Part 3 Distancia Amigo
Hindi na pinaunlakan ng aking asawa ang imbitasyon ng dalawang dalaga na maghapunan sa kanila. Naroon naman na daw si Kat at nagpalusot na lamang na masakit ang kanyang ulo dala ng kanyang buwanang dalaw. Pero alam kong may ibang dahilan si Angel kaya ayaw niyang pumunta sa kabila. Hindi naman mangmang ang aking asawa upang hindi niya mapansin ang kasexyhan ng dalawang dalaga, ayaw niyang maging "close" talaga kami. Kahit di niya ito sabihin sa akin ay alam kong yoon ang gusto niyang mangyari.