Buong akala ko ay naging matiwasay na ang aking buong maghapon noong araw na iyon. Ang mga accomplishments ko nitong mga nakaraang araw na sa palagay ko ay sapat at nasa tamang lugar ay tila nabahiran na naman ng dumi. Ganunpaman ay dapat na nga yatang tanggapin ko ang aking kapalaran, hindi na ako nagtaka kung paano niya ako natunton. Hindi ko na inalam pa kung paano siya naparito, siguro'y itinakda ng tadhana na kami ay maghiwalay...at muling magtagpo ng landas.
"Bogsy! my dear friend and colleague..." sabay abot ng isang kamay sa akin ni Estong at nakipagkamay din naman ako.
"pare, tignan mo nga naman...ang liit talaga ng Pilipinas hehe!" biro ko nalang at sinubukan ko nang sumabay sa alon ng buhay.
"oh pauwi kana ba? dito ba project mo ngayon?" mabilis na tanong ng aking dating kaibigan.
"ah sana, e dumating ka e hehe" tugon ko naman.
Napilitan akong manatili sa aming project site, naging mahinahon naman ang aking sarili sa mga posibleng mangyari. Na-realize ko na hindi naman na siguro gagawa si pareng Estong ng kalokohan dahil kung pagmamasdan mo ang tsikas na kasama niya ay malamang tumino kana, nakahanap na siya marahil ng kanyang katapat. Parang nasisi ko pa ang aking sarili, ako pa nga yata ang nag-iisip ng masama sa aking kapwa.
Ilang sandali kasing napako ang aking tingin sa kasama niyang dilag. Sa mga naka-tindig nitong suso ay prominente ang cleavage nito, maputi at makinis, unat ang buhok, may matamlay na mga mata na alam kong sa tingin pa lang niya ay matutunaw ka na. Hindi ko namukaan noong una, akala ko'y nagpalit na naman ng babae ang aking dating kasama.
"pare, si Kristine, i guess na meet mo na siya dati sa Tagaytay" muling paalala ng aking dating kaibigan.
"ah oo, hindi ko namukhaan, lalong gumanda" pambobola ko naman.
Napangiti ko naman ang dalaga niyang kasama, hindi rason ang paglipas panahon para kay Estong upang isantabi niya ang tikas sa pamimili ng babae. Taglay pa din niya ang likas na pang-akit sa mga kalahi ni Maria Clara. Hindi ko itatangging ako'y nalibugan din sa aura ng kanyang mapapangasawa, kahit sino ay mababali ang leeg kapag nakita nyo mismo ang babae niya.
"so pare, naligaw ka yata" tanong ko pa sa kanya.
"ah hindi pare, sinadya ko talaga ito. naghahanap kasi kami ng bahay..alam mo na para sa future namin" sagot ni Estong sa akin.
Hindi ko lubos maisip kung ano ang ipinakain nitong si Kristine sa aking dating kaibigan. "future" daw, ni minsan yata noong kami'y magkasama ay hindi niya nabanggit ang salitang ito. Mukha yatang seryoso na sa buhay si Estong. Sa isang banda ay tama nga naman, hindi yata maganda na maging binata habangbuhay.
"you know, connections..my fiance here is a marketing lady ng brand natin na ginagamit sa mga projects" patuloy pa niya.
"I fortunately, handled this project dati. we supplied materials for the roof, iba na pala ang may hawak nito" sabat ni Kristine.
Muli akong natulala sa ganda ng dalaga, sa bawat pagbuka ng kanyang mapulang labi ako ay namangha. Naisip ko sa aking sarili na mukhang marami akong dapat malaman tungkol sa kanila.
"I even know the owner, kaya i'm sure dapat may discount kami dito hihi" biro pa ng dalaga.
"well, i don't have any idea about the selling point of this project. tama ka, nag take-over lang kami dito dahil tinakbuhan daw ito nung dating contractor" wika ko naman.
"well i guess this is a start..." sabat ni Estong.
Awkward moment, sudden silence. Alam kong nanumbalik din sa isipan ng aking dating kaibigan ang aming nakaraan. Ang aming pinagsamahan noong kami'y nagsisimula pa lang na hubugin ang aming karera sa buhay. Alam kong nasa likod pa din ng kanyang utak ang aming mga ginawa noon, hindi ito kaila sa kanyang mga mukha.
"..so pare, why don't you join us for dinner?" alok sa akin ni Estong.
"ah, eh, my wife is expecting me tonight, i mean, we have other plans" palusot ko nalang.
"ah ganun ba? o sige next time, i think we should have a double date" sagot naman niya.
Eto na, ang aking isang paa ay nakalubog na sa hukay ng aming nakaraan. Kung aking ipagpapatuloy ang pagpapalusot, lalo sigurong magkakaroon ng gusot. Nilakasan ko na lang ang aking loob, wala naman sigurong masama kung pauunlakan ko ang alok nila. Tutal, sa pagkakataong ito ay siguro nama'y ibang tao na siya.
"ah o sige pare, that's a nice idea" sagot ko pa.
"oh pare, paano, pasensya na din at medyo late na kaming nadaan dito naabala pa kita" pahabol pa niya.
"ah wala yun, bukas gusto mo kahit umaga hehe" tugon ko pa sa kanila.
"uhm, maybe i should call you muna before we go here again...ano nga pala number mo?" wika niyang muli.
Hindi ko alam kung bakit naibigay ko ang aking personal number sa halip na yung number ko na pang-opisina. Mabilis naman itong naitala ng aking dating kaibigan sa kanyang telepono at sinubukan pang tawagan upang siguruhing tama ang numerong nakuha niya.
"I will call you may be the other following day pare, medyo busy din e, alam mo na, malapit na ang kasal" paliwanag pa niya.
Nakita ko sa mga mata ng magkapareha ang labis na pagmamahalan, nang banggitin pa ni Estong ang salitang "kasal" ay sabay niyang niyapos at hinalikan sa pisngi ang dalagang maganda.
"..and siyempre invited ka! magtatampo ako kapag wala ka" pahabol pa niya.
"oo naman pare, o paano, text text nalang?" paalam ko na sa kanila.
"sige pare, saan ka ba nakatira pala?" tanong muli niya.
Sa pagkakataong ito ay nagkaroon na ako ng presensya, hindi ko binanggit kung saan ako naninirahan. Siguro ay dapat lang na hindi niya malaman, mahirap na, baka sa homebase pa sumalakay.
"ah dyan lang pare..." sagot ko nalang at sinabayan ko ng isang ngiti na hindi niya pwedeng kontrahin pa.
"bye Bogsy..." sabat naman ni Kristine na may malanding tinig.
Sa loob ng aking sasakyan ay napabugtong-hininga ako, inisip ang ilang minutong engkwentro. Parang nanumbalik kasi ang ilang taon naming samahan, mula noong college hanggang sa Kamaynilaan. Mula sa pagiging walang muwang, hanggang sa ako'y kanyang turuan. Mula sa masasayang samahan, hanggang sa mapait naming nakaraan.
Aking tinahak ang landas pauwi sa amin na tila wala pa din sa sarili. Muntik ko pang nakalimutan na susunduin ko pala ang aking maybahay. Hindi rin naman kaagad nabura sa aking isipan ang itsura ng mapapangasawa ni Estong. Wala na siguro akong pintas na makikita sa una naming pagkikita. Ang maputi niyang kutis ang una kong napansin, kasabay nito ang kanyang mga susong malusog. Walang kupas talaga sa pagpili ang minsang itinuring kong maestro.
"hi babe..." bati ko sa aking asawa pagsakay niya sa aming kotse.
Sinuklian naman ako ng matamis na halik ng aking misis. As usual, maikling kwentuhan habang tinatahak namin ang ma-traffic na daan. Aming muling pinagusapan ang buhay-buhay, kung ano lang under-the-sun sabi nga. At gaya din ng dati, mabilis nahalata ni Angel ang hilatsa ng aking mukha, kabisado na niya ako marahil.
"o babe, kumusta ang work?" tanong sa akin ni Angel.
"oh, great...a lot happened" tugon ko naman.
"ha?" pagtataka ni misis.
"uhm, we have a new project, malapit lang din sa atin. and nagkita kami ni Estong" wika ko.
"well, that escalated quickly! hihi" biro pa ni Angel.
Aking ipinaliwanag kung paano muling nagtagpo ang aming landas ni pareng Estong. Medyo alam naman na din ni Angel ang aming nakaraan, alam niya kung ano ang aming mga pinagdaanan. Napansin kong naging intresado ang aking asawa. Hindi ko alam kung sa aking bagong proyekto o sa muli naming pagkikita ng aking dating kaibigan.
"so they are buying a townhouse?" tanong pa ng aking asawa.
"well, i think so. mukhang sinuwerte siya" sagot ko pa.
"bakit hindi nalang niya i-design mismo?" patuloy ni Angel.
"uhm, I don't know..maybe like us, for a start, ako din naman gusto kong gumawa ng sarili nating bahay, sarili kong design, soon" wika kong muli.
Siguro ay nagustuhan din ng aking asawa ang aking inilahad na plano, ako'y kanyang hinalikan at nilambing hanggang makauwi kami ng bahay.
itutuloy
No comments:
Post a Comment