Part 19 Ang Bahay ni Kuya
Sa pagputok ng araw ay wala nang iba pang gaganda sa pagkakataong una mong masilayan pagmulat ng iyong mata ang importanteng babae sa buhay mo. Sa likod ng maamong mukha habang natutulog ay ang libog na taglay ng aking mahal na asawa, karagdagan pa ang mala-anghel ding karakas ng aking dalagang hipag.
Ilang segundo lamang ang pagitan ng aming pag-gising, nagmamadaling tumungo ang kapatid ni misis sa palikuran upang maghanda na sa kanyang pasok sa ospital. Kami naman ni misis ay ilang minuto pang naglampungan bago kami tuluyang bumangon upang paghandaan ang isa na namang araw.
"kuya huwag mo na akong ihatid ha? dadaan na daw si Mulong dito" wika ni Kat.
"ah o sige...teka, hindi ba siya magdududa bakit nandito ka?" tanong ko naman.
"ako na bahala dun kuya Bogs..." paniniguro ng dalaga.
Ilang minuto ang lumipas habang kami ni misis ay nag-uumagahan, isang tunog sa aming pintuan ang tumunog - si Mulong na manliligaw ni Katherine. Halata ko sa mga kilos ni Kat ang sigla, siya na mismo ang tumungo sa pintuan upang pagbuksan ang lalaking pwedeng maging maswerte kung matuloy ngang sagutin siya ni hipag. Hindi naman na nanumbalik sa aming mga kwentuhan ang mga nangyari kagabi.
"good morning po ate Angel, kuya Bogs" bati ng mokong na si Mulong.
Sa loob-loob ko'y magaling magkubli ang gago, kagabi lamang ay kasing dumi ng inidoro ang mga salitang lumalabas sa bunganga nito, ngayon naman ay parang isang anghel na nilalang. Bilang ganap na itago ang mga naranasan ko kagabi ay malugod kong tinanggap ang sunod ng aking magandang hipag, na may kaunting sungit pa din siyempre.
"oh kumain kana ba?" alok ko pa kunyari sa kanya.
"ah opo kuya, salamat po" tugon pa ng binata.
"so ikaw pala si Mulong..nice to meet you" bati naman ni Angel.
Sa aking paglingon kay Angel ay napansin ko ang matamis niyang ngiti na sa akin lang niya ipinapakita dati. Kurot sa puso at bahagyang selos ang aking naramdaman nang mga sandaling iyon. Lalo pa't muling nanumbalik ang aming ginawa kagabi, alam kong laging magana ang aking asawa pagdating sa six ngunit kagabi ay tila nadagdagan pa ang libog niya sa ginawang "phone six" nila Kat at Mulong.
"ako nga po ate Angel, may pinagmanahan pala ng ganda itong si Kat" pambobola pa ng tarantado.
"oh baka ma-late na kayo, sige na" singit ko nang maramdaman kong hahaba pa ang usapan.
Late naman na talaga, hindi ko lang alam kung mabilis magmaneho ang lalakeng ito. Mabilis na nag-ayos ng sarili ang aking hipag at tuluyang lumisan sa aming tahanan.
"bye ate! ...bye kuya Bogs!" masayang paalam ni Kat, kasabay nito ang pag-halik niya sa kanyang kapatid at beso sa aking pisngi.
Hindi ko na hinanap pa ang nakasanayang lips to lips namin ni Kat tuwing magpapaalam, hindi niya ito pwedeng gawin malamang dahil may ibang tao sa aming harapan.
Habang pinapababa namin ang aming kinain ay nagkwentuhan kaming muli ng aking asawa. Sa harap ng telebisyon ay muli niyang binuksan ang usapin tungkol sa manliligaw ng kanyang kapatid.
"mukha naman palang mabait si Mulong" bungad niya sa akin.
"well, kung hindi mo iisipin yung ginawa nila kagabi oo, pero kung isasali mo yun, malamang hindi" sagot kong masungit.
"hmmm..nagseselos yata ang babe ko ah..hihi!" biro pa ni Angel sa akin.
Oo tama, nagseselos talaga ako. Pero mali ang tinutukoy niyang nagseselos ako para sa kapatid niya, nagseselos ako dahil sa inasal niya kanina. Gaya ng aking nabanggit, bihira o sa akin lang talaga ipinapakita ni Angel ang mapang-akit niyang mga ngiti. Hindi ko naman itinatanggi na magandang lalaki din yung mokong na iyon, bagay naman din sila ni hipag, pero ang asawa ko ay sa akin lamang.
"selos? haha! sino ba mas gwapo?" pagyayabang na tanong ko pa sa aking asawa.
"...hmmm...si...ikaw..hihi!" pahapyaw na biro pa niya.
Kunyari ay nagtampo ako (totoo naman), humalukipkip at nagpanggap na nagagalit dahil sa kanyang naisagot sa akin. Kaagad naman akong nilambing ni misis, matapos kasi ang aming umagahan ay oras na para sa aming minandal - ang umagahang kantutan.
"susssss.. ang babe ko oh..ikaw syempre ang gwapo..." paglalambing ni Angel.
Nauwi nga sa isang mabilis na pagtatalik ang aming umaga. Sa gitna ng aming pagtatalik ay napaisip din ako ng hindi kaaya-aya. Inisip ko na kaya lang siguro lalong magana sa six si Angel ay dahil nakita niya ang kagabi'y umuungol na si Mulong. Ganunpaman ay hindi ko na ito pinatagal pa sa aking mapaglarong imahinasyon, itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa parang dalaga pa ring katawan ng aking asawa.
Nagtungo kami sa bahay ni byenan bandang tanghalian upang magkaroon naman din kami ng oras bilang pamilya, sinundo namin ang aming supling upang makasama sa mall at gawin ang dapat bilang isang magulang.
Ginugol naming mag-asawa ang nalalabi niyang bakasyon para sa amin mag-ama, naging makabuluhan naman ang lahat at naging banayad ang takbo ng aming araw. Maghahapon na ng kami ay umuwi, bukas ay isang araw na naman na aming haharapin. Magiging regular na naman ang buhay, kahit na kasi dalawang araw pa ang nalalabi sa aking leave ay nagpasya na din akong pumasok na upang hindi na mainip at makapagisip pa ng kung anu-ano.
Kinabukasan matapos kong maihatid ang mag-ina, sa ospital at sa paaralan kasama din ang yaya, dumiretso na din ako sa aking pinapasukang kumpanya dito sa Ortigas.
"oh Bogart, mabuti pumasok kana..." bati sa akin ng aking amo.
"eh nakakainip sa bahay sir hehe" sagot ko naman.
"sakto kasi kahapon e may kliyente tayo, bale hindi natapos yung project niya iniwan daw ng contractor" paliwanag pa niya.
"...so our job is to continue the project, its 50% finished na at malapit din ito sa bahay mo..." patuloy pa ni boss.
Sa madaling salita ay tinanggap ko ang trabaho, office-site ang siste. Pag may kailangang iguhit ay dito ako sa office, kapag wala naman ay doon ako sa site, sa bago naming project, malapit sa aming condo. Ito'y isang proyekto na hindi na kaiba sa karamihan at tila isang uso na sa mga mayayamang namumuhunan - townhouse ito.
Hindi ko na tinapos pa ang buong araw sa aming opisina, nagtungo ako sa address na ibinigay ng aking amo upang alamin ang kalagayan ng proyekto naming bago. Naabutan ko doon ang aming foreman, siya yung madalas kong makasama sa proyekto, siya yung foreman din namin sa Tagaytay dati.
"uy sir Bogs, ikaw ba hahawak dito sa project?" bungad sa akin ni foreman.
"oo, malapit na din palang matapos, ilang units nalang" sagot ko naman.
Ipinaayos ko ang isang silid sa isang model unit na natapos na, sa aking estimate ay mga tatlo hanggang apat na buwan siguro ito bago matapos. Tinawagan ko naman ang aking asawa upang ibalita ang bago kong proyekto. Sumagi din sa aking isipan ang pag-iinvest, matagal ko na din kasing pangarap ang mamuhunan sa pag-gawa ng ganito. Sa ilang lugar sa Kamaynilaan ay naging uso ang pagbili ng mga lumang bahay, pagkatapos ay gagawa ng bagong mga bahay upang ibenta sa mga nagsisimula o maliliit na pamilya, tubong lugaw yata ang kita dito.
Siguro mga taon pa ang bibilangin ko kung sakaling matuloy nga ang akin plano. Pero maganda din ito, hamak na mas malaki kesa sa aming condo. Mga ilang units, apat, lima, o anim pa at ang isang bahagi ay sa akin mismo at pwedeng lumipat dito. Mas maraming units, mas maraming bagong kapitbahay, mas maraming pagkakataon - biro ko pa sa aking isipan.
Ako'y napangiti na lamang sa aking sarili sa mga sari-saring plano ko sa buhay. Subalit muli akong nabahala nang muling sumagi sa aking isipan ang mga asal ngayon ng aking asawang si Angel. Patuloy akong magmamasid, patuloy akong mananalig, alam ko at malaki ang tiwala ko sa aking maybahay na hindi niya ako hahayaang masaktan saang mang larangan ng buhay.
Sa gitna ng aking kalagayan, na akala ko'y tuloy-tuloy na ang agos ng aming buhay, isang hindi ko inaasahang nilalang ang sa aki'y nagpakita. Pauwi na sana ako noon galing sa aming bagong project, isang tao na minsan aking kinatakutan ang bumati sa akin.
"pare!" wika ng isang lalaki sa di kalayuan.
Hindi ko kaagad nakita kung sino ang tumawag sa akin, natuon kasi kaagad ang aking mga tingin sa babae niyang kasama. Maganda ito at parang modelo, hindi ko kaagad naisip kung saan ko siya unang nakita. Ilang metro lamang ang layo, hanggang sa ma-realize ko na siya nga iyon. Siya na sana ay ayoko nang maging kunektado sa aking buhay. Pero eto na eh, malamang alam na niya kung saan ako nagtatrabaho dahil sa kalalagay lamang na signboard ng aming kumpanya sa tarangkahan ng aming bagong proyekto.
"oh pare ikaw pala!" bati ko naman sa kanya.
itutuloy
No comments:
Post a Comment