Iyon na ang huling sandali na kami ay nagkasama ni Arlene dahil pagkaraan lamang ng tatlong araw ay nanirahan na sa Maynila ang kanyang buong pamilya. Biglaan daw sabi ng kapitbahay nila. Kung ano ang dahilan ay hindi ko na rin inalam. Masakit kasi sa part ko dahil hindi man lang siya nagpaalam kahit nakuha ko man lang sana ang address o contact number niya. Pero wala basta biglaan daw at emergency. Okay, fine. Nag-focus ako sa pag-aaral at nawalan ako ng ganang makipagrelasyon. “sus, minsan ka lang nasaktan ayaw mo na. kasama sa pakikipagrelasyon ang masaktan ka.” Ito ang sabi sa akin ni Rhea. So siguro hindi ko lang muna iintindihin ang relasyon. Darating din tayo jan.
Maraming babaeng nakaaligid sa akin pero hindi ko muna ito binigyan ng halaga. Alam ko namang gusto ko rin pero ayaw ko na munang masaktan, atleast not now naman. six? Araw- araw, si Miss Mary Palm. Hahaha, laman ng imagination ko si Arlene. Siguro dahil ni walang nangyari sa aming dalawa. Yon sanang huli ang kaso magdamag silang nagkwentuhan ni Rhea at hindi ako makaporma ng gabing iyon. Asar nga ako sa betfriend ko noon eh. Pero tapos na yon, ano pa nga ba di pangarapin ko na lang muna si Arlene.
Chapter II: Ang Mahinhin at Ang Malandi
“Hello, ano ba Weng, susunduin mo ba ako o ako na ang susundo sayo? Kanina pa kita hinihintay ah. Nasaan ka na ba?” Sunud-sunod na talak sa akin ni Rhea. May gimik daw kasi sila at kailangan niya ng escort at ako ang napagdidiskitahan niya. Laging ganun kami bestfriend nga kasi.
Pauwi pa lang ako galing trabaho. Isa akong supervisor sa sa isang Construction firm na nag-ooperate sa Isabela at Cagayan. Naka-assign ako sa Quarry para mamonitor daw ang takbo ng business. Bali hawak ko ang aggregates and concrete products. Next month daw madadagdag sa responsibility ko ang motorpool. Okay naman ang sweldo at masaya ako sa trabaho ko. Natututo akong mag-operate ng heavy equipment gaya ng back hoe at loader. Si Rhea naman ay clerk sa Munisipyo at magbestfriend pa rin kami.
“Heto na, malapit na ako. Bakit ba atat na atat ka jan eh puro sosyalan lang namang walang kawawaan ang mga gagawin niyo doon. Tapos puro pa plastikan ang mangyayari.” Sagot ko naman sa kanya. Naasar ako minsan pero sinasamahan ko rin naman siya. Hindi ko siya matiis eh.
Alas-dos na ng hapon ng masundo ko si Rhea sa kanila. Agad niya akong tinalakan pagkakita niya sa akin. “Bakit ba napakatagal mo. Kapag tayo naiwan ng sasakyan makikita mo.” Out of town daw kasi ang gimik nila sa isang beach sa Dinadiawan.
“Narito na nga ako o, diba? Tara na at baka maiwan pa tayo.” Hila ko na lamang sa kanya para hindi na tumagal pa ang usapan. Minsan kasi nauuwi sa mahabang sagutan ang usapan namin na nagdudulot ng tampuhan. Tampuhan na kung minsan ay nauuwi sa dalawa hanggang tatlong araw na hindi nagpapansinan. Buti na nga lang at matibay din ang pagiging magkaibigan namin at hindi namin matiis ang isat-isa.
Tatlong oras na biyahe at narating din namin ang destinasyon. Wow, white beach at maganda ang place at malinis dahil wala kang makikitang kahit isang piraso ng basura at iilang cottages lang ang nakatayo sa paligid. Walang building at masarap ang hangin dahil maraming puno sa paligid at nasa malapit lang ang bundok ng sierra madre. All-in-all, paradise ng masasabi.
No comments:
Post a Comment