Part 22 Estong 2.0
Noong una ay tila ako'y asiwa, sa sitwasyong dati pa ay hindi ko nais mangyari. Subalit may isang punto sa aking isip at puso na kailangan kong harapin ang aking kinatatakutan, kailangan kong harapin ang katotohanan. Matagal ko nang napaghandaan ang ganito, noong magkasama pa lamang kami ni Estong dati sa Mandaluyong. Inisip ko na dati nang aking makilala si Angel ay hindi maaaring makapasok sa buhay namin si Estong dala nga ng aming mga nakaraan. Nagtagumpay ako noon, nailayo ko ang buhay naming mapaglaro patungo sa isang matiwasay na pamumuhay. Ngunit sadya nga yatang panandalian lamang iyon sapagka't naririto na at amin nang kaharap ang aking dating kaibigan.
"hi Angel, nice to see you again" bati ni Estong sa aking magandang asawa.
"oh hi Estong, Estong right? nice to see you din" malugod namang bati ng aking maybahay.
Lalo akong naging mapagmasid, una sa aking asawa, sa mga kakaiba niyang kilos at galaw. Pangalawa, sa aking hipag na may nakaaligid na mokong na manyak niyang maniligaw. Ganunpaman ay hindi ko din pinalagpas ang pagkakataong muli kong masilayan ang magandang babaeng kasama ng aking dating kaibigan. Halos matunaw sa aking pagsulyap ang mga suso ni Kristine, nahubaran ko na yata siya sa aking isipan. Nagkaroon pa ako lalo ng lakas ng loob nang kami'y magbatian din at minsan pa nga ay nahuli niya akong bumoboso sa cleavage ng matayog niyang bundok.
"so, sister mo Angel?" tanong ni Estong muli.
"ah oo, Kat this is Estong, your kuya's old friend, Estong meet my lovely sister Katherine...and his BF to be hihi" paliwanag ng aking asawa.
Piliin ko mang magalit ay hindi ito nangyari, kahit na dapat akong mainis ay hindi ito namutawi. Siguro dahil sa aking nakikitang sigla at saya sa mga mukha ng aking asawa. Hindi ko alam, hindi ko alam ang balak niya.
"I think we should start placing our order na guys" singit ko sa kanilang masayang pagkukumustahan.
"babe, what do you want?...uhm I want..." wika ni Angel sa akin habang hawak ang menu.
Hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng iba, sabihin pa lang ng aking asawa ang katagang "...I want..." ako'y kinakabahan na kahit pa ito ay patungkol sa o-orderin naming pagkain.
Naging masagana naman ang gabi ng aming pagtitipon, naging buhay ang mga usapan lalo na sa mga biruan. Hindi ko nakitaan ng anumang masamang balak ang dati kong kaibigan, naroong sinisi ko pa ang aking sarili sapagka't ako lang yata ang nag-iisip ng hindi tama. Hindi rin nagsalita si Estong tungkol sa aming nakaraan, na sa magandang pagkakataon ay hindi rin naalala ng aking asawa na magtanong-tanong. Puro patungkol sa nalalapit na kasalan ang naging tema ng kwentuhan.
"guys, do you want to go drink? casual lang, hindi kasi yata pwede dito sa restaurant na ito" suhestyon ng aking asawa.
Sa pagkakataong ito nagtama ang mga mata namin ni Estong, tila nagtugma ang aming linya ng utak sa mga usapin tungkol sa alak. Alak, isang likido na minsan kong naging kakampi, naging daan upang dati'y maisakatuparan namin ang anumang nais naming hangarin. Pero sa kabila din naman nito ay naging sanhi din ito ng hindi magandang samahan na sa nakaraa'y sumira sa isang magandang samahan.
"oh Bogsy, tara?" alok pa sa akin ni Estong.
"sige sige..." sagot ko nalang.
Pinili kong sumabay sa agos ng buhay, siguro nga'y dapat ko nang harapin ang aking mga alinlangan. Matapos ang himagas ay nagpasya na kaming tumungo sa hindi kalayuang bar, masaya ako dahil masaya din ang aking asawa, kung tatanungin naman ang utak ng aking sandata ay masaya din siya dahil sa mga nakikita ko sa mapapangasawa ni Estong.
Habang daan ay lalong naging malambing sa akin ang aking maybahay, nagmamaneho ako at siya nama'y naka-akbay. Si hipag naman sa likuran ay nakita kong nakahilig na sa mokong na si Mulong, hindi ko alam kung "sila" na nga ba o sadyang sweet lang talaga ang kapatid ng aking asawa.
Sa loob ng bar ay pumwesto na kami, madaming tao, iba't iba at sari-sari. Sa dami ng ibang babae ay talagang nangingibabaw ang ganda nitong si Kristine, kung pagtatabihin mo siguro sila ng aking asawa ay manliliit ang suso ni Angel kumapara sa kanya. Sa pagkakataong ito ay nagtabi kami ni Estong, ang aking asawa at si Kristine naman sa isang mahabang silya at si Kat sa aking tabi saka si Mulong sa kabila.
"o pare, matanong nga kita, kumusta kana?" seryosong tanong ni Estong sa akin.
"ayos lang pare, everything is doing great.." sagot ko naman.
"it's been a while pare, since we had this kind of bonding" patuloy niya.
Hindi ko nakitaan ng anumang masamang balak si Estong, hindi ko siya nakitaan ng mga matang may pagkamanyakis. Siguro'y mali lamang ang aking interpretasyon kaninang kami ay naghahapunan. Siguro'y kailangan ko na talagang mag move-on sa dilim ng aking panaginip.
"oo nga noh, naging busy na kasi, alam mo naman ang trabaho natin" tugon ko sa aking dating kaibigan.
"tama na muna yan, buti ka nga may pamilya na. magandang asawa, may anak kana, may sariling bahay..." wika niyang muli.
"..e ako magsisimula pa lang" pahabol pa niya.
"naku pare, ikaw din naman, maganda ang mapapangasawa mo, i'm sure ang magiging anak niyo e magaganda din. and, of course diba bibili kana din ng bahay?" balik ko naman sa kanya.
Halos madurog ang aking damdamin nang mga sandaling iyon, nagyaya ng isang toast ang aking dating kaibigan. Dala na siguro ng aming mga emosyon at hindi maitagong pangungulila sa isa't isa. Hindi ko akalaing ang aking dating kaibigan na siya ring naging aking bangungot ay muling nanumbalik ng kakaiba, na sa tingin ko'y kabutihan ang dala.
Napansin naman ng aking asawa ang seryosong pag-uusap namin ni Estong, napansin niyang halos manggilid ang aming mga luha nang simulan naming sariwain ang aming mga nakaraan sa aming dating apartment.
"aba, mukhang seryoso kayo dyan ah? hihi! relax lang guys!" biro pa ni misis.
Hindi naman naging kaiba ang kasama ni Estong na si Kristine, naging close sila kaagad ni misis at tila may sariling mundo din habang nagku-kwentuhan sila. Nang aking idako naman ang mga mata ko sa maganda kong hipag ay medyo hindi ko din naman nagustuhan. Tila kasi nananamantala na itong si Mulong sa kahinaan ng aking hipag.
"pare, ano sa tingin mo dyan sa manliligaw ng hipag ko?" bulong ko kay Estong.
"..ah yan? mukhang ok naman, pero mukhang manyak haha!" sagot niya sa akin.
Muli kaming nagkatinginan ng aking dating kaibigan, tila nanumbalik ang dati naming komunikasyon na sa tingin pa lamang ay nakakapagusap na kami at nakakagawa ng plano sa aming mga isip. Itinaas ko ang aking isang kilay at tinugunan naman ito ng pagtango ni Estong, nagkasundo na kami sa aming balak kahit walang ni-isa mang salita na lumabas sa aming bibig.
"Kat...ok lang ba kayo dyan? huwag ka masyadong uminom ha" paalala ko sa aking hipag.
"ah oo naman kuya, ok lang kami" sagot na malambing ng aking hipag.
"matanong ko nga, kayo na ba ni Mulong??" pahabol kong tanong.
Nag-tinginan ang dalawa, si Kat at Mulong, saka biglang tumawa.
"ah yun nga din po kuya ang gusto kong malaman eh, kung kelan ako sasagutin ng magandang hipag nyo" sabat naman ng mokong na si Mulong.
Napangiti si Estong, tila nairita din siguro sa mga pangungusap ng lalakeng manliligaw ni Katherine. Unti-unti naming isinabuhay ang aming mga plano para sa lalaking ito.
"I will be holding a bachelor's party, you're invited Mulong" sagot naman ni Estong.
Medyo tumaas ang kilay ni hipag nang paanyayahan ni Estong ang kanyang manliligaw, hindi naman mangmang si Kat kung ano ang mga ginagawa ng kalalakihan sa ganoong pagtitipon.
"ah eh.." naudlot na sagot ni mokong.
"ate oh! they're having a bachelor's party!" pagsusumbong ni hipag sa aking asawa.
Medyo kinabahan din ako nang ma-realize kong hindi nga yata tamang ipaalam sa mga kapareha namin ang ganoong okasyon. Pero huli na ang lahat, muli ako'y sumabay sa agos ng mga kaganapan.
"so? don't worry sis, Kristine is also having a bridal shower! hihi!" sagot ng aking asawa.
Nalintikan na, mukhang sumablay yata ang aming plano sa una pa lamang. Tila magaling din yatang maglaro ang mapapangasawa ni Estong.
"akala nyo ha! hmp!" masungit pang pahabol ni hipag.
Muli kaming tumagay, panandaliang iniwan ang usapan upang hindi seryosohin ng mga kababaihan naming kasama. Sa pagkakataong ito ay inilapit ni Estong ang kanyang bibig sa aking tenga, ibinulong niya sa akin ang mas magandang plano para sa manliligaw ng aking hipag na dalaga.
"pare, let's invite him, any time of day, i will let you know" mala-sindikatong wika ni Estong sa akin.
Gaya ng aming nakaraan, si Estong ang nagmaneho sa bangka sa ibabaw ng ilog na sagana. Napangiti na lamang ako nang simulan niyang manipulahin ang binata.
"alam mo Mulong, swerte ka, mukhang mabait itong hipag ni Bogs, maganda at tiyak na mapag-alaga" wika ni Estong.
Alam kong may bala na ang aking dating kaibigan dala ng alak sa katawan.
"...sooner or later, magiging kayo, at kung magkataon e sa simbahan na yan tutuloy diba? don't tell me wala sa plans mo yan iho?" may halong dare pa sa kanyang mga sinabi.
Napatingin naman si Angel sa aking kaibigan, tila namangha din sa galing niyang mag-interogate ng bisita. Nagpatuloy si Estong sa pagsisiyasat at tila nabahag ang buntot ng binata. Tumango-tango lamang si Mulong sa bawat salitang binibitawan ng aking dating kaibigan.
"...hindi ba dapat, as early as this time e dapat lang maging malapit ka sa mga kamag-anak ng nililigawan mo?" patuloy pa ni Estong.
"...lalo na dito kay Bogs, naku, kung maging parang kuya mo talaga ito e parang sa pader kana nakasandal at kasal nalang talaga ang kulang para kay Katherine" pagtatapos ni Estong.
"ah sige po mga kuya, asahan niyo po, gagawin ko ang lahat para lang sa puso ni Kat" matamis na pambobola pa ng gago.
Muli kaming tumagay, aking kinamayan si Estong para sa ngayon palang ay maituturing ko nang tagumpay. May ilan pa kaming dapat pag-usapan, na hindi dapat marinig ng mga babae naming kasama. Tungkol ito sa detalye ng aming balak para kay Mulong. Gusto kong subukan kung tapat nga ang pag-ibig ng binata para sa aking magandang hipag.
"Mulong, bigay mo sakin number mo, i'll call you minsan" seryoso ko kunyaring wika.
"anytime kuya" sagot naman niya.
itutuloy
No comments:
Post a Comment