Part 30 Meis Vitae Praeteritae
Sa SLEX pa lang ay nalungkot na ako, parang hindi na kasi ako sanay na mawalay sa piling ng aking asawa at siyempre sa aking hipag. Parang kulang kasi para sa akin ang paglalambing na isinusukli ko sa kapatid ng aking asawa, parang bitin. Gusto ko kasing ibalik yung dati, yung masayahin siya kahit anong oras kahit anong araw. Subalit wala naman na akong nagawa, dasal ko nalang na ang huling pagtatalik namin kanina ay sapat na upang muli ko siyang mapasaya. Ganunpaman ay kakaiba din naman ang aking naramdaman nitong nakaraang araw, lalo na noong gabing muli kaming nagkita ni Samantha. Para bang ibinabalik talaga ng tadhana ang aking nakaraan, sana lang ay yung mga magandang nakaraan lang dahil
baka hindi ko matanggap kung isama pa yung pangit na alaala.
Sa saliw ng musika sa aking car stereo ay sari sari ang aking mga binalikan. Dala ang aking laptop at ilang damit na pangtatlong araw ay madali ko namang narating ang Tagaytay. Medyo maganda naman ang panahon dito sa Tagaytay kumapara sa Manila na medyo maulan pa nang ako'y lumisan.
"arkitek Bogs! ang aga nyo yata hehe" bati sa akin ng isang foreman para sa aming project.
"ok lang yan para di gaanong nagmamadali" sagot ko naman dahil alam ko ay mamayang gabi pa uumpisahan ang buhos sa pundasyon ng aming proyekto.
Lumibot ako sa kabuuan ng site, hindi ito kalakihan dahil bahay bakasyunan lamang ito at alam kong mahal din ang lote dito sa lugar na ito. Sa bandang likuran ay matatanaw ang bulkan ng taal. Napakagandang tanawin kasabay ang masarap na simoy ng hangin. Sa aking pagmumuni-muni ay aking napagtugma-tugma ang mga naganap na pangyayari sa akin. Ano nga ba ang ginagawa ko dito?
Una, muling pinagtagpo ang aming landas ni Samantha na kung tutuusin ay matagal ko na talagang nalimot dahil sa mga bago kong karanasan. Pangalawa, Tagaytay - ano nga ba ang significance nito sa aking buhay? Oo, Samantha at Tagaytay. Dito namin isinakatuparan ang mga hakbang upang maging ganap na kaming "fall buddy" noong kami ay magkasama pa sa iisang kumpanya. Isama mo pa ang nadaanan naming motel na siya ring lugar kung saan ibinigay niya ang pagka-birhen niya.
Lumalim ang aking pag-iisip, habang napapagtugma-tugma ko ang mga detalye ng mga pangyayari ay napapangiti na lamang ako. Tunay nga naman ang kasabihan na "history repeats itself", kung inyong iisipin, maganda ito kung ang babalik lang na nakaraan ay ang magaganda. Pero nakakatakot ding isipin na maaaring bumalik ang mga mapait na nakaraan.
Isama na natin ang dalawang dalaga, sina Regina at Vanessa na kapwa magaganda ang may dating talaga pagdating sa kama. Kahit na hindi pa kami "literal" na nagtalik ng sinuman sa kanila ay tila maihahalintulad ko ito sa aking nakaraan. Ang dalawang dalaga ay aming boarders, pero maituturing ko din sila na aking kapitbahay. Muli, history repeats itself, noong aking kabataan nang ako'y nakatira pa sa Mandaluyong ay mayroon din akong kapitbahay. Dalawang babae din na naging bahagi ng aking buhay.
Bumalik ako sa aking kotse, kinuha ko ang aking gamit at tumungo na sa nakalaang cabin na aking titirahan sa mga susunod na araw. Nasa likod pa rin ng aking isipan ang mga pangyayaring nagaganap ngayon sa aking buhay, senyales siguro ito upang magpakatino na ako. Sa loob ko'y parang may tinig sa aking ulo, kunsyensya ko yata ito. Pero sa sarili ko ay alam kong hindi ako masama, as long as wala akong nasasaktan o natatapakan ay magpapatuloy lang ako sa daloy ng buhay. Kaagad ko namang tinawagan at kinumusta ang aking asawa na naiwan sa Manila. Pinaalam kong wala pang nakainstall na outlet ng kuryente sa aking cabin kaya't hindi na muna ako makakapaginternet upang magchat kami.
Sa aking pagkakahiga upang magpahinga ay hindi talaga ako tinitigilan ng aking alaala. Pilit bumabalik ang aking memorya lalo pa't kapareha ng aking tinutuluyang cabin ang dati naming ginawang six den noon ni Samantha. Nakaisip ako ng ideya, kinuha ko ang aking laptop sa aking bag. May charge pa naman ito at kaya pa sigurong makatapos ng ilang kapitulo. Dito sa malamig na siyudad ay muli kong isinatitik ang aking nakaraan. Ito siguro ang isang paraan upang maibsan ang aking labis na pag-iisip, ang ilabas ito sa pamamagitan ng letra.
Sinubukan kong balikan ang mga nangyari sa aking buhay bago ko pa man makilala ang aking maybahay. Iniatras ko pa ang pihitan ng aking imaginary time machine sa aking utak. Bumalik ako sa panahong ako'y binata pa, bago ko pa din makilala si Samantha. Ang sinasalamin ng dalawang dalaga ngayong sina Regina at Vanessa ay nagbalik din. Ito ay ang sa katauhan ng aking ex-girlfriend at ang kanyang pinsan na aking kapitbahay noong ako'y binata pa. Unti-unti kong naipon ang mga natabunang parte ng aking buhay. Nalibang naman ako dahil pwede ko itong ilathala sa isang sikat na website upang magsilbi na din inspirasyon sa buhay.
Dahil sa baterya lamang ang gumagana, mga isang oras lang ang lumipas ay paubos na ang karga ng aking laptop. Tinawag ko ang foreman at inutusang maglagay na ng saksakan ng kuryente dito sa aking cabin.
"sir bumili na po ng wires kakaalis lang po" wika pa sa aking ni foreman.
Dahil hindi pwedeng maudlot ang aking alaala, pinili ko nalang na lumisan muna. May ilang oras pa naman bago magsimula ang aming project, ibinalik ko ang aking laptop sa aking bag at sumakay sa aking kotse. Nagpaalam ako sa foreman ko na may bibilhin lang ako sa di kalayuang city proper ng Tagaytay. Sa isang tanyag na kapihan katabi ng isang bulaluhan ay humimpil ako upang magkape at maki-charge na rin ng laptop. Dito ay muli kong binuksan ang baul ng aking alaala.
Sari-sari ang aking mga nakita, naalala ko pa noong ako'y baguhan pa lang doon sa Maynila. Ang mga babaeng aking natikman at pinagsawaan. Habang hinihintay ko ang aking order na kape ay isinusulat ko naman ang mga buod ng aking gagawing obra na aking ilalathala.
"Bogs? Bogs pare ikaw ba yan?!" sigaw ng isang lalake sa aking harapan.
Ako lang naman siguro ang Bogs doon dahil wala namang ibang lumilingon. Tumitig ako sa tumatawag sa aking pangalan. Dahil sa ang aking isip ay nasa mga kababaihang naging bahagi ng aking buhay ay medyo natagalan ako bago ko nakilala ang lalaking ito.
"Estong? tang ina Estong?? haha!" bati ko naman.
Kahit na hindi ko ugaling magmura ay napamura ako sa aking nakita. Hindi ko inaasahang magtatagpo din ang aming landas ng aking kaibigang si Estong. Buti na lang ay ako lang mag-isa at wala akong kasama ni isa sa aking mga babae lalo na ang aking mahal na asawa. Si Estong ang nagturo sa akin ng mga gawaing kamunduhan nung kami ay nag-aaral pa sa malamig ding syudad ng Baguio. Pero siya din ang isa sa mga dahilan ng aking kasawian doon sa Kamaynilaan. Ganun pa man, hindi naman kami naging maging mortal na magkaaway. Naghiwalay kami ng landas noon bago pa man ako kumuha ng board exams na walang hinanakit sa isa't isa. Pero nakatatak na sa aking isipan na hindi ko na papayagang makapasok muli sa aking buhay ang lalaking ito.
"pre kumusta? balita ko big time kana? haha!" bati pa niya.
"di naman, ikaw yata may ari na ng kumpanya e" biro ko naman.
Kaagad ko namang isinara ang aking laptop at itinigil ang aking ginagawa nang siya ay sumalo sa aking lamesa. Nagkumustahan kami at nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa aming buhay mula nang kami ay maghiwalay.
"so may anak kana pala? siguro hottie yang asawa mo ano?" wika pa niya.
Ayaw ko mang ikwento ang aking buhay may asawa ay bilang isang lalake ay ipinagmalaki ko parin ang aking magandang asawa. Idinescribe ko sa kanya ang itsura at pigura ng aking mahal na asawang si Angel. Kahit na may larawan ako ng aking misis sa aking wallet ay hindi ko na lang ito pinakita sa kanya. Mainam na ang safe at sigurado, baka may balakin pa itong kaibigan kong ito. Tinanong ko din naman siya tungkol sa kanyang buhay o kung sino ba ang nabihag at nadagit niya. Ang alam ko kasi ay ang huling syota nya at seseryosohin daw niya ay ang pinsan ng aking ex-girlfriend.
"ah yun, wala yun nagsawa din ako hehe, saka natikman mo din kasi yun e haha!" sagot ni pareng Estong.
Nabanggit din niya na minsan daw kasi sa pagtatalik nila noon ay ang pangalan ko daw ang nasasabi nitong babaeng puta. Madalas na din daw niyang nahuhuli na adik na sa internet chat at facebook noong sila ay nagsubok na mag live-in. Pero halata ko naman sa aking pare na may pagbabago na din sa kanya. Kapwa lisensyado kaming dalawa at hindi mo maikakailang may progeso na rin siya. Ang susi ng sasakyan na kanyang hawak habang kami ay nag-uusap ay senyales na angat na siya sa buhay.
"so who's the lucky girl pare?" tanong ko pa.
"ah i think hindi mo siya kilala, pero nasa industriya din pare, manager na siya na dating supplier ng materyales" paliwanag niya.
Halos isang oras kaming nagkwentuhan habang nagkakape, hindi naman na nagbanggit tungkol sa mga babae ang aking kumpare. Mabuti ito wika ko sa aking sarili, puro mga projects at kuneksyon ang naging usapan, puro payabangan. Hindi ko naman na ibinigay ang anumang detalye sa aking pagkakakilanlan, maging kung saan ako nagtatrabaho dahil baka topakin na naman siya at ako'y masundan sa Manila. Nagpaalam na din ako dahil may naka-schedule kako akong meeting kahit na ang totoo ay sa construction site ako tutungo. Baka kasi kapag nalaman niyang sa site ako ay maari pa siyang sumama at mula dito ay isa isa na niyang malalaman ang tungkol sa aking buhay.
"oh pano pre, next time nalang ulit?" paalam ko pa.
"oh sige pare, gaano ka ba katagal dito sa Tagaytay? Saan hotel mo?" tanong pa ng aking kaibigan.
"Ilang araw lang siguro, pero dito ako madalas sa kapihan kapag pumapatay ng oras" sagot ko naman.
"o siya sige pare, bukas pupunta ako dito bukas kita tayo tapos baka pwede ka sa gabi inom tayo" wika niya at ako'y tumalikod na.
Malayo ang aking tingin habang patungo sa aking pinagparadahan. Malalim ang aking iniisip na wala namang kabuluhan. Bakit kaya nangyayari sa akin ito, malamang may isang dahilan. Ang pagbabalik ng aking mga nakaraan ay hindi na aksidente o coincedence. Kung ang pagtatagpong muli namin ni Samantha ay mapapalusot ko pa. Pero ang motel, ang Tagaytay, ang mga kapitbahay, at ngayon si Estong ay hindi na maganda at parang sinasadya talaga ni tadhana.
Magdidilim na ng matapos ang unang bahagi ng aming proyekto, nabuhusan na ang mga pundasyon ng bahay na aming itatayo. Bilang selebrasyon sa isang malaking task na natapos ay pinayagan kong makapaginuman ang aking mga tauhan basta't wala lamang manggugulo. Ang aking cabin naman ay may naka-install nang kuryente at ilaw, hindi na kailangan ng aircon nito dahil sa lamig ng panahon dito, electric fan nalang siguro kung sakaling uminit. Tinawagan ko ang aking asawa sa Maynila bago siya pumasok ng pang-gabi. Ganun din naman si Katherine na siyang naiwan sa aming anak sa condo. Maayos naman na kami ni Kat, wala nang tampuhan, nangako kasi ako sa kanya na ilalabas ko siya pagbalik ko na kanya namang ikinatuwa. Binigyan ako ng ilang bote ng beer ng mga workers ng aming project. Sinabi kong hindi na muna ako makakasalo sa kanilang lamesa dahil may tatapusin pa akong gawain at kanila naman itong naintindihan. Kabisado naman ako ng aking mga tao dahil hindi naman first time na kami ay magkakasama, alam nilang malapit ako sa kanila kung hindi ako abala.
Sa bawat tungga ko ng malamig na beer ay siya din namang pagtitik ng aking mga daliri sa keyboard ng aking laptop. Sinimulan ko nang idetalye ang mga pangyayari na aking isusulat, ang mga taong involved, ang mga nakakalibog na tagpo at maging ang mga masasakit na nakaraan. Sinimulan kong isulat ang aking isang obra upang maibsan ang laman ng aking isipan.
itutuloy
No comments:
Post a Comment