“Weng, yang siper mo bukas at labas na labas yang brief mong kulay pula.”
Sobrang hiya ako dahil sa tagal kong naglakad kanina sa labas at sa dami ng studyanteng nakatambay kanina sa labas malamang nakita din nila ang brief kong pula. Kaya pala nagtitinginan sila sa akin kanina at parang proud na proud pa ako yun pala.
Anong malay ko ba na bukas pala ang siper ko, maglaway sila. Saka okay lang naman ang brief ko ah. Nabili ko to ng 150 sa three-in-one pack. Yong isa nga maroon at green naman yung isa pa. Hay bahala sila sa buhay nila basta ako maligaya ako ngayon at sa wakas hindi na ako inosente sa six. Kaya lang parang upset naman kanina si ate Novy. Hindi bale babawi na lang ako sa kanya sa susunod at sana may kasunod pa.
“Anong nangyari sayo. Hello am still here. Ehhh asar ka talaga.” Himutok ni Rhea sa akin na nalimutan kong kasama ko pala sya at sya ang nagligtas sa akin sa mas masahol pang kahihiyan.
“Oy, Rhea sorry ha, at salamat na rin. Nakakahiya naman umihi kasi ako kanina at nagmamadali na ako nakalimutan ko tuloy. Hehehe.” Sabay kamot ko sa ulong nagpaliwanag sa kanya.
“Obviously, hay naku halika na nga. Hmm, dapat ilibre mo ako mamaya ng snacks ha.” Patay buti na lang kahit papaano may pera pa ako.
“Okay, my hero basta ikaw malakas ka sa akin eh.” At yun na nga after ng first subject naming ay magkasama kami ni Rhea na nagmeryenda sa canteen ng school. Buti na lang at mura lang ang mga tinda nilang miryenda doon.
Magmula noon ay naging barkada na kami ni Rhea. Sya lang ang kaisa-isang barkada ko na naiwan dahil nag-asawa na si Rey at wala na din sila sa lugar namin kaya naman itinuring ko siyang bestfriend at naging ganun nga kami, bestfriend. Mabait siya at maalalahanin, lagi kaming napagkakamalang magsyota na lagi naman naming sinasabing magbestfriend kami.
And mind you, iyon na rin ang huling nakasama at nakaniig ko si Ate Novy dahil pagkalipas ng ilang araw ay umalis na silang mag-asawa sa lugar namin dahil nadestino sa ibang lugar ang asawa nitong si Jason.
Sana naman hindi rin yon ang huli kong karanasan sa six. At sigurado naman ako dahil magmula noong makasama ko si Rhea ay natuto na akong makisalamuha sa mga tao. Hindi na ako masyadong mahiyain at marunong na rin akong magpalipad hangin sa mga babaeng crush ko. Nagagalit kasi sa akin si Rhea kapag nahihiya ako.
Mayaman sila Rhea kaya mayroon siyang confident sa sarili at maganda siya. Iyon ang akala ko dahil hindi naman daw sa yaman nakukuha ang confident kundi sa sarili mo mismo. Yon ang sabi niya sa akin.
“Dapat may tiwala ka sa sarili mo at sa kapwa mo. Dapat matuto kang tumingin sa mga positibong bagay, optimistic ba, enthusiastic, cheerful, bright, positive, hopeful, expectant, buoyant, blah blah blah.” Sabi pa niya sa akin sabay tapik ng malalakas sa balikat ko.
“Aray ko naman, malalaglag ang baga ko sa ginagawa mo eh.” Yon na lang ang tanging nasabi ko sa kanya dahil totoo naman lahat ng mga sinabi nya.
“Weng sabay tayong mag-enroll ha, daanan mo ako bukas sa bahay para magkapareho tayo ng schedule.” Sabi ni Rhea sa akin habang nagmemeryenda kami sa bahay.
Kinabukasan ay nakapila kami sa cashier ng may kumalabit sa akin at nagtanong.
“Excuse me, pwedeng magtanong.”
“Yes basta ikaw magandang binibini.” Sabi ko ng nakangiti at nakita kong tumaas ang kilay ng bestfriend ko. Ang ganda ng dalagang ito ang seksi ng katawan napapaisip ako kung sino ang kahawig niya pero hindi ko maalala. Dahil pinutol ang aking pag-iisip ng kamukha niya.
“Saan dito yong guidance office? Transferee kasi ako at sabi nila I need to see the guidance counselor.” Ang lambing ng boses grrrrrr.
“Ah miss samahan na kita…”
“Miss doon oh sa kasunod na pinto. Wag ka ng umalis sa pila mo. Sabi ko be confident hindi maging manyak. Yang mata mo parang nagliliyab na sa katitingin sa mabahong version nayan ni Shakira.” Agad na sinabi ng bestfriend ko at umalis na nga ang magandang dalaga patungo sa guidance office.
“Tama ka si Shakira nga ang kamukha niya. I wonder kung buhaghag ang buhok niya baka si Shakira nga talaga siya. Bagay pala ni Shakira ang straight na buhok no? Hahaha.” An daming nakatingin sa kanya habang naglalakad agaaw atensyon sya at outstanding ang beauty nya.
Tapos na kaming mag-enroll ni Rhea ng lapitan kaming muli ng dalagang iyon at nagpasalamat.
“Thank you sa inyo ha. Ako nga pala si Arlene 2nd year AB ako.”
“Hi, ako si Rhea at ito naman si Ruel na kanina ka pa gustong makilala, bestfriend ko. 2nd year AB din kami pareho tayo. Singer kaba?” Banat ng kaibigan ko na dahilan para mapatawa si Arlene,
“Wish ko lang pero hindi eh at hindi rin ako marunong sumayaw lalo na ng mga sayaw ni Shakira. Ewan ko ba feeling ko mas maganda naman ako kay Shakira. Sikat nga lang siya. Joke lang. Oy, pwedeng sa inyo na ako sumama wala pa kasi akong kakilala dito eh?
Naging magkaklase nga kaming tatlo at close naman na kami na parang friends talaga pero para sa akin ayaw kong maging friend lang si Arlene, mas gusto ko siyang maging girlfriend. Hindi ko nga lang alam kung paano ko siya magiging girlfriend.
“Tanga di ligawan mo. Sige na mamaya mo maunahan ka na naman ng iba. Kagaya kay Josie na crush na crush mo, anong nangyari dahil sa katorpehan mo ayon tricycle driver lang ang naging syota niya. Eh, di hamak naman na mas guwapo at mas higit ka kahit saan pa tignan. Tanga ka lang kasi.” Tirada sa akin ng bestfriend kog si Rhea.
Totoo naman kasi mga sinabi nya. Ang ganda ni Josie at siya yata ang unang nagpatibok ng puso ko. Kaya lang pag malapit na siya sa akin parang nawawala na ako sa sarili ko. Ewan ko nga ba, hay naku buti nga ngayon kahit paano medyo tumatapang na rin ako sa tulong ni Rhea. Lagi siyang nagpapaalala sa akin na dapat lagi akong confident sa sarili ko. Well, minsan gumagana siya, hahaha minsan.
Ang isa pang problema ko ay paano pala kung may boyfriend na siya. Sa ganda niya kasi hindi malayong may boyfriend na siya at baka wala akong binatbat sa boyfriend niya.
Gabi ng acquintance party habang hinihintay ko si Rhea sa entrance ng gym ng maulinigan kong pinag-uusapan nila si Arlene. “Pare totoo, nalaman ko na wala na siyang boyfriend break na daw sila ng boyfriend niya mula ng magtransfer siya dito.” Hindi ko alam pero nakadama ako ng pag-asa ng marinig ko ang mga katagang iyon. Alam kong kasama si Arlene sa magpe-perform ng doxology at nandoon lang siya sa backstage nagpe- prepare.
Tamang- tama namang dumating si Rhea at agad ko siyang kinaladkad sa backstage at hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong magtanong o magreklamo. Bahala na kung pinagtitinginan kami at bahala na rin kung nagbibihis sila sa backstage ang importante makausap ko si Arlene, it’s now or never.
“Hi Arlene, narinig ko sa labas na wala ka na daw boyfriend ngayon?”Tanong ko sa kanya habang mahigpit akong nakahawak sa braso ng bestfriend ko.
“Wait lang Arlene ha, sandali lang naman Weng bitawan mo muna ako at sumasakit na ang kamay ko sa higpit ng hawak mo.” Doon ako nahimasmasan at binitawan ko siya. Sabay tapik naman niya sa likod ko na tila nagsasabing kaya mo yan narito lang ako.
Lumabas na sa backstage si Rhea kasabay naman ng pagsagot ni Arlene. “Yeah, we,re not compatible and I don’t want wasting my life sa taong hindi ko naman kasundo sa maraming mga bagay.”
“So sino ng bbb---boy--friend mo----nga----yon?”Pautal kong tanong sa kanya hopping na sana ay tumama naman ako sa unang try kong manligaw.
No comments:
Post a Comment