"Bahay-bahayan"
Mga Pangunahing Tauhan:
Badong - Isang Civil Engineer, dalawampu't walong taong gulang, may asawa at nagtatrabaho sa gitnang silangan.
Kaye - Asawa ni Badong, isang nurse, dalawampu't limang taong gulang.
Mamerto - Pinsan at kababata ni Badong, isang I.T. consultant.
Patricia - Asawa ni Mamerto, isang nurse, dalawampu't tatlong taong gulang.
CHAPTER 1
Part 1 Immigration
Itinuturing na "bagong bayani", kinabukasan ng ating bayan, sa limpak-limpak na salaping aming ipinapadala kahit paano'y nakakatulong kami sa ekonomiya ng ating bansa. Malayo ma'y kailangang tiisin, labanan ang pagkalumbay, maitaguyod lamang ang aming kinabukasan. Dalawang buwan matapos kaming ikasal ni Kaye ay balde-baldeng luha ang umagos sa aming mga mata nang ako'y ihatid niya sa ating paliparan, halos sampung oras kong tiniis ang sakit lulan ng eroplano patungong gitnang silangan.
Aking naalala tatlong taon na ang nakakalipas, paglabas ko ng pintuan ng palipara'y hinanap ko ang aking pangalan. Gaya ng bilin ng ahensyang nagpadala sa akin dito, ito'y hawak ng isang taong galing sa kumpanya na aking papasukan. Ilang saglit akong nagpalinga-linga, inisa-isa ko ang mga nag-aabang sa labas, iba't ibang lahi, hawak ang kapirasong papel at nakalimbag ang pangalan ng kanilang mga susunduin. Sa isang panig ng grupo ng mga tao'y napatitig ako, ito na, ito na ang aking sundo. Nakasulat sa puting papel ang pangalan ng kumpanya, at sa ibaba nito'y pangalan ko - "Baldomero Ongasis".
Kaybilis ng panahon, mabilis ang pagtitiis. Gawa ng makabagong teknolohiya'y napaglalapit ang mga magkakalayo, hindi na kailangan pang maghintay ng sulat, isang tawag lang ay iyong makakausap kaagad. Isang pindot lamang ay makikita nang lahat, lalo na ang iyong mga mahal sa buhay. Subalit sa kabila ng lahat, hindi ko pa din maiwasang malumbay, sa mga hawak, sa mga yakap at halik, sa presensya ng aking asawa.
Mahirap gumawa ng paraan dito sa aking kinaroroonan, mahirap tugunan ang aking sekswal na pangangailangan. Sa bansang itinuturing na pinaka-konserbatibo'y magdadalawang isip kang gumawa ng kalokohan. Isa lang ang solusyon, magsumikap at mag-ipon. Ito ang aking ginawa sa mga nakalipas na taon, sinikap kong kuhanin ang aking asawa, baka madagit pa ng iba, upang mapunan na din ang aking mga pangangailangan.
"I hope makapag-adjust ka kaagad babes..." sabi ko sa aking asawa paglabas namin ng eroplano.
"oo naman babes, happy ako kasi magkasama na tayo ulit" sagot naman ng aking asawa.
Culture shock. Ito na yata ang isang sitwasyon na halos lahat ng tao ay pagdadaanan lalo na kung ika'y maninirahan sa ibang lugar. Ibang kultura, ibang salita, ibang lahi. Ganunpama'y sa kabila ng malakihang pagbabago, sa pananamit, pag-intindi ng mga salitang banyaga, unti-unting nakapag-adjust ang aking asawa.
Sa walong oras kong trabaho'y nasa bahay lamang siya, tuwing tanghali ako'y uuwi upang mananghalian at sa gabi nama'y malimit kaming lumabas at kumain ng hapunan sa iba't ibang restaurant upang siya ay hindi naman din malumbay. Sa unang buwan ni Kaye sa aking piling ay talaga namang nagsilbing motel ang aming tahanan. Gabi gabi kami kung magtalik, dalawa, tatlong round ang aming average, nagsilbing pagpapatuloy ng aming pulot-gata ang unang buwan naming muling pagsasama.
Hindi lumaon ay nabawasan ang dalas ng aming pagtatalik, tuwing makalawa na sa halip na araw-araw. Ayos lang naman sa akin, kesa dati na taon ang aking binibilang. Tama lang din ito, upang mapanatili na din ang pigura ng aking maybahay. Wala pa kaming anak, ang kanyang katawa'y ganoon pa din mula nang una ko siyang makilala. Nagdesisyon kaming umantabay na muna sa pagkakaroon ng anak, bagay na aking sinang-ayunan sapagka't ang aming plano'y mag-ipon na muna at kung papalari'y siya din mismo ay makahanap ng trabaho.
Kung dati-rati'y si misis ang aking ka-chat, ngayon ay halos hindi ko na nabibisita ang aking laptop. Para saan pa? Narito na siya at aking kapiling. Ginagamit na lamang ito kung may palabas akong gustong panuorin na aking nakaligtaan, gaya ng mga laban ni Pacquiao, mga telenobela sa kabilang istasyon, at minsa'y sumisilip sa aking facebook. Kung minsan nama'y matityempuhan ang ilang mga kaibigan, mga kamag-anak na naiwan sa Pinas.
"babes! babes!" sigaw ng aking asawa habang ako'y nasa kusina isang gabi matapos kaming kumain.
"oh?! bakit ano yun??" tugon ko naman.
"si kuya Mamerto, nag-message sa iyo" sagot naman ng aking asawa.
"ah ganun ba, bakit daw?" sagot ko naman habang pinupunasan ang basa kong kamay.
"eh may itatanong daw sa iyo babes, halika na nga dito at ikaw ang mag-reply" tugon ni misis.
Pagbalik ko'y nakatayo na si misis, hinihintay akong umupo sa silyang kanina'y siya ang nakaupo. Ako'y natuwa sa aking nakita, mga mensahe ng aking pinsang matagal ko na ding hindi nakita at nakasama. Siya si Mamerto, Mamerto Ongasis. Sa aming lahi'y kami lang yatang dalawa ang sanggang dikit, mula pagkabata'y kami na ang magkasama, sabay pa nga kaming tinuli kung aking babalikan ang dati. Nagkahiwalay lamang kami noong pagtuntong namin ng kolehiyo, magkaiba kami ng hilig pagdating sa kurso, maliban doo'y lahat ng bagay ay halos magkasunod kami ng gusto.
"insan! kumusta!" sabi ko sa mensaheng aking ipinadala.
"uy insan ikaw na ba yan? eto ok lang...may webcam ka ba?" reply naman niya.
Hindi na ako nagreply, kaagad kong pinindot ang video call ng facebook at kusa namang mag-oon ang webcam ng aking laptop. Maya-maya pa'y narinig ko na ang boses ni pinsan, kasunod nito ang medyo mabagal pang paglabas ng kanyang mukha sa video.
"oh kita mo na ba kami?" wika ko sa aking kausap.
"oo insan, hi Kaye! kumusta kayo dyan?" wika naman niya.
"maayos naman insan, ikaw? ano balita sa iyo dyan?" tanong ko naman.
Halos kalahating oras kaming nagdaldalan, hindi naman nabalewala ang aking asawa dahil kilala din naman niya ang aking pinsan. Nagkakilala sila noong kami'y hindi pa kasal, at syempre noong araw ng aming kasal kung saan isa siya sa mga abay.
"nga pala insan, sa Riyadh ka diba?" wika ni Mamerto bago matapos ang aming usapan.
"oo insan bakit? paano mo nalaman?" tanong ko kaagad.
"ah eh, naitanong ko kasi kay tita...actually dapat hindi ko ipapaalam sa iyo kaagad, pero natatakot kasi ako, iba na yung may back-up hehe" pahayag ni Mamerto.
"huh? ano ibig mong sabihin insan?" tanong ko muli.
"alam mo na, baguhan ako, saka kailangan na din paghandaan..." wika niyang muli.
"natanggap kasi ako insan, Riyadh din...gusto ko sana sa Jeddah dahil nandun si Patricia pero dyan ako pinalad...next month na ang alis ko dito insan" sabi ni Mamerto.
"wow talaga?! e madali nalang yan insan, tutulungan kita mag-ayos ng papel ni Patricia para malipat na din siya dito, dito kana din tumira sa amin para magkakasama na ulit tayo!" masaya kong wika.
"salamat insan, pero mukhang hindi pwede na sa iba ako titira, may company housing kasing nakalaan para sa mga emplyado...pwede naman tayong magkita kapag walang pasok.." balik ni Mamerto.
"oo ganun talaga insan sa una, kapag wala family mo e sa puder ka nila nakatira, pero kapag nalipat na dito si misis mo, pwede ka na lumipat ng bahay, kung mangyayari yun, magkakasama na tayo" paliwanag ko naman.
Wala namang problema kay Kaye ang naging desisyon ko, sa katunayan ay mas maganda pa nga para sa kanya at hindi na siya gaanong maiinip at mag-isa dito sa aming tinutuluyan. Sanay din ang aking asawa sa may ibang kasama sa bahay, galing siya sa isang malaking pamilya at hindi na iba sa kanya ang ganitong set-up.
Mula noon ay mas naging madalas pa ang aking pakikipag-chat sa aking pinsan na kung ituring ko na din ay kapatid sa lalim ng aming pinagsamahan. Bilang nauna dito sa ibang bansa ay tinulungan ko siyang maging panatag. Sinabihan ko siya kung ano ang bawal, kung saan magandang mamasyal, kung paano mabuhay dito sa gitnang silangan.
Hindi hadlang para sa aming mag-asawa ang mga bagay na aking nakagisnan, ganoon din sa kanya, parehas pa din ang aming samahan gaya noong kami'y mag-syota pa lamang. Bukas ang aming isipan, sa tatag ng aming relasyon ay talaga namang bihira kaming mag-away.
"babes sa isang araw na dadating si kuya Mamerto diba?" tanong sa akin ng aking maybahay isang gabi matapos kaming magtalik.
"oo babes bakit?" sagot ko naman.
"ah wala naman, sana lang malipat na dito si Patricia para may kasama na ako dito sa bahay" sabi ni Kaye.
Simula siguro noong mapunta dito ang aking asawa'y nagkaroon sila ni Patricia ng pagkakataong magkakilala at maging close sa isa't isa kahit pa ito'y sa ere lamang at hindi sa personal. Lalo akong naging agresibo sa pagtulong sa aking pinsan, gusto ko siyang matulungan upang hindi na din niya maranasan ang pagkalumbay at malayo sa mahal sa buhay. Sa aking pagtulong ay naroon din ang pakay para sa aking asawa na magkaroon ng kasama, sa ganitong sitwasyon ay mababawasan na din siguro ang kanyang pagkainip sa bahay.
Ito ang simula ng aming buhay dito sa malayong ibayo, sa simula na akala ko'y tama. Hindi ko alam ngunit sa sarili ko ako din ay naguguluhan, pero ang alam ko'y isa lang itong pagsubok na dapat naming lagpasan, o di kaya nama'y sang-ayunan na lamang.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment