Chapter IV
Nagising ako dahil sa marahang paghaplos sa aking pisngi. Si Chelle, nakadapa pa rin sa ibabaw ko matamang nakatitig habang hinahaplos ang pisngi ko. Tapos humalik sa lips ko.
"Good morning ganda" Bati ko sa kanya at isang ngiti at mainit na halik ang isinukli sa akin.
Tunay ngang kaysarap sa pakiramdam na pagising mo ay mamumulatan mo ang taong mahal mo ma nakangiti sayo. "Uwi na ako. Hintayin kita mamayang gabi ha. I love you" tumayo na sya at nagbihis, sinuot pa rin nya tshirt ko.
"Anong oras na ba? Kain muna kaya tayo."agad kong tanong sa kanya na tinutulan naman nya agad dahil mag-aalas sais na daw.
Hindi ko na rin sya pinigilan bagkus bumangon na rin ako at hinatid ko sya hanggang makasakay ng tricycle. Bumili ako ng motorsiklo na Kawasaki ng araw na iyon at umuwi sa amin sandali upang manguha ng kaunting gamit na kakailanganin ko sa pagtira sa boarding house. Natuwa ang nanay ko sa desisyon ko kahit papaano. Tutulongan naman daw nila ako hanggang makatapos ako.
Alas singko na rin ng dumating ako sa Baler. Excited akong nag- aalala rin naman kung paano nga ba manligaw. Hindi kasi ako sanay. Sa labas naman kasi ng bahay ko niligawan si Melanie noon at hindi ko naman actually niligawan si Alma. Ganun pa man ay gumayak pa rin ako. Ayaw kong paghintayin ng matagal ang babaeng minamahal ko. Nagsuot ako ng polo na itinuck-in sa pantalong maong. Pagtingin ko sa sarili ko sa salamin sabi ko "ang guapo mo pre".
Nagpakarga ako ng gasolina at umalis na ako papunta sa bahay nila Chelle. Naisip ko na bago ako dumiretso ay paalam muna ako kay mama upang walang maging hadlang kung anut-ano man sa aking gagawin.
"Sinasabi ko na nga eh. Hindi pwede...." biglang sabi ni mama at para akong binubusan ng malamig na tubig. Bakit ayaw nila e matagal na rin namang wala si Melanie ah. Sabi ko sa isip ko.
"....hindi pwedeng ipagpaliban mo pa yang plano mong iyan. Aba anak, sa dami ng nanliligaw kay Rochelle baka maunahan ka ng iba. Boto ako sa kanya anak. Bestfriend yon ni Mini dba? Wag kang mag-alala ha. Basta pag ikinasal kayo ninang ako hane?" agad namang napalitan ng saya yong nadarama ko at tumuloy na nga ako kina Chelle.
Iniisip ko ang magandang intruduction at wala talaga akong maisip. Pagkadating ko sa kanila may nakaparadang owner-type jeep na pag-aari ng lalaking kausap ni Chelle. Sa tingin ko pa ay masaya ang kanilang pag-uusap. Hindi na muna ako bumaba sa motor at nakita kong nasulyapan nya ako ngunit tuloy pa rin ang usapan nila ng lalaking yon. Napuno ng selos ang dibdib ko at hindi ko matagalan ang tanawin kayat umalis ako. Pumunta ako sa bahay nila Liza para magpalipas ng sama ng loob.
"Oi.. Tol pasok ka halika dito. Naligaw ka yata?" agad na entertain sakin ni Liza.
"Oo nga e...ano kasi...pano ko ba sasabihin to?" nag- aalala ako kung pano ko sasabihin sa kanila ang sadya ko sa lugar nila.
"simple lang yan tol...buka mo bibig mo tapos magsalita. Yun masasabi mo na yan hahaha. Ano ba yan baka makatulong kami wag mo lang kaming utangan dahil kulang pa budget namin para sa kasal tol." sabi ni Dado habang inaabotan ako ni Liza ng beer.
"dyahe kasi tol. Akyat sana ako ng ligaw kay Chelle kaso naunahan ako tol may tao na sa kanila tol." sagot ko naman.
"Naku, hihihi. Sabi ko na nga e babalik para kay Chelle. Hoy tulungan kita. Antay ka lang sandali at bibihis lang ako at samahan kita don. Akong bahala sayo." Sabi ni Liza na ewan ko kung bakit tuwang-tuwa at parang mas excited pa nga sa akin.
"Tol painum ka pag napasagot mo yon ha. Hahaha. Sa House of the rising sun tayo tol ha? Hahaha." sa wakas makakainum na ng libre" tuwang- tuwang sabi ni Dado.
"Tol naman baka mamaya mo mawas pa tayo jan." sagot ko naman sa kanya.
"Anong mawas? Pag busted ka tol ako ang magpapa inom sayo. Hehehe" agad nyang sagot sa akin na puno ng confident.
"Sweetheart bilisan mo na jan at gumagabi na oh. Palayasin mo na agad yong bisita ni Chelle ng masigurado na yong happy-happy natin." Sabi ni Dado kay Liza habang inaabutan pa ako ng isang beer.
"Pagpasok mo tol tukain mo na agad hahaha para di na makawala"ng bigla syang batukan ni Liza "t*ng* ka talaga" at nagtawanan kaming tatlo.
Inangkas ko sa motor si Liza pagpunta namin kina Chelle. " Relax ka lang ha akong bahala sa introduction, tapos yon iiwanan na kita don pag okay na ha? Kaya mo yan akong bahala sayo." sabi nyang kahihimigan mo ng pagkapilya.
"Rochelle? Rochelle lumabas ka jan. Kelangan nating mag-usap ngayon." sabay kindat sakin ni Liza dahil mejo nagulat ako hindi mejo talagang nagulat ako.
"Oi Liza naman nakakahiya may bisita ako oh. Ano bang kasalanan ko?"Naguguluhang tanong ni Chelle kay Liza dahil sa galit na galit na sigaw ni Liza.
"wala akong pakialam sa bisita mong hilaw sa pagkakalutong iyan. Galit ako dahil sa ginawa mo. At ikaw ha umuwi ka na kung ayaw mong madamay dito ha." labas litid sa leeg na sabi ni Liza at presto nagpaalam na ang maputing bisita ni Chelle.
"Anong kaguluhan ba yan Chelle, Liza ha?" tanong ng nabulabog na tatay at nanay ni Chelle. "hihihi galing ko ano anti. Pang famas talaga." binatukan sya ni Chelle na tatawa-tawa.
"Aray ko naman Sis. Sige uwi na ako anti hinatid ko lang tong kaibigan ko aakyat daw ng ligaw kay Chelle, hahaha. Good luck lover boy, hihihi."at agad ng lumayas na parang ewan si Liza, baliw. Pero ang galing nya talaga kahit ako e naniwala sa acting nya. Member nga pala si Liza ng teatro noon naalala ko pang nire- recruit pa nya ako noon.
"Oh, di ba ikaw si Ace yong asawa ni Melanie noon?" tanong ng nanay ni Chelle na hindi ko na nasagot dahil ang tatay nya ang sumalo sa akin.
"Oo sya yan. Tulog na ulit tayo. Oi Chelle, wag masyadong magpagabi ha" at tumalikod na ang dalawa para matulog. Nakakasama ko nga pala sa pangingisda minsan- minsan noon ang tatay ni Chelle.
"Opo tay. Cge na tulog na kayo."Sagot ni Chelle at agad na nya akong hinarap.
"Upo ka. Ganda ng entrance mo ah." seryosong sabi nya sa akin.
"Ano hindi ko naman din alam na ganun gagawin ni Liza...pasensya ka na ha.." agad kung paliwanag sa kanya.
"Okay lang yon atleast umalis yong makulit na yon si Gilbert. " sagot din nya agad sa akin.
"Oi ano may sasabihin ka ba, nakatulala ka na jan o?" pukaw nya sa pananahimik ko, hindi ko kasi matagpuan ang tamang salita para mag umpisa. Kaya lumapit ako sa kinauupoan nya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.
"Chelle hindi ako mayaman na tulad ng manliligaw mo kanina at lalong hindi ako mestiso kagaya rin nya. Hindi ko rin maipapangako ang buwan at bituin upang ialay sayo. Wala akong anuman kundi ang aking puso na wagas na tumitibok para sayo. Hindi ko rin maipapangako ang isang magandang bukas at masaganang buhay. Pero nais kong malaman mo na magsisikap ako para maging karapat-dapat sa minimithi kong pagsinta mo." bigla niya akong tinawanan at kinurot sa aking tagiliran. Tawa pa rin sya ng tawa at nakaramdam na ako ng pagkapahiya.
"Okay, so paano...hahahahaha"hindi pa rin mapigil ang pagtawa nya.
Ako man din ay nakornihan sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyon. Maya-maya pa ay tumayo na ako ngunit tumayo rin sya at niyakap ako sabay halik sa lips ko na tumagal ng halos dalawang minuto.
"Tay punta lang kami sandali ng Boyfriend ko kina Liza at magtutuos kami ng baliw na iyon." paalam nya na hindi ako makapaniwala dahil Boyfriend na daw nya ako. E di okay pero hindi ako makatalon dahil nakaakap ang isang kamay nya sa beywang ko. Pero sobrang ligaya ang nadarama ko ng mga sandaling iyon.
"Tao po. Tao po." pinagbuksan kami ng kapatid ni Liza.
"Ate mo potpot?" tanong ni Chelle at itinuro lang sa amin ang kuartong sarado.
"Liza, hoy Dado bunutin mo muna yan , hihihi" humahagikhik na sabi ni Chelle.
"Pilya ka talaga" sabi ko sabay akbay sa kanya. At tatawa- tawang lumabas sabay batok kay Chelle ni Liza at ambilis nyang umilag at nadala ako sa pag-ilag nya dahil nakaakbay ako sa kanya at ako. Ano pa nga ba, ako ang tinamaan at take note hindi sa batok kundi sa nguso. Sapol at dugo ang labi ko.
"O ano yan?" Tanong ni Dado. Yan o luka-lukang asawa mo sinuntok sa nguso ang boyfriend ko" sabay turo ni Chelle sa tumatawang si Liza habang inaabot kay Chelle ang isang tipak ng yelo.
"Pasensya ka na tol ha para kay Chelle yon pero nakailag e." hingi ng paumanhin sakin ni Liza habang sige pa rin sa pagtawa .
"Yes, yes, yes, tuwang-tuwang sabi ni Dado na parang sya ang sinagot at hindi ako. Bihis ka na sweetheart alas otso pa lang naman e. House of the Rising Sun tayo may libreng inuman ngayon doon. Hahahaha."Tuwang-tuwa utos ni Dado kay Liza. Oo nga pala may usapan nga pala kami kanina. Hindi ko naman alam na seseryosohin nya yun.
"Bakit ano mayroon don?" nagtatakang tanong ni Chelle.
"Papainom ngayon yang bf mo dahil sinagot mo sya, blow-out ba. Ano paalam na kayo sa inyo at una na kami doon daanan pa namin sina Jonathan at Quenie. Gamitin na lang namin tricycle namin. Yes yes yes." pagtataboy sa amin ni Dado at agad ng pumasok sa kuarto para gumayak.
Ala na akong nagawa kundi magkibit balikat. "Ano mahal ko?"tanong ko kay Rochelle.
"hay sige tara wala na tayong choice no. Tuwang- tuwa kasi ang dalawang yon dahil gusto ka nila para sakin."sagot nya sa tanong ko.
"Bakit naman?" muling tanong ko sa kanya.
"Kwento ko na lang sayo next time tara na."Pumayag naman agad ang tatay ni Chelle dahil siguro sa tiwala nila sa akin o mas tamang sabihing siguro dahil nasa tamang edad rin naman na sya. Magkaangkas kami sa motor na pumunta sa Restobar na iyon.
"Kaninong motor to?" tanong niya sa akin.
"Sa atin to binili ko kanina. Maganda ba?" sagot ko sa kanya. Yumakap sya sa akin sa beywang ko at ramdam ko ang kanyang dibdib na naiipit sa likod ko. Nakasandal ang baba nya sa balikat ko.
"Oo maganda. Magkano?" tanong nya sa akin.
“Mura lang yan 46 thousand.”
Wala pa sina Dado pagdating namin doon kaya umupo muna kami sa sea wall at pinapanood ang mga ilaw sa laot na parang magkakatapat pero sa totoo e magkakalayo ang mga ilaw na yon ng mga mangingisda. Nakahilig sya sa balikat ko at dinadama ko naman ang ligayang dulot ng moment na yon. Ang sarap sa pakiramdam. Yon bang parang wala ka nang hahanapin pa. Peace, contentment ah ewan basta alam ko inlove ako sa babaeng nakaakap sa akin at nakasandal sa balikat ko at mahal din nya ako.
No comments:
Post a Comment