Part 30 Truth & Lies
"Once is an incident, twice, means coincidence. But the third time, a pattern"
Isa ito sa mga katagang tumatak sa aking isipan mula sa ilang palabas sa telebisyong aking napanuod. Noong una, akala ko'y simpleng lohiko lamang ito, pero sa mga nakaraang mga pagkakataon, hindi ko namamalayan na ito pala'y tila lumalapat na sa aking buhay.
Ilan lamang sa aking tinutukoy ay si Alex, halimbawa. Una kaming nagtalik, ito'y insidente lang. Naulit, well okay as a second time. Hanggang sa kami'y nagkaroon na ng pattern, na ang lahat ng aming pagkikita'y planado. Isa pa ring ehemplo, itong si Tricia. Noong una ko siyang makita, isa itong insidente. Nagkataong asawa pala siya ni Edong na pinsan ng aking asawa at kami'y muling nag-krus ang landas - coincidence. Hindi ko alam na kung pwede bang ituring na pattern ang kanyang mga ngiti sa tuwing kami'y nagkikita. Lastly, si Carina. Hindi ko na kailangang balikan pa ang dati. Ngayon na lang kung saan patuloy pa rin talaga kaming pinagtatagpo ng tadhana. Tuwing sumasagi ang pangalan niya sa aking isip, nagkakatotoo ito.
"babe, tumawag si Carina kanina" ani misis isang hapon nang ihatid ko siya para sa pang-gabi niyang duty.
"oh bakit naman?" sagot ko kaagad.
Sa totoo lang, kahit pa libog na libog pa rin ako sa dalagang ito, e medyo nawawalan na talaga ako ng gana. Ilang buwan na rin kasi ang lumipas, kung gusto niyang maayos muli ang relasyon namin e sana hindi na tumagal ng ganito. Lumalabas e tila nanunudyo na lang si Carina sa pamamagitan ng nobyo niya kuno, at oo, ito'y epektibo.
"aba, Bogs galit ka pa ba sa kanya?" biglang tanong ni misis dahil sa tono ng aking boses.
"...tumawag siya dahil sa ipapagawa nilang bahay ni Cid, remember?...kaya mo ba?" tanong na ni Angel.
"kayang alin??" sagot ko.
"kaya mo bang isabay sa project mo kay insan Edong?" paliwanag niya.
"ah oo naman siyempre...so bakit siya tumawag?" patuloy ko naman.
"well I tried moving the date, pero her BF daw e wala nang available days within this month and he wanted to build the house as soon as possible" pahayag ng aking asawa.
"...meaning?" tanong ko.
"meaning, ikaw na lang ang haharap sa kanila, may duty ako diba? yes, tonight na" sagot ng aking maybahay.
"what??" reaksyon ko kaagad.
"I know Bogs, sorry. you really have to let go of her...I mean, she is still our friend di ba? so you have to teach yourself how to deal with her, and her new life, as a friend also...kaya mo yan Bogs."paliwanag ni misis.
May magagawa pa ba ako?
"okay okay...tama ka babe, I really have to move on...so, uhm, saan naman daw? baka naman sobrang gabi na" tanong ko ulit.
"well, alam din naman nila ang schedule natin...sabi ko sa condo na lang kasi di mo din naman pwede iwan yung anak natin" paliwanag muli ng aking asawa.
"kasama si Cid?" pahabol ko pa.
"of course! ikaw talaga..." biro pa ni Angel.
Pabalik na ako ng condo noon, matapos kong ihatid ang aking asawa ay tumulak na ako pauwi sa amin. Maaliwalas ang langit, kita lahat ng mga bituin. Mainit ang simoy ng hangin, bukod sa pagod sa trabaho kaninang umaga, siguro masarap ang nagyeyelong serbesa mamaya. Hindi ko na inalintana kung may bibisita ngang "kliyente", tutal hindi naman ito pormal na transaksyon kaya't okay lang ako'y uminom.
"hello?" sagot ko sa telepono habang ako'y naipit sandali sa trapiko.
"hi kuya Bogs, Carina ito...are you home na?" sagot ng dalaga.
Aba at nagpalit pa pala siya ng numero ng telepono.
"uhm, on the way pa lang..." tipid kong sagot sa kanya.
"ah okay, sakto lang...see you later kuya" paalam na niya.
Simpleng conversation lang. Para bang wala kaming nakaraan. Para bang wala na talaga akong halaga sa kanya. Kung hindi nga lang sa pamimilit ni misis e hindi ko na sana papansinin ang proyekto nila ng kanyang nobyo.
Doon muna ako dumiretso sa tindahan sa ibaba ng aming condo upang bumili ng aking maiinom mamaya. Pamatid uhaw, pampa-relax ng katawan, pampa-lakas ng loob. Pagpasok ko sa lobby, di kalayuan dito ay ang coffee shop. Napalingon ako doon sa di inaasahang pagkakataon. Pamilyar na lalake ang namukod-tangi sa aking paningin, parang nakita ko na ito dati.
Lumapit ako saglit dala ang anim na lata ng beer at isang supot ng pulutan. Palapit ng palapit ay pabilis naman ng pabilis ang lukso ng aking puso. Sigurado kasi ako na ang nakita ko'y kunektado sa akin, hindi ko lang maalala kung sino siya at kung saan ko ba siya unang nakita. Ilang saglit pa, bago ko nalapitan ang lalake at bago niya ako makitang papunta sa kinaroroonan niya, bigla ko na lang naalala kung sino siya.
"puta, si Benjo" bulong ko sa aking sarili.
Bigla akong tumalikod. Ayokong makita niya ako. Mabilis akong tumungo papuntang elevator. Sa isip ko'y nagtataka pa rin ako. Siya nga, siya nga ang masuwerteng lalaki na binigyan ng asawa ko ng ligaya.
"tang-ina yun, ano ginagawa nun dito?? pucha, mukhang gustong umulit sa asawa ko ah?" bulong ko ulit sa aking sarili habang inaantabayanan ko ang elevator.
Ayaw ko man isipin, pero hindi talaga maiwasan ng madumi kong isipan ang pakay ni Benjo. Maraming coffee shop sa Kamaynilaan, maraming iba dyan. Bakit dito pa mismo sa aming condo niya napiling mag-kape. Siguro nagmamasid siya, siguro naghihintay siya ng tsansang makita ang aking asawa. Buti na lang at hindi gaanong mahilig sa kape si Angel.
"kuya! hihi!" bati sa akin ng isang dalaga pagbukas ng pintuan ng elevator.
"uy! hi Carina!" masaya ko namang bati sa kanya.
"kararating mo lang? sakto lang pala punta ko" wika ni Carina.
"ah oo, dumaan lang ako dyan sa tindahan para bumili nito" sagot ko.
"...ikaw lang?" pahabol ko.
Hindi nagsalita si Carina, hindi niya sinagot ng diretso ang tanong ko, sa halip ay isang ngiti ang kanyang itinugon bilang sagot na oo. Kaagad napawi ang "galit" ko sa nakita ko kanina, nalimot ko agad si Benjo. Ganito ka-bagsik ang kamandag ni Carina, ganyan siya kalupit. Ngiti pa lang, malilimutan mo na ang iyong pangalan.
"after you..." maginoo kong wika nang marating na namin ang palapag kung saan naroon ang aming unit.
"thanks." mahina niyang tugon.
Parehas kaming tahimik pagpasok ng aming unit, pinaupo ko siya sa aming sofa at inalok din ng beer. Hindi niya tinanggap ang aking alok, wala daw siya sa mood uminom.
"ah okay, sige I'll just wait here baby...bye" sabi pa ni Carina sa kausap niya sa telepono niya. Malamang ito'y si Cid.
"...uhm, kuya Bogs, medyo matatagalan pa si Cid...okay lang ba?" wika ni Carina.
"yeah okay lang, ano ka ba..." sagot ko.
Muling binalot ng katahimikan ang loob ng aming condo. Nakakapanibago, hindi ito ang Carina na nakilala ko. Kahit pa nitong nagkahiwalay na nga kami e hindi siya ganito katahimik. Ah alam ko na, marahil kami lamang talaga ang naroon sa silid at wala pa ang nobyo niya.
"kumain kana ba? uhm, miryenda? anything?" tanong ko ulit sa kanya.
"okay lang ako kuya Bogs...huwag mo na akong intindihin" paalala pa ni Carina sa akin.
Sa halip na ako'y umiwas, siguro nga nasunod ko na ang bilin ng aking asawa, na maging natural na at ituring na kaibigan ko pa rin si Carina. Ginampanan ko ito ngunit tila ang dalaga ang hindi makapagdala sa sitwasyon. Ito ang gabi na mula nang kami'y maghiwalay ay solo namin ang isa't isa. Walang ibang tao, walang ibang nakakakita. Ito na yata ang itinakda ng tadhana na ayusin namin ang gusot namin sa isa't isa, ito na yata yung oras na linawin na namin ang malabo naming pakikitungo sa kapwa.
"ah alam ko na! saglit lang ha" wika ko sa kanya.
Pumunta ako sa refrigerator, kinuha ko doon ang plastik na lalagyan na naglalaman ng isang uri ng cake, cheesecake. Naglagay ako sa isang platito, kumuha ng tinidor at muli akong bumalik sa sala upang ihain ito kay Carina.
"I know hindi mo ito tatanggihan, paborito mo ito diba?" alok ko sa kanya.
Napatingin sa akin si Carina, tingin na para bang nanggigilid ang mga luha. Wala akong intensyong paiyakin si Carina, ang pakay ko lang talaga'y maging mabait sa kanya.
"kuya why?" mahina niyang tanong.
"...why are you doing this to me?" patuloy niya.
Ako'y nagtaka, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ng dalaga. Pero halatang naiiyak na siya, halatang naantig ko ang puso ni Carina dahil sa aking ginawa. Hindi ko lang maintindihan kung ano ang dahilan, pero sigurado akong nag-anib nang muli ang aming mga damdamin.
"what, what do you mean?" tanong ko naman.
"this. this whole thing...from the elevator, you, you being a gentleman to me??" sabi pa niya.
Totoo naman talaga, hindi ko naman sinasadya ang mga kilos at galaw ko noong magkasama kaming dalawa. Siguro natural na lang sa akin na maging maasikaso sa mga babae, lalo na kapag may nakaraan kami. Wala sa plano ko noon na "muli siyang akitin", ang sa isip ko lang talaga ay maging natural para sa kanya. Besides, si Carina naman talaga itong mapaglaro, pero tila nagbago yata ang ihip ng hangin noong mga sandaling iyon.
"masama ba? I mean, this is me di ba? kilala mo naman ako diba?" paliwanag ko naman sa kanya.
"bakit nga? sa mga nagawa ko sa iyo bakit ganito ka pa rin?" tanong muli ni Carina.
Alam kong limitado ang oras, alam kong maya maya lamang ay darating na ang kanyang nobyong si Cid. Ngunit sigurado akong ito ang pagkakataong itinakda ng tadhana para sa aming dalawa. Ang hirap pala, ang hirap palang makatunggali ang dati mong minamahal. Bibiruin ko pa sana si Carina, biro na alam kong dati na rin niyang ginagawa. Subalit sa pagtingin ko sa kanyang mga mata, nasilayan ko ang pagiging seryoso niya. Doon din ay minarapat ko nang harapin at alamin ang dapat kong malaman mula sa kanya.
"ang alam ko ako ang dapat magtanong nyan Carina. ang alam ko ako ang dapat magtaka sa mga nagawa mo sa akin" pahayag ko sa kanya.
"...so? what do you think?...eto na, eto na yung time na hinihintay nating dalawa...alam ko may pagkakamali din ako dati, pero ang alam ko dati e mahal kita" patuloy ko pa.
Napayuko si Carina, kung anong tatag niya noon at kung gaano siya kalakas na babae ay tila ngayon nama'y nanghihina. Sa gitna ng katahimikan, dinig ko halos ang bawat tibok ng kanyang puso. Sa marahan at pigil niyang paghikbi'y nararamdaman ko ang silakbo ng kanyang damdamin at ang simulang pag-agos ng kanyang luha.
"you are really...shit kuya, just shit ka." wika ni Carina.
Noon ko lang yata nakitang nagalit ang dalaga. Sa tagal naming nagkasama maging sa kama ay hindi ko yata maalala kung kelan siya huling nagalit. Mamula-mula ang mga mata, nag-ngangalit ang kanyang panga. Akala ko nga e iiyak na siyang tuluyan na parang bata.
"...I know Carina. Alam kong walang nangyari sa inyo ni Estong...now the question is why? why do you have to do that?" tanong ko naman.
Muli, sandaling katahimikan ang namutawi sa dalaga. Ngayo'y batid ko na, seryosong talaga si Carina, hindi niya maidaan sa biro bilang depensa na palagi niyang ginagawa. Mamalim, may pinaghuhugutan ika nga. Nagtiyaga ako, hinintay ko talaga siya at hindi na maaari pang palagpasin ang pagkakataon.
"mahal kita. mahal na mahal pa rin kita kuya." kasunod nito'y pagpatak na ng kanyang mga luha.
Niyakap ko kaagad si Carina. Yakap na aming pinagsaluhan noong nasa tuktok pa kami ng aming pagmamahalan. Muling nanumbalik ang lahat, sa ilan niyang nasabi'y napawi ang lahat ng pighati.
"then why? I mean, what's with Estong? with Cid? with everything?" tanong ko ulit.
"Estong and I talked before. yes he tried hitting up on me, pero sabi ko may BF na ako. hindi ko naman alam na connected pala si Cid kay ate Krisitine." paliwanag ni Carina.
"no hindi yun...bakit mo sinabi na may nangyari sa inyo ni Estong." tanong ko.
"...dumating sa isip ko ang pangungulila kuya. I know we are happy, we enjoyed everything. you, ate Angel, Katherine...mag-asawa kayo ni ate, si Kat may asawa na rin. ako? saan ako? nagawa ko yun just to be away. alam mo naman na mahal kita noon pa, pero paano naman yung future ko? mahirap kuya. tuwing nagse-seks kami ni Cid ikaw pa rin naiisip ko, but then, you and me cannot be a 'family'. hindi mo ako pwedeng pakasalan, hindi mo ako pwedeng bigyan ng anak. so I decided to move away" paliwanag ng dalaga.
"so ganun na lang? alam mo Carina, it could have been a happy ending. Kat got married but changes nothing between us. all you have to do is ask" sagot ko.
"ang hirap eh...pero nandito na...kahit paano nahulog na rin naman ako kay Cid" sagot ng dalaga.
"okay naiintindihan kita...all I want is maayos na natin ang lahat..." sagot ko ulit.
"it is. maayos naman...at least malinaw na sa atin lahat" sagot niya.
"can I kiss you?" tanong ko.
Tumango si Carina. Marahan kong inilapit ang mga labi ko sa kanya. Malaya kong nahalikan si Carina. Ang sarap. Ang lambot. Ang bango ng kanyang hininga.
No comments:
Post a Comment