 Ang Kalinga ni Hipag

Nakapag-pahinga naman ako ng maayos matapos akong maligo muna bago matulog noong hapon na iyon. Buti nalang at naroon ang aming yaya upang bantayan ang aming anak. Umuulan pa rin sa labas pero mahina nalang naman. Matapos ang dalawang oras ng pag-idlip ay kahit papano'y napalitan na ang nawala kong lakas kanina lamang. Kahit na may ilan pang baha sa kalsada ay pinilit ko parin na sunduin ang aking asawa, alam ko kasing pagod siya dahil sa magkasunod na duty gawa ng bagyo. Pauwi kami ay tulog na tulog si Angel sa aming sasakyan, gayun din naman ang pagdating ng text message ng aking hipag.

Tagalog Sex Stories - "HOTEL" Part 21

Part 21 Nakuntento sa Tsupa

Sa ginawang paglabas-masok ng aking titi sa loob ng bibig ni Regina habang siya ay pinapasok ng laruang sandata na ginagawa naman ni Vanessa ay naalala ko ang isang babae na minsan nagpaligaya din sa akin sa pamamagitan ng pagtsupa. Ito ay sa katauhan ni Jean na isang marketing agent ng isang tanyag na produktong pangbakal. Sa lubos na libog at pang-aakit niya sa akin upang tangkilikin ko ang kanilang produkto ay inialok niya ang sariling dangal, yun nga lang ay sa pamamagitan lang ng isang masarap na blowjob.