Tagalog Sex Stories - "Room For Rent" Part 59

Part 59 Probinsyana II

"madam Pola ready na po yung sasakyan" bungad ni manong driver umaga ng nakatakdang araw ng paglalakbay.

Pagputok ng araw matapos ang napakasarap na agahang inihanda ni yaya bago siya mag day-off ay handa na ang mag-ina sa pag-uwi sa bayang sinilangan. Pinaghalong saya at kaba ang nasa puso ng dalagang ina, pinilit niyang umibabaw ang ligaya, pilit iwinaksi ang masalimuot na mga nakaraan. Buo ang isipan at pananaw, sila ay uuwi ni Itoy, makikipagbati sa kanyang ina.

Hindi kalayuan ang kanilang probinsya sa bandang norte ng Maynila, kung tutuusin ay isang oras lamang na byahe ito ngunit sa lalim ng kanyang iniisip habang daa'y parang umabot ito ng ilang oras. Bago ang mga kalsada, nagsulputan ang ilang mga bagong gusali na dati'y wala pa. Sa humigit kumulang tatlong taon na pagkawala, ngayon ay naririto na siyang muli na daig pa ang isang OFW sa dalang ng pag-uwi.

Gayung saksi ang langit at lupa sa unti-unting pag-unlad ng kanilang bayan, hindi naman maikakaila ang naiwang mga kultura at nakagawian. Naroon pa din ang mga batang naglalaro sa lansangan, isama pa ang mga walang humpay na tambay sa kanto. Nang kanilang madaanan ang karinderya sa labas ng paligid ng iskwelahan, nagtaka si Pola, nagtaka at nangulila.

"nasaan na??" bulong ni Pola sa sarili.

"madam, dito na po ba tayo?" singit naman ni manong driver.

"ah hindi manong, diretso mo pa" sagot ni Pola.

Muling nanumbalik ang mapait, ang malupit na nakaraan. Hindi alam ni Pola ang iisipin, wala na roon ang kainan kung saan tanging ikinabubuhay ng kanyang ina at maging siya noong bata pa. Lumisan na din kaya ang mama niya? Nailipat ba dahil ibang gusali na ang nasa harapan ng paaralan? Walang nakakaalam, pero huwag naman sana ang trahedya na bahagyang sumagi sa isipan ni Pola, ang lupit ng tadhana kasama pa ang edad ng kanyang ina.

Sa ilang minuto pa, kanilang sinapit ang kalsadang dating walang semento, kung dati'y mula pa lamang sa kanto ay matatanaw na ang kanilang bahay, ngayo'y halos wala nang bakanteng lote sa kanilang kalye. Inisa-isa ang bahay, halos hindi na niya kilala ang mga nakatira dito. Sa pagtatayo kasi ng isang malaking gusali sa kanilang bayan ay kasabay ang pagsulputan ng mga tao at pagpapatayo ng ilang mga bahay.

"manong teka, ito na, ito na bahay ni mama" wika ni Pola.

Huminto ang sasakyan, ngunit hindi siya bumaba kaagad. Ang ilang kapitbahay ay nagtinginan sa pamosong tatak ng sasakyan, hindi kasi ganoon kadalas madaanan ang kalyeng iyon ng isang magarang kotse. Ganunpaman ay hindi naman siya kita sa loob, ilang minuto siyang nanatili sa pagkakaupo at tila naghintay at nagmasid kung may tao ba sa loob ng kanilang bahay o di kaya'y baka iba na ang nakatira dito.

Sa paghupa ng mga matang nakatingin sa kanila ay kasabay ang pagbukas ng pintuan ng kanilang bahay. Lumabas dito ang isang babae, babaeng maputi, maamo ang mukha at nakabukol ang tiyan. Umiling si Pola, akala niya ay iba na talaga ang nakatira sa kanilang bahay. Subalit bago pa man yayain ang tsuper na lumisan ay bigla siyang napalingon ng sumunod lumabas ang isang lalake. Isang lalakeng pamilyar sa kanya, kahit na medyo tumaba ay naroon pa din ang pagkakakilanlan.

"kanino kaya yan?" tanong ni Lally kay Mitoy.

"hindi ko alam mahal ko, kanina pa ba yan dyan nung lumabas ka?" sagot ni Mitoy.

Sa pagtitig ay muling pumatak ang mga luha ni Pola, hindi niya alam kung ito ba'y para sa galak at tuwa o sa muli nilang pagkikita. Pero bago pa man lumapit sa kanyang sasakyan si Mitoy ay naisip niya hindi ang pag-aasawa ni Mitoy, kundi bakit naroon siya sa kanilang bahay.

"ano po yun manong? may hinahanap po ba kayo?" wika ni Mitoy sa tsuper na kita mula sa labas ng sasakyan.

"ako na manong..." bago pa man buksan ng driver ang bintana upang sagutin ang binata ay hinarang na siya ni Pola.

Nanlaki ang mga mata ni Mitoy, sa dahan-dahang pagbaba ng itim na bintana ng kotse siya ay namangha. Walang ipinagbago si Pola, sa halip na malosyang dahil sa panganganak ay lalo pa yatang gumanda si Pola at nagmukhang dalaga. Natuyuan ng laway ang binata, hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa muli nilang pagkikita.

"mahal kilala mo siya?" pagbasag ni Lally sa katahimikan.

"Po-Pola? ikaw ba yan Pola??" wika ni Mitoy.

Binuksan ni Mitoy ang gate ng bakuran, sinenyasan ang tsuper na ipasok ang sasakyan upang doon iparada. 

"mahal si Pola yan.." bungad ni Mitoy sa asawa.

Noong una'y asiwa, sino ba naman ang magiging kumportable sa lalakeng pinakantot mo at sa huli'y kapatid mo pala sa ina. Pero para saan pa nga ba at babalikan pa ang nakaraan at luma, kailangang harapin na ang katotohanan at sikaping mabuhay na ng normal.

"Mitoy..." wika ni Pola.

"ah, Pola si Lally nga pala, asawa ko...Lally si Pola, ATE ko" pakilala ng kanyang kababata.

Dito ay ngumiti na si Pola, habang sumisilip si Mitoy sa loob ng sasakayan at tila inaalam kung sino pa ang kanyang kasama ay pinababa na ni Pola ang kanyang anak.

"come here baby, halika..." wika ni Pola.

Hindi naman na surpresa para kay Mitoy ang anak ni Pola, alam niyang buntis ito nang siya ay lumisan. Subalit ngayon lamang niya nakita ang bunga ni Aeron at Pola. 

"mag bless ka kay tito Mitoy anak...then kay tita Lally" utos ni Pola.

"ang cute naman! hihih! sana cute din maging anak natin Mitoy...hihi" bati naman ni Lally.

"pasok na muna kayo Pola, tara" wika ni Mitoy.

"teka may lakad yata kayo diba?" pagtutol ni Pola.

"ah hindi naman, magsisimba lang sana kami" sagot ni Mitoy.

Alam nila sa isa't isa na madaming katanungan, madaming bagay ang kanilang dapat malaman at malinawan. Subalit sa biglaang pagkikita'y tila hindi pa sila kumportable sa isa't isa. Ganunpaman ay minarapat nalang nila na magsama-sama sa simbahan at ituring itong unang hakbang para sa pag-aayos ng gusot sa buhay.

"tara sama na din kami" wika ni Pola.

"wow ate bigtime kana ha..." biro pa ni Mitoy pagsakay nila sa kotse ng dalagang ina.

Ngumiti lamang si Pola at hindi na pinatulan pa ang mga pagpuna ng kanyang kapatid sa inang si Mitoy.

"si mama nasaan?" tanong ni Pola.

"ah nasa Pampanga, may catering sila kagabi, mamaya uuwi na din yun" sagot ni Mitoy.

Marami pang gustong malaman at mabalitaan si Pola, pero ito'y kanyang ipinagpaliban na muna. Mas maganda sigurong maihanda na muna ang kanyang espiritwal na bahagi bago pa man sumabak sa panibagong laban.

"what's your name?" tanong ni Mitoy sa batang anak ni Pola.

"Itoy! my name is Itoy!" sagot ng bata.

Napangiti si Mitoy, alam niyang kahit paano'y hindi pala talaga siya kinalimutan ni Pola. Ang pagsunod ng pangala'y isang uri ng pagpupugay o pagbibigay alaala sa isang taong importante sa kanyang buhay.

Buong misa ay hindi na muling nagkibuan ang magkakasama, maliban sa mga salita ni Itoy ay wala na. Seryoso sina Pola at Mitoy, pinaghahandaan ang lahat, ang lahat ng paliwanag at malalaman.

"peace be with you" wika nila sa isa't isa matapos ang misa.
 
itutuloy

No comments:

Post a Comment