Part 12 Good 'Ol Days
Ang hangin ay nawawalan na ng lamig, sa pagdampi nito sa aking balat ay nararamdaman ko na ang hapdi ng init. Madalas ay maaliwalas na ang kalangitan, ang lupa nama'y nagbibitak na't uhaw na uhaw sa ulan. Tag-init na naman, summer na naman. Sa karamihan, lalo na sa mga kabataan, ito'y panahon ng bakasyon at paglalagalag kung saan. Naalala ko kailan lamang, summer nga pala noong kami'y nagbakasyon sa dagat. Makasaysayang bakasyon para sa aking asawa. Halos isang taon na pala ang lumipas nang una niyang matikman si Regina.
Sa tingin ko walang plano ngayong taon mag out of town ang aking maybahay, hindi sa nagtitipid pero hindi naman talaga pala-bakasyon si misis. Mabuti na rin siguro ito dahil sa malamang e isasama na naman si Carina kung matuloy man.
Kung ang iba'y abala sa bakasyon, kami namang nasa industriya ng pag-gawa ay hindi ito alintana. Kung ang ila'y nasa dagat at nagtatampisaw, ang karera ko naman sa buhay ay abala dahil panahon din ito kung saan madaming nagpapagawa ng bahay. Isang araw nang ako'y nasa construction site, isang tawag ang aking natanggap. Tawag sa teleponong hindi ko inaasahan.
"hello?" sagot ko.
"yes pare! kumusta kana?" bati ng kausap ko.
"ayos naman, napatawag ka?" sagot ko.
Si Estong. Alam ko kilala nyo na siya. Hindi ko na siya muling ipapakilala, pero kailangan kong banggitin na siya ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Carina. Pinalagpas ko na yun, hinayaan ko na lang na tangayin ng hangin ang mga kalokohang ginawa nila sa akin. Tutal, hindi ko naman talaga pwede siyang kumprontahin, hindi ko naman asawa si Carina. Sa isip siguro niya, kung ako natikman ko ang dalaga kahit ako'y may asawa na, e siya pa kaya.
"ah wala naman pare, naalala lang kita...pwede ba tayo magkita?" pahayag pa niya.
"naku pare, medyo busy ako sa ngayon e...ano ba meron?" sagot ko naman.
"ay ganun ba, e mas maigi sana kung personal ko na sasabihin sa iyo e..." wika ni Estong.
"ganun ba, mukhang napaka-importante nyan ah?" sagot ko naman.
"oo pare, uhm, gusto sana kitang kuhaning ninong...papabinyagan ko na kasi yung anak namin ni Kristine"paliwanag ng aking lumang kaibigan.
"aba tingnan mo nga naman...parang kailang lang e buntis pa lang si Kristine...sure pare, sino ba naman ako para tumanggi?" sagot ko sa kanya.
Ganyan ang kapangyarihan ng salitang "kaibigan". Ganyang kabagsik ang nagagawa nito sa buhay ninoman. Alam kong alam niya na wala na kami ni Carina. Alam kong alam rin niya na alam kong nagkantutan sila ng aking dating nobya. Hindi ko nga alam kung bakit kahit anong dagok ang nagawa niya sa akin e hindi ko magawang magtanim talaga ng galit sa kanya.
"salamat pare...ipapadala ko sa inyo yung invitation ha...siya nga pala, a-attend ka ba sa annual conference ng UAP?" pahabol niyang tanong.
"kelan ba? ...ah oo nga pala, sa makalawa na nga pala yun...oo pare, nagparehistro na ako..sige kita nalang tayo dun.." sagot ko naman.
"sige sige...kumusta na pala pamilya mo?" wika ni Estong.
"ayos naman sila pare...I think we should go out din sometime..." suhestyon ko pa.
Aba, akalain mong ako pa mismo ang nagpasimuno sa muli naming pagkikita. Sabagay, gaya na rin ng aking karanasan, na habang umiiwas ka e lalo pang lalapit sa iyo ang iniiwasan mo. Malay ko ba, baka sa pagkakataong ito e siya na mismo ang umiwas.
"..o sige pare, kita kits nalang...bye" paalam ni Estong.
Wala naman siguro nang mawawala sa akin kung maging malapit muli kami sa isa't isa ng dati kong kaibigan. Tutal nakuha na niya kung ano meron ako dati, sigurado naman ako sa aking asawa. Malay ko ba sa bandang huli e ipatikim pa niya sa akin si Kristine na asawa niya.
Maaga akong umuwi noong araw na iyon, nakaugalian ko nang umuwi ng maaga tuwing ako'y nasa site upang atupagin ang mga dapat gawin. Sa pagkakataong ito, day off ni misis, naghihintay na siya sa akin sa aming condo. Sinubukan ko muna siyang tawagan habang ako'y nasa traffic pauwi sa amin. Hindi sumasagot si misis, siguro nasa banyo at naliligo, alam niya kasing maaga akong uuwi at alam na niya ang aming gagawin.
Sa tuwing magtatalik kami ni Angel ay palaging may bago. Mula sa bagong posisyon, bagong trip, mga role playing, minsan nga kahit kunyari lang e nagku-kunyari kaming may ibang kasama, para lang sumaya at maging mas kalibog-libog ang aming pribadong sandali.
Sakay pa lang ako ng elevator paakyat sa aming unit ay libog na libog na rin ako. Iniisip ko na kung ano pa ba ang surpresang gagawin ni misis noon. Noong nakaraan kasi, sinabihan niyang manuod si Regina sa amin. Kunyari hindi ko alam, doon kami nagtalik sa sala habang si Regina'y nakasilip mula sa aming silid. Matapos ang pagtatalik namin ay inutusan muna niya ako kunyari upang makalabas naman si Regina para umuwi. Siya nga pala, regular na kalaguyo ni misis si Regina. Pero isang malaking bawal na ako'y sumalo sa kanila.
Sa pagkakataong ito, sa kabila ng aking excitement ay nagulat din ako. Pagpasok ko'y may ibang tao. Lalaki. Kilala ko siya, at lalong kilala ni misis. May bisita pala kami, si Edong. Yung pinsan niyang mahangin.
"uy Bogs, kumusta?" bungad niya sa akin.
"uy Edong, eto okay lang...napadalaw ka?" sagot ko naman.
Sa gitna ng aming pagbabatian, hindi ko naiwasang magalit sa aking isipan. Paano ba naman, ang suot lang ni misis e yung sandong puti at maiksing shorts na itim. Tuwing yuyuko si misis ay bumubuyangyang ang kanyang malulusog na suso. Sa ibang anggulo nama'y masisilip mo ang maputi niyang singit. Siguro ito ang suot talaga ni misis para sa aming pagtatalik, yun nga lang, hindi rin niya akalaing dadalaw pala ang pinsan niyang si Edong.
"ah eh...magpapagawa kasi kami ng asawa ko ng paupahang apartment..." paliwanag ni Edong.
Si Edong may asawa? Parang wala naman. Parang wala akong nakita noong kasal ni hipag na kasama niya. Ewan ko lang ha, pero mukhang mas magaling yatang mag-"drawing" itong pinsan ni misis kasya sa akin. Hindi rin kasi nabanggit ni Angel na kasal na pala ang pinsan niyang nag-migrate sa Canada. Siguro hindi ko rin napansin noong kasal ni Kat, abala kasi ako sa ibang babae.
"daan ka sa office minsan para mapag-usapan natin.." sagot ko kaagad.
"...hehe bakit pa? e kaya nga ako dumiretso dito sa inyo...para maka-discount! hehe!" dahilan ni Edong.
Peste. Talaga nga naman. Ah kaya nga pala yumaman itong si Edong e dahil sa kakuriputan. Siya yung tao na lahat yata e ipagyayabang, pero kapag siya ang hingan mo e parang may bulsa sa balat ang kumag.
Nginitian ko nalang ang pinsan ni misis, wala naman akong magagawa kahit ayaw kong tulungan ang lalakeng iyon. Alam kong mula pagkabata'y malapit na sila sa isa't isa. Pumasok muna ako sa aming silid upang magpalit ng damit. Ilang saglit lang ay lumabas din ako upang makisali sa kanilang usapan, saka para bantayan na rin si misis.
"ay may tao pa babe" wika ni Angel sa akin nang ako'y magba-banyo sana.
"si-sino?" pagtataka ko.
"asawa ko nasa loob...medyo masama tiyan e..may nakain yatang panis" sabat ni Edong.
Aba akalain mo, totoo ngang may asawa na si Edong. Akala ko kasi'y hangin lang din ang sinabi niyang "asawa" niya. Malay ko ba, baka kung saan lang niya napulot ang sinasabi niyang misis niya.
*click*
Bumukas ang pintuan ng aming banyo. Kaagad akong napalingon dito dahil ihing-ihi na rin ako. Sa aking pagkakatayo'y namangha ako. Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Isang maputing babae, bilugan ang mga mata't ang mga labi nama'y sing-pula ng pakwan.
"ay sorry..." mahina niyang bulong.
Ngumiti lang ako nang magtama ang aming mga paningin. Dumiretso na ako sa loob ng banyo sa pagmamadali. Habang ako'y umiihi, napaisip ako at binalikan ang alaala.
"parang pamilyar siya.." wika ko sa aking sarili.
"...putsa..It can't be...shit" patuloy ko pang sigaw sa aking isipan.
"...shit siya nga...putsa, asawa siya ni Edong??" patuloy ko pa.
Ako'y lumabas ng banyo matapos umihi. Bumalik ako sa kinaroroonan ng aking asawa't sumalo sa usapan nila. Pasulyap-sulyap akong palihim sa babaeng "asawa" ni Edong. Sigurado ako, siya nga ang babaeng tinutukoy ko sa aking isipan.
"oh by the way, Bogs, meet my wife..." wika ni Edong.
itutuloy
san po mbbsa yung nangyari ke estong at carina?
ReplyDelete